Separation of Church and State, natutupad nga ba?
Obvious na obvious sa mga Plipino na ang gobyerno at ang mga nasa gobyerno ay hawak pa rin sa leeg ng Iglesia Katolika, tulad dati noong panahon ng mga kastila, at dahil nga majority ng mga Pilipino ay Katoliko, ito ang lakas ng Iglesia Katolika upang pakialaman ang gobyerno.
Magtataka pa ba tayo kung bakit ganun na lang kung tumutol ang Iglesia Katolika sa RH BILL?
-Pag mas maraming katoliko, no choice ang mga nasa gobyerno dahil ito ang lakas ng RCC.
-Mas kokonti ang infant baptism, kaya mas kokonti ang paglago ng bilang ng mga Katoliko.
Ang mga nakakatuwang obserbasyon lang ay pati mga Katoliko, at mismong mga pari, at mga obispo ay hati ang opinyon sa RH BILL. Pinagpipilitan pa nilang ang overpopulation daw sa Pilipinas ay isa lamang MYTH. Sinasabi rin nilang hindi naman daw makakatulong ang RH BILL sa pagkonti ng populasyon sa Pilipinas. Hindi rin daw ito sagot sa kahirap ng mga Pilipino.
WALA NAMANG SINASABING ANG NO.1 solution sa kahirapan ng Pilipinas ay ang RH BILL!
Kung magiging open minded lang tayo, sasaang ayon tayong lahat sa pinupunto ng RH BILL, hindi yung nagdidisinformation campaign tungkol dito, na kesyo gagawing legal ang aborsyon at iba pa, bakit kasi kailangan pang pakialaman ng Roman Catholic Church (RCC) ang gobyerno?
Nakakatuwa ring obserbasyon kung paano nila gawan ng kwento na ang Iglesia ni Cristo DAW ay nangingialam sa pulitika, niloloby daw ang mga politiko para kay Corona, Merceditas Guttierez, at Gloria Arroyo, na wala namang nakapagpatunay na totoo ngang GUMAWA NG HAKBANG ANG INC para sa mga bagay na ito. Kesyo tinatakot daw ng INC ang ibang politiko na hindi sila iboboto sa eleksyon at iba pa.
Lahat ng ito ay pawang kasinungalingan, ngunit itong mga bagay na ito, ang RCC ang gumagawa!
"Some Church officials did not shy away from reminding lawmakers that their vote could affect their chances of victory in the next elections.
Bishop Gabriel Reyes, head of the Episcopal Commission on Family and Life, said the Church would be issuing guidelines to voters in the 2013 local elections that will tell them to choose a candidate who are pro-life.
El-Shaddai leader Mike Velarde, in his speech before the Mass, said: “Those who vote for the RH bill. You know what will happen. RIP.” source: inquirer.net
Eto pa...
"As Congress prepares to vote on the controversial Reproductive Health bill, all eyes are focused on the bishops of the Catholic Church. They have done everything to thwart the passage of the bill, including intense person-to-person lobbying for every legislator’s vote." source: inquirer.net
Kaya takot na takot ang mga politiko, wala silang magawa kundi bumoto against sa RH BILL, ito po ang totoong PANGINGIALAM SA PULITIKA, hindi yung aakusahan ang INC ng mga bagay na di naman nito ginagawa, ang INC bumoboto lang as one dahil sa doktrina ukol sa pagkakaisa, yun lang at wala ng iba pa.
Isa pa palang nakakatuwang obserbasyon ay ang mismong Presidente ng Pilipinas, na alam naman natin na ang nanay nya ay isang deboto at saradong katoliko ang nagsusulong ng RH BILL.
Nung sabado lang ay nagkaroon ng malawakang protesta ang mga katoliko sa ibat ibang lugar, asan na ang MILYUN MILYONG katoliko? Bakit iilang libo lang ang nakikisa? May pagkakaisa nga bang talaga sa Iglesia Katolika?
Ito pa...
Ano kaya ang kahahatungan ng pangingialam sa pulitika ng RCC, na pilit inaakusa sa INC ng walang batayan at ebidensya, sa pagpasa ng RH BILL? Ano kaya ang magiging desisyon ng mga katolikong pulitiko, ano kaya ang susundin nila, ang stand ng relihiyon nila o ang desisyon para sa ikabubuti ng bansa?
Abangan na lang natin...
No comments:
Post a Comment
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.