"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 25, 2012

Sumasamba nga bang talaga ang mga Katoliko sa mga imahen at statwa?


Maraming katoliko ang nagsasabi na paninira lang daw ng Iglesia ni Cristo ang pagsamba nila sa mga larawan o imahen, kaya talakayin natin kung may katotohanan ba na kathang isip lamang ng mga Iglesia ni Cristo ito at talaga ngang hindi sumasamba ang mga katoliko sa mga ito...

Nagkaroon po ako ng pagsusurvey sa mga ex catholics na mga INC members na ngayon, curious kasi ako sa KATOTOHANAN kung talaga bang sumasamba ang mga katoliko sa rebulto/imahen. Matagal na rin kasing sinasabi ng Catholic Church at mga catholic defenders na hindi DAW sila sumasamba sa mga yon, tapos nagsearch din ako sa Katesismo nila at sinasabi nga doon na hindi sila sumasamba sa mga yon.

Tapos, napaisip ako, ano ba talaga, sumasamba nga bang talaga sila sa mga yon o hindi, kaya nagtanong ako sa mga ex catholics. Ang tanong ko eh ganito: Nung katoliko po ba kayo sinasamba nyo po ba ang mga statwa/imahen sa Catholic Church o ginagalang lang? Ano ba ang paniniwala nyo dati sa mga statwa/imahen at mga santo dati?

Nagulat ako dahil magkakaiba ang kanilang mga paniniwala, para dun sa mga wala masyadong alam sa doktrina sinasamba daw nila, para naman dun sa mga may "kaalaman" sa mga doktrina ng Catholic Church sinasabi na ginagalang lang daw nila dati ang mga iyon kaso kumbaga pag tinitignan nila ang kanilang ginagawa, pati ng mga kapwa nila katoliko ay natitisod sila at masasabing ngang pagsamba iyon.

Nag isip akong mabuti, ibig sabihin pala yung sinasabi nilang "ignorante" sa paniniwala sa Katoliko, eh literal nilang SINASAMBA ang mga larawan/rebulto, dun naman sa mga may alam eh ginagalang lang nila, pero nakikita nila at naiiisip din na may mali sa gayon.


Tanong, ILANG PORSYENTO NG MGA KATOLIKO SA PILIPINAS ANG MAY ALAM SA DOKTRINA NILA? EH ANG MAY ALAM?


Kung ako ang tatanungin, ang estimate ko, 50-60% ng mga katoliko sa Pilipinas ay matatawag na walang alam sa mga aral nila, at mga 30%-40% lamang ang may mga kaalaman, eto yung mga catholic defenders (official or unofficial) at mga may tungkulin sa simbahan. Kahit nga mga deboto ay hindi naman masasabing may alam sa doktrina, ang marami kasi, lalo na yung mga katoliko sa probinsya ay kumbaga naging tradisyon at kinagisnan na lang nila ang mga yon, sinusunod at ginagaya lang nila yung mga ginagawa ng mga magulang nila, pero kung tatanungin mo tungkol sa doktrina, ay wala talaga silang alam.


Kaya ang tanong muli, TALAGA NGA BANG SUMASAMBA ANG MGA KATOLIKO SA MGA LARAWAN AT REBULTO NILA?


Oo, para sa mga walang alam sa doktrina at LITERAL nga nila itong sinasamba. Hindi, para naman sa mga katoliko na maraming alam sa doktrina nila. At ang nakakatuwa lang ay MAJORITY ng mga katoliko ay mga walang alam sa doktrina nila, kaya ang majority ng sagot ay Oo, sumasamba ang mga katoliko sa mga imahen at rebulto. Hindi po ito paninira, hindi rin po ito paratang o akusasyon, kahit magsurvey kayo sa mga katoliko sa Pilipinas, may alam man sa doktrina o wala ay matitisod pag sinabing sumasamba sila sa mga diosdiosan...


Mali ba ang INC kung sabihin nilang SUMASAMBA ANG MGA KATOLIKO SA MGA REBULTO O IMAHEN ng mga santo at ng kanilang (mga) Dyos?

Hindi. Bakit? Tignan natin sa dictionary:

World English Dictionary
worship (ˈwɜːʃɪp)

vb , ( US ) -ships , -shipping , -shipped , -ships , -shiping , -shiped
1. ( tr ) to show profound religious devotion and respect to; adore or venerate (God or any person or thing considered divine)
2. ( tr ) to be devoted to and full of admiration for
3. ( intr ) to have or express feelings of profound adoration
4. ( intr ) to attend services for worship
5. obsolete ( tr ) to honour

n
6. religious adoration or devotion
7. the formal expression of religious adoration; rites, prayers, etc
8. admiring love or devotion
9. archaic dignity or standing

source: dictionary.reference.com

Tanong, may veneration ba ng mga santo at mga rebulto/larawan sa Catholic Church?

The Catechism requires all Catholics to "venerate" statues, or images of Christ, Mary and others:
"Sacred images in our churches and homes are intended to awaken and nourish our faith in the mystery of Christ. Through the icon of Christ and his works of salvation, it is he whom we adore. Through sacred salvation, it is he whom we adore. Through sacred images of the holy Mother of God, of the angels and of the saints, we venerate the persons represented." Pg. 307, #1192
source: chick.com

Kahit naman hindi ako magquote tungkol dito ay alam kong alam lahat ito ng mga Katoliko. Meron naman pala, tignan po muli natin ang meaning ng WORSHIP sa dictionary sa itaas...

Mali ba kung sabihin man ng mga hindi Katoliko na SINASAMBA NILA ito?

Eto po ang mga pag amin nila:

“13. Is the worship of the saints confined to their persons?—No; it extends also their relics and images… 15. Ought we to worship holy images?-- We should have, particularly in our churches, images of our lord, as also of the blessed Virgin and the saints, and we should pay them due honor and veneration.” (Catechism of Christian doctrine, no. 3, p. 87)


“Moreover, following other schoolmen, Thomas also showed in a wonderful section of his summa Theologica, his understanding of the irrational element in the cult image and its veneration: When one turns to an image, he says in so far as it is a thing—either a painting or a statue—it deserves the same reverence as Christ himself. ‘Since Christ is worshipped with humble veneration, it follows that his image, too, must be worshipped with (relatively) humble veneration’ ” (Summa Theol. III, pu. 25, art. 3, Early Christian Art, p.151)

Pero teka, baka sabihin ng ilan na napaka ignorante ko dahil old english meaning ang ginamit ko, meron na daw kasing bagong meaning na INIMBENTO ng Catholic Church. Ito ang latria, dulia at hyperdulia na gawa gawa ni Thomas Aquinas sa librong Summa Theologiae:

"Reverence is due to God on account of His Excellence, which is communicated to certain creatures not in equal measure, but according to a measure of proportion; and so the reverence which we pay to God, and which belongs to latria, differs from the reverence which we pay to certain excellent creatures; this belongs to dulia, and we shall speak of it further on (II II 103 3)"; in this next article St. Thomas Aquinas writes: "Wherefore dulia, which pays due service to a human lord, is a distinct virtue from latria, which pays due service to the Lordship of God. It is, moreover, a species of observance, because by observance we honor all those who excel in dignity, while dulia properly speaking is the reverence of servants for their master, dulia being the Greek for servitude."

source: wikipedia

May distinction pang nalalaman para lang hindi magmukhang WORSHIP ang kanilang ginagawa sa mga ito. Pero bukod dito sa doktrina nila, ano pa bang bagay ang makapagsasabi na SINASAMBA nga nila ang mga imahen/rebulto ng mga santo, ng bersyon ng Maria nila at ng kanilang (mga) Dyos?

Sabi nga nila, ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS...





Eto pa oh, sige sabihin nila PAGGALANG LANG iyon sa statwa, BAKIT MAY NAMAMATAY? BAKIT MAY NASUSUGATAN? Kung madalas nilang ihalintulad sa mga ordinaryong statwa/imahen ng mga magulang o ng mga bayani, KAILANGAN BANG ITAYA ANG SARILING BUHAY?




Eto pa, kung hindi nila PINAPARANG MGA DYOS ang mga SANTO nila, pati ang bersyon ng MARIA nila, BAKIT KAILANGANG KASAMA SA RETABLO ANG MGA SANTO NA SANAY PARA LANG SA KANILANG DYOS NA MAY TATLONG PERSONA? Ito bay nangangahulugang magkakapantay lang sila? Ano sa tingin ninyo?




Kayo na po ang bahalang humusga...

Hindi ko na po siguro kailangang ipagsigawan at ipaulit ulit na talaga ngang SUMASAMBA ang mga Katoliko sa mga imahen/rebulto ng mga santo nila, si Maria (Catholic version) at ng kanilang (mga) Dyos. Obvious na po ang sagot. Saka kahit naman po pagtakpan ng Catholic Church ito, ito po ang katotohanan.

Pinagmulan ng gawaing pagsamba ng mga Katoliko sa mga larawan/statwa

Kung titignan natin ang history, bago pa man dumating ang Katolisismo sa Pilipinas nung pananakop ng mga kastila, mayroon ng sariling paniniwala ang ating mga ninuno na tinatawag na ANCIENT INDIGENOUS BELIEFS, inshort silay mga pagano, mga sumasamba sa hindi tunay na Dyos.


Folk Religion

Ano ba ito?

"Folk religion consists of ethnic or regional religious customs under the umbrella of an organized religion, but outside of official doctrine and practices. Don Yoder has defined "folk religion" as "the totality of all those views and practices of religion that exist among the people apart from and alongside the strictly theological and liturgical forms of the official religion....

Chinese folk religion, Folk Christianity, Folk Hinduism, and Folk Islam are examples of folk religion associated with major religions. There is sometimes tension between the practice of folk religion and the formally taught doctrines and teachings of a faith." source: wikipedia

Folk Catholicism

Ano ba ito?

"Folk Catholicism is any of various ethnic expressions of Catholicism as practiced in Catholic communities around the world, typically in developing nations. Practices that are identified by outside observers as "folk Catholicism" vary from place to place, and often depart from the official teachings of the Roman Catholic Church...

Folk Catholic practices occur everywhere that Catholicism is a major religion, not only in the often-cited cases of Latin America and the West Indies. Folk accommodations between orthodox Catholicism and local beliefs can be found in Gaelic Scotland, the Philippines, Ireland, Spain, Portugal, France, Italy, Poland, and southern India." source: wikipedia


Folk Christianity

Ano ba ito?

"Folk Christianity is defined differently by various scholars. Definitions include "the Christianity practiced by a conquered people;"Christianity as most people live it – a term used to "overcome the division of beliefs into Orthodox and unorthodox;"Christianity as impacted by superstition as practiced by certain geographical Christian groups; Christianity defined "in cultural terms without reference to the theologies and histories." source: wikipedia

Pagpasok ng pagan practices sa Iglesia Katolika sa Pilipinas

Walang sinuman ang makakapagtanggi na maraming pagan traditions, practices and ceremonies ang ginagawa ng mga Katolikong Pilipino na wala sa orihinal na mga paniniwala at tradisyon ng Iglesia Katolika sa Roma. Isa na sa napakaraming halimbawa ang ginagawang pagsamba ng LITERAL ng mga Katoliko na walang alam sa doktrina nila lalo na ang mga nasa probinsya sa mga larawan/statwa.

Sige pagbigyan na natin, sabihin na nating wala ngang doktrina ang Iglesia Katolika na sambahin ang mga ito, PERO, muli, hinding hindi nila maitatago ang katotohanang sumasamba nga ang maraming katoliko dito...

2 comments:

  1. Ang IGLESIA KATOLIKA ay gumagamit ng mga larawan o rebulto sa pagsamba nila sa kinikilala nilang Dios at sa harap nito sila lumuluhod at nanalangin. Sinasabi nila na hindi ang larawan ang kanilang sinasamba kundi ang Diyos. Ang larawan ng kinikilala nilang Diyos ay representasyon lamang daw ng kinikilala nilang Diyos at hindi ang mismong Diyos. Bagaman sa harap ng larawan nanalangin at lumuluhod ang mga KATOLIKO, hindi nila tinatanggap na ang larawan ang sinasamba nila sapagkat hindi naman nila sinasabi na "larawan sinasamba kita."

    Ang mga PAGANO ay gumagamit din ng mga larawan o rebulto sa pagsamba nila sa kinikilala nilang Dios at sa
    harap nito sila lumuluhod at nanalangin. Sinasabi rin nila na hindi ang larawan ang kanilang sinasamba kundi ang Diyos. Ang larawan ng kinikilala nilang Diyos ay representasyon din lamang daw ng kinikilala nilang Diyos at hindi ang mismong Diyos. Bagaman sa harap ng larawan nanalangin at lumuluhod ang mga PAGANO, hindi rin nila tinatanggap na ang larawan ang sinasamba nila sapagkat hindi naman din nila sinasabi na "larawan sinasamba kita."

    SAMAKATUWID, PAREHO ANG GINAGAWA AT URI NG PAGSAMBA NG IGLESIA KATOLIKA AT MGA PAGANO. KAPUWA SILA GUMAGAMIT NG MGA LARAWAN AT REBULTO SA PAGSAMBA NILA SA KINIKILALA NILANG DIOS AT SA HARAP NITO SILA LUMULUHOD AT NANALANGIN.

    PAREHO silang nagsasabi na hindi ang larawan ang sinasamba nila kundi ang kinikilala nilang Diyos.
    PAREHO silang nagsasabi na ang larawan ng kinikilala nilang Diyos ay representasyon lamang ng kinikilala nilang Diyos at hindi ang mismong Diyos.

    PAREHO rin na hindi nila tinatanggap na ang larawan ang sinasamba nila sapagkat hindi naman nila sinasabi na "larawan sinasamba kita" bagaman sa harap ng larawan sila nanalangin at lumuluhod.

    TOTOO KAYA NA HINDI SUMASAMBA SA MGA LARAWAN ANG MGA PAGANO AT IGLESIA KATOLIKA?

    KAYO NA PO ANG MAGPASIYA!

    ReplyDelete
  2. Ika nga sa panahon ng Roma....
    Dahil hindi nila mapigilan ang Iglesia ni Cristo noon,sumali na lang sila at sinira iyon mula sa loob sa pagbibigay ng mga maling aral.
    Ika nga,sila ang mga nagtapon ng toxic materials sa isang dalisay na ilog.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.