"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 22, 2012

Bloc Voting ng INC: Bibliya ang basehan



Ano ba ang bloc voting sa INC? Ito bay gawa gawa, imbento kamakailan ng mga "Manalo" o ng Iglesia ni Cristo o may basehan ito para gawin ang bloc voting?

Pangingialam ba sa gobyerno pag nag bloc voting ang INC?

May kapalit ba ang pagtulong ng INC sa mga kandidato o humihingi ba ng kapalit ang INC sa mga kandidatong sinuportahan pag nanalo sa eleksyon?

Pag nagkaisa ba ang isang organisasyon sa isang bagay, halimbawa na ay bloc voting, masama na ba ito?

Talaga nga bang dinidiktahan ng INC ang mga myembro nito na para bang walang alam ang mga myembro tungkol sa kaisahang ito nung nabautismuhan sila sa INC?

Mga anino nga ba at mga uto uto ang mga INC members dahil lang nagpasakop o sumunod ito sa kaisahan sa Iglesia?

Bakit hanggang ngayon ay paulit ulit pa rin ang batikos at ganun na lang magreak ang mga di myembro sa bloc voting ng INC samantalang pang INC lang naman yun, di naman sila kasama?

Sino ba ang mukhang mas pakialamerot pakialamera, ang INC na ginagawa lamang ang kaisahan na may basehan naman sa bibliya o ang mga tumutuligsa sa INC samantalang di naman sila involved dito?

Totoo nga bang may "bloc voting" sa INC?

Wow, ang daming tanong, ang sagot naman ay napaka obvious, at paulit ulit na ring ipinapaliwanag. Bakit sa almost 100 years ng INC di pa rin makuntento ang mga di kaanib sa pagsagot naming mga INC tungkol sa bloc voting? At bakit ayaw nilang tanggapin ang sagot namin? Marahil kaya silay mga wala lang talagang magawa sa buhay at dahil silay closeminded?

Sa totoo lang sobrang nakakatamad na sagutin ang mga di kaanib tungkol dito, pati ang taga media paulit ulit din sa mga akusasyon, hindi na rin ako nagtataka kasi nga malaking isyu pag PULITIKA ang pinag uusapan, kaya kahit anong topic mapa maliit man ay napapalaki at nahahaluan ng ibang kulay.

To make the answer short sa mga tanong sa itaas, PAKIPANOOD NA LANG ANG VIDEO SA ITAAS. salamat po!^^

Pero mulit muli, kaklaruhin ko ang mga bagay bagay in the very honest way^^


#1 Hindi po pakikialam sa gobyerno ang Bloc Voting

Nagtataka ako kung paano naging PANGINGIALAM sa gobyerno ang bloc voting ng INC, pag sinabi kasing pangingialam, gumagawa ka ng mga bagay para maimpluwensyahan ang isang tao o grupo ng mga tao. Bakit ba minsan natatawag tayong pakialamero o pakialamera? Di ba sa halip kasi na gawin natin yung sarili nating "business", eh pinoproblema pa natin at pinakikialaman pa natin ang mga bagay ng iba.

Kung magkakaisa ang INC para sa kung sino ang magiging pinuno ng bayan o bansa, ano namang masama doon?

Sige nga, kung kayo magkakaisa kayo ng pamilya mo na panoorin ang isang pelikula ng sama sama, sa halip na kanya kanya ng gusto panoorin, ito bay pangingialam sa SINEHAN? Oo, makakaapekto ito sa kita ng isang pelikula pero ano namang pakialam nila dito? Ganun din sa INC, kung may basehan naman ang bloc voting ng INC bakit hindi? Oo, makakaapekto ito sa resulta ng eleksyon pero pangingialam ba itong maitatawag? San banda???


#2 Pagdidikta ba sa mga myembro ang ginagawa ng INC sa kung sino ang iboboto nya?

Para maintindihan natin ito, mag eexample uli ako, halimbawa, nandidikta ba o namumuwersa ang isang traffic enforcer sa isang driver kung sabihin man nitong huminto sya pag red ang traffic lights/stoplights? Siguro naman alam ng driver na may batas ukol dito, at kung susuwayin nya ito ano ang mangyayari sa kanya? Syempre matitiketan bilang punishment... Ganun din sa INC, lahat ng INC member may awareness na may KAISAHAN SA PAGBOTO at sa iba pang bagay simula palang nung dinodoktrinahan sila, at kung may hindi susunod dito na isa sa mga aral ng INC, ano satingin nyo ang mangyayari?

Kung may paglabag, syempre may parusa, as simple as that. Kaya hindi isang kalokohan sa INC kung matiwalag ang isang hindi sumunod sa mga aral nito.

Sunod, pamumuwersa ba o pagdidikta ang ginagawa ng INC sa mga myembro nito kung paaaalalahanan ang mga ito lalo na pag malapit ang eleksyon tungkol sa doktrina ng INC na may basehan sa bibliya tungkol sa KAISAHAN? Kung may aral ang INC tungkol dito ano bang dapat gawin? Sundin o baliwalain? Kung sabihin ng INC na sundin ang kaisahang ito, pamumuwersa ba ito? Ang INC ba ang magsusulat sa balota o ang mga myembro? Kung sumunod ang INC members sa pasya ng pamamahala, UTO UTO BA ANG TAWAG DON? Uto uto ka rin ba kung susundin mo ang magulang mo kung inuutusan kang galangin mo sila at mag aral kang mabuti? Pamumuwersa ba at pagdidikta kung sabihin ng magulang mo sayo na gumawa ka ng mabuti at respetuhin mo sila?


#3 Gawa gawa lang ba ngayon ngayon lang ng INC o ng mga "Manalo" ang kaisahan sa pagboto?


Hindi. Bakit? Dahil noon pang 1st Philippine election, panahon ng Commonwealth Era, nung pagkakapanalo ni Manuel Quezon bilang pangulo ng Pilipinas, panahon pa ni Ka Felix ay ginagawa na ito sa Iglesia, paano ito magiging isang imbento lang? Porke ba ang madalas ireport ng media ay ang pagsuporta ng INC kay Ferdinand Marcos up to Present ibig sabihin kailan lang ito naganap, o kailan lang nagyari itong bloc voting na ito?


#4 Bakit kaya paulit ulit na lang ang batikos ng mga di kaanib kabilang na ang mga taga media sa doktrinang ito ng INC?

Hindi ko ito masasagot, dahil nagtataka rin ako kung bakit ganoon samantalang lagi naman silang nasasagot tungkol dyan. Pero ang duda ko ay dahil sa word na PULITIKA. Pag ang showbiz nahaluan ng pulitika, malaking balita. Pag ang religion nahaluan ng pulitika, malaking balita din. Kaya siguro ito ganoon kasikat na pag nababalita ang INC sa telebisyon ay walang ibang masasabi o maidedescribe kundi "Kilala ang INC sa bloc voting tuwing eleksyon".


#5 May kapalit nga bang talaga ang suporta ng INC sa mga kandidato tuwing eleksyon?

Ano ba ang kapalit o EXCHANGE?

Pag sinabing kapalit para kang nakikipag SWAP, para ding BARTER kung alam nyo ito, ito yung ginagawa natin nung lumang panahon na wala pang pera, nakikipagpalit ng bagay sa iba halimbawa maraming kang gulay wala ka namang bigas, hahanap ka ng sinuman na nangangailangan ng gulay dahil marami naman syang bigas. Ganun yun. Eh ang pagsuporta ba ng INC sa mga kandidato may KAPALIT? May EXCHANGE IN RETURN kumbaga? Pinaka honest na sagot? WALA! Opo, wala talaga as in walang wala dahil itoy ipinagbabawal sa INC.

Kahit nga tumanggap man ng kahit ano ang isang ministro sa isang kumakandidato sa eleksyon kahit na di naman sa kanya manggagaling ang pasya sa kung sino ang iboboto ay nasususpinde o nawawalan ng karapatan o worst, natitiwalag. Bawal din sa mga kaanib ng INC na sumama sa pagpopromote ng isang kandidato...

Ang madalas naman na sabihin ng mga di kaanib at ng media na kapalit DAW ng boto ay tungkol sa appointments ng pangulo sa gobyerno. Sabi ko nga sa inyo sasagot ako in the very honest way, at ang masasabi ko hindi ito KAPALIT sa pagsuporta kasi kung ganoon man eh di sana simula pa noong panahon ni Quezon eh lahat ng matataas ang katungkulan LAHAT INC, tutal may KAPALIT pala, as in automatic exchange o kaya may agreement na kapalit. Kaso hindi, tignan nyo nga si Pres. Noynoy, diba nabalita pa nga na hindi daw pinansin ang suggestions ng INC tungkol sa mga appointments, oh pano magiging KAPALIT YUN?

Hindi kasi KAPALIT ang tawag dun, ang mas akmang term doon ay UTANG NA LOOB, opo, totoo din yung sinasabi nila na dahil sa word na ito kaya pumapayag ang mga sinuportahan ng INC na tanggapin ang ibang suggestion list ng INC sa appointments. Tungkol naman sa local government na sinasabi din daw nila na pag sinuportahan sila ng INC ay gagawa din daw ng mga bagay o tutulungan ang INC, o kung ano pa man...

Totoo din po ito, dahil sa tinatawag na UTANG NA LOOB, ang utang na loob po, ang magdedesisyon ay yung nagawan mo ng pabor o kabutihan at hindi IKAW na tumulong o gumawa ng kabutihan. Wala naman sigurong masama kung magtutulungan ang simbahan at pamahalaan diba? Ito kasing UTANG NA LOOB na ito ay hindi dapat tanggapin in a negative way, dapat in a POSITIVE WAY.

Halimbawa may tinulungan kang tao, tapos nagpasalamat sayo yung tao, yung pagtulong na yun MAY KAPALIT BA? diba wala? Eh paano kung ikaw naman ang may problema at maaaring makatulong yung taong tinulungan mo, hindi ba masama kung tanggapin mo ang tulong nya?

Masama ba ang UTANG NA LOOB? Ang utang na loob ba sapilitan? syempre hindi, nasa sayo naman yon kung susuklian mo ng kabutihan yung nakagawa ng kabutihan sayo. Tutulungan mo ba ang taong tinulungan ka kung yung tulong na gusto sayo ay labag sa kalooban mo?

Same thing with the INC and the supported political candidates.

Ngayon naman, panoorin natin si Lourd de Veyra na sinupalpal ng mga kasama nyang tv hosts dahil masyado naman nyang pinipilit na PANINGINGIALAM daw sa gobyerno ang ginagawa ng INC. May napanood nga din ako dito sa youtube na sya lang mag isa, habang sinasabi nya ang mga mali mali nyang opinyon sa bloc voting ng INC, kaso ngayon hindi ko na mahanap, eto po:





Talakayin natin ang mga punto ni Mr. Lourd sa mga mali mali nyang opinyon sa bloc voting ng INC...


#1 May impluwensya nga ba ang INC sa appointments ng pangulo sa gobyerno?

Honest answer, Yes. Impluwensya in a sense na may partisipasyon ang INC dito hindi in a sense na binubulungan o inuutusan ng INC ang presidente ng Pilipinas na sinuportahan nito na lahat ng nasa suggestion list na binigay ng INC ay iaapoint ng Pangulo. Dapat kasi natin malaman kung paano ba nangyayari ito. Ganito kasi yon, sakaling hindi nyo alam, may mga INC members na nagtatrabaho sa gobyerno na gustong tumanggap ng mataas na posisyon sa gobyerno, kaya ang gagawin nila eh magrerequest sila sa pamamahala.

Tapos, sisiyasating mabuti ng pamamahala kung ito bang mga nagrequest na ito ay kwalipikado, maingat silang pinipili, alam nyo naman sa usapin sa gobyerno, at syempre dala nila ang pangalan ng Iglesia, sakaling nasangkot man sila sa ganito o ganyan kahihiyan din naman ng INC yun kaya piling pili yung mga taong yun. Tapos saka ito ipapadala sa pangulo bilang SUGGESTION hindi bilang death threath o black mail o kung ano pang gusto nyong itawag, nasa sa kanila yon kung pipili sila sa suggestion list ng pamamahala. Itong mga sinabi kong ito ay sa pagkakaalam ko lamang.

Parang si Estrada, may mga inappoint sya na galing sa suggestion list ng pamamahal, eto namang si Noynoy na ayon sa balita ay inignore daw ito, muli, nakadipende ito sa kanila.

Inshort, para itong recommendation, halimbawa sa trabaho, binibigyan ng recommendation letter ng INC ang mga INC members na gusto magkatrabaho kaya nagtungo sa Job placement ng INC sa Central, nasa mga kompanya na yon kung tatanggapin nila sila. Hindi naman porke nagrecommend ang INC ibig sabihin sapilitan nila na dapat tanggapin ang INC member na yun.

Same thing sa mga ordinaryong applicants na naghahanap ng trabaho ang mga appointments ng pangulo, di ba trabaho din yun? Anong masama dun?


#2 Paano nga naman kung naging mas marami na ang INC members sa Pilipinas, kung naging majority ito, eh di kung ano pa lang pinasya ng pamamahala automatic yun na ang mananalo sa eleksyon?

Oo may point, pumasok din yan sa isip ko ang kaso napakaimposible nitong mangyari, kahit pa siguro sa taong 2050 kahit gaano karami ang napapaconvert ng INC, isipin din po natin na yung 85-90% ng Katoliko sa Pilipinas ay dumodoble din dahil sa infant baptism. Pero sige, pagbigyan natin paano kung naging majority na ang INC sa Pilipinas?

Eh di ganun pa rin, may bloc voting pa rin, bakit? Kasi nga hindi naman ito imbensyon o dagdag na aral, utos ito sa bibliya kaya as is parin...


#3 Wala nga bang separation of church and state?

Anong konek? Napatunayan ko na na hindi naman nangingialam ang INC sa Pulitika, dahil ang totoong nangingialam sa pulitika ay hindi yung pagbobloc voting kundi yung ginagawa ng mga catholic authorities na niloloby o nilalapitan isa isa yung mga pulitiko para ibahin yung desisyon nila tungkol sa mga bagay bagay sa gobyerno, parang sa RH bill, yun ang nangingialam, tapos magbabanta pa na ieexcommunicate o kaya hindi iboboto sa susunod na eleksyon.

Kaya nga separation of church and state, kaya ka nasa gobyerno para iprioritize mo ang desisyon PARA SA BAYAN at hindi para sa relihiyong kinabibilangan mo, kung gusto mo naman na para sa relihiyong kinabibilangan mo ikaw tumulong at magdesisyon eh di tumanggap ka ng tungkulin sa simbahan at hindi sa gobyerno, as simple as that.

_____________________________


Ngayon naman, balik tayo sa topic ng pinaka unang video sa taas...


Totoo nga bang Religious vote IS A MYTH... except in Iglesia ni Cristo?


Opo. Napatunayan na ito, dun sa New Era Elementary school kitang kita ang resulta na ang majority ay INC voters. Sa INC kasi may basehan, may doktrina, sa ibang religion WALA.


Paano naman sa ibang religious group tulad ng Kingdom of Jesus Christ?


MYTH po itong tinatawag at mga walang basehan ang pag eendorso. Ang basehan nila yung CHARISMA nila sa mga myembro at popularidad tulad ng Catholic Movement na El Shaddai ni Mr. Mike Velarde.

Itong mga sumunod na relihiyon na ito, yon ang mga NAGDAGDAG at NAGIMBENTO ng aral, ngayon nga pati ang Catholic Church nakikigaya na rin, bukod sa El Shaddai. Hindi man totally boboto ng specific candidates pero gagawa daw ng listahan o guide na wag daw iboto ang mga pro RH bill, eh anong tawag dun? Diba another form ng bloc voting din yun?^^


Guilty ba ang Iglesia ni Cristo sa sinasabing may iba daw religious group na NILALAKIHAN ang bilang para lapitan ng mga pulitiko ang INC?

Hindi. Dahil kahit naman kailan ay hindi naglabas ng eksakto, muli, EKSAKTONG bilang ng kaanib ang INC. Yung sinasabing nagkeklaim daw ng INC na nakasulat daw sa Pasugo, kasinungalingan lang po ang mga yan. Minority religion ang INC sa Pilipinas at sabi pa nga 2.3% lang daw ng populasyon ay INC, noong 2000 daw ay may 1.7 lamang na INC, bakit naman lalapitan ang INC ng mga pulitiko kung 2 million lang?

Dahil nga ba sa bilang kaya nila nililigawan ang INC o dahil bilib sila at naniniwala na may bloc voting nga talaga sa Iglesia ni Cristo?^^

Kung totoong gusto ng INC na lapitan ng mga pulitiko eh di sana eh matagal na nitong sinapubliko, yearly pa, tutal dokumentado ang lahat sa INC, sana dati pa ginawa yun ng INC.

Wala rin naman masama kung lapitan man ang INC ng mga pulitiko, kaya sila lumalapit ay dahil nanghihingi sila ng tulong sa INC. Kung ako katoliko na pulitiko ganun din naman ang gagawin ko, lalo na kung gusto ko talaga manalo, syempre kumbaga gawin mo ang lahat ng paraan para manalo, isa isahin mo ang mga barangay, kamayan mo ang bawat tao na nakikita mo at ipromote mo sarili mo, bakit hindi?

Yung iba nga gumagawa pa ng karahasan at mga katiwalian maiboto lang sila, andyan yung babayaran nila yung mga tao para iboto sila, andyan yun manduduga sila sa resulta ng eleksyon at worst yung Maguindanao massacre, papatay para sa posisyon sa gobyerno???

Andalas dalas sabihan ng mga katoliko ng kung anu ano ang INC tungkol sa pagboto pero di nila pinapansin na ito mismong mga lumalapit sa INC at gumagawa ng mga katiwalian eh mismong mga KATOLIKO. Sabi nga nila, tignan mo muna sa salamin ang sarili mo bago ka manghusga ng kapwa mo.

Muli, ang BASEHAN ng Iglesia ni Cristo ng kaisahan sa pagboto ay ang BIBLIYA. Kaya may bloc voting sa Iglesia ay dahil may ARAL sa amin. Sa ibang relihiyon na nag eendorso ay WALA SILANG BASEHAN, wala silang aral tungkol sa pagkakaisa kaya hindi rin naman nila magagawa ang sinasabi nilang "bloc voting".

Para sa mga talata ng bibliya tungkol sa pagkakaisa, nandito po.




4 comments:

  1. Saan pong talata ng biblia mababasa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung nagbabasa ka po ng bibliya hindi mo na kailangan pang itanong sa akin yan. Pero dahil nagtanong ka, halatang hindi ka nagbabasa ng bibliya. Sa New Testament maraming beses na itinuro ng mga apostol ang tungkol sa pagkakaisa sa Iglesia. Ang doktrina sa Iglesia ay PAGKAKAISA. Wala tayong mababasa sa bibliya na sinasabi "Mag bloc voting tayo" ayon na rin sa gustong ipahanap ng mga pilosopo sa aming mga myembro.

      Ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa sa lahat ng bagay, mga gawain, aktibidad, pagtulong at iba pa. Isa na rito ang sa pagboto. Muli, Wala kaming doktrinang "bloc voting", ang meron kami ay PAGKAKAISA.

      Ayon sa bibliya:

      “Behold, how good and how pleasant it is For brethren to dwell together in unity!” Psalm133:1

      Sabi ni Apostol Pablo:

      “here is one body and one Spirit, just as you were called in one hope of your calling; one Lord, one faith, one baptism; one God and Father of all, who is above all, and through all, and in you all.” Eph. 4:4-6

      “May the God who gives endurance and encouragement give you the same attitude of mind toward each other that Christ Jesus had, so that with one mind and one voice you may glorify the God and Father of our Lord Jesus Christ.” Rom. 15:5-6

      “then make my joy complete by being like-minded, having the same love, being one in spirit and of one mind. Do nothing out of selfish ambition or vain conceit. Rather, in humility value others above yourselves, Therefore, my dear friends, as you have always obeyed—not only in my presence, but now much more in my absence—continue to work out your salvation with fear and trembling,” Philip. 2:2-3,12

      “Finally, brethren, farewell. Become complete. Be of good comfort, be of one mind, live in peace; and the God of love and peace will be with you.” II Cor. 13:11

      “I appeal to you, brothers, by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree, and that there be no divisions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment.” I Cor. 1:10

      Sabi ni Jesus:
      “Now I am no longer in the world, but these are in the world, and I come to You. Holy Father, keep through Your name those whom You have given Me, that they may be one as We are.” I in them, and You in Me; that they may be made perfect in one, and that the world may know that You have sent Me, and have loved them as You have loved Me. John 17:11, 23


      One body, One hope, one spirit, one voice, SAME MIND, SAME JUDGEMENT. Yan ang itinuturo ng bibliya na dapat gawin ng TUNAY na IGLESIA at ng TUNAY na mga KRISTIYANO.

      maraming salamat po.

      Delete
  2. Lagi na lang nauugnay ang Iglesia Ni Cristo sa pulitika, eh wala naman talagang pakialam ang pamamahala sa Iglesia kung sino ang mananalo o hindi, basta magkaisa lang tayo dahil nga nakasulat sa banal na kasulatan na magkaisa tayo, at pareho dapat ang isipan nating mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo.

    ReplyDelete
  3. One in mind,one in action.
    Yan ang Iglesia.

    Di tulad ng iba diyan, kalat-kalat na,kalat-kalat pa.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.