"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 31, 2012

Sagot sa pagmumura daw ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo





Itong video sa taas ay gawa ng isang ADD member na nagsasabing NAGMUMURA daw ang mga ministro ng INC. At nagpapasalamat ako sa gumawa ng videong ipapakita ko ngayon, atlis maliliwanagan na ang iba at kahit ako nga ay naliwanagan.

Alam naman ng buong Pilipinas kung sino ang no. 1 Preacher of the whole world ang napakadalas magmura sa telebisyon habang nangangaral, ang MOST OUTSTANDING (daw) na televangelist na si Mr. Eliseo Soriano. Wag kayong mag alala mga ADD members, walang makakaagaw sa trono ng leader nyo na nagtatago po sa ibang bansa dahil patong patong ang kaso sa Pilipinas, siya lang naman ang may GUTS, translate natin sa pinakamagandang salin, KAPAL NG MUKHA, na habang nangangaral ng mga SALITA NG DYOS at nagkaklaim pa na syay sa DYOS, ay nagsasalita ng tanga, gago, tarantado, ulol at iba pa...

Kung ako ang tatanungin, mayroon akong sariling paliwanag sa mga salitang iyan, hindi ko sinasabi ito para lang depensahan ang mga ministro ng INC kundi yun talaga ang stand ko sa mga paggamit ng salita na sa iba ay MURA sa iba ay hindi. Ang mga salitang mura kasi pwedeng gamitin as EXPRESSION, o as a description.

Teka paalala lang, medyo maselan ito para sa iba lalo na Christian blog ito, pero para po ito sa ikalilinaw ng topic, di po ito para sa ako rin ay magmura o magpromote ako ng pagmumura...

Ipagpatuloy natin, halimbawa ang salitang "puta", ang literal na kahulagan nyan o translation nyan ay whore, kung idedescribe mo ang isang tao na sabihin na natin ay isang prostitute pwede nating sabihin na sya ay isang "puta" as a description. Pero kung gagamitin mo as EXPRESSION, yun bang kasama na sa mga pang araw araw mong sinasabi, na halimbawa na lang ay nasaludsod ka habang naglalakad o kaya naman ay nagulat ka tapos magsasabi ka ng "puta" eh yun ang sinasabing NAGMUMURA...

Bilib din ako kay Mr. Soriano dahil may alam sya sa batas, na kaya sige sya sa pagsasabi nya ng mga ganung salita ay dahil alam nya ang ipapalusot nya rito, tulad ng isang kaso nya, ng bigyan ng suspension ang programa nya ng MTRCB, sinabi nilang ginamit ni Mr. Soriano iyon as description kaya hindi daw yun pagmumura, nagpalusot pang viniolate daw ng MTRCB ang FREEDOM OF SPEECH. ANG GALING ANO PO?

Kung ginagamit nya lang ang mga salitang yun as DESCRIPTION, bakit andalas dalas nyang sabihin?

O baka naman dinedeny nila na sadyang EXPRESSION na ng kanilang leader na palamura ang mga salitang tanga, ulo, gago, tarantado at iba pa?


KAYO NA PO ANG HUMUSGA...



Dun naman sa isyu na nagmumura DAW ang mga ministro ng INC, isa po itong malaking kasinungalingan. Bakit? Dahil hindi naman nila sinasabi ang inaakusa sa kanila na nagsasalita daw sila ng "tarantado, gago, tanga at engot" lagi lagi o ginagamit as EXPRESSION, pero as DESCRIPTION, habang sinasagot si Mr. Soriano sa kanyang mga sinasabi sa kanila. Kumbaga sinabi nila iyon dahil ibinabalik nila kay Mr. Soriano ang sinasabi nya.

Hal. Kung sasabihin nyang "eh eto oh ang sugo nyo si Manalo ang demonyo at gago" ang isasagot naman ng mga ministro eh "hindi ang sugo namin, kundi ikaw ang 'demonyo' at 'gago' base sa ginagawa mo..."

Kinuha nila ang mga salitang ginamit ni Mr. Soriano sa mga ministro at ibinalik sa kaniya, ganun po ang nasa video na kung saan sinasabing NAGMUMURA DAW ANG MGA MINISTRO NG INC. Hindi nila ginagamit yun bilang pang araw araw na salita o as EXPRESSION na porke nakakainis at nakakainsulto ang ginagawa ni Mr. Soriano eh magsasabi na ang mga ministro ng "gago ka, p*ta ka at iba pa..."

Tungkol naman sa video diumano na nagmura DAW si Ka Erano Manalo ng sabihin nya "NAPAKAGAGONG PANGANGASIWA" obvious naman po na ginamit ni Ka erdy yun as DESCRIPTION at ang pinatutungkulan ay ang pangangasiwa at hindi yung mga taong nangangasiwa...

Eto po ang video:





"Parang bukas na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas. Puno ng pagmumura at masasamang salita ang kanilang bibig." Roma 3:13-14


"Sa pamamagitan ng dila ay pinupuri natin ang Diyos Ama. Ginagamit din natin ito sa pagsumpa sa mga taong ginawa ng Diyos ayon sa kaniyang wangis. Sa pamamagitan ng gayunding bibig ay lumalabas ang pagpuri at pagsumpa. Mga kapatid ko, hindi dapat maging ganito ang mga bagay na ito." Santiago 3:9-10


"O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios." I Cor. 6:9-10



1 comment:

  1. Ang malisyong puna ng mga kumakaaway sa INC sa naging lektura ng kapatid na EraƱo Manalo ay naghahayag ng kanilang masamang budhi. Di nila nauunawaan ang contextual meaning ng sinabi ng Namamahala sa INC. Let me explain para maalis sila sa kanilang kamangmangan. Ang “napakagagong pangangasiwa” ay pumapayag na sa katiwalian ay ginagastusan pa ang mga naninira. Pinatunayan ng lekturang yan na hindi ganoon ang Pamamahala sa INC. Agad niyang sinaway, itinuwid at ginawan ng tamang aksiyon ang sinumang gumagawa o gagawa ng masama sa INC, kahit ito ay sa paraan pa lang ng pag-uulat na hindi totoo. Pinatunayan niya sa kaniyang lektura ang kaniyang matuwid na liderato at matalinong pangunguna sa INC. So hindi yon aplikable sa kanila.

    Kayo na ang bahalang mag-isip kung aling relihiyon ang gumagastos ng milyon-milyong dolyar dahil ginawang paninira sa buhay at kinabukasan ng mga kaawa-awang mga kabataan na ginawan ng kahalayan at kasamaan ng kanilang mga church leaders. Ginagastusan nila ang mga church leaders nila na sumisira pati ng reputasyon ng church nila. May mga na-convict pa na mga high officials nila ng cover-up sa kahi-hiyang eskandalo na ginawa ng kanilang mga kasamahan.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.