"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 30, 2015

Countdown to the Iglesia ni Cristo 101th anniversary!

Time check po!



(NOTE: Lagi niyo na lang po i check ang countdown sa itaas na bahagi ng blog para updated tayo! :D)

 Gumawa na po ako ng countdown sa blog para sa nalalapit na ika 101th anibersaryo ng Iglesia ni Cristo!

Ang Iglesia ni Cristo po ay magsasagawa ng CENTENNIAL CLOSING CEREMONY sa Philippine Arena, Philippines at sa Verizon Center, USA.




Philippine Arena





Verizon Center, USA


At sympre ang INTERNATIONAL UNITY GAMES na lalahukan ng ibat ibang distrito sa buong mundo na gaganapin sa Ciudad de Victoria.


Ang pinaka importante sa lahat, ay ang ating isasagawang PASALAMAT sa Diyos.


Atin pong ipagpanata na maging matagumpay ang ating mga aktibidad na ito...

At sana po sa pagsapit nito sa ika 101th anibersaryo ay manatiling matatag sa pananampalataya ang mga kaanib sa Iglesia at malagpasan ang mga pagsubok sa kasalukuyan.


Lahat para sa kaluwalhatian ng ating Panginoong Diyos!
Advance Happy 101th anniversary sa atin kapatid!

 

README IS SILENT NO MORE

Matagal din po ako nanahimik ukol sa mga isyu ni Antonio Ebanghelista patungkol sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia. Tulad din ninyo ako, nagtaka, nalungkot, nagsuri at nagtimbang... PARA SA KATOTOHANAN.

At dahil wala tayong alam sa kung ano ba ang TAMA at MALI, nahihirapan tayong makapagpasya kung sino ba ang dapat paniwalaan. 

Sa pagbabasa ko ng mga sagot sa http://theiglesianicristo.blogspot.com sa mga akusasyon ni AE, nalaman ko ang katotohanan. At nagkapagdesisyon na ko sa kung sino ang dapat na PANIGAN.

Ngunit ilang buwan na rin ang nagdaan ng may nagpasimuno ng pagkakalat ng usapin na "may pagbabago sa pamamahala ngayon" at "naging iba na ang Iglesia sa kasalukuyan".

Maaaring hindi ninyo napansin ang pagkakasunod sunod ng pangyayari, ang mga kumakalaban sa Iglesia noong una ay tahimik na gumagalaw at nagsasagawa ng plano. 

Sa pakiramdam ko ay may "conspiracy" na nagaganap. Oo, parang nakakatawa at hindi kapani paniwala, pero sa ilang buwan ko ng pag oobserba ng mga nangyayari, ganyan ang naging konklusyon ko.

June 23, 2015

Hanggang kelan Antonio Ebanghelista?

Yan po ang pinakahuli kong tanong kay Ka Antonio Ebanghelista sa aking email sa kaniya. 

At sa di maipaliwanag na kadahilanan ay wala siyang nasagot miski isa sa napakarami kong katanungan sa kaniya.

Kung hindi niyo pa po alam ang artikulo ko tungkol kay Ka A.E ay eto po: "An open letter to Antonio Ebanghelista and his response".

Para sa mga bagong tagabasa ng blog na ito, kung hindi nyo alam, matagal na po akong blogger. 

MAG AANIM NA TAON na po, and still counting. 

Napakadami ko na pong nabasang ibat ibang mga artikulo na LABAN sa Iglesia at sa Pamamahala, ngunit bago ako magpapaniwala sa kanilang mga isinusulat ay una ko munang tinitignan kung "SINO" ang nagsulat.

May bahagi ba sa kaligtasan ang mga itiniwalag sa Iglesia ni Cristo?

Natalakay na po sa isa kong artikulo na pinamagatang "Kung may kapatid na nasumpungan sa pagsuway" na kung may isang kapatid na pagkatapos ng ilang ulit na pagsaway sa kaniya ay hindi pa rin nagbabago, siya ay ITINITIWALAG sa Iglesia. 

Ang "PAGTITIWALAG" po ay hindi isang imbentong aral sa Iglesia kundi itoy utos na mula sa bibliya:


"Kung sabagay, wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Hindi ba't ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan? Sabi nga sa kasulatan, "Itiwalag ninyo sa inyong samahan ang masamang tao." I Cor. 5:12-13

Bago pa man maging isang OPISYAL NA KAANIB sa Iglesia ang isang tao, sa pamamagitan ng pagbabautismo, ay itinuturo na ang KAHALAGAHAN ng PAG ANIB sa Iglesia na kaparaanan upang MALIGTAS. At itinuturo rin na kung sakaling ang isang kapatid ay LUMABAG sa mga aral sa Iglesia, mayroon itong kabayaran --> PAGTITIWALAG o ang pag aalis sa isang miyembro sa talaan ng Iglesia.

Kaya kung sumasampalataya ka na IMPORTANTE ang pag anib sa Iglesia upang maligtas, ang tanong, MALILIGTAS BA ANG MGA ITINIWALAG SA IGLESIA NI CRISTO?

Alam ng lahat ang kasagutan: HINDI. Bakit? Dahil sa simpleng kadahilanang OPISYAL KA NG WALA SA IGLESIA o HINDI KA NA MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO.

June 16, 2015

Mali ba ang pagbibigay ng "tulong" sa mga ministro ng Iglesia ni Cristo?

Hindi na bagong bagay sa kaalaman ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na ang aming mga ministro ay tumatanggap ng "TULONG" mula sa Iglesia. Etong "TULONG" na ito, para sa mga di kaanib ay SWELDO. Ngunit sa loob ng Iglesia ni Cristo, hindi SWELDO ang tinatangap nila kundi TULONG.

Pag sinabi kasi nating SWELDO, eto yung BAYAD sayo, sa ginawa mong trabaho. Sa INC naman, hindi BINABAYARAN ang mga ministro namin, dahil ang pagiging MINISTRO ay hindi isang uri ng "TRABAHO" kundi isang TUNGKULIN sa IGLESIA. 

Ano bang karaniwang bagay ang ginagawa ng isang ministro?

Nangangasiwa ng mga pagsamba
Nagdodoktrina ng mga nagpasyang umanib sa Iglesia
Nagdadalaw sa mga kapatid
Nangunguna sa mga pagpupulong ng mga maytungkulin

at marami pang iba...

June 8, 2015

Philippine Arena: ginawang sentro ng paninira sa Iglesia

Bago pa man magsimula ang konstruksyon sa Philippine Arena ay GUMAWA na po ako ng post tungkol dito, at hindi ako nagkamali sa aking mga INAASAHAN, lahat ng itoy natupad.

Nagkaroon ng ground breaking ceremony ang Philippine Arena noong August 17, 2011, at ilang linggo lang ang nakalipas ay naglabas ako ng artikulo na pinamagatang "Trending now: Philippine Arena".

Ikokowt ko po ang ilan sa mga sinabi ko:

"This is what im worried about, i do not know if i will become happy or sad when the time comes that the project is finished. Are we INC members ready to face the devils? Im sorry, those detractors? That are so jealous and will do some efforts just to destroy the church?

The construction just begun and what will happen if 2014 comes? Are we ready to face the world? Because i know that this event will be published in all newspapers in the country and in other countries, are we ready to face them, to introduce them the TRUE CHURCH OF CHRIST?

Lets just see what will happen..."

At nung March 2013 naman ay may sinabi muli ako patungkol sa Philippine Arena, ang artikulo ko na may pamagat na: "Ano ba talagang gusto nyo?"
 

Ikokowt ko po ang sinabi ko:

"Sinasabi ng ilan, dapat payagan nila for all concerts/religious assemblies ang arena na ito tutal ipinangalan ito sa bansa natin! Hindi ba isang kadamutan nyo kung hindi pwede ang catholic assemblies/ protestant assemblies dito? Eh kung si Lady Gaga, hindi nyo papayagan?

Sasabihin din ng ilan, kung papayagan nila ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena nila kahit ibang pananampalataya, hindi ba ito magiging AGAINST sa kanilang paniniwala? Di ba Iglesia ni Cristo ang may-ari nito? Bakit nila papayagan, tutal sila na mismo ang nagpapatakwil sa mga maling aral ng mga ito?

Ano ba talaga?

Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang payagan ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena o PILI lamang ng Iglesia ni Cristo?

Pag hindi pinayagan ang religious assemblies at concerts sasabihin nyo sakim kami dahil pinangalan sa bansa natin pero hindi naman pinapagamit sa lahat... Kapag naman pinayagan ang lahat, bukas sa lahat ang paggamit ng arena ang sasabihin nyo naman eh AGAINST ito sa paniniwala namin, na bakit daw namin ito pinapagamit sa mga ganoong events eh labag ito sa mga aral na itinuturo ng INC."

Ano nga bang nangyari? 

Nagkatotoo po kaya ang hula ko?

Kayo na ang humusga.