Bakit ko ginawa ang post na ito?
Porke kasi Iglesia ni Cristo ang relihiyon ni Ms. Ariella Arida, may mga Pilipinong nagtataas sa kaniya ng kilay at sa halip na suportahan, ay sinisiraan nila ang kandidata natin at lalo na ang Iglesia ni Cristo.
Alam ko na kapag hindi napasama si Ms. Arida sa Top 16 o sa Top 5 hindi lang siya ang sisiraan kundi pati ang kaniyang relihiyon. Sasabihin nila, ayan talo yung miyembro niyo dapat kasi hindi na lang yan yung representative natin, ano ba yan kulto kinakaaniban niyan kaya ayan hindi nanalo, etc...
Ganyan na ganyan ang kanilang gagawin pagkatapos ng Ms. Universe pageant. Antayin natin ang pambabastos na gagawin nila kay Ms. Arida at sa Iglesia ni Cristo.
Ang banat pa nga nila, akala ko ba bawal sa Iglesia ni Cristo "ibuyangyang" ang katawan, eh bakit siya nasama sa Ms. Universe? Di ba isa kayo sa mga konserbatibong relihiyon eh ano yan...
Ayon sa isang nagcomment sa isang website tungkol kay Ms. Arida:
"It’s a gut public reaction that whenever a member of a religious minority happens to win a national title that it always meets with some resistance, some lesser, at times greater. Just like when Bess Myerson became the first Jewish woman to win Miss America in 1945, or when a Mormon in the person of Linda Bement won Miss USA in 1960, and more recently when Miss USA crowned its first muslim titlist, Rima Fakih, in 2010."
source: normannorman.com
Ang Miss Universe ay isang beauty pageant, hindi ito tungkol sa "pagbubuyangyang" ng katawan. Yan ang term na ginagamit nila diyan pag inaatake nila ang Iglesia ni Cristo. Ipinang aatake din nila yung mga artista na kaanib sa Iglesia ni Cristo kung saan eh naka-bikini sila sa photo shoots.
Trabaho ng mga artista yon lalo na kung sila ay model at endorser. Hindi iyon selfie, pagbubuyangyang sa katawan at ikakalat para sa kalaswaan at kayabangan. Ang masama at hindi dapat ay yung nagpopose ng nakahubad o yung halos nakita na maseselang parte ng katawan kunwari pang tinakpan. Yun ang di maka Kristiyano
Kung parte ng trabaho ng isang tao yung pag momodel okay lang yon basta hindi kabastos bastos. Hindi naman porke nag model ka pang bikini kabastos bastos na, nasa taong nag iisip lang yon.
Jesus loves you and peace be with you. Remember, without holiness no one will see the Lord (Heb.12). God bless you.
ReplyDelete