Marami siyang ginagawang kasinungalingan at paninira sa Iglesia ni Cristo at wala akong sawang sinasagot ang mga ito para na rin sa mga taong nalilinlang ng paring ito, eto po ang ilan sa mga paninira niya tungkol sa:
Kabayan ko Kapatid ko sa Cebu
Kabayan ko Kapatid ko sa Bulacan
Kabayn ko Kapatid ko sa Quiapo
Stand ng INC sa Rh bill
Philippine Arena
at marami pang iba...
Puro ba katotohanan ang nasa website ni Mr. Abe o puro paninira lamang sa Iglesia ni Cristo?
Kayo na ang humusga:
Isa lamang yan sa napakaraming kabastusan ng paring ito sa kaniyang website, marami pa siyang ginagamit na mga salita na hindi angkop sa kaniyang katungkulan bilang pari kung kayat lalong lumalabas ang katotohanang hindi siya tunay na sa Diyos.
Hindi lang ako nakapag internet saglit heto at nagkakalat na naman ng paulit ulit na kasinungalingan ang kaniyang website sa pangunguna ni Mr. Abe at eto ngayon ang trending topic sa internet. Sa kaniyang post na pinamagatang "Iglesia ni Manalo refused shelter for super typhoon yolanda victims":
We have received a message from Iloilo and here is the touching message:It is striking that they have such an attitude when people are loosing homes during the onslought of the Super Typhoon Haiyan [Yolanda in local name]. Outside trees were falling and iron sheets from the rooftops of many houses were flying like paper sheets. In face of danger, it is the natural tendencies of Filipinos to take shelter to Churches and Schools. Yet, these members of the Iglesia ni Cristo refused to open doors like the unmerciful innkeepers in Bethlehem during the birth of the Messiah, refusing shelter to the Holy Family.One Cathedral in Tacloban was destroyed by the Super Typhoon and it was caught in camera of Channel 7 by Jiggy Manicad. Why? Because people including the media men were taking shelter inside it. Our glory is in the cross of the Lord Jesus and in the fact that our Church is truly home of the poor and the needy.Take note, they pride themselves for having their chapel standing right after the storm. Good for them. However, a house of worship that is not a house of charity is evil. Like the Pyramids of the pagans they stand as lasting memorial of the emptiness of the Pharaoh’s heart.
Tanong, hindi nga ba nagpapasok ang Iglesia ni Cristo sa kapilya nito sa Tacloban, Leyte?
Ayon mismo sa isang nainterview, bago pa manalasa ang super typhoon hinihikayat na sila doon sa kapilya pero yung iba ayaw daw dahil binabantayan pa nila yung gamit nila sa kanilang bahay at baka mawala.
Eto nga pala ang list ng mga pamilya na nasa kapilya noong kasagsagan ng bagyo:
Tacloban District survivors that are currently inside INC Compound
1 Balais Family
2 De Mesa Family
3 Janice Delleva
4 Labadora Family
5 Lorna and Lorina Sabino
6 Noemi Delleva
7 Ryan Eladro
8 Sansub Family
9 Saranillo Family
10 Tebrero Family
11 Villazorda Family
12 Agosto Family
13 Jannie Delleva
14 Elorich Asugan
15 Rosario Asugan
16 Collete Family
source: eaglenews.ph
ANG KATOTOHANAN
Totoong hindi practice sa Iglesia ni Cristo ang gawing evacuation center ang aming kapilya, hindi tulad sa ibang relihiyon tulad ng Roman Catholic Church, sa amin kasi sagrado ang aming mga gusaling sambahan dahil ito'y bahay ng Diyos, ang mga gusaling ito ay ginawa para SAMBAHIN ANG DIYOS. Okay lang din naman kung gawin nilang parang evacuation center ang kanilang mga simbahan kung gusto talaga nilang tumulong sa nangangailangan, maganda yon at wala kaming sasabihing masama doon, pero ang punto namin ay ang sambahan ay iginagalang at itoy banal na lugar upang sambahin ang Diyos.
Pero may exemption din naman lalo na kung ito ay kasong between life and death na talaga at wala talagang ibang evacuation center na pwedeng puntahan ang mga tao tulad ng nangyari sa Leyte kung saan halos na wipe out lahat ng gusali doon. Kaya nga meron talagang mga pagkakataon na binubuksan ng Iglesia ni Cristo ang pinto nito upang masilungan at makapagligtas ng mga tao.
Dati nga napanood ko sa church news, nakalimutan ko lang kung kailan yon pero nung may isang bagyong dumaan ang mga kapatid at di kapatid ay sumilong sa isang lokal, ang mga nagstay naman ay namalagi sa compound ng kapilya. Ang pamamahala naman ay gumawa ng hakbang kung saan ang lupa sa likod ng kapilya ay binili upang patayuan ng mga bahay para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo na nawalan ng mga tirahan.
Muli, pwedeng pwede po makisilong sa mga kapilya namin kapag may sobrang tinding mga sakuna, pero kung mag iistay po, pag tapos ng sakuna, ay sa compound at hindi sa loob ng kapilya mamamalagi. Pwedeng makisilong at magstay sa kapilya pero hindi po ala-evacuation center style, yung kung anong nakikita natin sa mga evacuation center pag may kalamidad eh hindi ganoon ang dapat na maging itsura ng bahay sambahan.
Pagpasensyahan nyo na po kung mataas ang pagpapahalaga namin sa aming mga kapilya. Inihahayag namin sa inyo ang katotohanan, hindi namin kayo pipiliting maniwala samin. At kung ang tingin nyo pa rin samin ay masasama at mga makasarili, ang Diyos na ang bahala sa inyo.
Saan galing ang mga KASINUNGALINGAN at PANINIRA?
Ang isa sa nagpapanggap na Iglesia ni Cristo daw ay ang isang fake twitter account na "Regghie M. Orpiada". Meron pang isang fake twitter account na "Arcan Ville" na taga sang ayon sa lahat ng sinasabi ni Regghie Orpiada.
Ang pagkakataong ito ay hindi pinalampas ng mga asar na asar at inggit na inggit para siraan ang Iglesia ni Cristo. Biruin nyo, sa halip na tumulong sila sa mga nasalanta ng kalamidad na ito heto at meron silang panahon para siraan ang Iglesia sa kabila ng walang tigil nitong pagtulong sa maraming mga tao sa pamamagitan ng INC giving, Unlad International, Kabayan ko Kapatid ko, at Lingap sa Mamamayan.
Eh yung pinanggalingan ng istorya may KATOTOHANAN BA?
Nakakapagtaka para sa lahat na hanggang ngayon, ang nagpost ng istorya na si Mai Militante ay hindi makumpirma ang kaniyang sinabing iyon. Marami ng kumontak sa kaniya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang reply tungkol sa isyu.
"Iglesia ni Cristo: Biktima rin ng Black Propaganda" ayon sa isang di aanib
KUMALAT sa social networking sight ang larawan ng isang kapilya ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Estancia at Balasan Road sa Iloilo City.
Meron daw kasing isang grupo na naglalakad noong kasagsagan ng super typhoon Yolanda. Basang-basa na sila, giniginaw at nagugutom nang mapadaan sa tapat ng Iglesia ni Cristo. Tinangka raw nilang pumasok pero may nagsabi raw sa kanila na hindi sila pwedeng pumasok dahil hindi sila miyembro ng INC.
Sa kasagsagan ng pananalasa ni ‘Yolanda’ sa Iloilo City, tanging ang simbahan ng Iglesia ni Kristo ang hindi nasalanta at nagiba.
Kung ito po ay black propaganda, ang masasabi lang natin, mukhang malayo naman sa realidad ‘yan.
Hindi natin matatawaran ang pagtulong na ginagawa ng INC sa iba nating kababayan (kahit hindi kaanib) tapos sa ganyang sitwasyon pa sila magiging maramot?
‘Yan namang KAPILYA ng INC, alam po natin na napakatibay ng kanilang estruktura.
Kumbaga tinitiyak nila na ang kanilang SAMBAHAN ay matibay at protektado.
Napansin po ba ninyo na mayroong simbahan ng INC na nagiba nitong nakaraang lindol at pananalanta ni Yolanda sa Visayas at Mindanao?!
Ibig sabihin lang po na hindi KINUKURAKOT ang pondo sa pagpapagawa ng KAPILYA ng INC.
Sa ganitong panahon po, palagay natin ay mas makabubuting magkapitbisig tayong lahat, ano man ang ating relihiyon at paniniwala.
‘Yung mga ‘armadong grupo’ sa lalawigan ng Samar at Leyte, palagay natin ay malaki ang maitutulong ninyo para sa mga kababayan natin na nasa kabundukan na mas malapit sa inyo.
Inuulit ko po, tumutulong po ang INC, at hindi nagmamaramot.
source: hatawtabloid.com
Leksyon na dapat matutunan ng lahat
Bago tayo MANGHUSGA at maniwala sa mga sabi sabi dapat marunong tayo magresearch at huwag padalos dalos sa panghuhusga. Maraming naninira sa Iglesia ni Cristo at lahat ng paraan ginagawa nila para siraan ito.
Mag ingat! Sapagkat ganito ang sinasabi ng bibliya ukol sa lahat ng mga sinungaling:
"Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan." Pahayag 21:8
yan an mangyayari kay padreng ABE, sa talata na iyan swak na swak sa kniya, ngayon sa paninira niya LALONG NAGING SIKAT ANG INC SA KATOTOHANAN? BAKIT? DAHIL YUNG FOREIGN MEDIA CNN< GERMANY, AT AUSTRALIAN TV NIREPORT YUN LINGAP NG INC SA LEYTE HAbaNg wala pa ang RELIEF GOODS NG GOBYERNO NAUNAHAN PA NATIN SILA. Kaya ang masasabi ko sa paring iyan ay, Oy! yun kasamahan niyo sa youtube na nagtitikol na pari kalat na kalat... ganiyan din sa Padreng ABE.
ReplyDeleteTaga dating daan ang mga nagpakalat ng mga blog katulad ng the perpetual opinionator(ryan),at blog ni jeffrey eugenio at marani pang iba ,nagulat din aq sa pic nya sa fb http://facebook.com/jeffrey.eugenio37 eh puro against sa inc gaya din ng friend nya n nagtatrabaho sa untv krisha guillermo cruz sa kanya q nakita ung ipinakakalat n www.the controversialfiles.net
ReplyDelete