Sobrang nakakalungkot na makita ang mga Katoliko sa kanilang pista, at pagsamba sa kanilang mga patron. Wala na ngang kabuluhan ang gawaing iyon, hindi na makatarungan ang gastos, binabastos pa nila ang Diyos kaya sila tuloy ay nagkakasala.
Baka sabihan ako ng ilan, hoy readme hindi namin sinasamba ang patron namin!
Talaga?
Eh ano to:
‘‘Taun-taon ay idinaraos ang fiesta rito. Nakasalalay sa parangal at pagsamba sa ating Patron. Pero kasabay nito ay pasasalamat sa mabuting ani. Kaya ang pagbawal ng fiesta ay hindi maaaring mangyari. Hindi maiiwasan ang magpasalamat ang mga taga-nayon. Puwedeng bawasan ang karangyaan at gastos pero ang pasasalamat at pagsamba ay kailangang ipagpatuloy. Maalala ko nga pala, hindi lang tayo nagpapasalamat sa magandang ani.’’source: DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier Philstar, June 01, 2002
Pagsamba sa patron, turo ng bibliya?
Alam nating lahat na ang pagsamba sa mga rebulto at imahen ay kasuklam suklam sa Diyos. Eto ang sinasabi ng bibliya ukol dito:
Alam nating lahat na ang pagsamba sa mga rebulto at imahen ay kasuklam suklam sa Diyos. Eto ang sinasabi ng bibliya ukol dito:
"Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.May bibig sila, nguni’t hindi nagsasalita; may mga mata, nguni’t hindi nakakakita;May mga tainga sila, nguni’t hindi nakaririnig; may ilong sila, nguni’t hindi nakaaamoy;May mga kamay sila, nguni’t hindi nangakakaramdam; may mga paa, nguni’t hindi nakalalakad; ni bulong man ay walang makalabas sa kanilang lalamunan.Ang nagsigawa sa mga iyon ay matutulad sa kanila; lahat ng nananalig sa kanila."Awit 115: 4-8
Anong ginagawa nila sa kanilang mga rebulto?
"Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at hindi makatutulong sa panahon ng pagsubok." Isaiah 4:7
(Dahil may paa nga, hindi naman nakakalakad, ayan natumba mag isa)
Yan saktong sakto pag may prosisyon, pag pista nga ng Nazareno yung iba nagigitgitan pa at ang ibat namamatay para lang don. Naniniwala kasi silang may himala ang mga rebultong yon, pero kahit pa dalanginan yon sabi ng bibliya, HINDI ITO MAKAKASAGOT AT HINDI MAKAKATULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK!
Ito ang sabi ni Apostol Pablo:
"Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao." Gawa 17:29
Yung mga tunay na lahi ng Diyos hindi iniisip na ang PAGKA DIYOS ay katulad ng ginto, pilak o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.
Ano ang sasapitin sa hanggang sa ngayoy sumasamba pa rin sa mga rebulto na kanilang mga diyos-diyosan?
Ano ang sasapitin sa hanggang sa ngayoy sumasamba pa rin sa mga rebulto na kanilang mga diyos-diyosan?
"Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, ng mga taksil, ng mga nagpapasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, ng mga mamamatay-tao, ng mga nakikiapid, ng mga mangkukulam, ng mga sumasamba sa diyus-diyosan, at lahat ng mga sinungaling. Ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na asupre. Ito ang pangalawang kamatayan." Pahayag 21:8
Pagpapasalamat sa patron sa halip na sa Diyos
Ito ang bagay na pinaka di katanggap tanggap, yung mga biyayang natatanggap nila mula sa Diyos tulad ng maraming huli ng isda, magandang ani at iba eh sa kanilang mga patron sila nagpapasalamat sa halip na sa Diyos!
Tanong: Katanggap tanggap ba ito sa Diyos?
Ito ang sabi ng Diyos:
Ito ang bagay na pinaka di katanggap tanggap, yung mga biyayang natatanggap nila mula sa Diyos tulad ng maraming huli ng isda, magandang ani at iba eh sa kanilang mga patron sila nagpapasalamat sa halip na sa Diyos!
Tanong: Katanggap tanggap ba ito sa Diyos?
Ito ang sabi ng Diyos:
Ako si Yahweh; 'yan ang aking pangalan; walang makakaangkin ng aking karangalan; ang papuri'y sa akin, hindi sa diyus-diyosan" Isaiah 42:8
Ang dapat palang papurihan ay ang DIYOS at hindi ang mga dino-diyos ng mga tao. Diyos ang nagbigay sa kanila ng biyaya at hindi mga SANTO nila. Kaya tupad na tupad talaga ang nakasulat sa bibliya:
"Kahit na alam nilang may Diyos, siya'y hindi nila pinarangalan bilang Diyos, ni pinasalamatan man lang. Sa halip, naghaka-haka sila ng mga bagay na walang kabuluhan kaya't nagdilim ang hangal nilang pag-iisip. Tinalikuran nila ang kaluwalhatian ng Diyos na walang kamatayan, at ang sinamba nila'y mga larawan ng mga taong may kamatayan, ng mga ibon, ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga hayop na gumagapang. Ang katotohanan tungkol sa Diyos ay tinalikuran at pinalitan nila ng kasinungalingan. Sinamba nila at pinaglingkuran ang mga nilikha, sa halip na ang lumikha, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen." Roma 1: 21, 23, 25
Alam nilang may DIYOS pero sa halip na siya ang PASALAMATAN eh mga PATRON nila ang kanilang pinasalamatan, pinuri at sinamba.
Anong sinasabi ng bibliya tungkol sa mga pista?
Eto po ang sagot:
Anong sinasabi ng bibliya tungkol sa mga pista?
Eto po ang sagot:
"Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga." Col. 2:16
Sabi ng bibliya, HUWAG NA KAYONG MAGPAPASAKOP PA SA ANUMANG ALITUNTUNIN tungkol sa pagkain o inumin, TUNGKOL SA MGA KAPISTAHAN...
Yan maliwanag na maliwanag.
Eto pa sabi ng bibliya oh:
Yan maliwanag na maliwanag.
Eto pa sabi ng bibliya oh:
"Ngayong kilala na ninyo ang Diyos-- o kaya, ngayong kilala na kayo ng Diyos-- ano't ibig naman ninyong magpaalipin sa mga alituntuning iyon walang saysay? Marami kayong ipinagpipista-- sari-saring araw, buwan, panahon, at taon. Nangangamba ako na baka masayanag lamang ang pagod ko sa inyo." Gal. 4:9-11 SNB
Kaya kaming mga Iglesia ni Cristo ay hindi nagcecelebrate ng fiesta at naniniwala sa mga santo at patron. Ang totoo, hanapin nyo pa sa kasaysayan, ang selebrasyon ng pista ay wala sa bibliya at imbento lamang ng Iglesia Katolika. Hindi namin sinisiraan ang mga pista niyo, nilalabas lang namin ang katotohanan na nakasulat sa bibliya.
Nasa sa inyo na yon kung ipagpapatuloy nyo pa rin ang inyong pista, at pagsamba sa inyong patron na kinakasuklaman ng Diyos. Alam niyo na kung saan ang bahagi niyo...
Nasa sa inyo na yon kung ipagpapatuloy nyo pa rin ang inyong pista, at pagsamba sa inyong patron na kinakasuklaman ng Diyos. Alam niyo na kung saan ang bahagi niyo...
Sana matauhan Na ang mga kato liko dati run ako kato kaso Hindi nag sisimba buti nalang may nag akay sakin at dati KO pa gusto mag inc
ReplyDeleteLahat tayo,napalaki sa maling aral.
ReplyDeleteAko nga,lolo at lola ko,Katolikong sarado.Yung mga Santo nila,puno yung bulsa.Samantalang kaming humihingi ng kahit piso,walang maibigay.
Matagal na akong nagtitimpi pero buti na lang may nag-akay sa akin sa Tamang Daan.
"Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga." Col. 2:16 pero bakit kayo nag papasakop pa sa alituntunin ng pagkain sa old testament na wag kakain ng dugo?
ReplyDeletewag nyo angkinin na kayo nga ung tinatatag ni kristo na iglesia nya, Unang una sa Bibliya noong itinayo ni Cristo ang Kanyang iglesia (Mateo 16:18) ay napakalinaw HINDI nya ito PINANGALANAN.
Nakaraming sekta ang UMAANGKIN nito porket may pangalan CRISTO o DIOS eh iyun na agad ang paniniwalaan.
Isa na rito kayo Iglesiang sumulpot noong July 27, 1914 na itinatag ni Felix Y. Manalo dahil sa napakagulong turo at aral ng ating mga kapatid sa INC1914 nakalimutan na ata nila ang pahayag at itinuro nito sa kanilang Official Magazine —-ang PASUGO.
“Ang IGLESIA KATOLIKA na sa panimula ay syang IGLESIA NI KRISTO.”
-Pasugo April 1966, page 46 --- tingnan nyo yan mismong si Parva sa debate nataranta kung paano papalusutan yan mga gunggong!
“The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century…”
-Pasugo March-April 1992, page 22
“The Church of Christ has truly became the Catholic Church, the Writers and Historians continue to treat both as synonymous
-Pasugo, January-March 1995 page 8
“So we don’t question the claim of the Catholic apologist, that the CATHOLIC CHURCH alone could trace back its origin from the apostles.”
-Pasugo, April 1965, Page 41 (Bro. C.P. Sandoval)
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostle, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
-Pasugo July-August 1988, page 6
Ung mismong pasugo nyo na umaamin di ba kayo nahihiya nyan? wahahahah.. delete nyo sigurado ito dahil mababasa ng mga member nyo to guys!.. paktay!
Aral din pag may time
DeleteBaka iba ung nabasa mo Bi na brainwash mo kami baka nga ikaw pa ung mali eh kung ayaw niyo ang INC edi umalis na kayo dito sa site na to kasi mga gustong mag INC lang ang pupunta dito hindi mga bashers
ReplyDeletebawal po ba ang pagpunta sa pista ng barangay or lungsod?
ReplyDeleteHindi naman bawal kung iba naman ang purpose mo hindi ka makikipiyesta.
Delete