"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 4, 2013

Nagsisinungaling ba ang Diyos ng Iglesia ni Cristo?



May video clip na ikinakalat at minamali ang pakahulugan ng mga kampon ni Mr. Soriano sa internet. Ang pagkakaintindi nila, inamin daw ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo na ang Diyos namin nagsisinungaling.

Anong klaseng pag intindi ba ginawa nila?

Napakaliwanag sa clip na iyon, ang punto doon, KAYA NG DIYOS, GOD CAN, hindi naman sinabing NAGSINUNGALING ang Diyos o MAGSISINUNGALING ANG DIYOS ayon sa bibliya.

Ang usapin dito ay kung KAYA ba niya o HINDI.

Bilang Diyos na makapangyarihan sa lahat, kung gugustuhin ba niya, KAYA NIYA?

Sagot?

Alam ng lahat ng tao na masama ang pumatay ng kapwa niya.

Lahat ng tao sa mundo KAYA ang pumatay kung gugustuhin niya.

Maraming paraan para pumatay ng kapwa...

Kung meron namang materials at meron tayong katawan, KAYANG KAYA NATIN kung gugustuhin natin. Pero dahil alam nating mali iyon, na labag yon sa batas ng tao at batas ng Diyos, HINDI NATIN YON GAGAWIN.

Kahit 4 years old na bata pag pinagawa mo ng masamang bagay, KAYANG KAYANG gawin. Kasi kaya nila, capable sila kasi may katawan silang nagagamit para isagawa ang bagay na iyon. Pero kung alam nilang mali iyon hindi nila iyon gagawin.

Ganoon din sa Diyos, imposible sa Diyos ang magsinungaling, pero dahil makapangyarihan siya sa lahat, kahit anong bagay KAYA NIYANG GAWIN. Kaya niyang bigyan ka ng sakit at ng salot, kaya ka niyang lipulin ang mga tao, KAYA rin niyang magsinungaling kung gugustuhin niya, pero hindi niya gagawin dahil imposible sa Diyos ang magsinungaling.

Gets?

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.