"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

September 28, 2015

Iba't ibang akusasyon ni Kelly Ong na mga korupsiyon daw sa Iglesia

Pagkakita ko sa fanpage ni Kelly Ong, may nakatawag ng pansin sa akin na isa sa kaniyang mga kasinungalingan upang malinlang ang mga kapatid.

Ang post nya ay tungkol sa pag iral ng mga bagay na wala sa panahon ng Ka Felix Manalo at Ka Erano Manalo ay nangangahulugan daw na isang korupsiyon.

Ang reaksyon ng isang kapatid na matitisurin at walang tiwala sa Diyos--> teka, oo nga no?

Ang reaksyon ng isang tunay na kapatud na may pananampalataya at may tiwala sa Diyos--> teka, parang may mali?

Maganda po na sa bawat pagbabasa ng kanilang mga argumento at mga akusasyon ay binubuksan nating maigi ang ating kaisipan at pinapalawak natin ang ating pang unawa. Upang sa ganoon ay huwag po tayong matangay at malinlang sa mga taong gusto tayong ihiwalay sa ating mga paglilingkod.

Ito po ang sagot ko sa post ni Kelly Ong sa kaniyang fanpage (black) at ang post mismo nya (red)...

September 15, 2015

Pinatunayan na nilang silay tunay na laban sa Sugo at sa Diyos

Ang grupo ni Antonio Ebangelista po ay UMAAMIN na, na silay LABAN SA SUGO AT SA ATING PANGINOONG DIYOS sa pamamagitan ng pagwawalang bahala at paggawa ng mga kasinungalingan sa ipapalabas na pelikula tungkol sa kinikilala nating sugo ng Diyos sa mga huling araw: Ang Ka Felix Manalo.

Kung matatandaan nyo ay naglabas ako ng artikulo na may pamagat na "Ang "Felix Manalo" Movie at sila Antonio Ebanghelista" at ang link ng blog na ito ay aking ipinarating sa kanila, lalo na kay Kelly Ong.

Ganito po ang sinasabi sa nabanggit na artikulo:


Curious lang ako, ano kaya ang reaksyon at ang magiging aksyon ng grupo ni Antonio Ebanghelista sa paglabas ng pelikula patungkol sa Ka Felix Manalo?
Ang magiging aksyon kasi nila ang isang magiging napakatibay na ebidensya kung ANO BA TALAGA ANG GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA. 
Anong ibig kong sabihin? 
Kung babalikan natin ang mga sinasabi ng grupo nila, sabi nila HINDI DAW SILA LABAN SA IGLESIA, SA PAMAMAHALA, SA SUGO, SA KA ERANO, AT LALO NA SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Ginagawa lang daw nila ito para "malinis" ang Iglesia. Kaya kahit silay tiwalag na naniniwala pa rin daw sila na ito ang tunay na Iglesia at ang nagtuturo ng tunay na mga aral ng Diyos. 
Kung sasakyan natin ang sinasabi nilang ito...
Naisip ko... 
A. Kung hindi nila ipo-promote ang pelikulang ito, sa halip ay ginawan pa ng masasamang kwento, isa lang ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, SILAY TUNAY NA KALABAN NG SUGO AT NG DIYOS. 
Ang pelikulang ito ay WALANG KONEKSYON sa mga nangyari kamakailan lang na pagkakatiwalag ng pamilya ng Ka Erano, mga pagkakatiwalag ng mga ministro at mga kapatid, mga paglaban sa pamamahala, kidnapping, katiwalian and so on... 
Ang PELIKULANG ITO ay tungkol sa buhay ng kinikilala nating SUGO NG DIYOS, bilang mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, ang Kapatid na Felix Manalo. 
Kaya mga instrumento lamang ng Diyablo ang gagawa ng mga paninira sa pelikulang ito.

B. Kung i-ignore lang nila ang pelikulang ito na para bang WALA LANG, isa na naman ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, WALA NA TALAGA SA PUSO NILA ANG PAGIGING IGLESIA NI CRISTO AT HINDI NA NILA KINIKILALA NA SUGO SI KAPATID NA FELIX MANALO. 
Kung kaya, ang lahat ng ginagawa nila ngayon na kesyo para daw maiayos ang Iglesia at maibalik ito sa dati ay isa lamang MALAKING KASINUNGALINGAN sa likod ng kanilang tunay na mga plano. 
Ngayon, ano kaya ang gagawin ng grupo ni Antonio Ebanghelista??? 
A. Hindi ipo-promote ang pelikula, gagawa pa ng masasamang kwento, at akusasyon 
B. Ignore lang, kunwari walang pelikulang ipapalabas ang Iglesia
C. Makikiisa sila sa pagpo-promote ng pelikulang ito para patunayan sa lahat na "naniniwala pa rin sila na TUNAY ANG IGLESIA NI CRISTO NA IPINANGARAL NI KA FELIX MANALO at kinikilala pa rin nila ang kahalalan ni KA FELIX MANALO" kahit pa sila’y MGA TIWALAG NA O HINDI NA KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.


Magmasid nalang tayo mga kapatid! :)

September 14, 2015

Pagpupugay sa mga kapatid na "S.C.A.N"

Nung ipinost ko sa isang fanpage ang artikulo kong "Paglilinis pagkatapos ng malalaking pagtitipon, gawain ng Iglesia" may isang comment doon na nakatawag ng pansin ko. 

Hindi ko na maalala yung saktong mga sinabi nya ngunit nagpapasalamat sya sa SCAN dahil sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo magampanan lang ang kanilang mga tungkulin.

Napaisip ako, oo nga no?

Para sakin, sa lahat ng tungkulin sa Iglesia, kung pisikal na paggawa lang ang pag uusapan, ang mga kapatid natin na taga- SCAN ang unang papasok sa isip natin. Sila kasi ay mga multi-tasker, marami silang ginagawa para maging katuwang ng Iglesia sa kaayusan. Sila ang makikita nating nangunguna sa:

1. Pagtulong sa pag aayos ng mga venue ng aktibidad
2. Pagtulong sa paglilinis ng mga venue pagkatapos ang aktibidad
3. Pagpapatupad ng kaayusan: seguridad at trapiko tuwing may isinasagawang aktibidad at sa mga pagsamba
4. Pagbabantay ng kapilya
5. Pag-rescue kapag may mga emergency kung may bagyo etc.
6. Nakikipagkaisa sa mga proyekto ng pamahalaan hal. bantay lansangan. 
7. Pagdi-distribute ng relief goods kapag may Lingap Pamamahayag o Lingap sa Mamamayan

Ano pa ba?

Sa dami nilang ginagawa sila yung mga kapatid na pag tayo nasa tahanan na pagkatapos ng mga aktibidad sila naman nandoon pa rin, sila yung pinakahuling umuuwi dahil sa pagtupad pa rin ng kanilang tungkulin. 

Pagod, puyat, sakripisyo...

Kaya naman SALUDO po ako sa mga kapatid nating taga SCAN INTERNATIONAL!

MABUHAY PO KAYO!

Huwag po sana kayo magsasawa at mapapagod tuparin ang inyong tungkulin dahil malaki ang ginagampanan nyo upang matulungan ang buong Iglesia. Ang Ama na ang bahalang magsukli sa lahat ng inyong pagpapagal. Pagpalain nawa po ang inyong sambahayan.

"FELIX MANALO" MOVIE FULL TRAILER AND REVIEW




Simula ng mailabas pa lang ang teaser trailer ng "FELIX MANALO" ay sobrang excited na ang lahat ng kapatid lalo na habang palapit ng palapit ang araw ng paglabas nito sa mga sinehan sa buong bansa--> Oct. 7, 2015.

Mga pangyayari na dapat i-expect sa pelikula, ayon sa inilabas na full trailer:

1. Pag alis sa Iglesia Katolika at pag anib sa ibat ibang relihiyon
2. Paghahanap ng katotohanan at ang pagsisimula ng kaniyang pagpapangaral ng Iglesia ni Cristo
3. Personal na buhay at buhay-pag ibig ng Ka Felix Manalo
4. Mga pag uusig na naranasan ng Ka Felix sa pangangaral ng Iglesia, at pag uusig sa mga kapatid mula ng maanib sa Iglesia
5. Pagkarehistro ng Iglesia sa gobyerno ng Pilipinas
6. Pagkumbinsi kay Ka Felix Manalo na mamahala sa lahat ng relihiyon sa Pilipinas ngunit tumanggi ang Sugo
7. Pag uusig sa kamay ng mga hapon
8. Rebelyon na pinangunahan ni Teofilo Ora
9. Pagkilala kay Ka Felix Manalo ng "Christian Mission" bilang Outstanding Evangelist sa Sine Gloria, 1918

September 7, 2015

VIRAL STORIES: "Kasalanan lahat ng Iglesia ni Cristo"?

Pasensya na kung medyo late na ang post ko na ito, kapag restday lang po kasi ako nakakapag blog kaya napag iiwanan ako ng mga issues na dapat sagutin kaya pagbigyan nyo na :D

At ayokong palagpasin ang pagkakataon na ito para ipakita ang katotohanan sa iba lalo na dun sa mga hindi pa nakakaalam ng totoo.

May dalawang storya sa facebook ang naging viral tungkol sa naging epekto ng malaking traffic sa EDSA dahil sa naging rally ng Iglesia ni Cristo na hindi maintindihan at hindi kayang intindihin ng mga hindi kaanib.

ISTORYA NG NATUNAW NA ICE CREAM:



Reaksyon ng mga hindi kaanib: 

P#$%^& ina nyo, sayang yung ice cream!
Tignan nyo, pati buhay ng mga karaniwang tao dinamay nyo!

Reaksyon ko naman: Nahiya naman ako sa ice cream, mas importante pa yung ice cream kesa dun sa ginagawang panggipit sa Iglesia? Yung tipong mga lider ng Iglesia ay aarestuhin ng walang kalaban laban sa kasong isinampa ng may motibong pabagsakin ang Pamamahala ng Iglesia: Ang maalis ang SANGGUNIAN? 

Hindi naman kami titira sa EDSA, nag rally lang kami para ipaabot sa gobyerno, kay Sec. De Lima at sa sambayanan ang aming hinaing. Kung nagdulot kami ng malaking traffic sa EDSA, humihingi po kami ng paumanhin. Pero yung bibigyan ng mas pagpapahalaga yung natunaw na ice cream para lang sabihing ANG SAMA SAMA NG IGLESIA NI CRISTO, napakababaw naman! Parang di naman nakapag aral nyan.

Ang katotohanan...

Sinisi nga ba ang INC rally?


Hindi naman pala.

Ngunit para sa naging istorya nya, natutuwa ako sa kaniya dahil sa pagiging mapagbigay sa kapwa at mapagmahal sa anak. Yung tipong kahit nag alok pa siya, tapos sa di pa kakilala...



ISTORYA NG NAMATAY DAW DAHIL SA NAGING TRAFFIC DULOT NG INC RALLY:









At may isa namang poser ang artistang si Ruffa Gutierrez:




 Ang katotohanan....

POSER lang pala ang account na iyon. Kaya ang panawagan ng totoong RUFFA G.:


 


Ngayon, malalaman natin nasadyang mapanghusga ang karamihan sa atin, hindi man lamang inaalam ang katotohanan. Gumagawa na nga ng mga kasinungalingan, ang iba namay gumagawa ng ISYU mula sa maliliit na bagay.

Masabi lang na KASALANAN LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO.

Sige po, lahat na isisi nyo sa INC. Mapa problema sa pamilya, sa gobyerno at sa ibang relihiyon. Kung diyaan kayo magiging masaya at kung sa tingin nyo nagiging mabuting tao kayo dahil dyan. Sige lang...

Magtiwala sa magagawa ng Diyos

Ano nga bang dapat nating gawin sa mga pagkakataong ito ngayong nakakaranas tayo ng NAPAKALAKING PAGSUBOK?

Pagsubok sa Iglesia, at pagsubok sa pananampalataya ng mga kaanib.

Isa lang ang alam kong sagot dyan: MAGTIWALA PO TAYONG LUBOS SA MAGAGAWA NG ATING PANGINOONG DIYOS.

Simple lang po diba?

Ngunit bat parang hindi ata natin ginagawa?

Nakakalimutan ata natin?

At PINAGWAWALANG HALAGA PO ATA NATIN?

Inspired ang artikulo kong ito sa katanungan ng isang kapatid na nag email sa akin. Alam ko ang ilan sa mga kapatid ay may kaparehas na katanungan at nararamdaman, hindi alam ang gagawin at gusto ng kasagutan.

Lahat ng mata nakatingin sa Iglesia ni Cristo

Totoo po yan. Simula ng inilabas nila G. Angel Manalo ang kanilang youtube video kung saan nanghingi sila ng tulong sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo, ito ang simula ng pakikipaglaban ng grupo nila na pabagsakin ang pamamahala ng Iglesia. 

Ito rin ang simula ng pagtutok ng buong bansa sa mga nangyayari sa Iglesia ni Cristo. Religious matters turned into national issue. Galing ano? Yan talaga ang balak ng grupo ni Antonio Ebanghelista dati pa.

At dahil parang naging national issue na ito kaya ang LAHAT NG MATA nakatingin sa Iglesia ni Cristo. Mapa maliit na balita, asahan nyo na may sasabihin at sasabihin sila. Ngayon lang kasi ang unang pagkakataon na nagkaroon ng malaking "eskandalo" (kung tawagin ng iba) sa Iglesia. Gusto kasi nilang MAKA TABLA dahil kung pag uusapan ang kasaysayan, bagsak na bagsak ang kanilang relihiyon sa kahihiyan dahil sa ibat ibang usapin ng korupsyon, marangyang pamumuhay ng mga pari, sex scandals, pagpatay at iba pa.

Kung meron nga naman silang mai-papanira sa Iglesia, eh di lalabas PATAS na ang laban.

Kapag nagkakaroon ng mga usapin sa relihiyon nila, kung mapapansin nyo, hindi iyon BIG DEAL sa kanila. Kasi PANGKARANIWAN na eh. Kung may mabalita na nangrape na pari, common na. Kapag na eskandalo ang Iglesia Katolika, common na rin. 

Eh sating mga kaanib sa Iglesia ni Cristo?

History repeats itself

Totoo pala yung sinasabi nilang "History repeats itself", yan ang napagtanto ko sa mga nangyayaring ito sa Iglesia sa kasalukuyan.

Kung babalikan kasi natin ang kasaysayan ng Iglesia, may mga nagsagawa na ng REBELYON at ang mga may pakana ay mismong mga mangagawa sa Iglesia (part of the 1st batch of ministerial students).

At kung iisipin nating maigi, NAGKAROON NG REBELYON, NAGTAYO SILA NG SARILING RELIHIYON, MARAMING KAPATID ANG SUMAMA SA KANILA, MAY MGA KAPATID NA NATIRA, MAY ILANG KAPATID NA BALIK LOOB... Naging payapa na uli ang Iglesia at sumunod na ang mga tagumpay...

KUNG LAHAT NG KAPATID AY NANGHINA, AT NAGPATANGAY SA MGA NAG REBELDE SA IGLESIA, tanong, AABOT KAYA SA 101 TAON ANG IGLESIA SA KASALUKUYAN?

Medyo nagkakaroon na ba kayo ng ideya kung ano gusto ko tumbukin? :)