Iba iba kasi ang paraan ng pagsamba sa ibat ibang relihiyon, iba sa Iglesia Katolika, sa El Shaddai, sa born again, sa ADD, sa mga saksi ni Jehova, sa Mormons, at lalo na sa labas ng Kristiyanismo tulad ng Islam at Buddhism.
Karamihan naman eh nahihiyang subukan na pumasok sa loob ng kapilya ng Iglesia ni Cristo kapag naisipan nila na i-try sumamba. Meron din kasi silang mga tsismis na nasasagap halimbawa na lang, bawat isa daw hihingian ng abuloy at marami pang iba. Ito ang nagiging dahilan para hindi nila ituloy ang pagdalo ng pagsamba o paunlakan ang imbitasyon ng kaibigan, kamag anak o kakilala na kaanib sa Iglesia.
Anu anong makikita sa loob ng kapilya o gusaling sambahan ng INC?
1. Pagpasok niyo sa lobby, makikita ang mga kalihim (nagbibigay ng katibayan sa pagsamba para sa mga sumamba na galing sa ibang lokal o kaya ay para sa mga dinudoktrinahan at sinusubok), mga diakono at diakonesa (na tumutulong sa kaayusan sa pagsamba).
2. Hiwalay po ang upuan ng mga babae at lalaki, para maiwasan ang mga kwentuhan o kung anuman na makakasira sa solemnidad sa pagsamba. Meron ding mga nakaupong diakono at diakonesa sa row sa dulo ng mga upuan.
3. Makikita niyo sa harap, sa itaas ay ang koro (kung saan nandoon ang mga mang aawit at organista), sa ibabang bahagi ay ang tribuna (kung saan doon umuupo ang mga ministro/manggagawa at pangulong diakono na mangangasiwa ng pagsamba) at sa harap din mapapansin ang malaking kaban (ito ang pinaglalagyan ng mga kusang handog ng mga sumamba na nilikom ng mga diakono at diakonesa).
Wala po kaming larawan o rebulto ng mga santo, ni Maria at ni Kristo. Wala rin makikitang krus. Wala ring mga "paintings" sa kisame o kung saan man di tulad sa mga simbahan ng Iglesia Katolika. Wala kaming retablo, altar at confessional.
Paano isinasagawa ang pagsamba?
Narito po ang pagkakasunud-sunod:
1. Singing of hymns (Mga pag awit)
Ang pag awit ay importante sa mga pagsamba dahil itoy pagpupuri sa Diyos. Meron kaming ginagamit na "Himnario (hymnbook)" kung saan bago magsimula ang bawat pag awit ay makikita sa may koro ang numero ng aawitin at pangungunahan ang pag awit ng mga mang-aawit.
2. Opening prayer (Panalangin)
Bago ang pagtuturo ng ministro ay isasagawa muna ang pananalangin sa Diyos. Ito ay papangunahan ng ministro ding nasa harapan, at sasagot naman ang kapulungan ng OPO at AMEN bilang pagsang ayon sa nananalangin. Kami ay nakatayo ng maayos at nakapikit habang nananalangin, para sa kaayusan at solemnidad ng pakikipag usap sa Diyos.
3. Sermon (Pagtuturo ng ebanghelyo)
Ito ang pinakaimportante, kumbaga, ito ang main part of the worship service. Ang ministro ang nagtuturo, ang mga sumasamba naman ay nakikinig. Pwede namang itake down notes ang mga talata sa bibliya na nababanggit ng ministro saka sa bahay tignan sa sariling bibliya, sa halip na magdala ng bibliya at doon buklat-buklatin. Ang lesson na itinuturo ng mga ministro sa bawat lokal sa buong mundo ay nanggagaling sa Central, kaya kahit saan ka man sa mundo sa pagkakataong yon iisa lang ang matatanggap nyong aral. Merong pinagbabasehan ang ministro sa kaniyang pagtuturo, hindi po ito tulad sa ibang relihiyon na kung ano na lang ang maisip sa pagkakataong yun eh yun na ang kaniyang sasabihin.
4. Prayer (Panalangin)
Sa pagtatapos ng pagtuturo ay muling mananalangin.
5. Collection of voluntary offerings (Paglilikom ng handog)
Ang mga diakono at diakonesa ang pupunta sa lahat ng mananamba upang lumikom ng handog ng nasa kaayusan, kasabay ang pag awit ng mga mang aawit. Kapag nalikom na ang lahat ay ilalagay ito sa kaban na nasa harapan.
6. Prayer (Panalangin)
Pagkatapos malikom ang mga handog ay ipapanalangin ito ng pangulong diakono.
7. Doxology
Aawitin ang doxologia.
8. Benediction (Pagbabasbas)
Basbasbasan ng ministro ang mga sumamba.
9. Reading of circulars/reminders (Pagbabasa ng mga sirkular o mga paalala)
Babasahin ang mga serkular o mga paalala.
10. Recessional hymn (Awit sa paglabas)
Lalabas ang mga sumamba row by row para sa kaayusan kasabay ng pag awit ng mga mang aawit.
Para sa kaayusan
Ang pagsamba ay SA DIYOS. Dapat pinaghahandaan, isinasagawa ng may kaayusan at may solemnidad. Kaya ang lahat, kung mapapansin nyo ay talaga namang may sistema, para sa KAAYUSAN:
"Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay." I Cor. 14:40
Dun pa nga lang sa pagpasok nyo sa gate ng kapilya sa labas, meron ng mga nagpapatupad ng kaayusan doon sa tulong ng mga SCAN. Sa pag-upo naman sa pagpasok sa kapilya meron ding mga diakono at diakonesa na magbibigay sayo ng himnario at i-aasist ka kung ano man ang sitwasyon.
Ang pagsasagawa po namin ng pagsamba ay hindi "kung saan saan lang" hindi sa kalye, sa plaza o saan man, kundi sa loob ng kapilya o kaya naman ay sa maayos na venue. Isa pang mapapansin nyo ay ang pananamit namin, sa lalaki ay naka polo, slocks at black shoes, sa babae naman ay naka blouse at naka palda. Tandaan po natin, ang pagsamba ay SA DIYOS kaya dapat lang na kaaya aya sa panahon ng pagsamba ang pananamit natin.
Ang mga cellphone din ay iniiwan sa labas ng kapilya para di makaagaw ng pansin at para makatuon ang sumasamba sa isinasagawang pagsamba sa Diyos. Dapat din maging maaga sa pagsamba, kung 5:45 am ka dadalo, dapat 5:00-5:30am dapat nasa loob ka na ng kapilya para magkaroon din ng panahon para sa pansariling pananalangin. Ang pagsamba po ay hindi parang nanonood ka lang sa sinehan, kung ano oras ka darating eh ok lang o kaya naman eh pwedeng alis ng alis sa upuan. 1 oras lang naman ang ibibigay natin sa Diyos para sumamba kaya gawin na po nating nasa kaayusan at naka konsentreyt lamang doon.
Kaya sa susunod po kung gusto nyo ma-experience sumamba sa Iglesia ni Cristo huwag po kayo mahiya, dahil dito nyo mararamdaman ang TUNAY NA PAGSAMBA SA DIYOS, sapagkat iisa lamang ang tunay na Iglesia at naririto ang tunay na Diyos, nasa Iglesia ni Cristo.
kahit po ba hindi Iglesia ni Cristo ay pwedeng pumasok sa kapilya upang matry at malaman kung ano ang pinagkaiba sa ibng relihiyon?
ReplyDeleteOpo welcome po kayo sa isinasagawa po naming pagsamba tulad nang sinabi sa akin noong kasalukuyan na nagsusuri pa ako wat back 2000 na ganiro "suriin po ninyo sa aral kung may makita po kayong maling ARAL Kahit isa sabihin po ninyo sa akin at aalis po ako at hahahanap ng iba, subalit pangungunahan ko na po kayo wala po kayong makikita Kahit gahibla.......God bless po!
Deletepag wednesday po ba ng gabi may samba po ang iglesia.thank u po
DeletePwde po
DeletePwd po
DeleteCan you guys give an example of prayer para sa doktrina at sinusubok ( opening and closing prayer I mean before and after lesson (
ReplyDeleteMas mainam po kung subukan nyo na dumalo sa pagsamba, doon po ninyo maririnig ang tunay na pagsasagawa ng panalangin o pagtawag sa Panginoong Diyos at Panginoong Hesus, at makakapakinig po kayo ng mga tunay na aral at mga katotohanan na amin pong sinasampalatayanan at ang mga aral po ay mula po sa bibliya lamang at hindi sariling aral na gawa lamang po ng tao, bilang kaanib po sa Iglesia Ni Cristo, inaanyayahan po namin kayo dumalo sa aming mga pagsamba upang magsuri po kayo, welcome po kayo sa bawat pagsamba
Deleterequest ko lang ng mga dagdag bible verses kapatid,
ReplyDeletePano po mag doktrina meron po kasi akong kaibigan 2 years na nya ako palaging iniimbitahan sa pamamahayag lagi naman akong dumadalo gusto kopo sana mag iglesia ngayon salamat po.
ReplyDeleteNakapagpadojtrina na po ba kayo?
DeleteAng pagpapadoktrina po ay 6 months. Kapag ang pagsamba ay hindi tuloy-tuloy ito ay tataagal ng tatagal. And dapat po pumirma sa kalihiman every thursday and weekends para there's a proof na sumamba ka and last yung prayer every weekend. Yun lang po sana may nakuha kayo.
DeleteAno pong mangyayari sa sinusubok pag may dalawa na siyang absent sa pagsamba? First of the month, Sunday hindi nakasamba. Then 2weeks after hindi ulit nakasamba ng Thursday.
DeleteBakit po hindi sumasayaw ang INC pag nagsisimba?
ReplyDeleteParaang pagano po ata kasi yung sumasayaw na pagsamba....ang sabi lang kasi po ay awitan ng mga papuri ang Diyos, hindi sinabing samahan ng sayaw...
DeletePano po maging myembro?
ReplyDeleteMagsabi ka Lang Po sa loob Po Ng kapilya at tulungan kapo namin hanggang mabatismuhan kapo at kapag Po Iglesia kana tulungan kaparin ponain
Delete1Purihin si Yahweh!
ReplyDeleteSa banal na templo, ang Diyos ay awitan,
purihin sa langit ang lakas na taglay!
2Siya ay purihin sa kanyang ginawa,
siya ay purihin, sapagkat dakila.
3Purihin sa tugtog ng mga trumpeta,
awitan sa saliw ng alpa at lira!
4Sa tugtog ng tambol, magsayaw, purihin,
mga alpa't plauta, lahat ay tugtugin!
5Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang,
sa lakas ng tugtog siya'y papurihan.
6Purihin si Yahweh lahat ng nilalang!
Purihin si Yahweh!
Bakit hindi po ganyan ang ginagawanyong pagsamba?
Opo welcome po kayo. Punta lng po kayo sa pinkamalapit naming kapilya. Reminder LNG po huh. Mahigpit pong pinagbabawal kumuha ng picture sa loob ng Simbahan. ��
ReplyDeletePsalm 149:3
ReplyDeleteLet them praise His name with dancing; Let them sing praises to Him with timbrel and lyre.
Psalm 150:4
Praise Him with timbrel and dancing; Praise Him with stringed instruments and pipe.
2 Samuel 6:14
And David was dancing before the LORD with all his might, and David was wearing a linen ephod.
pagano ba si david nung sinamba niya ang Dios sa pagitan ng pag sayaw?
advice ko sa inyo, pls read your bible.. hehe di ako against sa inyo. basahin nyo lang talaga mga bibliya nyo wag kayo maniwala sa sabi ng tao. maniwala kayo sa salita ng Dios.
Iyan ay isang paraan o isang bahagi ng pagsamba ng ginawa nila noon. Kung ang mga talatang iyan lang ang pagbabatayan, basahin din natin ang mga talatang ito:
ReplyDeleteMga Awit 149:5-6
5Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang,
sa kanilang pagdiriwang ay magsaya't mag-awitan.
6Papuri sa ating Diyos, ipahayag nang malakas,
hawak-hawak ang espadang dobleng-talim at matalas,
Ibig sabihin, sa pagsamba dapat may hawak na espada?
Ang Pagsambang Kongregasyunal na isinasagawa sa loob ng Iglesia Ni Cristo (madalas araw ng Huwebes at Biyernes) ay upang matuguanan ang hinahanap ng Panginoong Diyos na na may Kaayusan na Pagsamba, may solemnedad.
Ang totoo mayroon din kaming mga pagtitipon na may umaawit, may sumasayaw at iba pang programa. At ang pagtitipong ito ay hindi lang para "magsaya" kami, kundi masaya kami na natitipon para sa Kapurihan ng Panginoong Diyos.
Pinaka mabuti, kung mayroon po kayong gustong malaman tungkol sa Iglesia Ni Cristo, magsadya po kayo sa aming mga Bahay-sambahan at magtanong sa mga Ministro at Mangagawa.
check nyo nlng po nag sched ng malapit n lokal s inyo..thx po
ReplyDeletegaano po ka tagal ang mga meetings?
ReplyDeleteHello Jaime28,
DeleteAng mga pagsamba po namin ay tumatagal more or less 1hour.
Salamat po