"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 13, 2014

Mga panloloko ng Catholic defenders pinatunayan ni Catholicdefender2000

Himalang nabuhay na namang muli ang ating kaibigan na si Catholicdefender2000. Sa halip na pasinungalingan ang aking post, ayun at pinatunayan nya lang lalo na TOTOO ang mga panloloko ng mga depensor katoliko.

Paano ko nasabi?

Simple lang, wala ni isa sa mga sinabi niya ang nagpatunay na DI TOTOO ang mga panloloko, nagkwento lang siya ng kung ano ano. nonsense ika nga.

Kayo mismo ang magbasa ng bago niyang artikulo, paki-click dito.

At dahil isa sya sa mga Catholic Defender = manloloko at sinugaling, eto na naman at pinakita na naman ang ugali niya, sabi po niya:

Nagkalat na naman ng PANLILINLANG itong tagong Ministro ng INCorporated ni Manalo-- ang Iglesia ni  Cristo® 1914. Ang sabi niya "90% ng depensor katoliko sa Pilipinas ay matatawag na "manloloko"..." [Source: http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2014/06/ang-mga-panloloko-ng-catholic-defenders.html#more]

Ang gulo nya diba?

Minsan sasabihin ministro daw ako, minsan naman MIYEMBRO. 

Ano ba talaga?

Ganyan talaga pag sinungaling, hindi kayang panindigan ang mga sinasabi. Eto kontrahan nya:


"INC Minister "readme" tried to justify the presence of Felix Manalo's statue at their Central Temple in Diliman, Quezon City (Philippines)." source


VS.

"Happy New Year" greetings from an Iglesia ni Cristo member (readme) at http://readmeinc.blogspot.com/2011/01/happy-new-year.html" source

"Readme (an Iglesia ni Cristo member) was claiming 2 Thessalonians 2:3 as his biblical evidence that there was such an occurrence like "Total Apostasy" or "Complete Disappearance" of the Church founded by Christ." source 

Sino ang sinungaling? Si Catholicdefender2000 o si Catholicdefender2000? :)

Sabi niya sa kaniyang post:

"Unang-una, HINDI po layunin ng mga Catholic Defenders ang MANLOKO at MANLINLANG sapagkat tayo po ay NAGNANAIS na LINAWIN ang mga BINTANG ng mga ministro ng INCorporateed Church of Manalo."

Paano naman kaya niya mapapatunayan na hindi mga MANLOLOKO at mga MAPANLINLANG ang mga Catholic defenders sa Pilipinas eh may mga ebidensya ako at patuloy pang may ma idadagdag na ebidensya sa mga panloloko nila.

Eto muli ang mga PANLOLOKO ng mga Catholic Defenders na hinding hindi niya kayang pasinungalingan:

#1- Catechism of Christian Doctrine


Ang kinokowt ng mga ministro ng INC sa pasugo at kahit sa telebisyon ay ganito:



 

Tapos sabi nila MINALI daw ng mga ministro ang pagkakakowt kasi daw ang nakalagay sa orihinal ay ito:



 
Hindi daw "pagsamba" o WORSHIP ang nasa orihinal kundi "HONOR" lang.

Yun pala sila itong mga nanloloko dahil ang ginamit nila ay ang Catechism of Christian Doctrine no.4 samantalang ang kinokowt naman ng INC ay ang Catechism of Christian Doctrine no. 3. Eto po maliwanag na maliwanag:





#2- Tula ni Ka Daniel Lapid Sr.


Ganito ang kinakalat ng mga CFD na may tula diumano sa pasugo na sinasabing sinasamba daw namin si Ka Felix Manalo:



  
Nung nahanap ng mga kapwa ko INC member ang pasugong iyon ito pala ang nakalagay:




 
Banat ni Catholicdefender2000:


"Nasaan ang patunay na 'yan nga ay sipi mula sa Pasugo, May 1966?"

Kung tutuusin kahit hindi ko ipakita ang buong pahina eh okay lang sa mga mambabasa ko na INC, katoliko at iba pang pananampalataya, may kredibilidad kasi ako, 5 years na akong nagboblog at hindi ko inugali na maging bias at maging SINUNGALING hindi tulad nyong mga CFD na mga manloloko.

Pero para sayo CD2000 eto:





Happy?

Panloloko #3- Pasugo March 1956, p.25



Madalas mag-quote si Catholicdefender2000 ng mga pasugo DIUMANO na nagsasaad ng mga kontradiksyon o ng kung anong impormasyon na kanilang minamali.

Isa na rito ang Pasugo March 1956, p.25 kung saan may nakasaad daw dito na itinatag ang Iglesia Katolika noong 1870 AD at sinulat daw ito ni Ka Teofilo Ramos.

Pero nung nahanap ang mismong Pasugo wala namang ganoong nakalagay at hindi si Ka Teofilo Ramos ang sumulat ng artikulo kundi si Ka Lauro Dolorito:






Eto may bago akong update, pasinungalingan mo CD2000 na may bibliya nga talaga na nag eexist na ang nakalagay sa mat. 16:18 ay HOLY CATHOLIC APOSTOLIC CHURCH at hindi "MY CHURCH". Patunayan mo na ganyan ang nakasulat sa Confraternity version.

Eto nga po pala yung panloloko ni Mr. Talibong, isang CFD na humarap sa debate vs. INC:





At dahil nga hindi na napasinungalingan pa ni CD2000 ang mga ebidensya ng panloloko nila, abay nagrequest na sagutin ang mga tanong niya, sige pagbigyan, mabait naman ako eh :)

________________________________________________
PAKISAGOT!

1. Sabi ng yumaong EraƱo Manalo, "halos lahat" daw ng mga Ministro niyo ay mga "mandaraya"? [Basahin dito]
  
Figure of speech lang yan hindi yan literal, sinabi yan ni Ka Erano sa klase ng mga ministro kaya gets nila ang gustong iparating sa kanila, dahil kung totoo ang  "HALOS LAHAT" dapat wala ng natirang ministro dahil yung HALOS LAHAT na iyon eh nasuspinde na o nawalan ng karapatan o natiwalag sa Iglesia.

2. Ayon sa mga journalist sa buong mundo, si Felix Manalo raw ang nagtatag ng INC at hindi si Cristo? [Basahin ang mga news articles dito]

Understandable ito dahil itoy naaayon sa articles of incorporation. Isa pa, ang mga journalist na iyon ay hindi kaanib sa Iglesia kaya napaka normal na hindi nila sabihin na si Kristo ang founder ng INC. Ngunit kailanman sa aming paniniwala hindi namin kinilala bilang founder ng Iglesia si Ka FYM at hindi siya mas mataas kay Kristo.Pero dahil BIG DEAL sayo yun sa hindi malamang dahilan eh paulit ulit ka na parang sirang plaka sa bagay na yan.

3. Ayon sa iyong article, 'Tuluyan nang bumagsak ang Iglesia Katolika sa Kanluran"? Totoo ba ito? Bumagsak ba talaga?

Ang pagkakaalam ko ang article ko ay ito:  Catholic Church, begins in its near end!
Nagquote ako ng isang article sa isang blog, hindi sakin galing yon. At kung ang sinasabi mo naman ay yung galing sa isa ko pang blog dati, ang sabi ko eh: "Alam nyo ba na ang simbahang Katolika sa ibang bansa, sa kanluranin ay tuluyan ng bumabagsak? Hindi ko po ito opinyon, ito po ay katotohanan!" 

Sabi ko, PABAGSAK/BUMABAGSAK hindi TULUYAN NG BUMAGSAK. Sinungaling lang talaga? 

ok :)

Pero totoo yan, search mo na lang sa google. Kalokohan yung statistics mo sa blog dahil "infant baptism" ang may pakana ng pagtaas ng populasyon niyo at hindi dahil nakumberte sila sa Iglesia niyo.


4. Ayon sa Pasugo, hindi pa raw natalikod na ganap ang tunay na Iglesia ni  Cristo- ang Iglesia Katolika? Totoo ba ang pag-amin niyo sa PASUGO, Abril 1966, p. 46
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo." Ibig sabihin ay ang Iglesia Katolika pa rin ang tunay na Iglesia ni Cristo sapagkat hindi pa ito tuluyang natalikod!?

Hayaan mong ang pasugo na rin ang sumagot ng pagkalito mo: "Walang IISANG petsa ang pagtalikod ng Iglesia Katolika. Bawat pagbabago sa aral ay PAGTALIKOD." Pasugo issue march-april 1980."

5. Totoo bang pag-aari ng mga Manalo ang Iglesia ni Cristo na itinatag ni Felix Manalo noong 1914? Kung hindi naman sa kanila, sino ang may-ari ng Iglesia ni Cristo?

Ang Iglesia ni Cristo ay hindi pag mamay-ari ng "Manalo" kundi ni Kristo dahil siya ang nagtatag nito.  

6. Totoo bang walang Pasko sa INC-1914?  Sigurado ba kayong hindi nagdiriwang ng Pasko ang inyong mga kaanib sa tuwing sumapit ang Disyembre 25? [Basahin dito]

Hindi kami naniniwalang Dec. 25 talaga ang kapanganakan ni Kristo, hanggat maaari ay huwag kaming makikipagparticipate sa mga kaugalian tuwing Christmas kahit na isa na ito sa mga kultura ng mga Pilipino at kahit na isa itong selebrasyon ng dominant religion sa Pinas. 

7. Totoo bang milyon-milyon ang inyong kaanib? May patunay ba kayo? May opisyal ba kayong istatistika tungkol dito?

Hindi naglalabas ng official count ng myembro ang INC. Oo, totoong milyon-milyon na ang kaanib sa INC, maaaring less than 5 million ayon sa aking pag aanalisa. Wala akong pakialam kung naniniwala ka sa sarili mo na 1 o 2 million lang ang INC, opinyon mong mali yan.

8. Totoo bang mayaman ang mga Manalo? May patunay ba kayong namumuhay sila ng simple at nakatira sa simpleng tahanan? At ang kanilang mga tirahan ba ay pagmamay-ari din ba ng Iglesia ni  Cristo?

Hindi totoong mayaman ang mga "Manalo" dahil ang totoong mayaman ay ang IGLESIA NI CRISTO. Ang sweldo ng Presidente ng Pilipinas at ng mga pulitiko nanggagaling sa kaban ng bayan. Ang bahay ng Pope niyo at ang mga karangyaan niya ay galing sa Iglesia Katolika. 

Bilang namumuno sa INC, meron silang bahagi sa handog ng mga myembro dahil lahat ng pinagkakagastusan ng INC ay galing sa mga myembro nito. Mismong mga tulong sa ministro at iba dyaan kinukuha, hindi pinapayagan na maghanapbuhay ang mga ministro para makapagpokus sila sa pangangaral ng ebanghelyo. At sa executive minister namin ganun din, wala silang negosyo.  


9. Totoo bang walang sapilitang abuluyan sa loob ng INC-1914?

Totoo. At syempre dahil sinungaling ka hindi ka maniniwala.

10. Totoo bang 90% ng mga Catholic Defenders ay mga "sinungaling"? Maaari mo bang ilahad dito ang mga 90% na listahan ng mga Catholic  Defenders na "sinungaling"?

Totoo para sakin 90% ng mga Catholic Defenders ay sinungaling. Punta ka sa debate forums sa fb. Pasensya na hindi ko mailalahad dito ang listahan dahil hindi naman ako taga NSO. 

11. Totoo bang nilinlang niyo ang mga tao gamit ang Banal na Salita ng Dios? [Basahin dito]

Hindi totoong nililinlang namin ang tao gamit ang bibliya, dahil bibliya ang ginagamit ng INC para mangaral at malaman ng tao ang katotohanan. Nabulag naman kayo ng inyong tradisyon at mga kredo kaya naiba ang paniniwala nyong mga katoliko. recorded sa history yan.

12. Totoo bang 'Paring Katoliko" itong na-recruit niyo? Kung hindi, bakit sinasabi niyong 'paring Katoliko" samantalang alam niyong hindi siya paring Katoliko? [Basahin dito]

Paring katoliko yan, hindi nga lang ng Roman Catholic Church kundi ng Apostolic Catholic Church. Bago pa kayo nagpalaganap ng kasinungalingan na kesyo pinipilit daw nami ni Roman Catholic yung pari samantalang galing sa Apostolic catholic church yon, eh nauna na ko sa inyong lahat magpost tungkol dyan, eto oh.

Ayan na ang sagot sa simple mong tanong CD2000. Masaya ka na ba? :)

________________________________________________ 

Kung may balak kang sagutin ang post kong ito, siguraduhin mong meron ka ng ebidensya para pasinungalingan ang mga inilahad kong mga PANLOLOKO NYONG MGA DEPENSOR KATOLIKO.

Kung wala at magkukwento ka lang din, o kaya magququote ng mga pekeng pasugo, naku kawawa ka naman. Mula noon hanggang ngayon ganyan ka pa rin? Walang nadevelop sayo? 

Kamusta na nga pala ang pagiging ANTI CATHOLIC MO? 

GOODLUCK :)

The INC of Manalo and other anti-Catholics say that the Catholic Church is a "False Church" --Catholicdefender2000

 

 

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.