"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 24, 2014

Kabastusan at kawalang paggalang pala ang itinuturo ng mga opisyal katoliko

Tulad ng inaasahan ko ng matagal na panahon ay nangyayari na nga ang mga walang tigil na pag atake ng mga kumakaaway sa Iglesia ni Cristo lalo na ang mga depensor katoliko. Sa pagsapit ng ika-100 taon ng Iglesia ay sinasabayan nila ng kanilang kabastusan at kawalang paggalang sa selebrasyon ng INC. Hindi naman namin hinihingi na makisama ang mga katoliko at ibang relihiyon sa selebrasyon namin, ang samin lang igalang niyo man lang ang karapatan namin na makapagdaos ng selebrasyon ng maayos at malaya, ng walang halong pambabastos.

Dahil kami kapag may mga malaking selebrasyon ang Iglesia Katolika, hindi niyo kami kakikitaan ng lantarang pambabastos sa inyo, bakit? Dahil tunay kaming kristyano at tunay kaming sa Diyos.

EH KAYO?

Ganito ba ang tunay na Kristyano at sa Diyos?


ANG LAHAT NG FILIPINO SA PANGUNGUNA NG ATING MGA CATHOLIC FAITH DEFENDERS AY TINATAWAGANNG MAKIISA SA PAMBANSANG DINUGUAN DAY NGAYONG JULY 27. 

MAGKAISA PO TAYO BILANG PAGPAPAKITA NG ATING PAKIKISAYA SA MGA KAPATID NA APOLOGISTA AYON SA BATAS PAMBANSA NA IDINEKLARA NI KGG. MANANANGGOL MARWIL LLASOS, OP. NA SIYANG LIDER NG CFD MANILA CHAPTER.

SALAMAT PO! (P.S. WAG NA PO NINYONG SAMAHAN NG PUTO.)

+ Atty. Marwil Llasos, OP
+ Bro. Marco Evangelista [Catholic radio evangelist & speaker]
+ Fr. Abe Arganiosa, [CFD National Adviser]

source: splendorofthechurch.com


 Yung kabastusan nilang ito parang halimbawa selebrasyon ng mga muslim sa July 28 tapos magpopost sila ng "PORK DAY", ewan ko na lang kung hindi sila gyerahin ng mga muslim.

Hindi ba sobrang kabastusan yan?

Napapaisip tuloy ako, kung Iglesia talaga nila ang Iglesiang itinayo ni Kristo, ibig sabihin utos ni Kristo mambastos at mag-asal Dyablo? Saang talata mababasa yan?

Mabuti na lang at may ilan pa ring mga katoliko na bukas ang isip, tulad na lamang ng isang ito na nagcomment sa nasabing post:




At ang mga may pakana ay ang mga kilalang CFD sa Pilipinas. Baka hindi niyo po sila kilala ipapakilala ko ang dalawa sa kanila.


Kita niyo na?

Nasa ugali pala talaga nila ang pagiging bastos. Pero ok lang sana kung INC lang ang binabastos nila, kaso hindi, pati ang ating Panginoong Diyos binabastos nila.

Bakit?

Kasi Diyos ang nag utos na huwag kakain o iinom ng DUGO, nakasulat ito sa bibliya.

OLD TESTAMENT:
"Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man." Lev. 17:10


NEW TESTAMENT:  
 "Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman: "Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia." "Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam."" Gawa 15: 23, 29

 ________________________________________



Narito pa ang isa, tignan niyo ang naisip naman nilang kabastusan ay gagawa sila ng public rally at itatapat sa selebrasyon ng INC. Tignan niyo naman ang title, yung kanilang event ay AGAINST INC.

Sino nag-apruba?

"The Archbishop of Davao and Vice President of the Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) – Most Rev. Romulo G. Valles, DD acknowledges the charism of apologetics in the life of the Church and endorses the apostolate Catholic Faith Defenders (CFD)."

source: davao.catholicdefenders.com

Mga arsobispo at bise presidente pa ng CBCP, wow, sabi na kabastusan at kawalang paggalang pala talaga ang itinuturo ng mga opisyal katoliko.

Wala naman kaming tutol sa public rallies niyo dahil normal lang yan, parang kami nagsasagawa ng mga pamamahayag, ok lang yan. Pero yung itatapat mo sa isang napakahalagang okasyon ng isang relihiyon na ang layunin ay LABANAN ito, hindi ba lantarang pambabastos yan?

Yan na ba ang sinasabing mga ALAGAD NG SIMBAHAN at mga EDUKADONG TAO?

Kahit mga simpleng mamamayan magegets ang punto ko.

Ang INC hanggang usaping doktrina lang ang paglaban sa ibang relihiyon, pero ang ibang relihiyon pala PAMBABATOS ang panlaban sa INC. Kung ano pa man ang dahilan nila at katwiran sa ginagawa nilang masasamang ito, obvious naman na kawalang paggalang ito sa paniniwala ng iba.

Kaya para sa lahat ng makakabasa nito, HUWAG PO TAYONG PADAYA SA KANILA:

"Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon." Efeso 5:6,11

Hayan at naibunyag na ang kasamaan nila. Mga taong nagbabanal-banalan, mga instrumento pala ng Diyablo.

Sa mga kapatid, lalo tayong magpakatatag!

"Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y maliligtas, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng tagumpay." Filipos 1:28

7 comments:

  1. These priests should have had heard the preaching of Brother Eduardo V. Manalo during the worship service at Ciudad de Victoria. Very enlightening homily!

    ReplyDelete
  2. Napansin nyo ba na ang nakalagay "One Holy Catholic Apostolic" tinatangal na ang salitang "Roman".

    ReplyDelete
  3. Really? Sa blog na eto ko nalaman na kaya pala nila gawin mga bagay na ganun.. Kala ko noon di lang nila na gets yung Bible, pati pala Values or Ethics di nila gets .. E di ba ilang years ang pagpapari? Anong natutunan nila?

    ReplyDelete
  4. Di naman Roman ang mga paring iyan.
    Lumalabas na sila sa ethics ng isang faith defender....Pwede natin silang Baboy Defenders kasi napakabastos nila.Biro mo bang lagyan ng DINUGUAN ang logo.Sino bang mananampalataya ang maninira sa iba?
    Epic Fail ang anti-INC rally nila....Walang coverage,samantalang yung Sentenaryo,almost all media eyes nakatingin sa Philippine Arena at hindi sa Davao.
    Subukan kaya nating lagyan ng dugo mukha ng mahal nilang Papa.O di ba,nakakabastos?
    Subukan rin nating kayang pagdating ni Papa Benedict nila,bastusin natin event nila.Ewan ko na lang,sukdulan ang magiging galit nila.

    BTW,Kabagis readme,i salute you.

    ReplyDelete
  5. Anong maasahan natin sa mga pari ng IKAR?Meron ba?Haha. Yung mga CFD nila Catholic Fake Defenders nila magaling magmura ang mga iyan.Haha

    ReplyDelete
  6. Bakit naman kayo sisirain e matagal na kayong sira. Sa simula pa lang demonyo na kayo. Founder nyo rapist mga uto-uto.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.