"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Catholic defenders. Show all posts
Showing posts with label Catholic defenders. Show all posts

July 24, 2014

Kabastusan at kawalang paggalang pala ang itinuturo ng mga opisyal katoliko

Tulad ng inaasahan ko ng matagal na panahon ay nangyayari na nga ang mga walang tigil na pag atake ng mga kumakaaway sa Iglesia ni Cristo lalo na ang mga depensor katoliko. Sa pagsapit ng ika-100 taon ng Iglesia ay sinasabayan nila ng kanilang kabastusan at kawalang paggalang sa selebrasyon ng INC. Hindi naman namin hinihingi na makisama ang mga katoliko at ibang relihiyon sa selebrasyon namin, ang samin lang igalang niyo man lang ang karapatan namin na makapagdaos ng selebrasyon ng maayos at malaya, ng walang halong pambabastos.

Dahil kami kapag may mga malaking selebrasyon ang Iglesia Katolika, hindi niyo kami kakikitaan ng lantarang pambabastos sa inyo, bakit? Dahil tunay kaming kristyano at tunay kaming sa Diyos.

EH KAYO?

Ganito ba ang tunay na Kristyano at sa Diyos?


ANG LAHAT NG FILIPINO SA PANGUNGUNA NG ATING MGA CATHOLIC FAITH DEFENDERS AY TINATAWAGANNG MAKIISA SA PAMBANSANG DINUGUAN DAY NGAYONG JULY 27. 

MAGKAISA PO TAYO BILANG PAGPAPAKITA NG ATING PAKIKISAYA SA MGA KAPATID NA APOLOGISTA AYON SA BATAS PAMBANSA NA IDINEKLARA NI KGG. MANANANGGOL MARWIL LLASOS, OP. NA SIYANG LIDER NG CFD MANILA CHAPTER.

SALAMAT PO! (P.S. WAG NA PO NINYONG SAMAHAN NG PUTO.)

+ Atty. Marwil Llasos, OP
+ Bro. Marco Evangelista [Catholic radio evangelist & speaker]
+ Fr. Abe Arganiosa, [CFD National Adviser]

source: splendorofthechurch.com


 Yung kabastusan nilang ito parang halimbawa selebrasyon ng mga muslim sa July 28 tapos magpopost sila ng "PORK DAY", ewan ko na lang kung hindi sila gyerahin ng mga muslim.

Hindi ba sobrang kabastusan yan?

Napapaisip tuloy ako, kung Iglesia talaga nila ang Iglesiang itinayo ni Kristo, ibig sabihin utos ni Kristo mambastos at mag-asal Dyablo? Saang talata mababasa yan?

Mabuti na lang at may ilan pa ring mga katoliko na bukas ang isip, tulad na lamang ng isang ito na nagcomment sa nasabing post:




At ang mga may pakana ay ang mga kilalang CFD sa Pilipinas. Baka hindi niyo po sila kilala ipapakilala ko ang dalawa sa kanila.


Kita niyo na?

Nasa ugali pala talaga nila ang pagiging bastos. Pero ok lang sana kung INC lang ang binabastos nila, kaso hindi, pati ang ating Panginoong Diyos binabastos nila.

Bakit?

Kasi Diyos ang nag utos na huwag kakain o iinom ng DUGO, nakasulat ito sa bibliya.

OLD TESTAMENT:
"Ang sinumang kumain ng dugo ay kapopootan ko at ititiwalag ko sa sambayanan, maging Israelita o dayuhan man." Lev. 17:10


NEW TESTAMENT:  
 "Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman: "Kaming mga apostol at pinuno ng iglesya ay bumabati sa mga mananampalatayang Hentil sa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia." "Huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti. Huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan at mapapabuti kayo. Paalam."" Gawa 15: 23, 29

 ________________________________________



Narito pa ang isa, tignan niyo ang naisip naman nilang kabastusan ay gagawa sila ng public rally at itatapat sa selebrasyon ng INC. Tignan niyo naman ang title, yung kanilang event ay AGAINST INC.

Sino nag-apruba?

"The Archbishop of Davao and Vice President of the Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) – Most Rev. Romulo G. Valles, DD acknowledges the charism of apologetics in the life of the Church and endorses the apostolate Catholic Faith Defenders (CFD)."

source: davao.catholicdefenders.com

Mga arsobispo at bise presidente pa ng CBCP, wow, sabi na kabastusan at kawalang paggalang pala talaga ang itinuturo ng mga opisyal katoliko.

Wala naman kaming tutol sa public rallies niyo dahil normal lang yan, parang kami nagsasagawa ng mga pamamahayag, ok lang yan. Pero yung itatapat mo sa isang napakahalagang okasyon ng isang relihiyon na ang layunin ay LABANAN ito, hindi ba lantarang pambabastos yan?

Yan na ba ang sinasabing mga ALAGAD NG SIMBAHAN at mga EDUKADONG TAO?

Kahit mga simpleng mamamayan magegets ang punto ko.

Ang INC hanggang usaping doktrina lang ang paglaban sa ibang relihiyon, pero ang ibang relihiyon pala PAMBABATOS ang panlaban sa INC. Kung ano pa man ang dahilan nila at katwiran sa ginagawa nilang masasamang ito, obvious naman na kawalang paggalang ito sa paniniwala ng iba.

Kaya para sa lahat ng makakabasa nito, HUWAG PO TAYONG PADAYA SA KANILA:

"Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga pangangatuwirang walang kabuluhan, sapagkat dahil nga sa mga ito, ang Diyos ay napopoot sa mga suwail. Huwag na kayong makikisama sa mga taong gumagawa ng mga bagay na walang ibinubungang kabutihan. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon." Efeso 5:6,11

Hayan at naibunyag na ang kasamaan nila. Mga taong nagbabanal-banalan, mga instrumento pala ng Diyablo.

Sa mga kapatid, lalo tayong magpakatatag!

"Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y maliligtas, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng tagumpay." Filipos 1:28

June 17, 2014

Ang mga panloloko ng Catholic Defenders (updated)

90% ng depensor katoliko sa Pilipinas ay matatawag na "manloloko", karamihan kasi sa kanila kung ano-anong ginagawang maduduming taktika para lang makapangloko ng iba. Merong nagsisinungaling, nandadaya, nanloloko, at meron ding edit ng edit ng mga larawan --lahat ng itoy ginagawa nila para siraan ang Iglesia ni Cristo.

Ang numero unong tagapag-edit ng larawan ngayon ay si Franklin Enriquez na gumawa ng debate group sa layuning siraan ang INC at asarin ang mga myembro. Ito ang ilan sa mga pambababoy niya:





Yung totoo?


Hindi siya edukado at hindi niya kayang tindigan ang mga argumento niya ng walang edited photos.


Ganito na po kadesperado ang mga depensor katoliko, huwag na tayong magtataka dahil karamihan sa kanila ay madumi ang pagkatao.


Balikan natin yung mga PANLOLOKO ng Catholic Defenders...



Panloloko #1- Catechism of Christian Doctrine


Narito po ang akusasyon nila:


Ayon sa mga ministro ni Manalo, inaamin daw natin na tayo’y sumasamba sa larawan. Inihaharap nila ang Cathechism (sic) of Christian Doctrine na nagsasaad diumano, ayon sa kanilang pagkakaliwat sa Pilipino, ng ganito:
“Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”



Pansinin po ninyo na ginamit nila ang salitang “pagsamba” doon sa tanong. Tama po ba ang kanilang pagkakasalin? 
Ano po ba ang tunay na nasasaad sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine[3]? Ganito po: 
“Is the veneration of saints confined to their persons?
No; it extends also to their relics and images.”[4]
Ang salitang “veneration” sa orihinal na Inggles ay isinalin ng mga na ministro ni manalo na “pagsamba.” Tama po ba ang pagkakasalin nila? Aba’y hindi po sapagkat ang “veneration” ay nangangahulugan lamang na “paggalang” at hindi “pagsamba.”



Orihinal na Catechism of Catholic Doctrine ng La Salle Bureau

Pansinin na hindi ginamit ng Catechism of Christian Doctrine ang “worship” o “adoration” kundi “veneration” lamang. Gumagawa ng sariling kuwento ang mga Iglesia ni Manalo. Ang “pagsamba” ay bunga lamang ng kanilang malikot na imahinasyon! 
Ayon din daw sa Cathechism (sic) of Christian Doctrine ang Iglesia ni Manalo mismo ang nagsalin sa Pilipino: 
Pansinin na ginamit ng Iglesia ni Manalo ang salitang “sambahin”, Sila mismo ang may gawa ng salin na iyan. 


 Ang “honor” ay ginawa nilang “sambahin” ngunit sa sagot iniliwat nila “paggalang” Pansinin din ang “veneration” ay isinalin nilang “pagsamba”
Tama ba ang pagkasalin nilang ito? 

Pansinin po ninyo sa orihinal na Ingles ng Catechism of Christian Doctrine:
“Ought we to honor holy images?
We should have and keep, particularly in our churches, images of our Lord, as also of the Blessed Virgin and other saints, and we should pay them due honor and veneration.”[5]
Sa Catechism of Christian Doctrine nakalagay ay “honor holy images” sa tanong at sa sagot ay “pay them honor and veneration.” Walang binanabanggit na “worship” o adoration. 
source: splendorofthechurch.ph

Tanong, mali nga ba ang pagkaka-kowt ng INC at binago nga ba ang nakasaad sa #13 at #15 ng nasabing libro?


Sagot: Hindi, dahil ang source ng INC ay ang Catechism of Christian Doctrine no.3 at ang kinuhaan naman ng website na iyon ay ang Catechism of Christian Doctrine no.4. Obvious naman na sinadya talaga nilang ibahin para lang sabihin BINAGO daw ito ng INC.


Ebidensya? 


Eto po:








Panloloko #2- Tula ni Ka Daniel Lapid Sr.

Ito ang ikinakalat ng mga CFD sa internet para palabasing sinasamba daw namin si "Kapatid na Manalo":





Ngunit nung nahanap ang orihinal na kopya, ganito pala ang nakalagay:





"Ang Iglesia Ni Cristo, sa Diyos ay nagpupuri,
Sa tulong N'yang iginawad sa Sugo N'yang bilang huli,
Siya ang nagpalakas, umalalay at kumandili,
Pangalan N'ya'y luwalhatiin at sambahin na parati"



Narito po ang buong scan ng page para sa mga nag aalinlangan:
 


Panloloko #3- Confraternity Bible
  
Noong August 5, 2006 may naganap na debate sa pagitan ng INC at Catholic Church kung saan pinanindigan ng representative ng CFD na si Mr. Talibong na may mababasa sa bibliya na "Holy Catholic Apostolic Roman Church". Ngunit wala namang bibliya sa buong mundo ang may ganoong salin kung saan ang pangalang iyon ay mababasa sa Mateo 16:18.

Yun pala, pinalitan nila ang pahina ng Confraternity Bible, yung "MY CHURCH" ginawa nilang "HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH". Yan ang pinaka worst na maaaring gawin ng isang debater, mismong talata ba naman sa bibliya binago.




Panloloko #4- Roma 16:16 New Pilipino Version

Ayon sa ipinapakalat ng mga Catholic defenders mali daw ang inilabas na talata ni Ka Joe Ventilation doon sa debate sa Cebu City. Ang nakalagay kasi sa screen ay "Lahat ng iglesia ni Cristo" samantalang ang sabi nila DAPAT DAW "Lahat NG MGA iglesia ni Cristo". Tinanggal daw ang "MGA" sa talata.

Narito po ang litratong kanilang ikinakalat:




Kita naman sa itaas na bahagi ng screen na NPV o NEW PILIPINO VERSION ang ginamit at nasusulat naman talaga doon ang phrase na "LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO" na walang "MGA".

Patunay?

Sa pagtatanong tanong ko ay nakakuha ako ng kopya, galing sa isang kapatid:



Ayan po maliwanag na maliwanag, HINDI MALI ANG GINAGAMIT NG IGLESIA NI CRISTO at hindi nito iniiba ang talata. Sabi kasi nila sa english bibles daw CHURCHES OF CHRIST ang pagkakasalin sa Romans 16:16 kaya daw hindi dapat mawawala ang salitang "MGA" sa talatang iyon.

Buking na buking tuloy. Eto pa para masaya sila, sarili kong bibliya "Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong edisyon pastoral" na isang CATHOLIC EDITION:



Sa mismong salin ng bibliya nila, wala din ang salitang "MGA".


Eto pa, baka nakukulangan, sa bibliyang "Ang buhay na salita":



Yan tuloy, halatang halata ang mga Catholic defenders, sino ang tunay na manloloko?


Panloloko #5- Pasugo March 1956, p.25

Ito ang madalas na ikowt ni Catholicdefender2000 sa kaniyang blog:



PANSININ: Ang mga ito ang Ministrong inaralan at inatasang magpahayag ng pagkatatag ng Iglesia Katolika Apostolika Romana:
Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.

Halatang sinipi niya ito sa isang anti-INC na libro na may pamagat na "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"


Isa lamang ang Pasugo March 1956, p.25 sa napakadaming pasugo issues kung saan ginawan nila na kwento na diumanoy may ganitong nakasulat, etc...


Kung meron nga lang ako ng mga pasugong binabanggit sa aklat ay ii-scan ko ito para malaman ng lahat na pawang kasinungalingan lang ang nakasulat sa libro na iyon na madalas ikowt ng mga Catholic defenders.


Eto po ang orihinal na kopya, kahit kayo na mismo ang magbasa at maghanap kung meron ngang mababasa na sinabi ni Ka Teofilo Ramos na natatag ang Iglesia Katolika noong 1870 AD:





Meron ba? 


WALA.....


Pati nga may akda hindi naman si Ka Teofilo Ramos kundi si Ka Lauro Dolorito!


Ilan lang yan sa napakadaming panloloko ng mga Catholic Defenders, at patuloy akong maghahanap ng mga ibinibintang nila sa INC na diumanoy binago daw ang nakasulat at mga nakalagay sa pasugo kung saan BINAGO nila ang nakasaad.



Panloloko #6 - Ticket ng inagurasyon sa Philippine Arena



Ikinalat ng mga CFD ang larawan ng isang edited photo ng ticket kung saan sa halip na ang nakalagay sa pricing ng ticket ay "Complimentary not for sale" ay ginawa nila itong "P1000 non refundable". Mapapansin po ninyo sa larawan sa itaas na IISANG larawan lamang po ito at halatang tinamper lang nila ang orihinal na nakasulat dito.

Katotohanan: Wala pong bayad ang ticket sa inagurasyon ng Philippine Arena!



Panloloko #7 - "Catesismo" ni Padre Luis de Amezquita

 



Ayon sa ikinakalat na maling source ng mga CFD, wala daw ang pangungusap na "Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: “Sinasamba kita," sa kabuuan ng libro ng Catesismo na sinulat ni Padre Amezquite.

At ang ginamit nilang libro?

Ayon sa knowthetruth.ph, eto daw po: "“Catecismo: na pinagpalamnan ng mga pangadyi at maikling kasaysayan na dapat pag-aralan nang taong cristiano.” Ito po ay inilimbag noong 1933 ng Libreria Y Papeleria de P. Sayo vda. De Soriano, sa Rosario No. 225, Binondo y Azcarraga, No. 552, Tondo, Manila, I.F." 

Eh ang tanong, ano bang libro ang ginagamit ng INC?

Eto po: "Catesismo na kinapapalamnan ng mga dasal at maikling kasaysayan na dapat pag aralan ng taong Kristiyano" tinagalog ng Padre Predicador Fr. Luis de Amezquita





Ang tanong, totoo bang nandaya ang mga ministro ng INC kung saan dinagdagan daw nila ng pangungusap at idinugtong sa isa pang pangungusap sa libro?


Tignan nga natin kung may mababasa tayo sa libro:








Ayan po kitang kita meron naman pala! (Pansinin ang mga may salungguhit)



Panloloko #8 – “The fourth Gospel”

Ayon sa isang blog ng mga CFD:


Mapapanuod po natin sa videong ito na si Ramil Parba, isang ministro sa Iglesia ni Cristo 1914 ay gumamit ng isang reperensiya para lang tutulan ang isa sa mga talatang ginagamit ng mga naniniwalang ang Panginoong Jesu-Cristo ay Diyos, ang Juan 1:1.

https://www.youtube.com/watch?v=CEDXTOCN8go

Napanuod po natin  na sinipi ni Ramil Parba ang librong, “The Fourth Gospel: Its Significance & Environment at nasa pahina 99 daw…


Ang tanong meron ba talagang nakasulat na ganyan sa pahina 99 ng nasabing libro?
Ito ngayon ang libro…



Tignan po natin sa pahina 99 kung totoo nga ang sinasabi ni Ramil Parba…



Malinaw po na wala sa pahina 99!
So, alam nyo na kung ano ang ibig sabihin nyan.


Ang tanong, tama naman ba ang ginamit nilang SOURCE upang hanapin ang pangungusap na kinokowt ng INC?

Narito po ang ORIHINAL na libro na ginagamit ng INC:




Muli, kitang kita po natin na MERON at hindi mga kathang isip lamang ang mga reperensyang ginagamit ng mga ministro sa Iglesia.


MUNTING PAALALA:

Huwag na huwag tayong maniniwala sa mga ganitong uri ng mga taong ito sapagkat silay mga sinungaling dahil yun ang gawain ng kanilang Ama:


"Ang diyablo ang inyong Ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan". Juan 8:44




references: 

http://odelcrosspuregospel.blogspot.com/2014/02/pinekeng-tula-ni-kapatid-na-daniel.html
http://pristinesearch.blogspot.com/2012/12/answering-catholic-defenders-part-1.html
http://batangtupa.blogspot.com/2013/07/sinu-ang-tunay-na-manloloko.html 

markey juan

June 9, 2014

Kontrahan ng mga CFD sa aral ng INC sa pagiging sugo ni Ka Felix Manalo

Gawa ng mga Catholic Defenders:


 Gawa din ng isang Catholic Defender:



Sa unang larawan gustong palabasin ng mga depensor katoliko na noong 1922 lang daw ipinangaral ni Ka Felix Manalo na siya ang huling sugo ng Diyos sa mga huling araw noong nagkaroon ng rebelyon ang ministrong si Teofilo Ora kasama ang iba pa. Eto yung panahon ng nagkaroon ng isyu tungkol kay Ka Rosita Trillanes.

Sa pangalawang larawan na gawa pa din ng mga depensor katoliko, gusto nilang palabasin na noong 1913, nagkulong lang sa kwarto si Ka Felix Manalo ng tatlong araw eh sugo na agad.

Kelan ba talaga naging sugo, noong 1913 o noong 1922?

Yung totoo?


Noong 1922 lang ba?

Saan naman kaya napulot ng mga Catholic Defenders, mga Born Again Christians at iba, ang balitang noong 1922 lang ipinangaral ni Ka Felix Manalo na siya ang sugo o noong 1922 lamang siya naniwala na sugo pala siya ng Diyos?

Kanino? Kay Donald Platt?

Donald Platt ("Counterfeit?" 1981, page 87-88) writes:
 

"During this time, CHARGES OF IMMORALITY were lodged against Manalo, and  some    members left the church. The most serious of these defections was the "Ora Rebellion" of   1922, led by Teofilo Ora and Basilio Santiago, resulting in the loss of the   congregations in Bulacan and Nueva Ecija. One result of this challenge to Manalo's  authority was the        development of the "Sugo" teaching, IN WHICH FELIX    CLAIMED TO BE THE FULFILLMENT OF A  PROPHECY IN REV. 7:1-3, THE   "ANGEL ASCENDING FROM THE RISING OF THE SUN". Since no other  church    had a leader who was the fulfillment of prophecy, then the Iglesia ni Kristo was the only true church, with God's only true messenger. This teaching helped firmly  establish Manalo's authority over the church." If Manalo was “sent’ from God, why he never preached it from the beginning of his ministry?

Maniniwala sana ako kung nasaksihan ni Mr. Platt ang pangangaral ni Ka Felix simula  noong 1914 at maniniwala sana ko kung isa siya sa mga CHURCH HISTORIAN ng Iglesia ni Cristo, kaso hindi. San naman kaya niya nasagap ang tsismis na yon?

Paano mangyayari na noong 1922 lang eh noong September 1919 may naganap na debate sa pagitan ni Ka Felix Manalo at ni Jusi Makada na isang Japanese holiness bishop tungkol sa Revelation 7:2-3???




Paano mangyayari na noong 1922 lang eh noon pang 1915-1916 tinuturo na sa mga nagmiministro ang tungkol sa pagsusugo ng Diyos sa mga huling araw??? 





Ako merong mga ebidensya na bago pa ang 1922 na sinasabi nila may ipinangangaral na si Ka Felix Manalo tungkol sa sugo ng Diyos sa mga huling araw...

Eh silang mga mapaggawa ng kwento at peeeling INC historian?

Meron ba?

Asan?

Yung tsismis?


3 araw na pagkulong sa kwarto, sugo agad?

Ang atake nila, dahil daw sa gutom nang nagkulong ang Ka Felix kaya niya nasabi na siya ay sugo ng Diyos. Hindi naman ganon yon na pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto para siyang nanalo at nagtatatalon habang sinasabi "sugo ako, sugo ako"!

Ipinangaral ni Ka Felix Manalo ang tungkol sa huling pagsusugo ng Diyos sa pamamagitan ng sermon at paggamit ng BIBLIYA at hindi sa pamamagitan ng pag aanounce sa lahat ng tao na "SUGO AKO, SUGO AKO".

SINUGO ng Diyos si Ka FYM kaya siya nangaral, at hindi siya nangaral dahil lang sa pagke-klaim niyang sugo siya. Nangaral siya dahil siya ang kinasangkapan ng Diyos, at dahil sa pangangaral niya kaya siya ang katuparan ng hula.

Maraming mga pastor ngayon ang nangangaral. Pero hindi LAHAT ng NANGANGARAL ay mga ISINUGO. 

"At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo?..." Roma 10:15




reference: http://theiglesianicristo.blogspot.com/2014/05/and-they-say-that-sugo-doctrine-was.html