"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 7, 2013

Si Kristo ba ay Diyos dahil sinabi niyang "Ako nga" ayon sa Juan 8:58?

Ito ang nilalaman ng verse:

"Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I am.” ESV
"Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na." BMBB

Ang pagkakaintindi ng mga Trinitarians dito eh nag eexist na si Kristo na kasama ng Diyos bago pa ipinanganak si Abraham kaya naman ang conclusion --Diyos si Kristo!

Wow! naks naman ang understanding ng mga trinitarians na ito. Ibig bang sabihin lahat ng "bago/before" kay Abraham ay mga Diyos din? Eh ang mga anghel kaya, Diyos din ba sila dahil bago pa lalangin ang mundo ay nandodoon na sila kasama ng Ama?

Ano sa tingin nyo?

Eh paano ba natin iintindihin ang sinabi ni Kristo na bago pa si Abraham ay siya na? Sa anong paraan si Kristo nag eexist bago pa si Abraham? Sino ba talaga nauna, si Kristo o si Abraham?

Itanong natin sa bibliya:


"Ngayon, nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang supling. Hindi sinasabi, "At sa kanyang mga sup- ling," na ang tinutukoy ay marami kundi, "At sa iyong supling," na iisa ang tinutukoy at ito'y si Cristo." Gal. 3:16

Si Kristo pala ay supling/binhi/lahi/galing kay Abraham. Paano mangyayaring nag eexist na si Kristo bago pa si Abraham eh SUPLING nga ni Abraham si Kristo?

Nag exist lang naman si Kristo nung ipinagbuntis siya ng kaniyang inang si Maria. Sa Galasya pa rin, ito ang sabi:


"Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan" Gal. 4:4

Meron kasing nakatakdang panahon kung saan mag-eexist o isisilang si Kristo kahit na dati pa, bago pa lalangin ang mundo ay nag eexist na siya.

Naguluhan ba kayo? Eh sa paano bang paraan nag eexist si Kristo bago pa ang "nakatakdang panahon"?


"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. " Juan 1:1,14

Nilito ko lang kayo. Hindi si Kristo ang nag eexist kahit bago pa lalangin ang mundo o bago pa si Abraham kundi ang "SALITA", etong "SALITA" na ito ang PLANO o PANGAKO ng Diyos tungkol kay Kristo at natupad nga ito ng isilang si Kristo sa mundong ito.


"God promised long ago through his prophets in the Holy Scriptures to give this Good News to his people. The Good News is about God’s Son, Jesus Christ our Lord. As a human, he was born from the family of David, but through the Holy Spirit he was shown to be God’s powerful Son when he was raised from death." Romans 1:2-4

Matagal na talagang nasa isip ng Diyos si Kristo, pinili siya bago pa nilikha ang daigdig, ipinahayag siya sa mga huling panahon para sa kapakanan natin:


"He was foreknown before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you" I Pet. 1:20

"Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon." I Pedro 1:20

Eh ano ba yung "foreknowledge"?

Foreknowledge. n.
Knowledge or awareness of something before its existence or occurrence; prescience.
source: thefreedictionary.com

Ito pala ay KNOWLEDGE o AWARENESS of something BEFORE ITS EXISTENCE. Ngayon, eh kung finorknown si Kristo, paano mangyayaring nag eexist siya ng literal BAGO PA SI ABRAHAM?

Oh eto pa sabi sa bibliya:


"this Jesus, delivered up according to the definite plan and foreknowledge of God, you crucified and killed by the hands of lawless men." Acts 2:23

Ganun din naman na si Propeta Jeremias ay PINILI na ng Diyos bago pa siya ipanganak:


"Sinabi sa akin ni Yahweh, "Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa." Jeremias 1:4-5

Ganun din naman tayo, PINILI na ng Diyos BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN o ANG MUNDO:

"Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban." Efeso 1:4-5

Kung tatanggapin natin na si Kristo ay Diyos dahil dito, eh di Diyos din pala si Propeta Jeremias at mismong tayo Diyos din dahil magmumukha rin tayong nag eexist na bago pa lalangin ang mundo dahil PINILI NA TAYO ng Diyos bago likhain ang daigdig.

 

Pag nagsabi ba ng "I am" o "Ako nga" Diyos agad?

Ayon kasi sa mga Trinitarian, ang Diyos ang nagsabi ng "I am" nung ipinakilala niya ang kaniyang sarili kay Moises sa Exodus 3:14 na ang sabi:


"God said to Moses, "I AM WHO I AM. This is what you are to say to the Israelites: 'I AM has sent me to you.'"

"At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA." 

Oo, hindi naman kami tutol  sa verse na ito pero ang sabihing si Kristo ay Diyos dahil lang siyay nagsabi din ng "I am" ay isang malaking kamalian.

Kung ganyan din lang, eh di Diyos din ang Anghel:


"Manoah got up and followed his wife. When he came to the man, he said, "Are you the man who talked to my wife?" "I am," he said." Judges 13:11

Ang taong dating bulag Diyos din:


"Sumagot ang ilan, Iyan nga! Sabi naman ng iba, Hindi! Kamukha lang. Kaya't nagsalita ang dating bulag, Ako nga po iyon." Juan 9:9

"Some said, This is he: others said, He is like him: but he said, I am he." John 9:9

Si Apostol Pablo Diyos din:


"Paul replied, "Short time or long--I pray to God that not only you but all who are listening to me today may become what I am, except for these chains." Acts 26:29

Ang mga alagad ni Kristo ay mga Diyos din:


"Feeling deeply distressed, each one began to ask him, "Surely I am not the one, Lord?" Matt. 26:22

Naku, ang daming naman Diyos niyan! 

Pero ang totoo, hindi naman kasi porke sinabing "I am" Diyos agad. Pag sinabing "I am/Ako nga" pinatutungkol niya yon sa sarili niya, hindi yon pagkeklaim na Diyos siya. 


Hindi nila maintindihan si Kristo kaya sila'y nagpasyang batuhin siya

Bago pa ang Juan 8:58, nasabi na rin ni Kristo ang katagang "Ako nga":


"kaya sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang Ako'y Ako Nga, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kaya't sinabi ni Jesus, Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong Ako'y Ako Nga." Juan 8: 24, 28

Sa mga talatang ito, ano ba ang ibig sabihin ng sinasabi ni Kristo dito na "Ako nga"?


"Sinabi ng ilang nakarinig sa kanya, Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin! Siya na nga ang Cristo! sabi naman ng iba. Ngunit mayroon namang sumagot, Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo?" Juan 7:40-41

Kung babasahin nyo ang kaganapan sa Juan chapter 7 at  8, si Jesus ay nakikipag usap sa mga Hudyo at ang mga Hudyo naman ay ayaw maniwala sa kaniya na siya ang Kristo o ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Hindi niya diniretsong sinabing "Ako ang Kristo", meron siyang kumbaga mga "clue" na sinasabi pero hindi ito maintindihan ng mga Hudyo. Kaya nga dumampot sila ng bato para batuhin si Kristo nung sabihin niya na bago pa man si Abraham ay SIYA NA dahil di talaga nila siya magets:

"Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na. Nagsidampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng Templo." Juan 8:58-59 

Kung nabasa nyo ang Juan chapter 7 at 8, laging hindi naiintindihan ng mga Hudyo ang mga sinasabi ni Kristo. Tulad na lang ng mga pangyayaring ito:


"Nag-usap-usap ang mga Judio, Saan kaya pupunta ang taong ito at hindi na raw natin siya makikita? Pupunta kaya siya sa ating mga kababayang nasa lupain ng mga Griego upang magturo sa kanila? Ano kaya ang ibig niyang sabihin nang kanyang sinabing, ˜Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita, at Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko?" Juan 7:35-36
"Nag-usap-usap ang mga Judio, Magpapakamatay kaya siya kaya niya sinabing Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko?" Juan 8:22

"Sino ka nga bang talaga? tanong nila. Sumagot si Jesus, Matagal ko nang sinabi sa inyo kung sino ako. Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahayag ko sa sanlibutan. Hindi nila nauunawaan na ang Ama ang tinutukoy niya" Juan 8:25-27 

Si Kristo mismo ang nagpapatunay na hindi talaga siya nila maintindihan:

"Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw nyong tanggapin ang itinuturo ko?" Juan 8:43

Inakusahan pa nila si Kristo na siya sinasapian ng Dimonyo:

"Sinabi ng mga Judio kay Jesus, Hindi ba tama ang sinabi naming ikaw ay Samaritano at sinasapian ng demonyo?  Sinabi ng mga Judio, Ngayo'y natitiyak naming sinasapian ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham at ang mga propeta, ngunit sinasabi mong hindi mamamatay kailanman ang sinumang tumutupad ng iyong aral." Juan 8: 48, 52

Sabi naman ng mga trinitarians, kaya daw gustong batuhin ng mga Hudyo si Kristo ay dahil daw nagclaim daw si Kristo na siya ay Diyos, at ang talatang binabanggit nila ay ito:


"Dahil dito'y sinabi sa kanya ng mga Judio, Wala ka pang limampung taong gulang, paano mo masasabing nakita mo na si Abraham? Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na." Juan 8: 57-58

Ang totoo meron pang dalawang talata sa Juan ang sinasabi nila na nagclaim daw si Kristo na siyay Diyos at ipinantay niya ang kaniyang sarili sa Diyos:

"Lalo namang pinagsikapan ng mga pinuno ng mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayon ay ipinapantay ang kanyang sarili sa Diyos." Juan 5:18

"Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos, bagama't tao ka lamang." Juan 10:33

Pero kung babasahin natin ang kabuuan ng aklat ni Juan, WALA TAYONG MABABASA NA NAGCLAIM SI KRISTO na SIYA AY DIYOS o IPINANTAY NIYA ANG KANIYANG SARILI SA DIYOS. Itong mga talata sa itaas ay bunga lamang ng maling pag-intindi nila sa mga sinasabi ni Kristo. 

Takang-taka nga si Kristo eh, sabi niya, paanong sinasabi niyo na nilalapastangan ko ang Diyos dahil lang sinabi kong ako ang ANAK NG DIYOS?

"Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?" Juan 10:36

Ang katunayan, mismo sa mga Hudyo na rin nanggaling, ano ba ang DAHILAN kung bakit gusto nila siyang IPAPATAY o PAGBABATUHIN?

"Sumagot ang mga Judio, Ayon sa aming kautusa'y nararapat siyang mamatay, sapagkat siya'y nagpapanggap na Anak ng Diyos." Juan 19: 7

Ang CLAIM pala ni Kristo ay siya ang ANAK NG DIYOS, hindi Diyos o kaya naman ay DIYOS ANAK. Kaya tulad ng mga HUDYO na nagpapako kay Kristo sa KRUS, ang pagkakaintindi nila kay Kristo ay nagclaim daw siya na siyay Diyos kaya naman pinaniniwalaan nila ngayon na si Kristo ay DIYOS.


Ang Diyos ba ng Exodo 3:14 na nagsabing "Ako nga" ay si Kristo?

Hindi. Dahil kung siya ang Diyos na yon, lalabas na may DALAWANG JESUS. 

Bakit?

Eto kasi ang sabi sa talata, ituloy natin ang pagbasa:


"Sinabi ng Diyos, "Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay 'Ako Nga'. Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman." Exodo 13:14-15

PANSININ: Itong Diyos sa Exodo na nagsabi ng "Ako nga" ay Diyos ng ating mga ninuno, ni Abraham, Isaac at ni Jacob.

Eto naman ang sabi ni Apostol Pedro:


"Kaya't sinabi ni Pedro sa mga tao, "Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? Pinarangalan ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob ang kanyang Lingkod na si Jesus na isinakdal ninyo at itinakwil sa harap ni Pilato, gayong ipinasya na ni Pilatong palayain siya." Gawa 3:12-13

PANSININ: Pinarangalan daw ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, Jacob at ang kaniyang LINGKOD NA SI JESUS...

Kung si Jesus ang Diyos sa Exodo na Diyos nila Abraham, at si Jesus din ang Diyos ayon sa Juan 8:58, dalawa pala ang JESUS. Isang Jesus na may lingkod na Jesus at si Jesus na lingkod ni Jesus.

Ang gulo no? Ganyan ang paniniwala nyo, MAGULO.

Kaya malabong malabo talaga na si Kristo ay ang Diyos sa Exodo na nagsabi ng "Ako nga". Matagal na naming sinasabi sa inyo na IBA SI JESUS sa DIYOS.


Nakita ni Abraham ang araw ng pagdating ni Kristo

Eh kung totoong hindi pa nag eexist si Kristo bago si Abraham, bakit sinabi niya na "Natuwa ang inyong amang si Abraham nang malaman niyang makikita niya ang araw ng aking pagdating. Nakita nga niya ito at siya'y nagalak." sa Juan 8:56? Ano ba talaga ang nakita ni Abraham?

Sabi sa bibliya:


"Sa pamamagitan din ng salitang iyon ay nananatili ang mga langit at ang lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama. Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala." II Pedro 3:7, 10

Ito palang sinabi ni Kristo na "makikita niya ang araw ng aking pagdating" ay ang "araw ng Panginoon" o ang "araw ng paghuhukom".


"Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dahil din sa kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina Isaac at Jacob na tumanggap din naman ng pangakong katulad niyon. Sapagkat matapat na hinihintay ni Abraham ang isang lunsod na Diyos mismo ang nagplano at nagtatag." Hebreo 11:8-10

Ituloy pa natin ang pagbasa:


"Silang lahat ay namatay na may pananampalataya sa Diyos. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa." Hebreo 11:13

Sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA, nakita ni Abraham, kasama nila Isaac at Jacob ang ipinangako ng Diyos-- ang pangakong lupa o ang bayang banal. NATANAW nila iyon pero hindi nila NAKAMTAM dahil namatay na sila. Itong bayang banal na ito ay makakamtam nila sa ARAW NG PANGINOON o sa ARAW NG PAGHUHUKOM.

Nakita na ni Abraham ang pangako ng Diyos o ang ARAW NG PANGINOON bago pa isilang si Kristo. Sa hinaharap pa ito mangyayari pero ang sabi ay NAKITA NA ito ni Abraham. Nakita niya ito sa PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA at hindi literal.

Talaga namang bago pa si Abraham ay nag eexist na si Kristo, hindi literal, kundi nag eexist na siya sa ISIP NG DIYOS. Kaya mas nauna talaga si Kristo kaysa kay Abraham sa sense na yon at hindi nauna siya dahil mas nauna siyang mag-exist kay Abraham.


20 comments:

  1. The used of "I am" by Jesus in John 8:58 is two purpose.

    1) First, it tells you that he is forever present; by using "I am". He did not say "Before Abraham was, "I was". By using "I am" which is in the present tense, he is saying that he is forever present or eternal; he is always is.
    HE NEVER HAD A PAST OR BEGINNING

    2) Second, when Jesus used "I am", he did not used it only one time; he used it many times to stress emphasis that HE IS "I AM".
    HE IS THE GREAT "I AM"

    *The Son said “I am the way.”
    The Son said “I am the truth.”
    The Son said “I am the life.”
    John 14:6
    New King James Version (NKJV)
    6 Jesus said to him, “I am the way, the truth, and the life. No one comes to the Father except through Me.

    *The Son said “I am the bread of life.”
    John 6:35
    New King James Version (NKJV)
    35 And Jesus said to them, “I am the bread of life. He who comes to Me shall never hunger, and he who believes in Me shall never thirst.

    *The Son said “I am the light of the world.”
    John 8:12
    New King James Version (NKJV)
    12 Then Jesus spoke to them again, saying, “I am the light of the world. He who follows Me shall not walk in darkness, but have the light of life.”

    *The Son said, “I am the vine.”
    John 15:5
    New King James Version (NKJV)
    5 “I am the vine, you are the branches. He who abides in Me, and I in him, bears much fruit; for without Me you can do nothing.

    *The Son said, “I am the resurrection and the life.”
    John 11:25
    New King James Version (NKJV)
    25 Jesus said to her, “I am the resurrection and the life. He who believes in Me, though he may die, he shall live.

    *The Son said, “I am the door of the sheep.”
    John 10:7
    New King James Version (NKJV)
    7 Then Jesus said to them again, “Most assuredly, I say to you, I am the door of the sheep.

    *The Son said, “I am the good shepherd.”
    John 10:14
    New King James Version (NKJV)
    14 I am the good shepherd; and I know My sheep, and am known by My own.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Honestly, the post already answered your false beliefs. He said "I am" not "I AM GOD". It is not only JESUS who said "I am" in the bible, and it is already discussed above, so your argument is proven false.

      When one say "I am" he is referring it to his self like saying "It is me".

      When i say i am handsome, it means, IT IS ME, who is HANDSOME. The same applies to your quoted verses. Those verses does not and never meant to say that HE IS THE GOD or GOD because if that is the case, why did he need to say I AM instead of saying I AM GOD?

      Do you mean anyone who said I AM is also a GOD? Am i a God if i say I AM handsome? Wow. Your understanding shows that you never understood what the bible wants to tell you. Thats normal, because even if you try harder finding the answer to your questions about the message in the bible, unless you are called by God or given understanding, you will never attain that knowledge.

      Delete
  2. Mr. Readme, Yung comment ko po sa http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/06/what-are-facts-about-iglesia-ni-cristo.html
    Hindi niyo pa po nasasagot yung tanong ko na bakit tinawag na Iglesia ng Diyos (Church of God) yung mga verses sa I Corinthians.
    Hinihintay ko pa po ang sagot niyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na bro, tulad nga ng sabi ko, paki antay antay na lang din, sa ngayon kasi, tulad nga ng sabi ko din (ang kulet ko^^) medyo umaasa na lang ako ngayon sa 1 sponsor ko na once a month, na alam mo na, eh 5 days lang din naman yon kaya di nako masyado nakakapag internet. Saka isa na rin medyo busy sa school, ngayon nga may case study kami sa isang subj. sa sat. na ipapasa, pero ito pa talaga inaatupag ko, magblog haha sinisingit ko talaga to, masaya rin kasi ako kapag nakakapagshare ako ng katotohanan sa iba.

      naghahanap ako ng 1 pang sponsor, sana may dumating. 5 days lang internet ko ngayon, at kelangan ko muna unahin yung case study. next month pipilitin ko makagawa ng article. salamat po^^

      Delete
  3. bro, nabubulagan ka sa katotohanan, MAHUSAY KA mag magbigay ng verses sa bible pero ung simpleng mensahe nito, hindi mo makuha. Ang tinutukoy ko ay si Jesus ay LORD. Father God and Jesus are ONE. binigay mo na ung scripture pero hindi mo pa rin maintindihan. I pray for you bro, greatest sin that man can commit is the rejection and recognizing the deity of the LORD JESUS.

    ang relihiyon ay hindi makakapagligtas ng kaluluwa ng tao, Its only Jesus. JEsus is the way the truth and the life, kahit siguro batang paslit maiintindihan ang verse na ito.

    pero gusto ko pa rin ipaintindi sayo sa madaling paraan.

    Cguro nabasa mo na to, Ang Magnanakaw na Nagbalik-loob (Lukas 23:35-43)

    Si Jesus kasama ung dalawang magnanakaw habang nakapako sila sa krus. Tinuya si HEsus ng nasa left side nya ung magnanakaw at sinabi "Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami."---kahit siya(Ung magnanakaw) nagkaroon ng paniniwala kahit kaunti lang na si Hesus ay Diyos dahil sa mga nasambit niya. Pagkatapos nito, pinagsabihan din sya ng isang magnanakaw na nasa right side naman ni Hesus.

    At sinabi niya(ung magnanakaw sa right side) "Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama." 42 At sinabi pa nito, "Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na." 43 Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."

    Bro. ang liwanag sobra. Ang mga magnanakaw na yan, pls. take note, WALA SILANG RELIHIYON, pero bago mamatay ung magnanakaw sa right side ni JESUS, nagconfess siya, HE confess JEsus as his LORD, that man acknowledges JESUS. and the LORD JESUS said this "Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso."

    meaning ung magnanakaw sa kanan ni HESUS ay nasa heaven at and nasa kaliwa ni HESUs ay nasa impyerno. SIMPLE LANG.

    MEaning JESUS SAVES. Not your RELIGION or ANY RELIGION SAVES. You should now repent of this sin of not Acknowledging JESUS AS LORD.

    REmember JESUS died for sins yet you do not acknowldge him as Your LORD, pls. come back to him iwanan mo yang relihiyon mo. Sundan mo si HESUS.

    SANA NALIWANAGAN KA RITO SA AKING SINABI. I adore you bro dahil ang dami mong alam sa bibliya pero sana I pray that the LORD JESUS touch your heart and also holy spirit to open your mind to the truth. DONT CLING TO WHAT YOUR RELIGION teaches.

    Isaiah 55:8 "For my thoughts are not your thoughts, neither are your ways my ways," declares the LORD.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na bro pero hindi po ako NABUBULAGAN SA KATOTOHANAN. Hindi ako magboblog at gagawa ng mga articles para ipahayag ang sinasabi mong pagiging BULAG sa Katotohanan.

      Gets na gets ko po ang TUNAY na mga mensahe nito at hindi ang mga mensahe kuno na mali mali naman ang pag intindi dahil sa paniniwalang mali. I also pray for you, sana pag nagbabasa kayo ng bibliya ay wag nyo iconsider ang paniniwala niyo para hindi maging BIAS ang magiging pagpapakahulugan niyo dito.

      The GREATEST SIN THAT MAN CAN COMMIT is to believe unbiblical doctrines and practices, to believe not to Jesus, apostles and the Bible but to the invented creeds, and more importantly, not believing to the truth, to the only True God, instead, believing to a false God rooted from meddling of Constantine I on the issue of the relationship of the Father and Son on the 1st Council of Nicaea.

      Agree po ako 100% na hindi ang RELIHIYON kundi si Kristo ang magliligtas sa tao dahil siya ang tagapagligtas. Pero alalahanin din natin na may utos ang Diyos para sa gustong maligtas, at may kaugnayan ang relihiyon doon^^

      Eto po ang nabanggit nyong mga talata sa bibliya:


      35 The people stood there watching everything. The Jewish leaders laughed at Jesus. They said, “If he is God’s Chosen One, the Messiah, then let him save himself. He saved others, didn’t he?”

      36 Even the soldiers laughed at Jesus and made fun of him. They came and offered him some sour wine. 37 They said, “If you are the king of the Jews, save yourself!” 38 (At the top of the cross these words were written: “ this is the king of the jews.”)

      39 One of the criminals hanging there began to shout insults at Jesus: “Aren’t you the Messiah? Then save yourself, and save us too!”

      40 But the other criminal stopped him. He said, “You should fear God. All of us will die soon. 41 You and I are guilty. We deserve to die because we did wrong. But this man has done nothing wrong.” 42 Then he said, “Jesus, remember me when you begin ruling as king!”

      43 Then Jesus said to him, “I promise you, today you will be with me in paradise.”


      Wala po akong nabasang sinabi eh siya ay DIYOS, kaya ilagtas mo kami at ang iyong SARILI. Ang sabi po, "KUNG SIYA ANG MESSIAH, ang ANAK NG DIYOS", ang "MESSIAH" ay hindi naman "God" ang ibig sabihin noon. Alam ko namang alam nyo iyon. Ang mahirap kasi, naiimpluwensyahan tayo ng maling paniniwalang kinalakihan natin pag NAGBABASA NG BIBLIYA kaya ayan...

      Napakalaking AKUSASYON naman ang ibinibintang nyo sa amin, hindi ba namin kinikilala na si KRISTO AY PANGINOON?

      Yan ba ang alam nyo sa paniniwala namin? Sana ay nagreresearch kayong mabuti bago magsalita ng ganiyan. Kami po ay sumasapalatayang si Kristo ay Panginoon, Tagapagligtas, nag iisang tagapamagitan sa Ama at sinasamba namin siya sa utos ng Ama.

      Si Kristo ay nagtayo ng IGLESIA:

      18 So I tell you, you are Peter.[a] And I will build my church on this rock. The power of death[b] will not be able to defeat my church. Mt. 16:18

      Delete
    2. continuation...

      Si Kristo ang tagapagligtas ng Iglesia at ang ulo nito:

      A husband is the head of his wife, just as Christ is the head of the church. Christ is the Savior of the church, which is his body. Eph. 5:23


      Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ni Kristo:

      “I am the door; ANYONE WHO COMES INTO THE ‘FOLD’ THROUGH ME SHALL BE SAFE.” John 10:9

      "I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me." John 14:6


      Ibig sabihin ba LITERAL na PAPASOK SA KATAWAN?

      Hindi. Ang tinutukoy dito ay ang pagpasok o ang PAG ANIB sa IGLESIANG KANIYANG ITINATAG.

      Maraming salamat po sa inyong comment. Pero matagal ko na pong sinusundan si Hesus, sinusunod ang Diyos, sa pamamagitan ng pagsunod at paniniwala sa KATOTOHANAN.

      Alam ko po ang mga dahilan kung bakit may mga tao na naniniwala na HINDI NA KAILANGAN ANG RELIHIYON SA KALIGTASAN, na kesyo gawa-gawa lang ito ng mga taong gustong magpayaman, na kesyo walang relihiyon sa mundo ang totoo...

      Ang mga taong ito hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin... Sana, tulad nyo, ay maunawaan nyo si Kristo at ang Diyos. Bukod sa pagbabasa ng bibliya, i suggest magbasa rin kayo ng History tungkol kay Kristo at sa 1st century Christians... kung anong nangyari sa kanila... mga ganun po. Hindi kasi sapat yung walang ebidensya ng realidad -history. Importante po yon.

      Saka alam nyo, kung kayo ay naniniwalang MAY DIYOS kahit hindi nyo siya nakita pa, paniwalaan nyo din na may ISANG TUNAY NA RELIHIYON ngayon sa mundo kahit pa daang libo ang bilang nito ngayon. Dahil kung naniniwala kayong MAY DIYOS, maniwala rin kayo na hindi niya pababayaan ang kaniyang mga lingkod at wala ang Iglesiang itinatag ng kaniyang Anak nga si Kristo, isa sa mga kaparaanan sa ikaliligtas ng mga tao.

      Ang advice ko lang, CHOOSE LIFE:

      ""Today I have given you the choice between life and death, between blessings and curses. Now I call on heaven and earth to witness the choice you make. Oh, that you would choose life, so that you and your descendants might live!" Deut. 30:19

      Delete
    3. Jesus is God. and He existed before the heaven and earth was created. You can read at the gospel of John. It is very clear that the "Word""Verbo"implying in the context is pertaining to Jesus.

      John 1:1-3King James Version (KJV)

      1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God.

      2 The same was in the beginning with God.

      3 All things were made by him; and without him was not any thing made that was made.

      14 And the Word was made flesh, and dwelt among us, (and we beheld his glory, the glory as of the only begotten of the Father,) full of grace and truth.

      Delete
  4. The verse you quoted is john 10:33.

    Why did the Jews say it?

    I will not give opinion, let us look the answer in the BIBLE. What is Christ's reply to them when they said:


    33 They answered, “We are not killing you for any good thing you did. But you say things that insult God. You are only a man, but you say you are the same as God! That is why we are trying to kill you!”


    Christ's reply, lets continue the verse:


    34 Jesus answered, “It is written in your law that God said, ‘I said you are gods.’[d] 35 This Scripture called those people gods—the people who received God’s message. And Scripture is always true.


    CHRIST SAID THAT "THIS SCRIPTURE CALLED THOSE PEOPLE GODS"

    WHO?

    "THE PEOPLE WHO RECEIVED GOD'S MESSAGE"!

    Question: Did Christ received God's message?
    Answer???

    Does that mean that Christ, apostles, and others are also GODS same with God the Father because they received God's MESSAGE?
    Answer???

    It is discussed here: http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/01/sinabi-nga-ba-ni-kristong-siya-ay-diyos.html


    For your sake, lets continue...

    Were the JEWS CORRECT on saying that Jesus blasphemed or insulted God? Did Jesus CLAIMED TO BE THE SAME AS GOD or MAKING HIMSELF GOD?

    This is what Jesus said, let us continue the verse:


    36 So why do you accuse me of insulting God for saying, ‘I am God’s Son’? I am the one God chose and sent into the world.


    SEE? Jesus asked, WHY DID THEY ACCUSE HIM OF INSULTING GOD for saying "I AM GOD'S SON?"

    Wait, I thought Jesus WAS CLAIMING TO BE SAME AS GOD? Who says the TRUTH? Do you believe the CLAIM of Jesus or the CLAIM OF THE JEWS?

    The CLAIM of JESUS is that HE IS "GOD'S SON" and not GOD-SON or GOD. He is THE ONE whom GOD CHOSE AND SENT TO THE WORLD.

    Claiming to be God's Son is different to claiming to be the same as God. remember that.

    I hope your mind is clear now.

    _______________________________

    You said:

    "You also saying that these ancient Jews has no knowledge about how God's make His name known to man and you also meant to say that Jesus is insane because all his statement aren't understandable to Jewish people.

    Did Jews understand Jesus statement or not?"


    Please, DONT ACCUSE ME as what the JEWS DID to JESUS. I never said that "ancient Jews has no knowledge about how God's make His name known to man"

    And i never said that "Jesus is insane because all his statement aren't understandable to Jewish people."

    Did you read the rules here? I said NO POSTING OF ACCUSATIONS. I believe you did not understand my post and the rules here. Please reread both my post and the BIBLE. Read the book of John to answer your question whether the Jews understand Jesus or not.

    ReplyDelete
  5. Sir, you posted and argumentation on your blog so don't excuse yourself for being accusing you when it all up came from you and also you should be open for criticism.

    "Hindi nila maintindihan si Kristo kaya sila'y nagpasyang batuhin siya"

    You never said that by word as I mentioned but by the meaning of your statement above can generate an idea that Jewish don't understand what Jesus is trying to portray. Jewish understand it fully and clearly. Jesus is blaspheming the name of God. That is why they want to stone Him to death. Basically your statement is wrong. You must admit it.

    In Leviticus.

    Whoever blasphemes the name of the Lord shall surely be put to death. All the congregation shall stone him. The sojourner as well as the native, when he blasphemes the Name, shall be put to death.

    In Jewish tradition, the capital punishment for Adultery and Blasphemy is to put the person by stoning to death. If Jewish do not understand Jesus statement, they will not ought to kill Him.

    Clearly understandable in one of the Jews statement.

    "You're only a man trying to make yourself God" Jesus is proclaiming Himself existing before Abraham.

    "Ego Eimi" by translation means "I exist". This is the same exact transliteration in Exodus when God made known His name to man. Jesus is speaking in perfect tense likewise God speak of His name in the old testament.

    Jesus is not claiming the same as God or God's Son. Jesus is claiming the name of God. This is the point of Jews why they want to kill Him for they understand that Jesus is blaspheming the name of God. For claiming the name of God.

    There is only one name of God, that is why it mentioned in Matthew 28:19 "...baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,..." Only one name for the three. The Father does not bear the name of God alone, it is also the name of the Son and the Holy Spirit. In revelation it mentioned there that the name of God is written in their forehead...the name of the Father...the name of Christ...

    I have a good question for you. Is He, God the Father who speak in the old testament proclaiming the name "I AM THAT I AM"?



    ReplyDelete
  6. Lord is with you,

    I am open for criticism since i opened this blog. The problem here is that you accuse me of something that it is not me who said it, its you.

    I said in this post:

    "Hindi nila maintindihan si Kristo kaya sila'y nagpasyang batuhin siya"

    This is not my opinion, but a fact. I already gave some verses when the Jews and Jesus are having conversation.

    The problem here is YOU.

    You keep quoting John 10:33 and associate it with John 8:58 where he said I AM.

    For the sake of the truth, ill quote the event in John 10:33 here it is:


    22 It was winter, and the time came for the Festival of Dedication[b] at Jerusalem. 23 Jesus was in the Temple area at Solomon’s Porch. 24 The Jewish leaders gathered around him. They said, “How long will you make us wonder about you? If you are the Messiah, then tell us clearly.”

    25 Jesus answered, “I told you already, but you did not believe. I do miracles in my Father’s name. These miracles show who I am. 26 But you do not believe, because you are not my sheep. 27 My sheep listen to my voice. I know them, and they follow me. 28 I give my sheep eternal life. They will never die, and no one can take them out of my hand. 29 My Father is the one who gave them to me, and he is greater than all.[c] No one can steal my sheep out of his hand. 30 The Father and I are one.”

    31 Again the Jews there picked up stones to kill Jesus. 32 But he said to them, “The many wonderful things you have seen me do are from the Father. Which of these good things are you killing me for?”

    33 They answered, “We are not killing you for any good thing you did. But you say things that insult God. You are only a man, but you say you are the same as God! That is why we are trying to kill you!”

    And then, JESUS SAID:


    34 Jesus answered, “It is written in your law that God said, ‘I said you are gods.’[d] 35 This Scripture called those people gods—the people who received God’s message. And Scripture is always true. 36 So why do you accuse me of insulting God for saying, ‘I am God’s Son’? I am the one God chose and sent into the world.

    37 If I don’t do what my Father does, then don’t believe what I say. 38 But if I do what my Father does, you should believe in what I do. You might not believe in me, but you should believe in the things I do. Then you will know and understand that the Father is in me and I am in the Father.”
    _________________________________________

    I have nothing to do with you if you believe the CLAIM OF JEWS more than JESUS. Again, the truth is in the bible, you said that JESUS INSULTED GOD, while Jesus said that he did not insult God while saying this:


    36 So why do you accuse me of insulting God for saying, ‘I am God’s Son’? I am the one God chose and sent into the world.


    WHY WOULD JESUS INSULT HIS OWN GOD, HIS OWN FATHER??? Is he sent into this world to INSULT HIM???

    Question: Did the JEWS REALLY WANT TO KILL JESUS BECAUSE HE CLAIM TO BE GOD or SAME AS GOD?

    Let the Jews tell the truth:


    6 When the leading priests and the Jewish guards saw Jesus they shouted, “Kill him on a cross! Kill him on a cross!”

    But Pilate answered, “You take him and nail him to a cross yourselves. I find nothing I can charge him with.”

    7 The Jewish leaders answered, “We have a law that says he must die, because he said he is the Son of God.”

    John 19: 6-7


    See? Who tells his own opinion, is it ME or YOU???

    Did he CLAIM TO BE SAME AS GOD OR GOD'S SON?

    You said:

    "I have a good question for you. Is He, God the Father who speak in the old testament proclaiming the name "I AM THAT I AM"?"


    Your question again IS ALREADY ANSWERED ABOVE. Please REREAD MY POST WITH UNDERSTANDING. ITS ALREADY ANSWERED. Why do you want to answer questions that are already ANSWERED?

    ReplyDelete
  7. Katotohanan po ang pagpapaliwanag mo readme...
    Hindi nila matanggap kahit may mga talata ka pang pinababasa sa kanila. Sana kaawaan sila ng Diyos at mabuksan ang puso at isip nila sa katotohanan sa loob ng IGLESIA NI CRISTO...
    Mabuhay po kayo readme...

    ReplyDelete
  8. Kapatid, ako ay napapahanga mo sa lalim ng pagkaka alam mo sa bibliya. As for me I believe in One God in Three Persons. I believe that Jesus the Son of God is God.

    Tanong ko lang paano ba nabubuo ang isang tao sa mundong ito? Sa reproductive cycle, kailangan ng sperm cell ng isang lalaki at egg cell ng isang babae para mabuo ang isang bata sa sinapupunan. Hindi pwedeng mabuo na sperm cell lang o egg cell lang. But in the case of Our Lord Jesus. Mary remains as virgins untill she gave birth to Jesus. How was that happened na nabuo siya sa sinapupunan ng isang tao without sperm cell, and off course pag walang sperm cell, hindi mag rereact to create a baby ang egg cell ni Mary. So sa aking pagkaka intindi. Hindi nabuo ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng sperm cell ng lalaki at egg cell ng babae. At base sa salita ng Diyos, Si Maria ay nagdalang tao sa pamamagitan ng Espirito Santo na siya ding Diyos. Jesus as God brought into Mary's womb in order to be human through Holy Spirit. Jesus as God became man in pure.
    And I just want to quote a verse that Jesus really exist as God before the world was created. John 17:5 "Now, Father, glorify Me together with Yourself, with the glory which I had with You before the world was.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana inisip mo rin kung paano nilalang ng Diyos si Adam at eva.Yan ang kapangyarihan ng Diyos panu nya lalangin ang tao una sa alabok,pangalawang paglalang through biological yan ang sinasabi mo at ang pangatlo ang paglalang kay Jesus through spirit..

      Delete
    2. Nilalabo Po ninyo ang salita ng katwiran ng Dios...

      I am......alam natin na tao talaga ang bulag..

      I am....tiniyak lamang na ang anghel ngang nabanggit...,-- Kaya sumagot ang anghel ng "I am", na sarili niya ang tinutukoy....



      Nilalabo ninyo ang "salita ng ilaw"....



      Delete
    3. Mag base na lang. Po tau sa ISAIAH 55:8-9 hehehe

      Delete
  9. Simpli LAMANG ang itatanong ko sa inyo ILANG BESES BINANGGIT ANH I AM SA BIBLIYA

    ReplyDelete
  10. ang daming verse na Diyos si Jesus.. basahin nio na lang yung Hebreo 1:1-8 or yung mismong vese 8 na nang hebreo.. yung God the father tinawag nia si Hesus na Diyos eh.. tapos sasalungatin pa nio pa.. palibasa kasi bulag talaga sila sa truth.. hehehe

    ReplyDelete
  11. ganito lang yan eh.. basahin nio rin yung History ni Felix Manalo.. ma shoshock kayo kung bakit ganun na lang yung doctrina nia sobrang mali.. kasi naghalo halo na yung mga katuruang mali sa isip nia hehehe

    ReplyDelete
  12. Brad, wag nyong gawing sinungaling ang Ama, Hebrew 1:1-8
    tinawag nyang Diyos ang Anak Niya.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.