Marami ang nag aakusa sa Iglesia ni Cristo na ang mga handog daw naming mga miyembro ay kinukurakot lang ng mga ministro o kaya naman ay napupunta lang sa bulsa ng mga "Manalo". Ito daw relihiyon na ito ay negosyo lang nila para sila ay yumaman, magpakasasa sa pera at magpakaginhawa sa buhay.
Mahirap na nga daw ang mga miyembro eh lalo pa nila itong pinapahirapan dahil sa mga handog na KUSANG LOOB na binibigay ng mga ito, kaya sinasabihan nila kami na na-brainwashed kami at mga uto-uto.
Nagtataka naman ako dahil mag 100 years na ang Iglesia ni Cristo pero wala ni isa ang may ebidensya na may mga mansyon ang mga "Manalo", magagarang mga sasakyan, properties at milyon milyong pera sa kanilang bank accounts.
Sasabihin nila, meron, nalathala nga sa dyaryo ang title "Erano Manalo: A billionaire preacher".
-Weh? Title lang naman yon, pero kung babasahin mo ang nilalaman nung artikulong yon, sinabi na ang mayaman, at may mga property ay ang IGLESIA NI CRISTO at hindi si Ka Erano Manalo. As a corporation sole, lahat ng properties at pera ay napupunta at nakapangalan sa IGLESIA NI CRISTO at hindi sa mga "MANALO".
Sasabihin naman, meron silang magagarang kotse no! Nakita ko, parang Presidente nga eh kala mo may parade, nakasakay sa kulay itim na sasakyan, hindi ba mamahaling mga sasakyan yon?
-Weh? Para sa kaalaman nyo hindi lang naman ang Executive Minister ang gumagamit ng mga ganoong sasakyan (wala akong alam sa sasakyan kaya hindi ko alam kung anung klase yung mga yon na kulay black^^) kundi pati mga District Ministers pag nangangasiwa sila sa ibang mga lokal, at meron din silang escort. Ito ay for security reasons at hindi para ipakita na mayayaman sila o VVIP (very very important person).
Ibabanat pa ng ilan, eh diba maraming properties ang Iglesia ni Cristo, sino ba ang nagtayo ng Iglesia nyo, di ba si "Manalo" eh di ibig sabihin kay "Manalo" din yung mga pag-aari ng Iglesia.
-Weh? Si Kristo ang nagtayo ng Iglesia ni Cristo. Si Ka Felix Manalo ay instrumento lamang sa pagtatatag muli ng Iglesiang natalikod. Tulad nga ng sabi ko, lahat ng ari-arian ng Iglesia ay hindi nakapangalan sa mga "Manalo".
Ang mga ari-arian naman ng Iglesia ni Mr. Soriano ay nakapangalan sa lider nila.
Hindi ba kayo nagtataka?
Ang akusasyon kasi ng mga kinakasangkapan ng Diyablo sa Iglesia ni Cristo ay binubulsa lang ng mga ministro at ng mga "Manalo" ang pera ng mga myembro.
Kung may korapsyong nagaganap sa Iglesia...
Saan galing ang pera sa pagpapatayo ng hindi basta basta "kapilya" kundi MAGAGARANG KAPILYA?
Saan galing ang pera sa pagbili ng mga properties abroad para maging kapilya at district office?
Saan galing ang pera sa pagpaparenovate ng mga kapilya?
Saan galing ang pera sa iba pang ipinapatayong gusali tulad ng Philippine Arena at iba pa?
Saan... Saan... Saan... ???
Eh sa handog lang naman ng mga miyembro kinukuha ang mga iyon, hindi naman tumatanggap ang INC ng pera galing sa pulitiko, sa gobyerno, sa sugal at iba pa. Wala rin namang mga investments sa mga business ang INC o may business ang INC para makatulong sa gastos para dito...
Magkano?
Yan ang tanong ng ilang curious kung magkano nga ba ang gastos sa mga nabanggit sa itaas... Kahit nga ako eh curious din naman, buti na lang at merong ilan akong nahanap na impormasyon tungkol dito.
Ang Lokal ng Araneta ay may seating capacity na 1,000 at naitalaga noong November 2009.
Ang lupang kinatatayuan nito ay may lawak na 3,327 square meter. Nabili ito ng Iglesia noong April 1996 sa halagang halos 50 million pesos. Ang building cost nito ay 52 million pesos.
Ibig sabihin, nagkakahalaga ang lokal ng Araneta ng higit 100 million pesos.
reference: Pasugo Issue Dec. 2009
Ang Lokal ng Valenzuela ay may seating capacity na 1,200 at naitalaga noong November 2011. Ang lupang kinatatayuan nito ay may lawak na 5,004 square meter. Ang building cost nito ay 85 million pesos hindi pa kasama ang presyo ng lupa.
reference: Pasugo Issue Dec. 2011
Ang GENERAL RENOVATION ng Lokal ng Pasay ayon sa wikimapia.org ay may budget na 50 million pesos, ayon naman sa isang kapatid na nagpost sa blog ko ay sa tulong ng ibang lokal, nagkaroon ito ng 100 million peso budget. Renovation po ang pinag uusapan, hindi pagtatayo ng gusali.
Ang Lokal ng Los Angeles, California ay naitalaga noong March 2011. Ang project cost nito ay $7,6000,000 o mahigit 300 million pesos. Hindi pa kasama dito ang presyo ng lupa at ang mga materials tulad ng chandeliers (na milyon din ang halaga) at iba pa.
Nabili ng Iglesia ang simbahan ng Evangelical Lutheran Church sa Bronx, New York sa halagang $2,459,923.50 o mahigit 105 million pesos at ang renovation ay umabot ng $711,363.51 o mahigit 30 million pesos. Ang Lokal ng Bronx ay naitalaga noong Dec. 2012.
Ibig sabihin, ang Lokal ng Bronx New York ay nagkakahalaga ng mahigit 130 million pesos.
reference: Pasugo Issue Jan. 2012
Nabili ng Iglesia ang property ng St. constantine and Greek Orthodox Church sa halagang $9.2 million o humigit kumulang 400 million pesos noong Nov. 2012. Hindi pa kasama dito ang renovation cost. Ito ay ang Lokal ng Washington D.C na naitalaga noong Dec. 2012.
Ang Philippine Arena pa lamang ay nagkakahalaga na ng $213 million o higit 9 billion pesos. Paano pa kaya ang iba pang mga gusaling ipinapatayo at itatayo sa Ciudad de Victoria?
Ilan lamang ito sa maraming pinupuntahan ng handog ng Iglesia ni Cristo. Para sa iba pang kaalaman, paki-click dito.
Ang naipatatayong mga gusaling sambahan
Ito ang datos ng mga naipatayong kapilya ng Iglesia ni Cristo noong 2000 hanggang 2012, hindi kasama dito ang bilang ng mga kapilyang ni-renovate.
Ngayon, mag estimate tayo, para sa mga inggit na inggit sa Iglesia ni Cristo na kesyo nakukurakot lang ang pera ng mga miyembro nito...
Sabihin na nating ang average construction cost (hindi kasama ang land cost at mga kasangkapan sa loob ng kapilya) ng bawat kapilya ay 30 million pesos (very low estimate) at yearly ay nakakapagpatayo ang Iglesia ng 70 na kapilya...
30 million X 70 = 2.1 billion
Billiong piso ang gastos ng Iglesia sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan kada taon sa PILIPINAS PA LAMANG. Kung isasama ang sa ibang bansa na alam naman nating mas mahal ang halaga, kayo na bahalang mag-isip...
Ngayon, ang tanong, kung NAKUKURAKOT lang ang pera ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, bakit walang tigil ang naipatatayong mga gusaling sambahan? Saan galing ang pera sa pagtulong sa mga kababayan tulad ng Lingap sa Mamamayan at Kabayan ko Kapatid ko na libo libong mga tao ang nakikinabang? Paano na mamaintain ang mga kapilya ng Iglesia ni Cristo kung binubulsa lamang ito ng mga ministro?
May nagaganap nga bang KORAPSYON sa Iglesia ni Cristo o sa relihiyon mo iyon nangyayari?
August 4, 2013
7 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
A very simple logic that even an elementary student could understand utilizing only his ten fingers; unless, kung talagang mamatay na sa inggit ang mga tumutuligsa.
ReplyDeleteAng ayaw magpatalo sabi, milyon rin daw ang abuloy na natatanggap ng simbahan nila. Ganun naman pala eh, e bakit sa Luneta sila gumagawa ng kanilang pagpupuri sa Diyos? Kung pagpupuri nga bang talaga ang matatawag diyan. Bakit ni isa ay walang silang maayos na bahay sambahan kung totoo ngang milyon ang abuloy na natatanggap nila? SARILI NILA dapat ang tanungin nila sa bagay na eto hindi ang Iglesia Ni Cristo.
Dahil sa Iglesia, ang mga magagara at magagandang BAHAY SAMBAHAN namin na lang ang MAGSASALITA para sa amin.
"The temple I am going to build will be great, because our God is greater than all other gods." - 2 Chronicles 2:5 (NIV)
Madalang kna lang yta mag-blog bro.readme? mas maganda po sana every twice a week may bago sana kayong article at kasama sana dun ang pagsagot sa kanilang mga tuligsa. Mas maganda sana bro. kung may co-admin ka. para kahit wala ka eh ,may sumasagot sa mga tanong nila about sa article na ginawa mo. Yun lang po suggestion ko, kung papayag kayo.
ReplyDeleteGusto ko nga po talaga sana mag post ng magpost eh nagkataon naman po wala talaga akong pang internet^^ kaya nga po naghahanap pa ko ng 1 sponsor dahil sa sitwasyon ko ngayon wala talagang natitira sa baon ko, estudyante pa kasi, medyo... alam na...
Deleteprepaid lang kasi gamit ko eh, 200 pesos for 5 days unli internet. kaya ayun. yung tungkol sa co-admin naman, naisip ko na rin dati kaso baka magkaiba kami ng paraan ng pagblog, kaya dati gumawa ako ng blog na "iglesianicristodefendersonlline" kung saan kahit sino pwede magpasa sakin ng religiuos article basta kapatid. Kaso wala naman nagpapasa kaya sinara ko na lang^^
sana lang yumaman ako para always online ako dahil andami ko ring gusto ipost^^
sinubukan ko na po i-post ang blogsite mo kapatid sa group nating mga INC ung INC Around The World para may mag-financial assistance kc karamihan doon ay taga-ibang bansa..pero wala pa pala nag e-mail sa yo.. hehe.. anywayz, wag ka po mag-alala kapatid. ibibigay din po yan sau ng Panginoong Ama.. ^_^
Deleteguxtohng gxtoh khu poh tong blog n toh. kapatd dn po aqouh.
ReplyDeleteat my kulang lng po smga cnabhi nio n pnupnutahan ng mga handog ng mga miyembro ng iglesia. mga gam8 at decoration, supplies s kalihiman, mga nirerentahang mga lugar 2wing my isasagawang pamamahayg, socializing o eung sports n kelan lng ginawa s maynila at madameng ndih pnapadaan, mga pnapamigay n polyeto, mga sasakyang bnibili kpag my gagawing anibersaryo 2lad n lng poh ng cnasabhing bibili ang iglesia ng mga eroplano pra makapnta ang mga OFW s centennial ng libre, at mga supplies pra s mga nsalanta ng bagyo
Napapabilib mo ako sa blog mong ito brad, daming articles na pawang katotohanan talaga, dpat mag ministro ka kc mgaling kang mag defend, nkikidebate ka din ba pg me mga gantong usapin kang nririnig? anung fb mo kapatid? pa add nga kita!
ReplyDeletePROUD TO BE INC.. THAT THEY MAY SEE AND KNOW AND UNDERSTAND TOGETHER, THAT THE HANDS OF THE LORD HATH DONE THESE, AND THE HOLY ONE OF ISRAEL HAS CREATED IT : POWER!!!
ReplyDelete