"Jesus said to them, “Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I am.” ESV
"Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na." BMBB
Ang pagkakaintindi ng mga Trinitarians dito eh nag eexist na si Kristo na kasama ng Diyos bago pa ipinanganak si Abraham kaya naman ang conclusion --Diyos si Kristo!
Wow! naks naman ang understanding ng mga trinitarians na ito. Ibig bang sabihin lahat ng "bago/before" kay Abraham ay mga Diyos din? Eh ang mga anghel kaya, Diyos din ba sila dahil bago pa lalangin ang mundo ay nandodoon na sila kasama ng Ama?
Ano sa tingin nyo?
Eh paano ba natin iintindihin ang sinabi ni Kristo na bago pa si Abraham ay siya na? Sa anong paraan si Kristo nag eexist bago pa si Abraham? Sino ba talaga nauna, si Kristo o si Abraham?
Itanong natin sa bibliya:
"Ngayon, nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang supling. Hindi sinasabi, "At sa kanyang mga sup- ling," na ang tinutukoy ay marami kundi, "At sa iyong supling," na iisa ang tinutukoy at ito'y si Cristo." Gal. 3:16
Si Kristo pala ay supling/binhi/lahi/galing kay Abraham. Paano mangyayaring nag eexist na si Kristo bago pa si Abraham eh SUPLING nga ni Abraham si Kristo?
Nag exist lang naman si Kristo nung ipinagbuntis siya ng kaniyang inang si Maria. Sa Galasya pa rin, ito ang sabi:
"Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan" Gal. 4:4
Meron kasing nakatakdang panahon kung saan mag-eexist o isisilang si Kristo kahit na dati pa, bago pa lalangin ang mundo ay nag eexist na siya.
Naguluhan ba kayo? Eh sa paano bang paraan nag eexist si Kristo bago pa ang "nakatakdang panahon"?
"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. " Juan 1:1,14
Nilito ko lang kayo. Hindi si Kristo ang nag eexist kahit bago pa lalangin ang mundo o bago pa si Abraham kundi ang "SALITA", etong "SALITA" na ito ang PLANO o PANGAKO ng Diyos tungkol kay Kristo at natupad nga ito ng isilang si Kristo sa mundong ito.
"God promised long ago through his prophets in the Holy Scriptures to give this Good News to his people. The Good News is about God’s Son, Jesus Christ our Lord. As a human, he was born from the family of David, but through the Holy Spirit he was shown to be God’s powerful Son when he was raised from death." Romans 1:2-4
Matagal na talagang nasa isip ng Diyos si Kristo, pinili siya bago pa nilikha ang daigdig, ipinahayag siya sa mga huling panahon para sa kapakanan natin:
"He was foreknown before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you" I Pet. 1:20
"Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon." I Pedro 1:20
Eh ano ba yung "foreknowledge"?
Foreknowledge. n.
Knowledge or awareness of something before its existence or occurrence; prescience.
source: thefreedictionary.com
Ito pala ay KNOWLEDGE o AWARENESS of something BEFORE ITS EXISTENCE. Ngayon, eh kung finorknown si Kristo, paano mangyayaring nag eexist siya ng literal BAGO PA SI ABRAHAM?
Oh eto pa sabi sa bibliya:
"this Jesus, delivered up according to the definite plan and foreknowledge of God, you crucified and killed by the hands of lawless men." Acts 2:23
Ganun din naman na si Propeta Jeremias ay PINILI na ng Diyos bago pa siya ipanganak:
"Sinabi sa akin ni Yahweh, "Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa." Jeremias 1:4-5
Ganun din naman tayo, PINILI na ng Diyos BAGO PA LIKHAIN ANG SANLIBUTAN o ANG MUNDO:
"Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban." Efeso 1:4-5
Kung tatanggapin natin na si Kristo ay Diyos dahil dito, eh di Diyos din pala si Propeta Jeremias at mismong tayo Diyos din dahil magmumukha rin tayong nag eexist na bago pa lalangin ang mundo dahil PINILI NA TAYO ng Diyos bago likhain ang daigdig.
Pag nagsabi ba ng "I am" o "Ako nga" Diyos agad?
Ayon kasi sa mga Trinitarian, ang Diyos ang nagsabi ng "I am" nung ipinakilala niya ang kaniyang sarili kay Moises sa Exodus 3:14 na ang sabi:
"God said to Moses, "I AM WHO I AM. This is what you are to say to the Israelites: 'I AM has sent me to you.'"
"At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA."
Oo, hindi naman kami tutol sa verse na ito pero ang sabihing si Kristo ay Diyos dahil lang siyay nagsabi din ng "I am" ay isang malaking kamalian.
Kung ganyan din lang, eh di Diyos din ang Anghel:
"Manoah got up and followed his wife. When he came to the man, he said, "Are you the man who talked to my wife?" "I am," he said." Judges 13:11
Ang taong dating bulag Diyos din:
"Sumagot ang ilan, Iyan nga! Sabi naman ng iba, Hindi! Kamukha lang. Kaya't nagsalita ang dating bulag, Ako nga po iyon." Juan 9:9
"Some said, This is he: others said, He is like him: but he said, I am he." John 9:9
Si Apostol Pablo Diyos din:
"Paul replied, "Short time or long--I pray to God that not only you but all who are listening to me today may become what I am, except for these chains." Acts 26:29
Ang mga alagad ni Kristo ay mga Diyos din:
"Feeling deeply distressed, each one began to ask him, "Surely I am not the one, Lord?" Matt. 26:22
Naku, ang daming naman Diyos niyan!
Pero ang totoo, hindi naman kasi porke sinabing "I am" Diyos agad. Pag sinabing "I am/Ako nga" pinatutungkol niya yon sa sarili niya, hindi yon pagkeklaim na Diyos siya.
Hindi nila maintindihan si Kristo kaya sila'y nagpasyang batuhin siya
Bago pa ang Juan 8:58, nasabi na rin ni Kristo ang katagang "Ako nga":
"kaya sinabi ko sa inyong mamamatay kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang Ako'y Ako Nga, mamamatay nga kayo nang hindi pa napapatawad sa inyong mga kasalanan. Kaya't sinabi ni Jesus, Kapag naitaas na ninyo ang Anak ng Tao, malalaman ninyong Ako'y Ako Nga." Juan 8: 24, 28
Sa mga talatang ito, ano ba ang ibig sabihin ng sinasabi ni Kristo dito na "Ako nga"?
"Sinabi ng ilang nakarinig sa kanya, Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin! Siya na nga ang Cristo! sabi naman ng iba. Ngunit mayroon namang sumagot, Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo?" Juan 7:40-41
Kung babasahin nyo ang kaganapan sa Juan chapter 7 at 8, si Jesus ay nakikipag usap sa mga Hudyo at ang mga Hudyo naman ay ayaw maniwala sa kaniya na siya ang Kristo o ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos. Hindi niya diniretsong sinabing "Ako ang Kristo", meron siyang kumbaga mga "clue" na sinasabi pero hindi ito maintindihan ng mga Hudyo. Kaya nga dumampot sila ng bato para batuhin si Kristo nung sabihin niya na bago pa man si Abraham ay SIYA NA dahil di talaga nila siya magets:
"Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na. Nagsidampot sila ng bato upang siya'y batuhin, ngunit nagtago si Jesus at lumabas ng Templo." Juan 8:58-59
Kung nabasa nyo ang Juan chapter 7 at 8, laging hindi naiintindihan ng mga Hudyo ang mga sinasabi ni Kristo. Tulad na lang ng mga pangyayaring ito:
"Nag-usap-usap ang mga Judio, Saan kaya pupunta ang taong ito at hindi na raw natin siya makikita? Pupunta kaya siya sa ating mga kababayang nasa lupain ng mga Griego upang magturo sa kanila? Ano kaya ang ibig niyang sabihin nang kanyang sinabing, ˜Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita, at Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko?" Juan 7:35-36
"Nag-usap-usap ang mga Judio, Magpapakamatay kaya siya kaya niya sinabing Hindi kayo makakapunta sa pupuntahan ko?" Juan 8:22
"Sino ka nga bang talaga? tanong nila. Sumagot si Jesus, Matagal ko nang sinabi sa inyo kung sino ako. Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahayag ko sa sanlibutan. Hindi nila nauunawaan na ang Ama ang tinutukoy niya" Juan 8:25-27
Si Kristo mismo ang nagpapatunay na hindi talaga siya nila maintindihan:
"Bakit di ninyo maunawaan ang sinasabi ko? Hindi ba't ito'y dahil sa ayaw nyong tanggapin ang itinuturo ko?" Juan 8:43
Inakusahan pa nila si Kristo na siya sinasapian ng Dimonyo:
"Sinabi ng mga Judio kay Jesus, Hindi ba tama ang sinabi naming ikaw ay Samaritano at sinasapian ng demonyo? Sinabi ng mga Judio, Ngayo'y natitiyak naming sinasapian ka nga ng demonyo. Namatay si Abraham at ang mga propeta, ngunit sinasabi mong hindi mamamatay kailanman ang sinumang tumutupad ng iyong aral." Juan 8: 48, 52
Sabi naman ng mga trinitarians, kaya daw gustong batuhin ng mga Hudyo si Kristo ay dahil daw nagclaim daw si Kristo na siya ay Diyos, at ang talatang binabanggit nila ay ito:
"Dahil dito'y sinabi sa kanya ng mga Judio, Wala ka pang limampung taong gulang, paano mo masasabing nakita mo na si Abraham? Sumagot si Jesus, Pakatandaan ninyo: bago pa ipinanganak si Abraham, Ako ay Ako Na." Juan 8: 57-58
Ang totoo meron pang dalawang talata sa Juan ang sinasabi nila na nagclaim daw si Kristo na siyay Diyos at ipinantay niya ang kaniyang sarili sa Diyos:
"Lalo namang pinagsikapan ng mga pinuno ng mga Judio na ipapatay siya, sapagkat hindi lamang niya nilabag ang batas tungkol sa Araw ng Pamamahinga, sinasabi pa niyang ang Diyos ang kanyang Ama, at sa gayon ay ipinapantay ang kanyang sarili sa Diyos." Juan 5:18
"Sumagot ang mga pinuno ng mga Judio, Hindi dahil sa mabubuting gawa kaya ka namin babatuhin, kundi dahil sa paglapastangan mo sa Diyos! Sapagkat nagpapanggap kang Diyos, bagama't tao ka lamang." Juan 10:33
Pero kung babasahin natin ang kabuuan ng aklat ni Juan, WALA TAYONG MABABASA NA NAGCLAIM SI KRISTO na SIYA AY DIYOS o IPINANTAY NIYA ANG KANIYANG SARILI SA DIYOS. Itong mga talata sa itaas ay bunga lamang ng maling pag-intindi nila sa mga sinasabi ni Kristo.
Takang-taka nga si Kristo eh, sabi niya, paanong sinasabi niyo na nilalapastangan ko ang Diyos dahil lang sinabi kong ako ang ANAK NG DIYOS?
"Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?" Juan 10:36
Ang katunayan, mismo sa mga Hudyo na rin nanggaling, ano ba ang DAHILAN kung bakit gusto nila siyang IPAPATAY o PAGBABATUHIN?
"Sumagot ang mga Judio, Ayon sa aming kautusa'y nararapat siyang mamatay, sapagkat siya'y nagpapanggap na Anak ng Diyos." Juan 19: 7
Ang CLAIM pala ni Kristo ay siya ang ANAK NG DIYOS, hindi Diyos o kaya naman ay DIYOS ANAK. Kaya tulad ng mga HUDYO na nagpapako kay Kristo sa KRUS, ang pagkakaintindi nila kay Kristo ay nagclaim daw siya na siyay Diyos kaya naman pinaniniwalaan nila ngayon na si Kristo ay DIYOS.
Ang Diyos ba ng Exodo 3:14 na nagsabing "Ako nga" ay si Kristo?
Hindi. Dahil kung siya ang Diyos na yon, lalabas na may DALAWANG JESUS.
Bakit?
Eto kasi ang sabi sa talata, ituloy natin ang pagbasa:
"Sinabi ng Diyos, "Ako'y si Ako Nga. Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo ka ng Diyos na ang pangalan ay 'Ako Nga'. Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman." Exodo 13:14-15
PANSININ: Itong Diyos sa Exodo na nagsabi ng "Ako nga" ay Diyos ng ating mga ninuno, ni Abraham, Isaac at ni Jacob.
Eto naman ang sabi ni Apostol Pedro:
"Kaya't sinabi ni Pedro sa mga tao, "Mga Israelita, bakit kayo nagtataka sa nangyaring ito? Bakit ninyo kami tinitingnan nang ganyan? Akala ba ninyo'y napalakad namin siya dahil sa sarili naming kapangyarihan o kabanalan? Pinarangalan ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob ang kanyang Lingkod na si Jesus na isinakdal ninyo at itinakwil sa harap ni Pilato, gayong ipinasya na ni Pilatong palayain siya." Gawa 3:12-13
PANSININ: Pinarangalan daw ng Diyos ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, Jacob at ang kaniyang LINGKOD NA SI JESUS...
Kung si Jesus ang Diyos sa Exodo na Diyos nila Abraham, at si Jesus din ang Diyos ayon sa Juan 8:58, dalawa pala ang JESUS. Isang Jesus na may lingkod na Jesus at si Jesus na lingkod ni Jesus.
Ang gulo no? Ganyan ang paniniwala nyo, MAGULO.
Kaya malabong malabo talaga na si Kristo ay ang Diyos sa Exodo na nagsabi ng "Ako nga". Matagal na naming sinasabi sa inyo na IBA SI JESUS sa DIYOS.
Nakita ni Abraham ang araw ng pagdating ni Kristo
Eh kung totoong hindi pa nag eexist si Kristo bago si Abraham, bakit sinabi niya na "Natuwa ang inyong amang si Abraham nang malaman niyang makikita niya ang araw ng aking pagdating. Nakita nga niya ito at siya'y nagalak." sa Juan 8:56? Ano ba talaga ang nakita ni Abraham?
Sabi sa bibliya:
"Sa pamamagitan din ng salitang iyon ay nananatili ang mga langit at ang lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng Araw ng Paghuhukom at pagpaparusa sa masasama. Ngunit ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, ang kalangitan ay biglang mawawala kasabay ng isang malakas na ugong. Matutupok ang araw, buwan at mga bituin. Ang mundo at ang lahat ng mga bagay na naririto ay mawawala." II Pedro 3:7, 10
Ito palang sinabi ni Kristo na "makikita niya ang araw ng aking pagdating" ay ang "araw ng Panginoon" o ang "araw ng paghuhukom".
"Dahil sa pananampalataya sa Diyos, sumunod si Abraham nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Dahil din sa kanyang pananampalataya, siya'y nanirahan bilang dayuhan sa lupang ipinangako sa kanya. Mga tolda ang naging tirahan niya, gayundin sina Isaac at Jacob na tumanggap din naman ng pangakong katulad niyon. Sapagkat matapat na hinihintay ni Abraham ang isang lunsod na Diyos mismo ang nagplano at nagtatag." Hebreo 11:8-10
Ituloy pa natin ang pagbasa:
"Silang lahat ay namatay na may pananampalataya sa Diyos. Hindi nila nakamtan ang mga ipinangako ng Diyos, ngunit natanaw nila iyon mula sa malayo. Kinilala nilang sila'y mga dayuhan lamang at nangingibang-bayan dito sa lupa." Hebreo 11:13
Sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA, nakita ni Abraham, kasama nila Isaac at Jacob ang ipinangako ng Diyos-- ang pangakong lupa o ang bayang banal. NATANAW nila iyon pero hindi nila NAKAMTAM dahil namatay na sila. Itong bayang banal na ito ay makakamtam nila sa ARAW NG PANGINOON o sa ARAW NG PAGHUHUKOM.
Nakita na ni Abraham ang pangako ng Diyos o ang ARAW NG PANGINOON bago pa isilang si Kristo. Sa hinaharap pa ito mangyayari pero ang sabi ay NAKITA NA ito ni Abraham. Nakita niya ito sa PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA at hindi literal.
Talaga namang bago pa si Abraham ay nag eexist na si Kristo, hindi literal, kundi nag eexist na siya sa ISIP NG DIYOS. Kaya mas nauna talaga si Kristo kaysa kay Abraham sa sense na yon at hindi nauna siya dahil mas nauna siyang mag-exist kay Abraham.
