Dahilan ko, busy sa work. Pero bukod dun, may iba pa.
LAHAT PO NG MABABASA NYO SA ARTIKULONG ITO AY AKING OPINYON LAMANG. Alam ko pong maaaring may mga kapatid o maytungkulin man, ang hindi sumang ayon sa akin, o maaaring mainis pa, pero naiintindihan ko kayo. Pero itoy matagal kong pinag isipan, at gusto ko lamang maging totoo.
Ako poy isang ordinaryong kapatid sa Iglesia, na tulad ng marami, nananatili at minamahal ang Iglesia sapagkat itoy daan sa kaligtasan. Masayang sumasamba, nakikipagkaisa sa mga aktibidad at nakakatupad ng tungkulin--- ng payapa.
"KAPAYAPAAN" - payapa ang pusot isip. Payapang nakakapaglingkod sa Diyos.
Naniniwala po ako na ito ay ang nais ng lahat sa mga kapatid.
Nagpapasakop sa Pamamahala, dapat. Nakikiisa sa Pamamahala, tama. AT naninindigan para sa Pamamahala at sa Iglesia, mismo.
Kahit pa pagbali baligtarin ng mga "fallen angels" ang mundo, ang mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, ay mananatili sa PANIG NG PAMAMAHALA. Dahil ang PAMAMAHALA ay sa Diyos.
Kung ako ay tatanungin nyo, walang duda sa aking pananampalataya. Ako ay sa Pamamahala, hindi dahil ako ay "uto uto, sunud sunuran, o minion" kung sabihin ng mga tiwalag, kundi dahil alam ko ang TOTOO. Hindi ko man alam ang BUONG KATOTOHANAN, pero alam ko ang TOTOO.
ANG TOTOO
Ang TOTOO ay sa loob ng maikling taon ng Pamamalakad ng Ka Eduardo Manalo, maraming tagumpay ang nakamit ng Iglesia: Mga naipatayong gusaling sambahan, mga nabiling properties abroad, mga proyekto sa pagpapalaganap, mga proyekto sa pagtulong sa mga tao, mga gusaling kinakailangan ng Iglesia tulad ng bagong CEM building, bagong New Era Hospital, Philippine Arena at iba pa, mga naordenang mga ministro, mga bagong nagsisipag aral sa ministerio at marami pang iba. Hindi makukwestyon ng sinuman, kahit ng iba pang mga lider ng relihiyon ang TAGUMPAY na ito sa ilalim ng pamumuno ng Ka Eduardo.
Ang TOTOO ay walang masama kung magbenta man ang Pamamahala ng mga properties ng Iglesia lalo nat kung itoy hindi rin naman napapakinabangan tulad ng walang masama sa pagbili nito. Sila ang nasa autoridad upang magdesisyon sa ikabubuti ng Iglesia. Mga matitisurin lamang ang makakapag isip na itoy isang kasalanan o itoy mali dahil sa pagpapatakbo ng isang organisasyon, may mga konsiderasyon at mahirap na desisyon na kailangang gawin.
Ang TOTOO ay karamihan sa mga akusasyon ng mga tiwalag ay pawang kasinungalingan lamang na pawang paninira lamang sa Pamamahala at sa Ka Eduardo Manalo. Bilang blogger at matagal ng boluntaryong nagtatanggol sa Iglesia, madali kong malalaman kung ang isang akusasyon ay maaaring tama o malisyoso lamang. Tulad na lamang ng diumanoy pagkaka-perahan sa Scenic, South Dakota, Fort Victoria, kahit pa ang loteng kinakamkam nila Gng. Lottie at marami pang iba, itoy mga KASINUNGALINGAN lamang. Lalo na kung nababasa ko ang katotohanan sa blog ni Ka Pristine Truth.
Ang TOTOO ay kung saka sakali man halimbawa na ang ilan sa mga akusasyon ng mga tiwalag ay tama, hindi ako kailanman papanig o magbibigay ng simpatya sa kanila. Dahil kahit gaano pa kabigat ang kanilang akusasyon, hindi ito isang malaking rason upang LABANAN ang Pamamahala lalo na ang Tagpamahalang Pangkalahatan. Kung ang magulang ay nagkamali sayo, wala tayong karapatan na labanan sila at pagsalitaan ng masasakit na salita o paninira dahil sa di maaalis na katotohanang MAGULANG PA RIN NATIN SILA. Ganun din ang sa Pamamahala, naniniwala ako na hindi ito rason upang magrebelde, kundi ayusin sa tamang paraan ng hindi sila nilalabanan.
Ang TOTOO ay mas dapat ibigin ang AMA kaysa sa magulang. Hindi ko sinasabi na huwag ibigin o igalang ang magulang, ang ibig kong sabihin ay mas HIGIT NATING IBIGIN ANG DIYOS kaysa ating magulang sapagkat yan ay nasusulat. Higit nating dapat sundin ang mga utos ng Diyos bago ang iba. Kaya sa aking opinyon, tama lang naman ang naging desisyon ng Ka Eduardo na itiwalag ang kaniyang mga kapatid kahit pa ang kaniyang sariling INA, sapagkat silay nagdulot ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia.
NGUNIT...
Sa mga nangyayari ngayon sa Iglesia, kung saan habang tumatagal ay tila lumalala pa ang mga pangyayari, na lalong pasama ng pasama ang tingin ng marami sa Iglesia Ni Cristo. Na ang mga nangyayari ay di na mabubura pa sapagkat itoy nakatala na sa ating kasaysayan...
Isa lang po ang gusto kong sabihin at ipanawagan.
PAGKAKASUNDO
tungo sa
KAPAYAPAAN.
Naisip ko, bilang blogger, kung ako bay magpopost ng magpopost ng mga artikulo laban sa mga tiwalag kahit na itoy mga katotohanan, may maitutulong ba ito upang masolusyunan ang problema?
Sa totoo lang po, naka 5 artikulo na ata ko na hindi ko naipublished at marami pa sana kong nasa isip na gustong gawin. Sa umpisa ginaganahan ako, pagdating sa kalagitnaan, nagtataka ako bakit ganun parang hindi ko matapos? Kaya nasa draft na lang ito o dinelete ko nalang. Kasi pagkatapos ay maiisip ko, kung maipa-publish ko ba ito makakatulong ba ito para matapos na ang kasalukuyang kinakaharap na problema sa Iglesia? Kung magiging active din naman ako sa pakikipaglaban sa mga tiwalag gamit ang social media, sino naman kaya ang tatayo upang magpanawagan ng KAPAYAPAAN sa halip na digmaan?
Yung gulo sa Mindanao dahil sa mga rebelde, dati all out war ang gobyerno sa kanila. Ang tanong, nasolusyunan ba ang problema? Ngayon, sa halip na digmaan, peace process ang gustong gawin ng mga sumunod na Pangulo ng Pilipinas. Hindi man ito ang tutuldok sa problema doon ngunit tingin ko daan ito para makamit ang inaasam na kapayapaan ng mga nakatira doon.
Ang IGLESIA NI CRISTO ay isang relihiyon. Atin muling basahin ang deskripsyon:
"The Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ) is a Christian religion whose primary purpose is to serve and worship the Almighty God based on His teachings recorded in the Bible.
Kaya po sa pagkakataong ito, ako poy tumitindig upang ipanawagan ito. Hindi dahil akoy sumusuko o dahil akoy duwag, kundi upang maging daan sa pagkakaayos at pagkakaroon ng kapayapaan.
Kung babalikan natin ang pangyayari, saan ba lahat nagsimula ito? At sino ang nagsimula nito? Naniniwala po ako na sana ay doon magsimulang magkaroon ng pagkakasundo. Sa bandang huli, kahit pa itiniwalag ang mga kapatid at ina ng Ka Eduardo, hindi maiaalis ang katotohanang silay kaniyang PAMILYA. INA. AT KAPATID.
Kahit pa sabihin natin na si Gng. Tenny ang mastermind lahat ng ito, at sila ay pagkasama sama, sa bandang huli, at kahit ano pang mangyari, naniniwala po ako di maglaon ay makakabalik pa rin sila sa Iglesia kasama na ang iba pang mga "fallen angels". At kung ganun din lang naman po ang mangyayari, sa halip na in the next 3-5 years pa, bakit hindi na lang ngayon? Madali lang sana ang laban na ito kung tutuusin kung hindi po sana kasali ang pamilya ng Tagapamahalang Pangkalahatan. Kung sila Menorca at Samson lang ang may pasimuno, kahit all out war ang maging laban. Ngunit sa pagkakataong ito, naisip ko lang po, baka mas mainam gumawa ng tulay kaysa pandigma...
Sana alisin na ni Gng. Tenny, nila G. Marc, Angel, at Gng. Lottie ang kanilang PAGMAMATAAS, kundi magpakumbaba, at lumapit sa namamahala: humingi ng tawad, magkapatawaran, magkasundo, at magkaayos. Naniniwala at sumasampalataya po ako, na kapag nangyari ito, ay sunud sunod na ang kapayapaan sa loob ng Iglesia, at pati po sa Tagapamahalang Pangkalahatan, isa po ako sa mga naniniwala at sumasampalataya sa tungkulin na ibinigay ng Ama sa kaniya, na maisaayos at masolusyunan ang mga problema sa loob ng Iglesia..
Lilinawin ko lamang po na personal kong desisyon ang sinabi ko sa artikulong ito at hindi ako nanghihikayat. Ipagpaumanhin po ninyo kung sa pagkakataong ito ay hindi na muna po ako makakapag blog o kung sa hinaharap man kung saka sakali, hindi ko po alam. Kung akoy babalik, makakabalik o hindi na.
Aantayin ko po ang panahong iyon, na walang makatututol na ang Iglesia Ni Cristo ay nasa kalagayang maluwalhati, banal, walang dungis, at walang kapintasan na ayon sa nasusulat.
Ang ating Panginoong Diyos ang bahala sa ating lahat. Manatili po ang ating tiwala at pag asa sa kanyang magagawa para sa Iglesia.
- readme
Tuloy lang kapatid. Lumalaban tayo para hindi na sila makapsminsala pa ng ibang kaluluwa. Kung kapareho ng damdamin mo ang magiging damdamin ng lahat ng kapatid, sino pa magtatanggol sa pananampalataya natin? At paano natin ipagtatanggol ang pananampalataya natin sa sanlibutan? Paano tayo makakapag-akay?
ReplyDeleteKa Dexter,
DeleteSlmat po s comment nyo, at my naidgdag po ako s artkulo. Na ito po ay opinyon lamang at d po ako nnghhkyat. Sa totoo lng po ang laban dto ay laban sa ating pnnmpltaya, s pgka Iglesia NI CRisto natin. Na tyoy dpt na mging matatag anuman ang dumtng n pagsubok at hndi agad mgpapadala sa snsabi ng mga kaaway.
Ako poy nglakas loob na nauna upng ipanawagan ang kapayapaan at pagkakasundo. Tuloy lng po ang lban, ngunit kailngn dn pong may mg paalala at manndgn kht isa man lamang satin na, may iba pang daan upng masolusyunn ang lht ng ito. Slamat kpatid :)
Isa pong paglilinaw kapatid ko sa pananampalataya, kung ako po ang tatanungin, hindi po kailanman nawala ang kaluwalhatian, kabanalan, kawalang-dungis at kawalang-kapintasan ng Iglesia Ni Cristo, mangyari ay inilalantad lamang ng Dios ang mga hindi tunay na sumasampalataya. Ang totoo, matagal nang ganito ang pagkilos ng Ama sa Iglesia, katunayan ay marami nang mga ordianaryong kapatid ang natiwalag at marami pa ang natitiwalag sa kasalukuyan. Hindi isang bagong bagay sa Iglesia ang ganitong paglalantad ng Dios sa mga dapat na maalis sa bayan Nya sa mga huling araw, higit nga lamang na naging maingay ang mga sumunod na paglalantad ng Dios dahil sila ay mga taong dati ay pinagtitiwalaan ng higit na mga malalaking responsibilidad. Pero gaya ng nasabi ko na, ang ganitong paglalantad ng Dios sa mga tiwali sa Iglesia ay hindi na isang bagong bagay. Ang tao ay nawala sa uri at hindi ang IGLESIA NI CRISTO sa kabuuan. Kaisa ako ng diwa mo na sanay ay makapg-balik lob sila dahil yan naman ang hangad nating lahat para sa sinoman na naalis sa talaan. Maraming salamat po!
ReplyDeleteKa dandy,
DeleteMaraming slmat po at npansin nyo iyan. Ngyon ko lng dn po nkta, mli pla ang gnmit kong term, inedit kona po pra hndi mgkroon ng ibng pakahulugan sa iba :)
Ipanalangin po natin sa Dyos na dumating na agd ang pnhon n mgkasundo na ang pamilya ng Tagapamhlang Pangklahtan upng mgng daan ito s inaasam ng lahat na kapayapaan. Kapayapaan s pglilingkod at s buong Iglesia.
Sa akin lang, kung gusto nilang bumalik, sila ang dapat bumaba at hindi ang Pamamahala. Ang siste, sila ang may gusto ang Pamamahala ang kanilang paluluhurin sa mga gusto nila. Ayaw nilang magpasakop. Magpasakop at Sumunod.
ReplyDeleteUnknown,
DeleteUn dn po ang mhrp s pgkkataong ito dhl sla msmo ang ngmmatigas. Hndi natin alam ang buong kwento s mga nangyyaring ito ngunit sna kht gaano p kbgt ang kslanan ng bawat isa ay mpgsisihan nla at mgbalikloob.
Ang first step ay ang pgkakasundo upng mtmo ntn ang kpayapaan.slmat kptd :)
Tama namn po yang layunin nyo po...yun po nmn talaga ang nararapat...pero para sa akin po, kung sila hindi marunong sumuko lalo na yang si LBM na kung makapagsalita akala mo kung sinong banal at matuwid yun pala isang bulok na kaanib sa Iglesia at patuloy na nagsasalita ng masama laban sa Iglesia at sa Pamamahala, dapat po ba tayong kakitaan ng parang tayo ay sumusuko? Ipakita natin sa kanila na kung sila ay lumalaban sa Pamamahala, lalo namn natin silang ibaon sa pagkapahiya at pagkalugmok upang madama nila ang sumpa ng paglaban sa Pamamahala ng Iglesia.
ReplyDeleteR,
DeleteHndi po tyo dpat sumuko at panghinaan dhl itoy laban sa ating pnnmpltya at pagka Iglesia ni Cristo.
Ang pagkksundo at kapyapaan ay ang tngng lunas s problemang ito, at hndi digmaan. Laman sa laman? Kptd laban s mga dating kaptd?
Nasa bndng huli ay mgbblikloob dn at mkksma prn ntn sa Iglesia? Mas maganda po naicp ko lng na s ilng bwan ntng pkkpagdgma sa knla, eto nmn po ang pnhon upng tyoy huminto sglt, at pg isipan ang mga bgy bgay.
Eto bng gngwa ko ay mggng daan pra mgksundo ang pmilya ng Ka EVM? O ang mkttpos ng uspin lban s pamamahala?
Un lmng po ang menshe n gusto kong iparating. Slmat po s inyong komento ka r :)
I never agreed, nor will ever agree, with the act of backing down and stopping from defending the Church; because honestly if we don't defend it the who will? The Church didn't grow to this size, spread and magnificence by the Messenger being mum about every accusation thrown against him and the Church. Nor did Moses guide the Israelites by conceding to Aaron and Miriam.
ReplyDeleteBut I understand. I understand that you're tired, dwindling in morale, that you feel all of this was just a pointless waste of time; in many ways it is no different than how the common Soviet footsoldier felt during the long months of grueling battle as they made their way deeper and deeper into Germany on a road paved with the corpses of their brothers and sisters. I cannot blame you for feeling like that, and I'm certain the Executive Minister feels like that as well; I imagine it is no easy burden knowing that you are damning your mother and brother and sister to eternal punishment, likely a similar feeling to when Moses fought against Pharaoh on behalf of the Lord.
But I understand.
However, if you think that there is even the slightest chance, even the smallest glimmer of hope, that you can help others avoid eternal suffering in the Lake of Fire and Brimstone in accordance with the Book of Ephesians Chapter V Verse XI, then pray to the Lord to give you strength.
Yours truly,
One of the many Brothers that would be burning in Hell forever if it weren't for your helping hand.
Mori adine,
DeleteIt was never my message stop defending the church and backng down. We, members of the church are responsible to defend our faith and the church.
In this situation, since events are getting worse, my point is that instead of continuous war why not let us seek for peace and reconcillation?
Our enemies in this time are not just ordinary members or ministers but includes the mother and siblings of Ka EVM. And i believe aftr all of these they will still get back to the church. And if thats what will going to happen, why not now? Should we wait for 5-10yrs and instead of focusing on serving God and duties in our church, here we are, letting the world to see our "fight" insde the church?
As you may know, i myself is a voluntary church member who defends our faith for 6 yrs in the social media. I have seen lots of accusations, tirelessly answering the never ending misconceptions about the church.
I learned there is what we call right time. Time to answer, time to wait, time to ignore, time to think or even time to stop.
I just thought that if im going to continue doing this and that, are Ka EVM's family going to be reconciled? accusations against the church administration be stopped?
And if every one are busy for this fight, then who will make the stand for peace and reconcilation?
This is the purpose of my article. Thank you kapatid for understanding me :)
Sorry for my englsh. :P
Seeking peace and reconciliation is not mutually exclusive from waging a defensive war. Again, to borrow from World War II, the United States didn't want war, but war was brought to them. The same is happening with the Church right now, the war was brought to us.
DeleteNever did the Church seek to start a war against these fallen angels. In fact, all their accusations of kidnappings and threats are being junked by the courts. However, since these people are defaming the Church, it is our right, no, our duty to answer back with the truth.
Imagine, if you didn't write those articles explaining Subic FYM Foundation, how many brethren would have been deceived completely, me included? How about the tax evasion case filed by Vincent Florida? These are not trifling matters, no, this is how the persecution of the 1st Century Church began. If we close our mouths in complacency, we will wake up to a world where the global community thinks we're Jonestown 2.0.
The nature and origin of the aggressor is irrelevant. The Apostles realized this with their very own apprentices. David realized this with Absalom and his other sons. Moses realized this with Aaron and Miriam. The Lord Himself knew this harsh reality with respect to His magnificent servant Lucifer. To put special treatment to these people is to vindicate their accusations of nepotism, which is the exact opposite of what Christ intends for His followers (Luke 8:21, Matthew 12:50). Familial matters is one thing, but matters concerning the congregation?
Not everyone is Rosita Trillanes. It is a harsh truth but the truth nonetheless. Just because they share some of the Messenger's DNA doesn't make them any less vulnerable from turning away forever. While I'm sure everyone wishes things to get better, that is not always the case, and setting yourself up for that makes you vulnerable to the alternatives. I'm sure Moses would have loved to have reconciliation with Pharaoh, but if only one party is willing, things can't be forced. Accordingly, we shouldn't count our eggs before they hatch.
DeleteDefending the Church IS serving God. We're just a couple of people in a long line of individuals who gave their life and strength to defend the Church. Some did it through words, like us today and the Apostles before us. Some did it through sword, like the Israelite Army of ancient times.
As it stands, there are only two choices:
1. Defend the Church's reputation by disproving the allegatinos.
2. Keep silent and gain admission of guilt through silence.
And no, there is no fight inside the Church. It is precisely that reason why these fallen angels were expelled.
This isn't the Church punching itself in the face. This is the Church defending itself against a necrotic left index finger that fell off and started attacking the former owner.
"As you may know, i myself is a voluntary church member who defends our faith for 6 yrs in the social media. I have seen lots of accusations, tirelessly answering the never ending misconceptions about the church."
DeleteThen why stop now?
The Late Executive Minister didn't "retire".
The Messenger didn't "retire".
The Apostles didn't "retire".
The Baptist didn't "retire".
...
...
The Christ, despite being in Heaven, still does His part supporting His Church.
What more should we, the ones who still haven't tasted death, be all the more intense in our work?
The accusations against the church administration will never stop, that much is clear. But again, did this stop the Messenger from defending the Church against its detractors? What more us, who have inherited all his hard work?
Whether Ka EVM's family will reconcile is not up to us. However, as you say, even if we stop, it is unlikely that they will stop until they can replace the Church Administration with their like-minded relatives and cronies, repeating the tragedy of Acts 20:29 and essentially vindicating the accusations that the Church is a family corporation. IN the end, failnig to defend the Church results in a net loss for it, and I have reservations regarding Christ will look kindly upon that on His return.
We can do both.
It is, in fact, possible to both seek peace while also defending yourself.
How many converts have managed to reconcile with their families, not by keeping the truth to themselves, but sharing that truth to others? As much as we share the truth about the Church's doctrines, so too should we share its pristine nature. And we don't do that by standing down and depriving the assembly of the truth (Psalm 40:10). We are the light of the world, a city built on a hill. If we let people, whoever they may be, to build a wall of lies that blocks the light of truth from shining outward, then how is that different from placing a lamp under a bowl (Matthew 5:14-15)? This duty to become a beacon of hope to the world is a duty to Christ, and as much as it is a child's duty to honor their father or mother or brother or sister, Christ should always come first, no matter the cost (Matthew 10:37).
This is the purpose of my response.
Again, I understand how you feel. But I hope this doesn't weaken your resolve to defend the truth. Always remember that no matter how much it seems like it's pointless or useless, anything that is done for the honor and protection of the Church and its God is never, and will never ever be, in vain (1 Corinthians 15:58).
Take care.
And really, I don't mind your English, it's pretty good. Seen worse from native speakers.
^_^ Welcome back Ka ReadMe! Sabi ko nga dun sa isang kapatid ay para akong kusinero na hain nang hain ng pagkain at patikim-tikim lang at pagkatapos makakain ng mga panauhin ay saka lamang manananghalian. Ganyan pati sa pag-repost sa Facebook. Tungkol sa pakikipag-kasundo kayla The True Jezebel at sa mga Fallen Angels, napakalalim ng ugat, hindi pwedeng agaran, hindi pa sa ngayon, at hindi pwede ang band-aid, o aspirin, o panandaliang first-aid na gamot o solusyon. Una, hindi natin mababago ang sinumang ibang tao. Ang kaya lamang nating baguhin ay ang ating mga sarili. Kaya ganun din sa mga lumalaban sa Pamamahala: hindi natin sila mababago, at sila lamang ang makapagbabago sa kanilang mga sarili. Makakayanan pa kaya nilang lunukin ang kanlang PRIDE pagkatapos ng lahat? Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang PRIDE at mas lalong mahirap lunukin. Kaya kumbaga sa doctor na mag-oopera o surgeon, ang sakit na dapat magamot ay hindi yung makati sa balat lamang kundi yung nasa kaloob-looban. Madalas kong marinig sa Ka Erdie noong nabubuhay pa, ang payo niya sa inyong abang lingkod ay bantayan ko ang aking puso at ipanalanging manatiling dalisayin ng Diyos. Samakatuwid sino ang maka-aalam ng nasa puso ng mga lumalaban sa Pamamahala? Ang Diyos lamang. Gayunpaman po, sa kasayasayan na kanilang iniwan sa kanilang pinagdaanan ay ano ang mababasa natin? Na sina Angel at Marc ay nag-iwan ng tungkuling Pagka-Ministro na sinumpaan sa harap ng Ka Erdie, ng buong Iglesia at higit sa lahat sa Diyos. Napakabigat para sa kanla ang magbalik o yung unang hakbang pa lamang: ang gumawa ng Salaysay ng Pagsisisi at Pangangako. Kaya ba nila yun? O ang mas dapat itanong ay "Gagawin ba nila yun?" Ilang taon nang ipinagagawa sa kanila yun. Sabi ko pa nga noon sa mga posts ko: "Ang mga anak ko na Maytungkulin sa Pagsamba Ng Kabataan, hindi pa bautisado, kapag hindi nakatupad ay nagsasalaysay, pero sila Angel at Marco ay hindi nila kayang gawin. So, balik po tayo sa tanong, ano ang mas malalalim na ugat o sakit? Di ba't ang pagnanasa nila Gng. Tenny, Angel at Marc na mailagay sila sa tungkulin sa paghawak at pagde-desisyon sa Pananalapi ng Iglesia, upang masunod ang luho nila gaya ng ginagawa nila noon? Gayunpaman ay magiting na nanindigan ang Pinakamamahal nating Tagapamahala, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na ipatupad ang bilin ng Sugo na: "walang Manalo na dapat maging Ingat-Yaman o Tagasuri sa Pananalapi ng Iglesia. Kapayapaan? Pwede po bang magsama ang Dilim at ang Liwanag? Upang maialis ang dilim sa isang silid ay hindi kayang itulak iyon papalabas, kundi ang tamang gawin ay lagyan ng ilaw upang tumakas mismo ang dilim. Pagpapakumbaba, yan ang puno ng kabaitan. Magagawa ba ng mga lumalaban sa Pamamahala ang buong pagpapakumbabang ipanalangin sa Diyos na: "Ama, tulungan Niyo po akong magpakumbaba, na lunukin ang pride at magsisi at lumapit sa Pamamahala at mangako ng katapatan dahil hindi ko iyon kaya bilang tao subalit kung tutulungan po Ninyo ako ay nakahanda po akong ipagpauna ang Inyong kalooban." SIYA NAWA! (y)
ReplyDelete^_^ Sabi ko nga po sa isang dating pst ko sa Facebook: "Sa kahit saang digmaan kasi, maging panlupa o pang-espirituwal man, may kani-kaniyang katungkulan o puwesto. Merong nasa harap, merong nasa likod, merong nasa kusina nagluluto ng pagkain ng mga sundalo, merong mensahero, merong musikero, merong sa diplomasya, merong espiya. Kahit sa Legal Court, merong mga magkakakampi na kunwari magkakalaban, merong inaasar yung kalaban, merong parang kakampi nung kalaban, merong taga-research lang. Sabi nga ng tatay ni Mulan sa kanya: "Alam ko ang puwesto ko! At dapat alam mo rin ang sa'yo!" (Y)
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/edwin.delacruz.984/posts/10208058660654046
Hinahangad natin ang kapayapaan. kung ipinagtatanggol natin ang Iglesia ay sapagkat inaatake ito ng mga rebeldeng itiniwalag. alam nating lahat at alam ng mga itiniwalag na hindi kalaban ang Pamamahala sa pagbabalik-loob. sa mga nakaraang leksiyon sa Pagsamba ay itinuro iyan ng Pamamahala. pero patuloy na lumalaban ang mga itiniwalag. sangkot dito ang mag-iina. hindi nila sinusuheto ang mga itiniwalag na kasama nila sa mga malisyosong inaakusa nila sa Iglesia at sa Pamamahala. kaya kung patuloy silang lumalaban sa Pamamahala, patuloy din tayong dapat magsanggalang. bukas ang pinto ng Iglesia maging ang puso ng Pamamahala sa tunay na pagbabalik-loob tungo sa kapayapaan pero sarado ang pintong ito at buong giting na babantayan ng mga tunay na nagmamahal sa Iglesia laban sa mga gustong sumira nito sinoman at anuman sila.
ReplyDeletekayo po ay aking hinahangaan at inspirasyon sapagkat isa po kayo sa nagbibigay impormasyon lalo na nung umpisa lang.para akin ay pakikipagdigma na ginagawa ng karamihan ay hindi patungkol sa kanino mang tao kundi sa paraan n ginagamit nila ngayon...ang internet at social media. samaktuwid ay hindi sana tayo pumayag na yurakan ng iba at samantalahin ito ng mga iba pa sa paraang panunuorin lang sila sa knilang mga pinaggagagawa...ang pananahimik pagkaminsan ay katulad na din ng pagsang-ayon...
ReplyDeleteUnang una maraming salamat sa iyo kasi matagal na kong sumusubaybay sa readme pero ngayon lang ako nag comment, siguro masasabi yung nararamdaman mo pareho din nung sa akin, naaalala ko yung unang labas ng mag ina sa you tube, umiiyak kami nun, dahil naawa kami sa kanila, parang inaapi sila, pero di pala sila dapat paniwalaan, ginagamit nila ang pagmamahal natin sa kanila para pumanig tayo na umayon tayo sa ginagawa nila na alam nating mali, sa tuwing umaatake ako sa kanila, ang hirap mag type kasi nasasagi sa isip natin na nanay din natin si Tenny at mga kuya at ate ko si angel,marc at lottie, pero kahit masakit kailangan kasi may mas mahalaga pa sa kanila yung tunay nating pamilya, Ang Iglesia Ni Cristo!! Sinong ayaw ng kapayapaan, sinong gustong labanan ang kadugo ng sugo, sinong gustong makipaglaban na sana puro mabuting pagpuri na lang ang sasabihin, Minsan naiisip ko nga sana masamang panaginip na lang ito, na pag gising ko wala na..... kung nasasaktan ako naiisip ko mas nasasaktan ang Ka. Eduardo pero nagiging malakas siya para sa Iglesia.... na totoong ina appreciate ko sa isang lider..... ang totoo niyan kapatid araw araw di nawawala sa panalangin ko sana magkaroon na uli ng kapayapaan sa Panginoong Diyos ang mga natiwalag, pero ang Panginoong Diyos ang may karapatan dun kung paanong ang Panginoon Diyos ang nagdadala sa Iglesia ng mga maliligtas, di naman po tayo puedeng magsawalang kibo sa patuloy na pag hamak nila sa Iglesia..... di tayo puedeng tumahimik na lang.... nakakapagod totoo po iyon pero kailangan pa ring magpatuloy..... Kuya kailangan ka pa rin namin sa digmaang hindi tayo ang nag umpisa..... kailangan nating ipagtanggol ang totoo nating pamilya....ang Iglesia Ni Cristo..... iginagalang ko po ang inyong pasiya.....
ReplyDeleteYan ang sinasabi ko noon pa. Maraming mga nakisawsaw na mga kapatid daw. Hala, palahaw ng masasakit na salita, pag-upasala, paglait at paglapastangan sa pagkatao ng iba.
ReplyDeleteKung sana ay tumahimik ang lahat at hinayaang ang Pamunuan ng Iglesia ang hiayaang magtanggol sa anumang mga akusasyon at kontra akusasyon na tinutumbok ay ang mga isyu at hindi ang pagkatao ng sinuman panig, sana, kaht papaano ay hindi nahila sa napakababang pagtingin ngayon ng sanlibutan sa Iglesia ni Cristo.
Tama po kayo sa binanggit inyo na kung may paglabag na nagawa ang pamilya ng Ka EGM dahil sa paglabas ng video noon, pinatawan sila ng Disiplina --- tiniwalag sila. Yun na iyon eh, nalapatan na ng parusa ang paglabag --- SUBALIT iyong gawan pa ng kung ano anong larawan ang Ka Tenny, lagyan ng sungay, ay palitawing demonyo --- patawarin po ng Diyos, malinaw na ang gayon ay walang naitutlong na anuman upang linisin ang imahe ng INC sa sanlibutan, bagkus nagbigay pa ng maling imprsyon sa mga non-IN at anti-INC's na ang mga kaanib n=sa Iglesia, lalo na ang mga kabataan (which are mostly the ones doing this in their posts) ay mha bastos at walang pag-ibig sa magulang at nakatatanda.
Anumang masamang bagay na ipost laban sa mga Manalo, hindi sisinuin ng sanlibutan kung sino ba yang Manalong iyan, kung si Marc ba yab, o Angel ba yan o si Ka Tenny ba yan. Basta sa kanila, kung MANALO, IGLESIA NI RCISTO YAN! Kahit magtatambling ka pa at sisigaw na hindi! Sa kanila: MANALO = INC.
Ang pagtiwalag sa Ina ng ka Eduardo ay hindi lisensya upang lapastanganin na ito at pagsalitaan ng masasama at karaniwan pang sabihan na "mamatay na sana at mabulid sa impiyerno!".
Nanay po iyan ng Ka EVM. Asawa po yan ng Ka EGM. Sana man lang yun ang makita ng bawat isang "nagtatanggol".
Ang mga "mandirigma" at mga "Defenders" daw ang siya na rin ngayong nagbibigay sa mga rabid anti-catholics ng bala upang gamitin laban sa Iglesia. Kung sana tumahimik na ang bawat panig, lalo na ang mga nasa INC (komo tayo ang opisyal na panig hindi ang tiwalag), eh di sana ay naiwasan ang paglalaas ng kung ano-anong mga panlalait at kahihiyan na ipinanlalait nila ngayonsa buong INC?
Nasaan na ang sinabi ng Panginoong Hesus:
"43 Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: 44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.
46 Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? 47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal." Mateo 5 Dating Salin
Kung sanay ang bawat panig ay natutong tumahimik kaysa magbatuhan ng putik na siya ngayong pinulot at ipinambabato ng mga ANTI INC, sana....
Ang Pagalipusta bilang paraan ng pagsaway ay hindi nararapat sapagkat sinabi: 9 Datapuwa't ang arkanghel Miguel, nang makipaglaban sa diablo, na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises, ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta, kundi sinabi, Sawayin ka nawa ng Panginoon. --- Judas 1:9
"SAWAYIN NAWA SILA NG PANGINOON".
Sapagkat ang Diyos ang Dakilang Hukom at sa Kaniya lamang ang Paghihiganti!
may tumatahol yata sa ibang puno ah!?di ko lang maintindihan...
ReplyDeleteSa lahat ng sinabi po...isa lang ang pagtingin ko...ang Iglesiang ito ay tunay na kay Cristo at sa Diyos...kaya lahat ng nagaganap dito noon, ngayon at sa hinaharap ay naka-ayon sa mga ibinabala na noon pa man ni Cristo at lahat ay ayon sa plano ng Diyos. Ipinagpauna na ng Panginoong JesuCristo na daranasin din ng kanyang Iglesia ang ginawa sa kanya.
ReplyDeleteHindi ba't sinikap din siyang kausapin ng kanyang Ina at mga kapatid (naka-focus ang Panginoon JesuCristo noon sa pagtupad ng tungkuling ipinagagawa sa kanya ng Diyos, anó't magbibigay suggestion ang ina at mga kapatid?), siniraan din siya ng mga tao at pinagplanuhan ng masama... naging maliit din ang pagtingin noon ng mga tao sa Panginoong JesuCristo bunga ng kabi-kabilang paninira ng ibang mga tao at ibinilad siya sa kalsada para hiyain? Pahirapan at ipako sa krus na parang kriminal? sa kabila nang pinakain niya sila ng tinapay at isda at ang pinakahigit sa lahat ay ang mga tunay na Salita ng Diyos...
O diba lahat ng dinanas noon ng Panginoon ay siya ngayong dinadanas ng Iglesia...
Pipili nalang ang kapatid ngayon...sasama ba sila sa mga nagtago at nanahimik na kinalaunan ay nadaya ng mga bulaang propeta? O makikiisa sa mga tumutuligsa? O, O, makikisalo sa paghihirap na dinanas ni Cristo?
Meron bang sundalong humawak ng espada na umurong o hindi buo ang loob na tapusin ang laban hanggang sa wakas?
Matthew 12:30 "“This is war, and there is no neutral ground. If you’re not on my side, you’re the enemy; if you’re not helping, you’re making things worse."
Hindi tumitigil ang diablo sa pagkasangkapan sa mga taong ito (kahit pa kapamilya sila ng Tagapamahalang Pangkalahatan) at meron silang nadadaya o nauudyukan kaya hindi tumitigil ang mga tunay na mandirigma sa pag-depensa nang mailigtas ang mga tupa ni Cristo mula sa mga ganid na lobo at umaatungal na leon...
Hindi ba ninyo naisip na kayang-kaya ng Diyos na ipagkaloob ang kapayapaan at pagkakasundo? Makapangyarihan ang Diyos...subok na Siya!
ReplyDeletePero bakit hindi ganon ang nagaganap bagkus patuloy pa na lumalaban ang mga taong ito sa Pamamahala?
Dahil may dapat pang maganap...may dapat na mahayag...at ang Diyos lang ang nakakaalam non.
Hindi po ako Ministro...ngunit tanong ko lang po...sa kasaysayan ba ng Iglesia Ni Cristo mula pa sa unang siglo o kahit sa unang bayan ng Diyos---may lumaban ba sa Pamamahala o sa lider na itinalaga ng Diyos na nakabalik o pinabalik pa ng Diyos sa loob ng bayan Niya?
Kahit si Judas na lumaban at nakalulo sa Panginoong JsuCristo ay nagsisi sa bandang huli ay huli na ang lahat ipinaubaya na siya kay satanas na nagtulak sa kanya upang wakasan ang sariling buhay...
Ang ginagawa ng mga sumasagot sa mga lumalabang ito ay ipinagsasanggalang ang Iglesia...nang wala nang madaya pa...nililinaw ang lahat nang matimbang at masuri ng mga kaanib kung sino ang nasa liwanag ng katotohanan...hindi maaaring manahimik sapagkat may nadadaya...kumbaga sa shepherd, hindi ka pwedeng makipagkaibigan sa mga lobo at leon kundi pagtalikod mo ay may naagaw na silang mga tupa na nasa ilalim ng iyong pagbabantay.
KUNG TALAGANG OPINYON MO LANG ITO AT HINDI KA NANGHIHIKAYAT, HINDI MO NA SANA ITO INILABAS.
ReplyDeleteBILANG BAHAGI NG KAWAN NI CRISTO KASAMA TAYO SA MGA DAPAT NA MAGTATANGGOL.
NAGSASAWA KANA BA?
MANALANGIN KA NG MARAMI BRADS.