Gawa din ng isang Catholic Defender:
Sa unang larawan gustong palabasin ng mga depensor katoliko na noong 1922 lang daw ipinangaral ni Ka Felix Manalo na siya ang huling sugo ng Diyos sa mga huling araw noong nagkaroon ng rebelyon ang ministrong si Teofilo Ora kasama ang iba pa. Eto yung panahon ng nagkaroon ng isyu tungkol kay Ka Rosita Trillanes.
Sa pangalawang larawan na gawa pa din ng mga depensor katoliko, gusto nilang palabasin na noong 1913, nagkulong lang sa kwarto si Ka Felix Manalo ng tatlong araw eh sugo na agad.
Kelan ba talaga naging sugo, noong 1913 o noong 1922?
Yung totoo?
Noong 1922 lang ba?
Saan naman kaya napulot ng mga Catholic Defenders, mga Born Again Christians at iba, ang balitang noong 1922 lang ipinangaral ni Ka Felix Manalo na siya ang sugo o noong 1922 lamang siya naniwala na sugo pala siya ng Diyos?
Kanino? Kay Donald Platt?
Donald Platt ("Counterfeit?" 1981, page 87-88) writes:
"During this time, CHARGES OF IMMORALITY were lodged against Manalo, and some members left the church. The most serious of these defections was the "Ora Rebellion" of 1922, led by Teofilo Ora and Basilio Santiago, resulting in the loss of the congregations in Bulacan and Nueva Ecija. One result of this challenge to Manalo's authority was the development of the "Sugo" teaching, IN WHICH FELIX CLAIMED TO BE THE FULFILLMENT OF A PROPHECY IN REV. 7:1-3, THE "ANGEL ASCENDING FROM THE RISING OF THE SUN". Since no other church had a leader who was the fulfillment of prophecy, then the Iglesia ni Kristo was the only true church, with God's only true messenger. This teaching helped firmly establish Manalo's authority over the church." If Manalo was “sent’ from God, why he never preached it from the beginning of his ministry?
Maniniwala sana ako kung nasaksihan ni Mr. Platt ang pangangaral ni Ka Felix simula noong 1914 at maniniwala sana ko kung isa siya sa mga CHURCH HISTORIAN ng Iglesia ni Cristo, kaso hindi. San naman kaya niya nasagap ang tsismis na yon?
Paano mangyayari na noong 1922 lang eh noong September 1919 may naganap na debate sa pagitan ni Ka Felix Manalo at ni Jusi Makada na isang Japanese holiness bishop tungkol sa Revelation 7:2-3???
Paano mangyayari na noong 1922 lang eh noon pang 1915-1916 tinuturo na sa mga nagmiministro ang tungkol sa pagsusugo ng Diyos sa mga huling araw???
Ako merong mga ebidensya na bago pa ang 1922 na sinasabi nila may ipinangangaral na si Ka Felix Manalo tungkol sa sugo ng Diyos sa mga huling araw...
Eh silang mga mapaggawa ng kwento at peeeling INC historian?
Meron ba?
Asan?
Yung tsismis?
3 araw na pagkulong sa kwarto, sugo agad?
Ang atake nila, dahil daw sa gutom nang nagkulong ang Ka Felix kaya niya nasabi na siya ay sugo ng Diyos. Hindi naman ganon yon na pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto para siyang nanalo at nagtatatalon habang sinasabi "sugo ako, sugo ako"!
Ipinangaral ni Ka Felix Manalo ang tungkol sa huling pagsusugo ng Diyos sa pamamagitan ng sermon at paggamit ng BIBLIYA at hindi sa pamamagitan ng pag aanounce sa lahat ng tao na "SUGO AKO, SUGO AKO".
SINUGO ng Diyos si Ka FYM kaya siya nangaral, at hindi siya nangaral dahil lang sa pagke-klaim niyang sugo siya. Nangaral siya dahil siya ang kinasangkapan ng Diyos, at dahil sa pangangaral niya kaya siya ang katuparan ng hula.
Maraming mga pastor ngayon ang nangangaral. Pero hindi LAHAT ng NANGANGARAL ay mga ISINUGO.
"At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo?..." Roma 10:15
reference: http://theiglesianicristo.blogspot.com/2014/05/and-they-say-that-sugo-doctrine-was.html
KATUPARAN NG HULA SI F.MANALO? ANONG NATUPAD ? MAARI YUNG PAGKAMATAY NI F.MANALO NATUPAD DAHIL NAKASULAT MAMAMATAY NG MINSAN AT BUBUHAYIN SA PAGHUHUKOM ...PAANONG HULING SUGO YAN KUNG PATAY NA SI F.MANALO? HINDI NAMAN NABUHAY . AT SI MANALO HINDI ANGHEL ,TAO LANG SI MANALO .
ReplyDeleteKaya nga tao lang siya,pero Si Muhammad ba,anghel?Si Cristo ba,Diyos ba?
DeleteKaya nga Sugo,sa simpleng Pilipino,nagdala lang ng salita,hindi siya gumawa ng salita ng Ama sa mga tao.
@Joel, matutupad din po ang hula sayo. alam mo po kung ano? ang kapalaran mo sa dagat dagatang apoy. dahil close minded ka sa katotohanan na inihahain na nga sayo. pero pwede pa nmn mabago yung kapalaran mo kung tatanggapin mo ang katotohanan. sa loob lamang ng Iglesia Ni Cristo mayroong kaligtasan minsan po ang mga ngmamagaling ang siyang mangmang sa mata ng Dios.
ReplyDeleteWalang sinabi ang kahit anong religion na sa kanila lang ang ligtas. Kaya nga ligtas pa rin kayo, kaming RCC, at mga ateista, kung gumagawa kayo ng mga bagay na kinalulugdan ng Diyos. At isa pa, maliligtas nga ba ang ministro ng INC kung nalulong siya sa masamang mga gawain?
DeleteSummary: Walang discrimination si God sa pagpili kung anong nilalang ang makakapasok o hindi.