"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 13, 2014

Ang patuloy na paninira sa Iglesia ni Cristo

 Sa July 27, 2014 sasapit ang ika 100 taon ng pagkatatatag ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas, kasabay nito ang ika 100 taon na paninira ng mga kumakaaway sa Iglesia ni Cristo. 

Sinisiraan at inaatake nila ang Iglesia sa pamamagitan ng paggawa ng mga kwento, at kasinungalingan na gawain ng mga di tunay na sa Diyos. Ang karamihan sa mga atake nila eh recycled na at napakatagal ng nasagot ng INC.

Ok lang naman sana kung may katotohanan yung sinasabi at pinapakalat nila kaso hindi eh, ang masaklap, lagi silang nanghahanap ng mga inosenteng mabibiktima sa kanilang mga kasinungalingan. 

Lagi silang naghahanap ng maibubutas sa INC, o kaya naman eh gagawa ng kwentong walang katotohanan, tulad na lang ng nangyari noong kasagsagan ng bagyong Yolanda. Nagpakalat ng kasinungalingan ang paring si Mr. Abe Arganiosa sa kaniyang website na diumanoy hindi pinapasok ang mga residente doon sa aming kapilya.

Naalala niyo?

Meron pa nga, yung logo ng INC eh ginawan ng kwento noong 2007 na nanggaling kay APOCALYPTO (username sa isang forum), naghanap ng mga simbulo sa freemasonry at pinilit na ikinonekta sa mga simbulo ng logo ng INC para lang sabihin na sa demonyo ito. Marami ang nagpakalat nito sa ibat ibang anti-INC blogs/websites at nakakalungkot sapagkat marami silang naloloko.

Mula noon hanggang ngayon, pati ang mga miyembro ay nakakaranas din ng mga pag uusig galing sa kanila, may mga nanghina ang loob, ngunit meron din namang mga lumaban para sa katotohanan.

Sa bawat pagtatagumpay ng Iglesia, iisa lang ang isinisigaw nila...

REEADDYY.... ATTTAACCKKKK!!!!

Hindi ata mabubuo ang araw nila hanggat hindi nila sinisiraan ang INC at hindi nila naiinis ang mga myembro nito. 

Mapa positibo o negatibong balita, lagi silang nandyaan para manira at umatake. Sa lahat ng online news laging nandiyan sila, ano pa, para ipakita na di sila tunay na sa Diyos...

Bakit kaya sila nagkakaganoon?

Pinakaunang dahilan ay ang INGGIT. 


Totoo po iyon, kahit pagbali-baliktarin man natin ang mundo yun ang numero unong dahilan kung bakit lagi nilang inaatake ang Iglesia. Di nila maamin sa sarili nila na NAIINGGIT sila sa mga tagumpay ng INC, di nila matanggap na mas nakaka-angat ang INC sa Iglesia nila.

Sasabihin ng isa, bakit naman ako maiinggit sa inyo???

Susss. weeehh... ayaw pa umamin.

Tulad na lang ng ipinatayong Philippine Arena, sa halip na matuwa sila sapagkat para din ito sa Pilipinas, ayun at sinisiraan nila ito dahil lang IGLESIA NI CRISTO ANG NAGPAGAWA.

Maliligtas ba ang mga NAIINGGIT?
"Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,  pagkainggit, a paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos." Gal. 5:19-21

Maliligtas ba ang mga SINUNGALING?


Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan." Apoc 21:8

Di pala maliligtas ang mga ganung tao, kaya nga tama lang pala ko sa sinabi ko kanina na sila ay mga DI TUNAY NA SA DIYOS dahil habang nagke-claim sila na sila daw ang tama, at mali ang INC, puro naman kasamaan ang kanilang ginagawa. 

Ngunit kahit lagi nilang sinisiraan ang Iglesia ni Cristo, dapat ba tayong manghina at matakot?


"Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway. Magpakatatag kayo sapagkat ito mismo ang palatandaan na sila ay mapapahamak at kayo'y maliligtas, sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng tagumpay." Filipos 1:28


Alalahanin na lang natin, kahit pa sangkatutak ang kumakaaway sa Iglesia mula noon hanggang ngayon, nananatili at MANANATILING matatag, at maluwalhati ang Iglesia, dahil ayon na rin sa talata sa itaas, Diyos ang nagbibigay sa atin ng tagumpay!


"Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili bilang isang maluwalhating iglesya na walang anumang dungis ni kulubot man upang ito ay maging banal at walang kapintasan." Efeso 5:27


2 comments:

  1. Bro, ang Sa akin natutuwa ako Sa mga batikus Sa atin - kahit gaano pa ang paghamak Sa Iglesia ay lalo pang tumatanyag. Hindi ako nagtataka brad, Kasi panahon pa ng panginoon Jesus, marami Ng Hindi naniniwala Sa kanya na Tao siya, ngayon pa. Sa maraming lathalang libro lang Ni Rizal marami Ng bulag sa katotohanan, bayani na yon. Pag may mga ganyang mga paninira laging sumasagi Sa isip ko ang nasusulat - "Huwag kang matakot, ikaw na UOD na Jacob, at kayong mga tao Ng Israel; aking tutulungan ka, sabi nga panginoon at ang iyong manunubos ay ang banal Ng Israel".

    ReplyDelete
  2. Bro, Sa akin hindi ako nagtataka sa mga batikus sa Iglesia, bagkus ay lalo pang tumitibay ang pagkilala ko. Kaya kapag may mga naninira sa atin, laging sumasagi sa isip ko ang mga salita na "Huwag kang matakot, ikaw na UOD na Jacob, at kayong mga tao ng Israel, aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong manunubos ay ang banal ng Israel". Kahit gaano pa ang paghamak ang ginagawa sa Iglesia, hindi nila mapipigil ang pagtanyag ng Iglesia sa mga huling araw - "ako'y gagawa, at sinong pipigil?"

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.