"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 24, 2012

Tawa pala ang taktika sa debate ng CFD President ng Davao City



Yan ang Part3 ng debate ng Catholic Church: CFD President ng Davao City Mr. Ryan Mejillano at Iglesia ni Cristo: Ministro ng lokal ng Mintal, Davao City Ka Julius Cutin. Edited yung buong video ng debate para PUMABOR ang mga manonood ng youtube sa kanila, ang galing diba?

Kaya inupload ko yung video kasama ang comment ko sa ginagawa nila. Kung napansin ninyo, puro TAWA ang ginawa ng walang manners na CFD, hindi lang CFD, kundi PRESIDENTE ng CFD Davao chapter, wow. hehehe

Eto ang Edited videos nila, sa nangyaring debate sa Elenita Heights, Davao City noong June 12, 2012:

Part 1




Part 2




Part 3
nasa taas


Part 4




Part 5




Kayo na ang humusga. Nakita nyo ba kung gaano kadisiplinado ang mga katoliko sa likod ng humahawak ng camera? At kung ano ang dalawang nakakahiyang taktika nila sa debate? Ano nga ba?

Ang TAWA at ang "NEXT QUESTION" hehehe

Ganun pala makapagdebate ang presidente ng CFD, wow, amazing. Makikita nyo kung paano kinakaya-kaya ng CFD ang ministro ng INC, na para bang ginaganun ganun lang, pero nakita nyo kung paano sumagot ang ministro ng INC, mula sa bibliya! Yung CFD galing sa mga xerox at scratch paper yung sagot nila eh, nagpakita pa ng PASUGO kung saan may rebulto ang Ka Felix.

Dyan natin nakikita kung gaano sila KAHINA umintindi. Wala namang doktrina sa INC na bawal LAHAT ng uri at klase ng rebulto o imahen, ang bawal sa bibliya (hindi imbento ng mga ministro) eh yung imahen at rebulto na pinapasan, pinuprusisyon, dinadalanginan, inaalayan ng kandila, bulaklak at mga alay na pagkain at kung ano ano pa, nagpapakita ng pagsamba o excessive adoration at ginagawang tagapamagitan sa Dyos.

Ang rebulto ni Ka Felix ay katulad ng NORMAL at ORDINARYONG rebulto ni Rizal at iba pa, ginawa upang ALALAHANIN lamang, yun lang ang purpose ng rebulto, hindi ito ginawa upang sambahin at dasalan at ihilera sa altar kasama ang kinikilala nilang Dyos.

Pero sa kabuuan ng debate, natutuwa ako dahil etong si Mr. Ryan eh hindi katulad ng Paring si Abe na may blog na "The Splendor of the church" at si Catholicdefender2000 na ang babastos ng bunganga na parang di nakapag aral. Sport tong si Mr. Ryan kahit na ang ginawa nya sa buong debate eh tumawa ng tumawa, atlis nakikipagkamay sya at may paggalang sya sa ministro at sa Iglesia ni Cristo kahit papaano, hindi nya sinasabing Iglesia ni Manalo o kung ano pa man.

6 comments:

  1. hello bro readme gusto ko lang linawin yung ginamit nung CFD apologist tungkol sa pagdepensa niya ng PAGKAIN ng DUGO sa part 5 ng video. Makikita natin na ginamit nila yung PABOR na version nila look at this

    King James Bible (Cambridge Ed.)
    Behold, the blood of it was not brought in within the holy place: ye should indeed have eaten it in the holy place, as I commanded.

    dito yung IT(refers to blood)

    while other version render this by

    Leviticus 10:18

    Easy-to-Read Version (ERV)

    18 That goat’s blood was not brought into the Holy Place. So you should have eaten the meat in the holy area, just as I commanded!”

    New International Version (©1984)
    Since its blood was not taken into the Holy Place, you should have eaten the goat in the sanctuary area, as I commanded."

    clearly yung commanded by Moises dito was to EAT the GOAT or yung MEAT and not the blood

    diba so kung hindi ka magsusuri MADADAYA ka ng katoliko kaya ano ang dapat natin maintindihan dito IHAHAMBING natin sa ibang talata kung talagang ang PAGKAIN ng DUGO eh BAWAL o HINDI

    sa mismong LIBRO ng LEVITICUS

    . 12 Therefore I have said to the people of Israel, No person among you shall eat blood, neither shall any stranger who sojourns among you eat blood. Lev 17:12

    Mismong Diyos ang nagbawal ng pagkain ng Dugo
    kahit pa sa panahon ng Kristiyano eh bawal pa din

    Acts 15:20 Sa halip, sulatan natin sila at sabihang huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, huwag kakain ng hayop na binigti, a at huwag kakain ng dugo

    dito makikita natin kung paano pinangangatwiranan ng katoliko ang pagkain nila ng Dugo kahit MANDAYA ng KAPWA

    ReplyDelete
  2. Ganun rin po sa Cebu..CFD ni Socrates vs. INC..inedit rin po para sabihing sila ang nanalo grabe!!! ANDAYA

    ReplyDelete
  3. Ganyan naman ang mga CFD, maraming maduming taktika ang alam. Katulad na lang nito, inedit na yung video para magmukhang nakalalamang sila pero kung panunuorin lang mabuti, yung mismong taktika nila ang nagpapahayag na talunan talaga ang mga CFD.. Yung pagtawa kasi nila ay pantakip na lamang para di mahalata na talunan ang mga CFD.. Nakakaawa naman ang mga yan, pati na rin mga kasamahan nila kasi MGA SARILI NILA ANG DINADAYA AT NILOLOKO NILA.. Kahit kailan naman, di man lang nanalo yang mga CFD.

    ReplyDelete
  4. Grabeh talaga. Kasi naman di naman nila mapapatunayan na tunay ang doktrina nila, kaya kahit paikut ikutin nila ang bibliya at reperensiya bali- baligtarin man wala silang makikita dyan na aayon sa kanilang doktrina..Kaya gagawan nila ng kahit anong paraan para lang makakita ng pambutas sa INC..Lalo akong nagugulat sa mga pag-uugali at attitude at pandaraya ng mga yan para lang mapalabas na tama sila.Dito sa lupa sige lang pagtatawa nila ewan ko lang kung pagdating ni Cristo eh makakatawa pa sila..hehe

    ReplyDelete
  5. Tama..hnd tlaga nila mapapasinungalingan ang aral sa INC.tama.totoo.malinaw.utak at isip nila malabo at madidilim.sana maliwanagan cla bago pa dumating ang araw.

    ReplyDelete
  6. sana magkaroon ng blog ka ramil parba vs. father getgano...

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.