“Ngayon, kung ang isang manggagawa, mga kapatid, sinungaling, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa kakampi sa katiwalian, hindi puwedeng manindigan. Kung ang isang manggagawa siya pang nagtuturo ng katiwalian, eh lalong masamang manggagawa ito.
“Wala nang sariling paninindigan ay siya pang kasangkapan ng diablo. Eh sino ho iyang ganyang manggagawa? Maraming manggagawa natin, halos lahat ganyan.
“Hindi ho ba naman isang napakarahas na pagpaparatang iyan? Hindi. Kaya ko nalalaman sapagka't ang mga ulat na dumarating sa amin, hindi totoo. Bakit ho hindi naging totoo?
“Hindi sapagka't ang kapatid ang nagkamali kundi ang mga manggagawa ang siyang bumabago ng ulat para ilihis ang paniniwala ng pangangasiwa.
“Eh iyon ho bang mga tagapamahala nalalaman iyan? Nalalaman iyan ng karamihan. Pero nagkaisa ang mga manggagawa sa loob ng iglesia para linlangin at dayain ang pangangasiwa sa layunin nilang gumanda, kuminis ang bagay na marumi at ang bagay na hindi matuwid.
“Pero napakasama naman na ito palang mga tinustusang ito, ito pala naninira sa iglesia. NAPAKAGAGONG pangangasiwa, na gumagastos ka para sa maninira.
“Pero gusto kong masaktan kayo. Gusto ko na higit pa sa masaktan. Kung maaari ko lang DAGUKAN ang iba ay gagawin ko para maging matindi sa kaniya...
“Yung ibang mga kalihim sa probinsya, talagang wala eh, hindi abot ng kanilang kapasidad. Lalo na sa mga liblib na lugar, papaano makagagawa ng form 'yun?
“Kayong (Eh yong) manggagawa ngayon, inaasahan ko na kapatid, heto, mali ito, bakit ka mag-uulat ng hindi totoo? masama iyan.
“Eh hindi, yung kapatid mag-uulat ng totoo. Baguhin mo iyan! Eh ito ho ang nasa tuntunin. Ah, anong nasa tuntunin?
“Akin na iyan, pag hindi SUSUNTUKIN KITA! Iyan ang manggagawa natin ngayon. “MANLULUPIG! MANINIKIL NG KAPATID.
“Kaya ang iglesia'y naghihimagsik laban sa manggagawa sa nakikita nilang KATIWALIAN AT KATAMPALASANAN na hindi nila inaasahang mangyari.
“Ano ang sulat sa akin ng isang kapatid? Baka gusto ninyong ipabasa ko sa inyo. Hanggang ngayon wala pa po akong nakikitang MATINO na manggagawa sa kasaysayan ng buhay ko, LAHAT ho puro TIWALI. Masakit na salita.
“NASAKTAN AKO... sapagka't ako'y manggagawa rin. Pero hindi ko masita yung kapatid sapagka't alam kong nagsasabi siya, kung hindi man buong-buo na katotohanan eh NAGSASALITA SIYA NG TOTOO.
“Wala nang nagkaroon ng takot sa Dios na kahit isa para tumayo at manindigan sa panig ng katuwiran. LAHAT MANLULUPIG na ng katuwiran.
“Bakit? SUWELDO ang hinahanap, yung TULONG niya, yung BAHAY niya, yung KASAGANAAN niya, siguro, ang TINATAMASA niya pero ang iglesia ay ayaw na niyang pagsilbihan ng totoo.
“Pero isipin ninyo, dumadami tuloy ang ating form. Nagagalit kayo sa opisina. Pati mga taga-opisina kinakalaban ng ibang mga manggagawa. Kapag nag-uulat sa akin, nagagalit. Nasaan ninyo gusto... Papaano ang ating gagawin sa iglesia?
“Kayo ang maghahari sa iglesia? Hindi. TAMAAN KAYO NG KIDLAT AT KULOG bago mangyari iyan. (Kung) Kaya sabi ko sa Dios, napakarami ho namang dapat BAHAING MANGGAGAWA, bakit hindi mo siyang binaha? PARA MALIPOL ang mga TAMPALASANG taong ito. Nadaig pa ang kasalanan ni Judas, iisang maestro ang ipinagkanulo. Iisa ang nagkanulo sa panahon ni Kristo pero NGAYON LAHAT NG MANGGAGAWA nagkakaisa ipagkanulo Dios.
“Te' kayo, tingnan ninyo, mga kapatid, iyan ang tagapamahala sa Visayas at Mindanao. Nagpalitan tayo ng mga matatagal na sa pamamahala. Eh isa-isa, lumalapit sa akin, dumadaing sa akin. Kapatid, mayroon ho akong problema. Ano? Yun hong nakatala sa ating sa senso na mga pangalan ng kapatid, eh hindi ko naman ho makita (dito) ngayon sa aking destino.
“Ano kako ang ibig mong sabihin? Eh ang numero ho eh napakalaki pero sa katotohanan ho'y wala yung tao. Ang Camarines, este ang Sorsogon, hinihiling sa akin na alisin sa talaan ang kulang-kulang na apatnaraang tao eh kakaunti lang naman ang kapatid sa Sorsogon.
“Bakit? Tinignan ko sa ulat ang nakaulat na malamig eh mahigit lang isandaan. Pero ang aalisin eh apat na raan.
“Eh bakit, ano ho ba ang ginawa nung mga dating naroon? Aba'y e di binabago ulat. “Pinakikinis para huwag mapagalitan.
“Samakamatuwid eh malaman, ang sinasanggalang iyong sarili, hindi ang kapakanan ng iglesia. Eh iyon ho ba'y sa Sorsogon lang? Laganap iyan kung saan-saan. Maski sa Maynila, ANG MGA MANGGAGAWA RITO'Y MAGDARAYA. Sasabihin sa iyo, dinoktrinahan ko iyan. Hindi naman. Sasabihin sa iyo, (nabautismu...) iyan ho'y nasubok sa pagsamba, pero hindi totoo. Eh bakit?
“Nakita sa matatandang ministro, nakita sa matatandang manggagawa na iyon pala ang paraan para siya ay bumuti sa paningin ng pangangasiwa.
“Sila ang nagsasanggalang ngayon sa kapakanan! Pero hanggang kailan tatagal ang iglesia'y INAAWAY ng mga MANGGAGAWA, BINABABAG, MINUMURA, NILALAIT at PINIPILIT NA KAYO ANG GUMAWA NG LIKO? Saan kayo nakakita ng manggagawa, sa halip na siyang magtindig sa nakalugmok.
“Yung nakatayo ang ilulugmok para lamang gumanda ang kanyang sarili. Eh kung dito sa Maynila nangyayari iyon eh, eh di lalo na sa probinsya, lalo na sa malalayong lugar. Ay, tingnan ninyo sa Mindanao at sa Bisaya ngayon eh, at sa lahat ng mga... eh iba, mabibigla, mababagong bigla ang senso ng iglesia. Ano ang dahilan? Wala pala yung mga kapatid na iyon, sinasabi lang na naroon. Sino ho ang may gawa niyan? Yung magdarayang manggagawa. Hindi iyong kapatid. Yung kapatid, magkamali man, eh hindi sinadya. YUNG MINISTRO, SINASADYA.
“Tumawag ako ng pulong ng mga pamunuan sa Maynila para sabihin: Mga kapatid, tumulong kayo sa akin. Ayokong mamatay ang manggagawa; ang gusto ko ay pagtulong-tulungan nating sila'y buhayin. Sabihin n'yo sa akin kung ano ang ating maitutulong. Aba'y hindi ang sinabi sa akin kung ano ang maitutulong. Ang sinabi sa akin kung anu-anong KATIWALIAN. Ang sabi sa akin nung isa; Kapatid, tama ho ba na hindi ho itinuturo outline? Tuwing mamimili ho ng tatlong talata, tatanungin, o ano, naiintindihan mo ba iyan? Tama ho ba kapatid, bungkos-bungkos na mga katibayan, siya pumipirma, PINAPALSIKA ho niya pirma ng mga kinauukulang kalihim at mga katiwala ng gawain? Pinigil ko. Ni hindi ko itinanong sino gumagawa niyan.
“Bakit? Alam kong ang manggagawa sa Maynila. Mawawalan ng dangal kapag nalaman ng lahat, siya pala'y MAGNANAKAW at TAMPALASAN.
“Maski saan ka bumaling eh, wala kang makikitang liwanag. Bakit? Kumalat, lumalaganap iyang espiritung iyan na DAYAIN ANG ULAT, dayain ang ulat, LINLANGIN ANG PANGANGASIWA.
“Sayang ang papel. Katakut-takot ang nagagastos natin. Binabayaran natin ang mga empleyado sa opisina, hindi pala totoo ang sinisiyasat nila.
“Dito ba magwawakas ang kamatayan ng mga ito? Sa tinagal-tagal ho ba ng iyong pagpapakasakit at pagpapakahirap, at iyon ang sugo sa huling araw, ay dito ba lamang ba matatapos ang kanilang buhay at takbuhin? Kundi ang manggagawa ang siyang lumulupig sa mga kapatid na gustong manindigan, tinatakot. Kaya nagkaroon tuloy ng paniniwala: Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang pinakamasamang tao ang mag-ulat. Ang mabuti ang tahimik. Ang mabuti ang kunsintidor. Ang mabuti ang tiwali. Kaya hindi ako nagtataka, mga kapatid, kung bakit ang Dios pagod na pagod ng katatatag, talikod naman ng talikod ang tao.
“Ang tuntunin niya ang tinatalikuran. Ngayon, nagsasanay na naman ang mga manggagawa talikuran ang tuntunin! Pero sa ginagawa natin ngayon, sa ginagawa ng karamihang mga manggagawa kung hindi man lahat, anong ehemplo ang ipakikita sa may tungkulin?
“Papaano ko ngayon, papaano natin kokontrahin ang mga may tungkulin, magtapat kayo.
“Sasabihin ng may tungkulin: Ikaw ang salbahe eh. Lumilikom ka ng abuloy, wala namang pahintulot. Ikaw ang nagsabi sa amin na huwag na kaming magsusumbong. Papaano kami magtatapat eh ikaw ang gumagawa ng katiwalian? Papaano tayo makakalikha ng mabubuting may tungkulin? Papaano? Kung ganyan ang ating ipamumukha sa mga kapatid natin? Wala na kayong bibig diyan. Isipin ninyo sa Agusan, ilang beses, likom ng likom ng abuloy.?”
source: catholicdefender2000.blogspot.com
Ito ang nilalaman ng Lektura ng Ka Erano Manalo noong June 1, 1976 sa klase ng mga ministro at manggagawa, ito rin ang isa sa mga paboritong atake ng kampon ni Soriano at ng mga depensor Katoliko sa INC. Sabi nila, mabagsik daw ang Ka Erano, o kaya naman ay pinatutunayan daw ng Ka Erano na ang INC ay sa demonyo dahil wala ng tapat na ministro at manggagawa sa Iglesya...
Alam nyo, kung susurii natin maigi at hindi basta basta nanghuhusga sa MENSAHE ng dating tagapamahalang pangkalahatan, wala akong nakikitang dapat problemahin dito, unless yun ang gustong gustong gawin ng mga kampon ni Soriano at depensor Katoliko... ang MAMROBLEMA.
Hindi ko sinasabing nag overreact si Ka Erano, pero yung statements nyang yun, masasabi kong nasa anyong hyperbole. Dapat kasi nating malaman, na sinabi nya ito HINDI SA MGA PAGSAMBA, o kaya naman ay isang PALIBOT LIHAM PARA SA LAHAT NG INC, kundi ito ay kanyang sinabi sa klase ng mga ministro at manggagawa.
Kung nakapagsabi man sya ng hal. "LAHAT ng manggagawa masama o HALOS LAHAT ng mangagawa masama" hindi ito LITERAL, dahil kung may gumagawa man ng masama, itoy nabibilang at hindi LAHAT. Kumbaga sa PNP ng gobyerno, ang tingin natin sa mga pulis ay mataas, kaso may mga pulis talaga na gumagawa ng masama, MERON, pero hindi LAHAT.
Ang point kasi ng Ka Erano, e para sabihin sa kanila na, "Oh, wag nyo ng tularan ang mga ito dahil malalaman at malalaman ko ang mga pinaggagagawa nyo" ang gusto ng pamamahala eh kahit na hindi nya iniisa isa ang mga ginagawa ng manggagawa at ministro eh ginagawa nila ang kanilang tungkulin ng TAMA at TAPAT.
Tungkol ba saan ang naging main concern ng Ka Erano sa video?
--> Tungkol sa mga ministro at mangagawa na binabago ang ulat o MALI ang ulat.
Ano ba itong mga "Ulat" na ito?
--> Ito yung mga forms, mga papaer works sa INC. Ito ay expected na maipasa every week, o sa tinakdang deadline ng pagpapasa ng IBAT IBANG MAYTUNGKULIN sa loob ng iglesya. Bakit? Minomonitor kasi ng pamamahala ang LAHAT, oo LAHAT ng nangyayari sa Iglesya sa buong mundo. Totoong mahigpit ang pamamahala sa mga forms na ito, dahil gusto na ACCURATE ang lahat ng nakasulat para masubaybayan at masulusyunan kung ano man ang problema sa isang lokal.
Para sa akin, may mga pagkakataon kasi na mahirap talagang gumawa ng forms na ito, lalot wala pa rin yung impormasyon na dapat ilagay doon. Kaya masasabi ko na naiintindihan ko ang mga manggagawa at ministro na kinondena ng Ka Erano tungkol sa MALI o binabagong mga ulat. May mga pagkakataon kasi na hindi talaga accurate ang naisasagot dun, hindi para sa kadahilanang para hindi mapagalitan o para magpapogi, kundi yung impormasyon na kinakailangan ay WALA.
Tulad nga ng sinabi ko, strikto ang pamamahala sa mga ulat lalo na mga ulat galing sa ministro at manggagawa, pwede nila itong ika-suspinde, mawalan sila ng karapatan sa tungkulin (bihira sa mga ministro at manggagawa ang nakakabalik pa sa tungkulin pag nangyari ito) at ang worst, maaari nilang ikatiwalag dahil lamang sa maling impormasyon.
May kakilala akong kapatid, sinabi nya sa kin na sa probinsya nila ay may mga nawala ata sa tungkulin dahil lang tinanggap ng mga ministro ang regalo ng politicians nung dating eleksyon, kahit na hindi naman sa kanila manggagaling ang pasya kung sino ang iboboto. May naikwento pa sa akin na napagpalit lang ang leksyon ng thursday at linggo eh nasuspinde na. Ganyan kahigpit ang pamamahala lalo na kung tungkol sa pananalapi, lahat may pirma, bawal ang mali, kaya napakaimposible na may mangyaring korupsyon o sulutan ng pera, hindi nangyayari yan sa INC. Yung sa mga forms, kahit maliit na bagay yan para sa iba, sa pamamahala napakalaking bagay lalo na kung hindi ACCURATE ang inilalagay at sinusulat doon.
Eto ang sagot ng mga dating myembro ni Soriano na naliwanagan sa aral ng INC:
Marianito Cayao, Jr.: (Former Ang Dating Daan District Servant) "Ang laman ng lektura ng Tagapamahalang Pangkalahatan, Iglesia ni Cristo noong 1976. Ito 'yon...ang bahagi na hindi ipinaririnig ni Eliseo Soriano. Pinutol ni Eliseo Soriano upang maiparating na ang Tagapamahalang Pangkalahatan ay mabagsik...hindi po 'yan ang katotohanan. 'Eto po, pakinggan ninyo...ang buong katotohanan, ang nilalaman ng lektura ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC noong 1976..."Kapatid na EraƱo G. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan (sa klase ng mga Ministro at Manggagawa, Hunyo 1, 1976):
"Kaya hilingin natin sa Dios, sa ating muling pananalangin na sana'y mabuksan ang ating pag-iisip. 'Wag ninyong tanggapin ang mga salitang ito na paris ng salitang kapagdaramdam ang sabi nga ni Pablo. Tanggapin sana ninyo na ang mga salitang 'yan, siyang kailangan natin, siyang gamot sa matinding sakit na maa-aring pumatay sa atin at sa iglesia.
Pagkatapos hilingin nating tayo'y kasangkapanin ng Dios para ito'y makarating sa lahat ng kaliit-liitang manggagawa. At hinihiling ko sa Dios, 'yung mga manggagawang tapat lalo na iyong mga manggagawang ginugugol ang buhay nila sa paglalakbay para makarating sa destino, at ang kanilang buhay ay talagang nakahandog na sa Dios!...Iyon ay pagpalain. Pagpalain ng Dios kung hindi ko man sila nakikita, kung hindi ko man nasiyasat ang kanilang mga kalagayan ...sa dami nga ng nagkatabun-tabong mga ulat, pero ang Dios...hinihiling ko sa kanya...itindig 'nya ang mga tapat na manggagawa. Basbasan 'nya, palakasin 'nya! Kung hindi man maging sagana sa buhay na ito't maaring ikahiwalay pa 'nya, makatapos manlang siya ng takbuhin...ang iglesia'y madala 'nyang karapat-dapat..."
"Pero gusto kong maging saksi ang mga kapatid nating buhay ngayon, lalo na ang mga...nakakita ng hirap at sakit ng sugo at 'tsaka ng iglesia na...hindi natin kukunsintihin ang ganitong masamang gawa. Puputulin natin 'yan, sukdulang walang mai-sugo ako sa pag-samba. Hihilingin ko sa Dios na siya ang gumawa ng paraan...pero hindi ko papayagan na kaylanpaman at pagkatapos ng pulong na ito ay maka...silip ako ng isa pang katiwalian, hindi ako papayag na hindi putulin 'yon...Pero sa paghahangad ko mga kapatid na...mabuhay pa kayo, maitayo pa kayo, magamot pa 'yan...kaya ako nagsalita ng buong tindi sa klaseng ito..."
Yun naman pala, CUTTED VERSION pala yung ginagamit ng kampon ni Soriano at mga depensor Katoliko para palabasing MABAGSIK o kaya naman ay sa demonyo ang INC dahil may mga ministro at manggagawa na gumawa ng masama.
Tanong: Bakit patuloy na ginagamit nila itong pang atake sa INC samantalang 1976 pa ito? Panahon pa ni kopong kopong?
Sagot: Iyon kasi ang tinatawag na natural instinct. Pag masama ka, MASAMA rin ang gagawin mo, kaya yung mga kampon ni Soriano at mga depensor Katoliko, ayan, gumagawa ng mga kopya at pinapalaganap ang simpleng bagay na lektura ng Ka Erano sa KLASE NG MGA MINISTRO AT MANGGAGAWA.
Kung tutuusin hindi naman ito dapat gawing pang atake dahil hindi naman ito LITERAL, na porke nasambit ng Ka Erano ang salitang LAHAT o HALOS LAHAT eh yun na.
Ano ba ang Hyperbole?
->is the use of exaggeration as a rhetorical device or figure of speech. It may be used to evoke strong feelings or to create a strong impression, but is not meant to be taken literally.
source: wikipedia
Ang Iglesia ni Cristo sinusugpo ang mga katiwalian at mga anomalya...
Ka Erano: "hindi natin kukunsintihin ang ganitong masamang gawa. Puputulin natin 'yan, sukdulang walang mai-sugo ako sa pag-samba. Hihilingin ko sa Dios na siya ang gumawa ng paraan...
pero hindi ko papayagan na kaylanpaman at pagkatapos ng pulong na ito ay maka...silip ako ng isa pang katiwalian, hindi ako papayag na hindi putulin 'yon...Pero sa paghahangad ko mga kapatid na...mabuhay pa kayo, maitayo pa kayo, magamot pa 'yan...
kaya ako nagsalita ng buong tindi sa klaseng ito..."
Ang Iglesia Katolika TINATAGO na mga katiwalian at anomalya, pinoprotektahan pa ang masasama sa iglesia nila...
Ang ginagawa ng pope, APOLOGY, APOLOGY, APOLOGY...
Sa dami dami ng kasalanan ng mga masasamang pari, cardinal, archbishop, bishops at popes, yan na lang ang maaari nilang gawin... APOLOGY.
Gusto nyo pa ng iba pang balita? Search nyo na lang sa google at youtube. Ang DAMI...
Kitang kita natin kung paano NILILINIS ng pamamahala sa Iglesia ang kapatiran kahit pa ang mga ministro at mangagawa sa Iglesia para mataguyod ang pagiging banal nito na siyang ihaharap sa Panginoon Jesus pagbalik niya. Hindi katulad ng iba diyan KINUKUNSINTI ang karumaldumal na krimen ng mga Pari nila.
ReplyDeletetama ka jan.. ang galing manira sa mga blog pero pag hinarap, ayaw ng lumaban.. puro paninira lang ang alam.. sa blog nila, ang dami sinasabi pero kapag harapan na, tameme na sila..
ReplyDeleteHindi lang magaling manira at magkalat ng kasinungalingan ang mga iyan. Ang gagaling pang magmura, ^_^
ReplyDelete