"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

June 17, 2014

Kung meron tayong nag-iisang Diyos, sino ang "nag-iisang Panginoon"?

Ayon sa mga naniniwalang Diyos si Kristo, ang Marcos 12:29 at ang I Cor.8:6 daw ang katunayan na si Kristo ay DIYOS dahil siya ang NAG-IISANG PANGINOON. 

Kaming mga Iglesia ni Cristo ay naniniwala sa nag-iisang tunay na DIYOS --ang AMA at nag-iisang PANGINOON --si Kristo. 

Pero sasabihin nila, eh kung hindi Diyos si Kristo, eh di lalabas na DALAWA ang Panginoon taliwas sa binabanggit sa bibliya na nag-iisa ang Panginoon. 

Parang ganito lang yan eh, halimbawa ikaw ay OWNER ng isang restaurant (ni-relate sa course kong HRM? pagbigyan nyo na XD) at nag-hire ka ng MANAGER para mag-manage nito dahil may iba ka pang business. 

Pareho kayong "BOSS" ng inyong empleyado dahil ikaw ang may ari at yung manager naman ang humahawak sa mga empleyado mo at ang nagpapatakbo ng restaurant. "BOSS" ka ng empleyado mo kahit hindi ka nila madalas na nakikita at hindi ikaw mismo yung nagpapatakbo ng negosyo, yung pagiging BOSS mo automatic na yon dahil ikaw ang may-ari ng negosyo, naging BOSS naman yung manager dahil hi-nire mo siya upang i-manage yung negosyo mo at upang pangunahan yung mga empleyado mo.

Note: Hindi magiging BOSS si manager kung hindi mo siya hi-nire, sa paghire mo sa kaniya ibig sabihin binigyan mo siya ng kapangyarihan/karapatan na i-manage yung restaurant at yung mga empleyado mo.

Ganun din ang Diyos at si Kristo, pareho silang PANGINOON. Yung pagiging PANGINOON ng Diyos automatic na yon kasi DIYOS siya eh, kumbaga siya ang pinaka head ng lahat bagay dahil siya ang CREATOR. Ginawa namang PANGINOON si Kristo upang siya ang MAGHARI sa lupa sapagkat ipinailalim ng Diyos sa kaniyang kapangyarihan ang LAHAT NG BAGAY:


"At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan. Sapagkat si Cristo'y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang lulupigin ay ang kamatayan. Ganito ang sinasabi ng kasulatan, "Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan."
Ngunit sa salitang "lahat ng bagay," maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat." I Cor. 15:24-28

Dito palang sa verses na ito kung mapapansin nyo iba si KRISTO sa DIYOS. Dahil kahit si Kristo ay PAPAILALIM sa kapangyarihan ng DIYOS na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya, upang MAGHARI ANG DIYOS SA LAHAT. Kung DIYOS si Kristo hindi na niya kailangan pumailalim sa kapangyarihan ng DIYOS, kasi DIYOS na nga siya eh, meron ba naman DIYOS papailalim sa isa pang DIYOS?

Pero teka, ano ba ang ibig sabihin ng LORD o PANGINOON?

Ayon kay google:
noun: lord; plural noun: lords
1. someone or something having power, authority, or influence; a master or ruler.

Kaya pala ginawang Panginoon si Kristo ay dahil yun nga, binigyan siya ng KAPANGYARIHAN at ATORIDAD ng Diyos na maghari.

Ngayon naman, puntahan natin ang mga naunang nabanggit na talata sa Marcos at I Cor. ganito ang sinasabi:


"But we know that there is only one God, the Father, who created everything, and we live for him. And there is only one Lord, Jesus Christ, through whom God made everything and through whom we have been given life." I Cor. 8:6 New Living Translation

"Jesus answered, "The most important is, 'Listen, Israel, the Lord our God is the only Lord." Mark 12:29  GOD'S WORD® Translation

Ayan, kinuha ko na yung bible translations na may ONLY LORD baka magreklamo pa ang mga "Jesus is God" believers dyan, sa ibang salin kasi ONE LORD lang ang nakalagay, pero pinagbigyan ko na.

Baka mapaisip kayo, hindi ba parang magkakontra yan, sabi ni Apostol Pablo si Kristo ang ONLY ONE LORD, sabi naman ni Kristo ang Diyos ang ONLY LORD. 

Pero kung mapapansin nyo sa mga talata, kumilala si Apostol Pablo sa NAG IISANG DIYOS, ang Ama (Hindi si Kristo) at si Kristo may DIYOS din pala, ang sabi niya "PANGINOON NATING DIYOS". Hindi naman pala siya nagclaim na "akong Panginoong Diyos" kundi PANGINOON NATING DIYOS.


Tanong: Ano ba talaga, bakit sinabi ni Apostol Pablo na si Kristo ang nag iisang Panginoon at sinabi naman ni Kristo na ang Diyos ang nag-iisang Panginoon?

Kaya sinabi ni Apostol Pablo na meron tayong nag-iisang Panginoon na si Kristo, sapagkat ginawa siyang PANGINOON ng DIYOS, hindi siya PANGINOON dahil nagclaim lang siya o kaya eh dahil Diyos siya. 

At kung Diyos nga siya hindi na siya kailangan pang gawing PANGINOON ng isa pang Diyos, diba?

Eto ang sinasabi ng bibliya:


"Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!" Gawa 2:36

Si Jesus lamang ang nag-iisang TAO na ginawang Panginoon at Kristo kaya siya lang talaga ang nag-iisang Panginoon. Ang Diyos naman ay Panginoon din sapagkat siya ang DIYOS, ang lumikha ng lahat ng bagay. Naayon ito sa nakasulat sa bibliya, sa libro pa rin ng Gawa, ikowt natin ang mga talata bago ang Gawa 2:36:


"Si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon. Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig. Hindi si David ang umakyat sa langit, kundi sinabi lamang niya,
'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, "Maupo ka sa kanan ko, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo."' Gawa  2:32-35

Ayan maliwanag oh sabi ni David, sinabi ng PANGINOON sa aking PANGINOON. Obvious naman na si Jesus at ang Diyos ang binabanggit na dalawang Panginoon sa mga talatang iyan. 

Kaya bilang Iglesia ni Cristo kami ay kumikilala sa ating PANGINOONG DIYOS at ating PANGINOONG HESUKRISTO. Ang isa ay natural ang pagiging Panginoon sapagkat siya ang DIYOS, ang isa naman ay ang nag-iisang tao na ginawang Panginoon ng Diyos.


1 comment:

  1. Ngaun naintindihan q na ang dios ama ang dios ni moises dios ni noah ang kinikilala niong panginoon parehas lng pala tau ng paniniwala

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.