"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

October 26, 2015

Part 2: Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Ito ay ang PART 2 ng "Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo" Atin pong ipagpapatuloy ang pagbubunyag sa kanilang TUNAY NA LAYUNIN sa lahat ng ginagawa nilang ito, mula kay Lito Fruto, Joy Yuson, Isaias Samson Jr. at ngayon naman kay Lowell Menorca. Ang TUNAY NA LAYUNIN nila na matagal na naming sinabi sa inyo: 

ANG PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA: 
PALITAN ANG NASA SANGGUNIAN, AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. LALO NA, HIKAYATIN ANG MGA KAPATID NA LUMABAN SA PAMAMAHALA. 

ANG MAHAHALAGANG OKASYON AT AKTIBIDAD NGA BA SA IGLESIA AY 
SINASABAYAN NILA NG KANILANG MGA PAGKILOS?

KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA. 


#1 Ang paghimok na huwag pumunta ang mga kapatid sa Philippine Arena samantalang ika 101 ANIBERSAYO iyon ng Iglesia, sa halip ay ipinanawagan nilang makisama sa isinasagawa nilang VIGIL sa harap ng bahay ng mga kapatid ng Ka Eduardo Manalo



Kahit pa sabihin na merong kontrobersiya sa panahon na iyon kung saan itiniwalag ang mga ka pamilya ni Ka Eduardo Manalo, at sa pagsasabing may banta sa kanilang buhay, ngunit napatunayan naman talagang WALANG NANG HOSTAGE sa kanila. Bakit naman nila pinipigilan ang mga kapatid na ipagdiwang ang ANIBERSARYO ng Iglesia Ni Cristo? Akala ko ba hindi nila NILALABANAN ang Iglesia, eh bakit pati ang anibersaryo idinadamay nila? Ayaw nilang ipagdiwang? Sa halip ay nagsagawa sila ng vigil sa central?

 
#2 Nang magsagawa ng "DAKILANG PAMAMAHAYAG" ang Ka Eduardo Manalo, nagkaroon ng pagra-rally sa California, USA



Sa makasaysayang pangyayari sa loob ng Iglesia na siyang pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang DAKILANG PAMAMAHAYAG na pang buong mundo, bakit naman sa saktong araw din nila naisipan MAG RALLY sa harap ng district office sa USA?

Anong gustong palabasin?

PAMAMAHAYAG NG SALITA NG DIYOS... PAGLILIGTAS NG MGA KALULUWA...

Sinabayan ng rally? Ibig bang sabihin dahil mga tiwalag na ang karamihan sa inyo ay ayaw na rin ninyong magsuri at maanib sa tunay na Iglesia ang mga tao para matamo ang kaligtasan?


#3 Ngayong papalapit na ang kaarawan ng Ka Eduardo Manalo, saka nila hiningi ang custody ni G. Menorca, at sinampahan ng kaso ang Sanggunian, kasama na ang Tagapamahalang Pangkalahatan



Bago pa man ang kaarawan ng Ka Eduardo sa Oct 31 ay mababasa na ang pagbati ng mga kapatid sa social media. Ngunit bakit bigla bigla na lamang nagsampa ng kaso ang pamilya ni G. Menorca laban sa Sanggunian at sa Tagapamahalang Pangkalahatan, diumano, ay upang mai-rescue ang kanyang pamilya? At ipinapatawag ng Supreme Court ang mga nabanggit sa Nov. 3. 

Sa dinami dami ng araw at pagkakataon, kung kelan talaga papalapit ang kaarawan ng Ka Eduardo ay saka nyo gusto makitang sinasampahan sila ng kaso? Salamat sa inyong "regalo" sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan.

At tulad ng ginawa nila Joy Yuson at asawa niya ay may drama na paiyak iyak pa sila, samantalang makikita mo naman sa presscon na maayos ang kanilang pangangatawan. 

Sino niloko nyo?


Ngayon mga kapatid, ang tanong ko sa inyo ay ganito: 

Anong tingin nyo, PINAGPLANUHAN O HINDI?

TINGIN NYO BA NAGKATAON LANG?
 

Kaya HUWAG NA TAYONG MAGTATAKA kung sa hinaharap ay gumawa na naman sila ng mga pagkilos kung saan SINASADYA nilang ISABAY sa mahahalagang okasyon at aktibidad sa Iglesia. Yan na yung sinasabi namin na malawakang paghimok sa mga kapatid na LUMABAN SA PAMAMAHALA.
 
Dumadating na yung pagkakataon na isinasakatuparan na nila ang kanilang mga masasamang plano, ngunit kahit gaano pa kabigat at kasama ang mga pangyayaring dadating, dumating man ang mga pangyayaring hindi natin inaasahan... 

Tulad ng dati na nilang planong pagpapakulong sa Sanggunian at pati na rin ang Ka Eduardo Manalo na kanila ng idinamay. Sa ating mga tunay na kapatid, HUWAG SANA TAYONG SUSUKO.

Kung yung mga kalaban ay hindi sumusuko sa pag atake nila, HUWAG DIN NAMAN TAYONG SUMUKO SA PAGDEPENSA. Manalangin tayo, patatagin ang ating pananampalataya, at higit sa lahat manalig sa magagawa ng Diyos. Sapagkat siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat, hindi niya papabayaan mawasak ang TUNAY NA IGLESIA SA MGA HULING ARAW, sapagkat itoy GAWAIN NIYA. 

Nasaksihan natin ang karanasan ng Ka Felix Manalo sa napanood nating pelikulang "FELIX MANALO" pati na rin ang karanasan ng mga kapatid noong dati, kahit buhay man ay kapalit, silay hindi NAGPATINAG SA KANILANG PAGKA IGLESIA NI CRISTO.

Gayahin sana natin ang kanilang HINDI NATITINAG NA PANANAMPALATAYA.

Humingi tayo ng tulong sa Diyos.

______________________________

AMA, TULUNGAN NYO PO KAMI. KAYO NA PONG BAHALA SA IGLESIANG ITO. IPINAGKAKATIWALA NA PO NAMIN SA INYO ANG LAHAT. INGATAN NYO PO KAMING LAHAT, MATAMO PO NAMIN ANG KAPAYAPAAN SA PAGLILINGKOD SA INYO. PINAPANGAKO NAMIN NA HINDI KAMI BIBITAW ANO MAN ANG MANGYARI. IKAW LANG PO ANG TANGING MAKAKAGAWA NG SOLUSYON. IKAW LANG PO ANG INAASAHAN NAMIN, AT ANG TANGING LAKAS NAMIN. 

IKAW NA PO AMA ANG BAHALA SA AMIN.

Paano sinungkit ng Ang Dating Daan ang "Largest Gospel Choir"?

Nung araw na ganapin ang "OFFICIAL ATTEMPT" ng Ang Dating Daan para sa "Largest Gospel Choir" ay mayroon akong pasok sa trabaho. 

Nung bandang tanghali nasa cubao nako, ngunit bumili muna ko ng pagkain sa Mercury drug sa Farmers.

Nung andun nako sa pila sa cashier, napansin namin ang mga babaeng nakabihis choir, at may nakatatak na sticker ng "OFFICIAL ATTEMPT" sa dibdib. 

Sabi nung cashier "ano yan parang ung sa Iglesia". Sa isip ko naman, sa ano kayang religion yun? Nung papauwi nako galing trabaho, nung nasa cubao na uli ako para sumakay ng jeep, mga 10pm na yun, nakakita na naman ako ng babaeng ganun pa rin ang suot at may sticker sa dibdib, sa isip ko, ano kayang meron?

Kinabukasan, pagkabukas ko ng FB account ko, bumugad sakin yung mga balitang "Ang Dating Daan breaks Guinness Largest Gospel Choir". Dahil na curious ako kaya nagsearch pakong maigi, tapos sabi ko, ahh okay... Magcocomment na sana ko sa official fanpage nila ng CONGRATULATIONS...

October 13, 2015

"Felix Manalo" Review

Sa wakas, napanood ko na rin ang pelikulang "Felix Manalo" at gusto ko agad gumawa ng review tungkol dito para sa mga nakapanood na at hindi pa nakakapanood.

 Nakapagbasa na rin ako ng ibat ibang REVIEWS tungkol sa pelikula, may positive, may nagative. 

Ganun talaga, hinuhusgahan ng tao ang resulta ng isang natapos na proyekto, kaya kahit ano pa man ang opinyon nila, ang higit na mahalaga, ay nabigyan ng kaunting "curiosity" ang mga hindi kaanib sa Iglesia at maging daan ito upang lalo nilang mas maintindihan ang pananampalataya nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

October 6, 2015

Para saan ang Guinness world records ng Iglesia Ni Cristo?

Sabi nila, hay naku mga kulang naman sa pansin yang Iglesia Ni Cristo na yan, gusto lagi sumungkit ng world records ano ba yan!

Ang iba sasabihin naman, ang yayabang ng mga to, etong kultong to ni Manalo mukhang world record, hindi yan ang sukatan ng tunay na relihiyon. Buti pa sa relihiyon namin, hindi namin ginawang priority ang world record na yan...

etc etc etc...

Yan ang sinasabi nila sa Iglesia Ni Cristo udyok ng sagad sa butong pagka inggit sapagkat yung kanilang sariling relihiyon ay hindi man lang makapagpakita na may pagkakaisa ang kanilang mga miyembro.

Yung tipong sa halip na MATUWA ka nalang at i-congratulate mo ang kapwa mo sa achievement nila eh siniraan mo na, binastos mo pa. San ang pinag aralan dun, mga minamahal naming ate at kuya?

"Bitter" ang tawag sa mga taong hindi natutuwa sa achievement ng iba. Alam nyo ba yon?

Kapag yung ka officemate mo na promote, samantalang ikaw hindi eh mas matagal ka naman sa kaniya, sa halip na ka inggitan mo at sumama loob mo, i-congratulate mo! Para patunayan na karapat dapat ka ring ma-promote balang araw.

Sa isang laro, kapag nanalo ang kalaban mo, i-congratulate mo! Para patunayan na sport ka lang, walang personalan, na marunong kang tumanggap ng pagkatalo.

Ang Iglesia Ni Cristo naman ngayon ay nagkakamit ng WORLD RECORDS hindi para magpapansin o masabi lang na marami kaming world records kaya tunay na ang relihiyon namin. Nagpapakita lamang ito na may tumutulong sa amin upang makamit ito, walang iba kundi sa tulong ng DIYOS!

Sagutin natin ang ilan sa kanilang iba pang katanungan...

October 5, 2015

Kaya pala pilit sinisiraan ng "Fallen Angels" ang "Felix Manalo" movie...

Sabi ng "Fallen Angels": Ninenegosyo na ngayon ng Sanggunian ang pelikula, ginamit pa ang Ka Felix Manalo. Bakit hindi nalang ibigay ng libre ang ticket? Ginawa na nilang negosyo, kinorakot pa pera ng Iglesia.

Eto ang mga paratang na paulit ulit nilang pinopost sa facebook fanpages nila. 

Kaya naisip ko, ano ba talaga layunin nila? Ano o Sino ba talaga nilalabanan nila?

Mga "katiwalian" sa Iglesia? 



Ang Pamamahala ng Iglesia at ang Diyos?

Kaya naman gumawa ako ng artikulo na nagsasabi na kung di nila ipopromote ang pelikula kundi ay siniraan pa, lalabas na LABAN sila sa Ka Felix Manalo sapagkat umiikot ang istorya nito sa buhay niya at sa pagsisimula ng Iglesia.

Akalain nyo ba umamin din na silay LABAN sa Ka Felix Manalo at sa Diyos?

At eto pa napagtanto ko ng inilabas na ang pelikula...

Kaya naman pala pilit nilang sinisiraan ang pelikula ay dahil ito ang MAGPAPATATAG PANG LALO NG PANANAMPALATAYA NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO!

At yung mga nabiktima nilang ibang kapatid at tiwalag, hindi malabong umalis na sa kanila.

Dito kasi makikita sa pelikula yung mga NARANASAN NG MGA KAPATID NOON, na yung NAGAGANAP PALA NGAYON WALANG BINATBAT NOONG PANAHON NA IYON.

Nung una pala may NAGREBELDE NA sa pangunguna ni Teofilo Ora.
Nung panahon ng mga Hapon, ang mga kapatid, ministro at manggagawa pinapatay, sinasaktan at inuusig.  At nung noong panahon ng HUKBALAHAP (hindi ko lang alam kung kasama sa pelikula) ay ganoon din ang nangyari sa mga kapatid, pinatay, sinaktan, inusig.

Tapos ngayong kinakalaban nila ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, gusto nila sumama sa kanila ang mga kapatid. Pero itong PELIKULA palang ito ang MAGPAPATATAG at MAGBABALIK NG MGA ALA ALA NG MGA DATING KAANIB NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA ANUMAN ANG MANGYARI.

Ngayon mga kapatid, tayo bay MANININDIGAN DIN TULAD NILA, o tayoy magpapatangay sa mga taong ihihiwalay tayo sa ating Panginoong Diyos?

Kayo na po ang bahalang magdesisyon.