"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

May 29, 2015

An open letter to Antonio Ebanghelista and his response

First time ko po na maitotopic si Ka Antonio dito sa blog na ito, hanggat maaari po talaga eh ayokong makisawsaw sa mga isyu nya, dahil sa paulit ulit ko na pong sinasabi ay sadyang WALA PO AKONG ALAM. Ang NILALAMAN ng artikulo kong ito ay hindi para maging counter post sa mga ISYU ni Ka Antonio kundi mga OBSERBASYON at OPINYON ko lamang sa mga nababasa ko. 

Pero kung dadating man ang panahon na magkaroon ako ng nalalaman at mga ebidensya para pasinungalingan ang kaniyang mga isyu eh alam nyo na po. Sasagutin at sasagutin po natin ang kaniyang mga AKUSASYON anuman ang kasalukuyan niyang TUNGKULIN ngayon sa Iglesia, mataas man o mababa. Para sa isang bagay --> KATOTOHANAN.

May 26, 2015

"Copypaste" Faith Defender aktibo ngayon sa kaniyang blog

Kilala nyo ba si "Copypaste Faith Defender" este Catholicdefender2000 na may blog na kung tawagin ay "In defense of the Church"? (Kung tutuusin hindi naman AKMA ang pangalan ng kaniyang blog sa kaniyang pinopost dahil puro atake sa Iglesia ni Cristo ang laman lang noon, kaya ang tamang tawag doon ay "Attacking Iglesia ni Cristo")

Siya lang naman po yung CFD na walang kasawa sawa sa pagpapahiya ng kaniyang sarili lalo na pag sinasagot ang kaniyang mga akusasyon at kasinungalingan sa blog na ito. 

Isa rin siya sa mga fans ng blog na ito, kaya nga siya updated palagi kahit hindi nako ganun ka active mag blog.

Nakakapagtaka po ano, kung kelan ako hindi naging active saka naman siya post ng psot sa kaniyang blog, nung marami naman akong oras magblog, siya naman tong nawala ng parang bula na di malaman kung saan na nagsuot. Huwag na po tayong magulat, ganun talaga ang mga duwag :)

The Scan International



The Scan International is an organization of members of the Church of Christ who have an inclination to communications and who aspire to help their fellowmen especially in times on dire need, bonded with one spirit and one faith.

Starting as a small amateur radio group established in 1989 by Brother Eduardo Manalo, the present Executive minister of the Church of Christ, this organization grew. At present, it is an extensive and solid organization recognized for helping and aiding people in need, be they members of the Church of Christ ir not, especially in times of calamities and distresses.

SCAN continuously conducts seminars on disaster preparedness and trains people for the emergency response task. In the face of many calamities, and disasters, not only in the Philippines but even in various parts of the world, SCAN members have embodied the true meaning of love of fellowmen and of the Lord God through sincerely offering their time and even their very selves without asking anything in return.

At present, SCAN is in its 26th year of service, a concrete proof that it is guided by the Lord God through the Church Administration. He placed in the Church who ceaselessly administers it towards its growth and more victories.

Gerardo Purification
Spiritual Adviser


source: Pasugo Issue March 2015

May 11, 2015

Bibliya: Magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos!


"Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 

Labanan ninyo siya at magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid sa buong daigdig.

Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian, kasama ni Cristo."

I Pedro 5:8-10  

Sa mga ganitong panahon, lalo po nating TATAGAN ang ating PANANAMPALATAYA SA DIYOS, SA DIYOS po tayo nananampalataya at hindi sa kung sino lamang. Magpatuloy po tayo sa ating mga paglilingkod sa Diyos, doon po natin ibuhos ang ating buong panahon at huwag po natin payagan magkaroon ng puwang sa ating puso ang mga pagdududa, pag aalinlangan at lalo na ang panlalamig.

Ang DIYABLO po na ating KAAWAY ay may mga ginagamit na mga kasangkapan upang tayoy mahiwalay sa tunay na paglilingkod. AT NANDITO NA SILA SA INTERNET, PATULOY PANG DUMADAMI. Ang Dyablo ay hinalintulad sa isang LEONG UMUUNGAL AT AALI ALIGID na NAGHAHANAP NG MALALAPA. Ang mga nandito sa mundo ng internet, naghahanap ng mga mga kapatid na maloloko, kaya tayoy dapat na MAGING HANDA AT MAGBANTAY!

HUWAG TAYONG PUMAYAG NA TAYOY MATANGAY NG DIYABLO!

Ang ating dapat na gawin ayon sa talata sa itaas ay LABANAN SIYA at MAGPAKATATAG SA ATING PANANAMPALATAYA!

Dahil pagkatapos ng lahat ng ito, ang DIYOS, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa ATIN ng kagalingan, katatagan, at LAKAS NG LOOB AT PUNDASYONG DI MATITINAG. Ang Diyos ang tumawag sa atin upang MAKABAHAGI TAYO SA WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN SA LANGIT, KASAMA SI KRISTO.
 
Huwag po tayo paapekto sa kung ano mang nababasa natin ngayon tungkol sa pamamahala, alisin ang PAGDUDUDA, PAG AALINLANGAN at PANLALAMIG dahil hindi po natin ito ikakaligtas. Hayaan natin ang Diyos ang gumawa ng paraan upang maisaayos ang pagsubok na ito. At ang dapat na ipamayani ay ang PANANAMPALATAYA, PAG ASA AT PAG IBIG.

Kapatid, huwag kang bibitiw ha?

May 4, 2015

"Sapat" na ba ang paniniwala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?

Ito ang napakagandang tanong na nangangailangan ng kasagutan upang malaman natin ang katotohanan. 

Marami kasi sa atin ay "kuntento" na sa paniniwala nila na maliligtas sila dahil silay naniniwala na may Diyos, nananalangin sa kaniya, nagbabasa ng bibliya at gumagawa ng mabuti. Ang saktong mga tanong naman natin sa mga maraming taong ganito mag isip ay...

SAPAT NA BA YON?

TALAGA?

PAANO MO NASABI?

ANONG TALATA SA BIBLIYA NAMAN?

MERON BA? SURE KA?

At kung naniniwala ka na may DIYOS, tanong, TUNAY BA ANG DIYOS NA KINIKILALA MO?

Kung nananalangin ka, direkta ka ba sa AMA tumatawag?

Kung nagbabasa ka ng bibliya, TAMA NAMAN BA ANG UNAWA MO DITO?

Kung gumagawa ka ng mabuti, BUKAL BA SA LOOB MO ANG PAGGAWA NG MABUTI?

Ganoon na ba kadali makamtan ang KALIGTASAN? Tingin po ninyo? Yung tipong sasampalataya ka lang maliligtas ka na. Kung ganyan lang kadali pala makamtan yon bakit pa nagkaroon ng libo libong mga relihiyon sa buong mundo? Bakit kailangan pa magtalo talo ng mga relihiyon na ito at bakit iba iba ang ating mga paniniwala?

Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang humingi ng tulong sa Ama, kahit wala ng review review para makapasa sa exam. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pangangako mo sa iba kahit hindi mo naman ginagawa. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pagsasabi mo ng mahal mo ang isang tao kahit hindi mo naman pinapakita sa kaniya.

AT PARA MO NA RIN SINABING NAPAKASIMPLE LANG MAKAMIT ANG KALIGTASAN.