Narito po ang mga post ko ukol dito:
Saan napupunta ang abuloy ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?
Magkano ang gastos ng Iglesia ni Cristo sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan?
The OFFERINGS in the Church of Christ
Does INC practice tithing?
Eto ngayon ang banat nila:
source: splendorofthechurch.com
Alam kong ipinagbabawal ipost ang tungkol sa mga bagay bagay sa pananalapi sa Iglesia, kaso nagkaroon na rin ng kopya ang mga instrumento ng dyablo kaya ibabahagi ko na rin kung para saan yan para sa kaalaman ng karamihan.
Sa paningin ng karamihan, SECRETIVE ang INC, madami daw tinatagong sikreto at mga misteryo. Ngunit kung ikaw ay isang miyembro, ang sasabihin mo ay walang itinatago sa Iglesia.. Kasi pag ang isang di kaanib ay naging INC na, siya mismo ang makakapagpatunay kung meron nga bang mga sinisikreto sa loob nito.
Hindi na ako magtataka kung bakit "sinisikreto" ng Iglesia ang mga bagay na maseselan, tulad niyan sa pananalapi ng INC, ganyan kasi ang nangyayari, kaya pinagbabawalan ipost ang mga ganitong bagay ay upang MAINGATAN na hindi babuyin at gawan ng kung anu anong kwento ng mga kinasangkapan ng dyablo.
Hindi ito SINEKRETO para kuno itago ang "katotohanan", kundi SINESEKRETO ito dahil sa alam namin ang iisipin at gagawin nilang masasama ukol dito. Dahil kung tutuusin hindi naman ito sikreto eh dahil kung ikaw eh may kakilalang INC alam mo ang mga tungkol dito.
Para saan itong sobre na ito?
Dito nilalagay ng mga kaanib sa Iglesia ang kanilang handog pasasalamat tuwing July at December.
Saan ginugugol ang mga handog ng miyembro tuwing PASALAMAT?
Sa pagbili ng mga lupa at pagpapatayo ng mga gusaling sambahan.
Eh ano-ano ba ang mga handugan sa INC? Marami ba?
Hindi po, tatlo lang ang uri nito:
#1 Thursday and Sunday (worship services) offerings - ginugugol sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos tulad ng television and radio broadcast, at iba pa.
#2 “Tanging handugan” (local or/and district) offerings/ and others [optional] - kapag tanging handugan sa lokal, para ito sa expenses ng lokal tulad ng kuryente, tubig, telepono, etc. kapag tanging handigan sa distrito itoy para matulungan ang pagpapatayo ng kapilya ng ibang lokal sa distrito, meron ding iba tulad ng para sa lingap sa mamamayan.
#3 Anniversary(July) or/and Yearly(December) thanksgiving offerings - para sa pagbili at pagpapatayo ng mga gusaling sambahan
May isang nag komento sa post na iyon ng nasabing website, tanong niya:
Jun AbellaHalos lahat ng mga activities nila, Bro, ay may huthutan. At tama ka, kailangan may pangalan dahil nagpapayabangan ang mga miyembro at para malaman ng tagapamahala kung sinu-sino ang nagbigay. Ang matindi pa nito, kailangang INDIVIDUAL at hindi pamilya ang bigayan. Kung ilan ang miyembro ng pamilya, ganyan din ang dami ng envelop.
Sagot: Tuwing PAGSAMBA lamang kami nag hahandog, at itong aming handog ay hindi tulad ng sa inyo sapagkat ang samin ay HANDOG SA DIYOS kaya pinaghahandaan namin ito, sa mga katoliko DONASYON lang, para kang nagbigay sa pulubi kung ano lang natira sa pera mo yun lang ibibigay mo sa simbahan nyo.
Sabi ni Jun Abella, bat daw kailangan INDIVIDUAL at hindi pamilya ang bigayan, dito palang malalaman na natin na hindi talaga sila marunong magbasa ng bibliya.
"Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan. Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa." II Cor. 9:7-8
Sabi sa bibliya ANG BAWAT ISAY DAPAT MAGBIGAY, AYON SA SARILING PASYA, kaya wala kaming doktrinang IKAPU o 10% tithing di tulad ng ibang relihiyon. Walang nagdidikta samin kung magkano ang ihahandog namin maniwala man kayo o hindi.
Bukal sa aming kalooban ang paghahandog dahil sa DIYOS galing ang lahat ng biyaya kaya hindi kami nagdadamot sa kaniya.
Bukal sa aming kalooban ang paghahandog dahil sa DIYOS galing ang lahat ng biyaya kaya hindi kami nagdadamot sa kaniya.
Bakit may pangalan at halaga ang sobre tuwing pasalamat?
Hindi ito para makipagpalakihan sa kapatid tulad ng akusasyon nila, dahil unang una yung mga handog ng bawat kapatid ay hinuhulog agad sa box na lagayan at hindi ito iwinawagayway o ipapakita mo sa lahat ng kapatid bago mo ihulog. Pwede mo rin namang hindi lagyan ng pangalan kung gusto mo nasa sayo yon. Ang punto lang naman kasi non ay para sa bilangan.
Ako nasa pananalapi ako at nung pasalamat ay kasama ako sa mga nagbilang sa lokal. Kaya may HALAGA ay para accurate ang mabilang, kasi kung wala itong halagang nakalagay, tapos dadaan ito sa mga taga bilang maaaring magkaroon pa ng isyu tulad ng halimbawa ay nabawasan yung handog at iba pa. Ang bilangan namin ay may proseso, may mga nakabantay, bawat isang mali sa numero o sa proseso ay may salaysay na katapat. Kaya napaka imposible na magkaroon ng kurapsyon tulad ng akusasyon nila na kesyo sa ministro lang napupunta etc...
ANG DAPAT NA ISIPIN
Hindi dapat isyu kung nag aabuloy man ang mga miyembro ng isang relihiyon, dahil bawat relihiyon may kaniya kaniyang doktrina ukol diyan at may kaniya kaniyang pinupuntahan. Nagkataon lang na para sa amin ay pagsunod sa utos ng Diyos ang sinasabi ng bibliya na MAGBIGAY ANG BAWAT ISA at hindi MAGBIGAY LAMANG NG LABIS SA PERA o MAGBIGAY KUNG KELAN MO GUSTO.
Kung isyu yung pagbibigay ng miyembro ng pera eh bat hindi isyu yung TAX na binibigay natin sa gobyerno? Hindi ba obligado tayong magbayad non? At saan napupunta ang bilyong piso? Sa KORAPSYON. Kung may KORAPSYON, dyan lang yan magiging isyu, pero kung wala, kung alam mo kung saan ginagastos yung pera hindi ito dapat maging isyu.
Yung pera kasi ng simbahang Katoliko iniinvest sa mga negosyo, sa mga korporasyon, yung iba galing sa sugal, at meron pang galing kay Janet Napoles.
Ihalimbawa natin yung sa handog ng INC, SAAN ITO NAPUPUNTA?
Ilan na ba ang naipatayong gusaling sambahan ng Iglesia simula 2000, sa PILIPINAS pa lamang?
Magkano kaya ang gastos ng INC sa pagpapatayo ng gusaling sambahan, sa mga renovation, at sa iba pang proyekto nito?
Ang Lokal ng Araneta ay may seating capacity na 1,000 at naitalaga noong November 2009. Ang lupang kinatatayuan nito ay may lawak na 3,327 square meter. Nabili ito ng Iglesia noong April 1996 sa halagang halos 50 million pesos. Ang building cost nito ay 52 million pesos.
Ibig sabihin, nagkakahalaga ang lokal ng Araneta ng higit 100 million pesos.reference: Pasugo Issue Dec. 2009
Ang Lokal ng Valenzuela ay may seating capacity na 1,200 at naitalaga noong November 2011. Ang lupang kinatatayuan nito ay may lawak na 5,004 square meter.
Ang building cost nito ay 85 million pesos hindi pa kasama ang presyo ng lupa.
reference: Pasugo Issue Dec. 2011
Ang GENERAL RENOVATION ng Lokal ng Pasay ayon sa wikimapia.org ay may budget na 50 million pesos, ayon naman sa isang kapatid na nagpost sa blog ko ay sa tulong ng ibang lokal, nagkaroon ito ng 100 million peso budget. Renovation po ang pinag uusapan, hindi pagtatayo ng gusali.
Ang Lokal ng Los Angeles, California ay naitalaga noong March 2011. Ang project cost nito ay $7,6000,000 o mahigit 300 million pesos. Hindi pa kasama dito ang presyo ng lupa at ang mga materials tulad ng chandeliers (na milyon din ang halaga) at iba pa.
Nabili ng Iglesia ang simbahan ng Evangelical Lutheran Church sa Bronx, New York sa halagang $2,459,923.50 o mahigit 105 million pesos at ang renovation ay umabot ng $711,363.51 o mahigit 30 million pesos. Ang Lokal ng Bronx ay naitalaga noong Dec. 2012.
Ibig sabihin, ang Lokal ng Bronx New York ay nagkakahalaga ng mahigit 130 million pesos.
reference: Pasugo Issue Jan. 2012
Nabili ng Iglesia ang property ng St. constantine and Greek Orthodox Church sa halagang $9.2 million o humigit kumulang 400 million pesos noong Nov. 2012. Hindi pa kasama dito ang renovation cost. Ito ay ang Lokal ng Washington D.C na naitalaga noong Dec. 2012.
Ang Philippine Arena pa lamang ay nagkakahalaga na ng $200 million o halos 8 billion pesos. Paano pa kaya ang iba pang mga gusaling ipinapatayo at itatayo sa Ciudad de Victoria?
Ang lokal ng commonwalth ay may seating capacity na 1,420 ay naitalaga noong July 27, 2013. Ang building cost nito ay umabot ng 104 million pesos.
Ang lokal ng Capitol ay may seating capacity na 3,000 at naitalaga ngayon lang buwan na ito. Ang building cost nito ay 347 million pesos
Hindi ba kayo nagtataka?
Nakakapagpatayo ang Iglesia ni Cristo ng milyon milyong halaga ng mga gusaling sambahan at ibang pang gusali ng walang tulong sa gobyerno o sa ibang institusyon? Halos lahat ng kaanib ay mahihirap lang at ang mga CFD na rin nagsasabi na konti lang kami, ilang milyon lang.
Saan nanggaling ang lahat ng perang ginagastos dito?
SA AMING HANDOG LAMANG. Lahat ng ito ay nagagawa ng Iglesia hindi lang dahil sa mga magagaling na pinuno nito kundi dahil sa kami ay may TUNAY NA DIYOS.
yung 2 simbahan ng katoliko dito sa amin nabubulok na, yun pari ginagawa pag piyesta nag papa BINGO para daw pondo bakit hanggang ngayon bulok pa rin??? NGANGA na naman heheheh, tapos pati kami napadalan pa ng sobre nanghihingi donasyon sa bahay bahay pang pintura at renovate, sagot ng tatay ko iglesia ho kami di kami katoliko dun kayo manghingi sa mga kapatid nyo ahahahahah, epic fail na naman
ReplyDeleteThese people will never open their mind even if they see legitimate evidence. I like the trivia you made about how much some of our churches costed. Just shows how much our admin put into glorifying God.
ReplyDeleteang totoo, mas mayaman pa nga yung IBA, kaysa I.N.C.., TANONG: bakit mas maraming nagawang MAGAGANDANG PROYEKTO ang I.N.C? [SAGOT: sapagka't PINAGPAPALA ng DIOS ang IGLESIA NI CRISTO...
ReplyDeleteabout bingo.... how can a catholic church admonish their members to live in morality while some of their preachers patronize gambling.. i remember before here in our place for them to raise a fund for their edifice is to advocate thier members to join in Pabingo ni Berhing Maria... such way of aiming purpose is irreligious. i'm sorry for that.
ReplyDeletetrully glory be unto God
ReplyDeletetnx to the admin of this blog =)
happy centennial again brethren =)
Ang nakakatawa, kundi man nakapagtataka, sa mga bumabatikos sa handugan nating mga kaanib sa Iglesia ni Cristo,ni hindi natin sila hinihingan ng tulong tapos sila pa itong unang nagrereklamo.Tayo na totoong sumasampalataya sa paghahandog ay nanliliit pa tayo sa ating mga sarili dahil kailanmam ay di natin kayang tumbasan ang lahat ng pagapapala ng Panginoong Diyos!
ReplyDeleteTeka muna, abah! magtaka sila kung naghahandog tayo sa wala, eh! kitang-kita nman eh! kung saan napupunta ang mga handog ntin, yan ay kunga loob na handog nting mga kapatid sa INC. Thanks for posting atleast pinakita yung mga magagagandang gusali ntin, Proud to be INC!
ReplyDeleteWala yang pinagka-ba sa maniwala ka na may Dios, Lahat ng nkikita ntin na may Buhay at katakatakang paano yun lumitaw?Yan ay gawa ng Dios na lumalang sa lahat ng bagay at lumalang sa atin.
ReplyDeleteSa panig ng INC "Hindi ba kayo nagtataka paano nagawa ng INC ang mga bagay na yan? Dahil ang totoo hindi nla matangap na tunay ang Dios ng INC. ang lahat ng nkikita nyo sa INC ay gawa ng Dios na tunay.
Ang Iglesia Katolika Apostolika Romana ay mayroon pong share sa San Miguel Corp.
ReplyDeleteI'd've worded a few things differently so as to avoid offending some people, but a lot of my more open-minded non-INC friends are thankful for this very informative post.
ReplyDeleteGlory be to God. :)
Dianne
http://memetdiaries.blogspot.com/
Ang Iglesia ni Cristo ay may patnubay at gabay ng Panginoong Dios
ReplyDeleteActually lahat ng sinabi nyo may point. But instead of saying negative things against them, mas makakabuti na siguro na hayaan na lang. hindi na kailangan ipagmalaki kung anung mang meron at sila ay wala. Alam naman ng nasa taas kung sino ang nasa katwiran at sino ang hindi. @Elet hindi mo na din sila siguro kailangan tawanan kung nanghingi man sila ng tulong. un lang.
ReplyDeleteHindi maiiwasan king ekumpara sa iba ang INC. Ang katotohanan ay masakit nila itong tanggapin pero un ang katotohanan. Ang injection man ay masakit pero un ang katotohanan para gumaling sa sakit. Dito pinapaliwanag lang ng kapatid ang ukol sa abuluyan ng INC pero di ito pinagmayabang ng mga kapatid. Ipinapaliwanag lang sa di nakakaalam.
DeleteDahil ang Iglesia ni Cristo ay pagmamay-ari ng Panginoong Dios po. At Iglesia ni Cristo lang ang tunay na bayan ng Dios.
ReplyDeleteProud INC po ako
People should think before they speak..
ReplyDeletePROUD INC
try ninyong sumanib sa Iglesia ni Cristo bago kayo mangbatikos at mag TrashTalk......OK sana kung totoo ang sinasabing batikos eh NAPAKALAKING MALI PA NAMAN.....Magsuri kayo sa Iglesia Ni Cristo at nang MALAMAN ninyo ang totoo..............
ReplyDeleteSa bawat tatlong araw may isang Kapilya na maihahandog. Lalo na kaya kung umpisahan na yong programa na bawat baranggay na may mga KAPATID at may mga naanyayahan silang magsuri sa INC ay pagtayoan na sila ng Kapilya na worth 3 million. Lalo pang magniningning ang INC. Ang daming nagawa ng Abuloy at Handog Pasalamat natin. Isa pa ang Pagbili ng mga nagsarang simbahan ng ibat ibang relihiyon. Purihin ang AMA.
ReplyDeleteSa Ama ang lahat ng kapurihan.
ReplyDeleteBakit kase hindi nman sila members ng INC, magrereklamo sila about sa paghahandog natin.. Eh tayo ngang mga members di nagrereklamo.. Ang saya saya pa natin :) at ang sarap sarap maghandog kase kitang kita at alam na alam namin san pumupunta ang pera namin.. Ni hindi nga kami nagbabayad ng serbisyo ng mga ministro eh.. Kung may kasal, walang bayad,.. May bautismo, walang bayad,..kahit anong serbisyo na may kinalaman sa religion dapat walang bayad, pero bakit sa iba may bayad? Negosyo ba sa inyo? Hahaha
ReplyDeleteSa Ama ang lahat ng kapurihan!
ReplyDeletePurihin ang Ama!
Sana Hindi sola nag kamali
ReplyDeleteAll i want to say is NAPAKAPALAD NATING INC!!!
ReplyDeleteHindi nakapagtataka na may mga naninira at gustong ibagsak ang INC. Ang INC ay sa Panginoong Diyos. Laging kontrabida ang Diablo sa mga gawain ng Panginoong Diyos. Ayaw ng Diablo at ng mga alagad niya (yung mga naninira) na magtagumpay ang INC. Ganun lang yun kasimple.
ReplyDeleteProud to be INC Member...
ReplyDeleteWala ito sa bilang,ito'y sa pamamagitan ng Pagpapasakop at Pagkakaisa kaya't patuloy na nagtatagumpay ang INC.
ReplyDeleteNgayong ito ay naipaliwanag na ng opisyal sa lahat, INC man o Hindi, maaring ito ay kanilang ( Hindi Iglesia ) pag-aralan at gayahin na gawin sa kanilang relihiyon. Ang masasabi ko lang sa kanila kahit gayahin ninyo ang pamamaraan ng Iglesia ni Cristo, hindi ninyo makakamit ang pagtatagumpay. Bakit ? WALA SA INYO ANG TOTOONG DIYOS NA GUMAGABAY SA TOTOONG IGLESIA NI CRISTO. Paano ninyo makakamit ang tagumpay at pagpapala ng totoong Diyos ? MAG IGLESIA PO KAYO !
ReplyDeleteProud to be a member of the true Church of Christ :). Only the true church has the True God. Catholic church is False church that's why they have a False god who is Satan..
ReplyDeleteAgain, proud to be INC :)
slmat sa nagpaliwanag nito siguro nmn nalinawanagan n sila sa mga pangungutya nila sa inc ,,,,at sa kung ano anong sinasbi nila n hndi magada.kya kung may doubt kau sa inc bakt d kau manliksik at magtanong malaya po kayong sasagutin wag kau matakot o mahiya.ok po mga mhl kung kptd kapwa ko mahl ko
ReplyDelete