90% ng depensor katoliko sa Pilipinas ay matatawag na "manloloko", karamihan kasi sa kanila kung ano-anong ginagawang maduduming taktika para lang makapangloko ng iba. Merong nagsisinungaling, nandadaya, nanloloko, at meron ding edit ng edit ng mga larawan --lahat ng itoy ginagawa nila para siraan ang Iglesia ni Cristo.
Ang numero unong tagapag-edit ng larawan ngayon ay si Franklin Enriquez na gumawa ng debate group sa layuning siraan ang INC at asarin ang mga myembro. Ito ang ilan sa mga pambababoy niya:
Yung totoo?
Hindi siya edukado at hindi niya kayang tindigan ang mga argumento niya ng walang edited photos.
Ganito na po kadesperado ang mga depensor katoliko, huwag na tayong magtataka dahil karamihan sa kanila ay madumi ang pagkatao.
Balikan natin yung mga PANLOLOKO ng Catholic Defenders...
Panloloko #1- Catechism of Christian Doctrine
Narito po ang akusasyon nila:
Ayon sa mga ministro ni Manalo, inaamin daw natin na tayo’y sumasamba sa larawan. Inihaharap nila ang Cathechism (sic) of Christian Doctrine na nagsasaad diumano, ayon sa kanilang pagkakaliwat sa Pilipino, ng ganito:
“Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”
Pansinin po ninyo na ginamit nila ang salitang “pagsamba” doon sa tanong. Tama po ba ang kanilang pagkakasalin?
Ano po ba ang tunay na nasasaad sa orihinal na Inggles ng Catechism of Christian Doctrine[3]? Ganito po:
“Is the veneration of saints confined to their persons?
No; it extends also to their relics and images.”[4]
Ang salitang “veneration” sa orihinal na Inggles ay isinalin ng mga na ministro ni manalo na “pagsamba.” Tama po ba ang pagkakasalin nila? Aba’y hindi po sapagkat ang “veneration” ay nangangahulugan lamang na “paggalang” at hindi “pagsamba.”
Orihinal na Catechism of Catholic Doctrine ng La Salle Bureau
Pansinin na hindi ginamit ng Catechism of Christian Doctrine ang “worship” o “adoration” kundi “veneration” lamang. Gumagawa ng sariling kuwento ang mga Iglesia ni Manalo. Ang “pagsamba” ay bunga lamang ng kanilang malikot na imahinasyon!
Ayon din daw sa Cathechism (sic) of Christian Doctrine ang Iglesia ni Manalo mismo ang nagsalin sa Pilipino:
Pansinin na ginamit ng Iglesia ni Manalo ang salitang “sambahin”, Sila mismo ang may gawa ng salin na iyan.
Ang “honor” ay ginawa nilang “sambahin” ngunit sa sagot iniliwat nila “paggalang” Pansinin din ang “veneration” ay isinalin nilang “pagsamba”
Tama ba ang pagkasalin nilang ito?
Pansinin po ninyo sa orihinal na Ingles ng Catechism of Christian Doctrine:
“Ought we to honor holy images?
We should have and keep, particularly in our churches, images of our Lord, as also of the Blessed Virgin and other saints, and we should pay them due honor and veneration.”[5]
Sa Catechism of Christian Doctrine nakalagay ay “honor holy images” sa tanong at sa sagot ay “pay them honor and veneration.” Walang binanabanggit na “worship” o adoration.
source: splendorofthechurch.ph
Tanong, mali nga ba ang pagkaka-kowt ng INC at binago nga ba ang nakasaad sa #13 at #15 ng nasabing libro?
Sagot: Hindi, dahil ang source ng INC ay ang Catechism of Christian Doctrine no.3 at ang kinuhaan naman ng website na iyon ay ang Catechism of Christian Doctrine no.4. Obvious naman na sinadya talaga nilang ibahin para lang sabihin BINAGO daw ito ng INC.
Ebidensya?
Eto po:
Panloloko #2- Tula ni Ka Daniel Lapid Sr.
Ito ang ikinakalat ng mga CFD sa internet para palabasing sinasamba daw namin si "Kapatid na Manalo":
Ngunit nung nahanap ang orihinal na kopya, ganito pala ang nakalagay:
"Ang Iglesia Ni Cristo, sa Diyos ay nagpupuri,
Sa tulong N'yang iginawad sa Sugo N'yang bilang huli,
Siya ang nagpalakas, umalalay at kumandili,
Pangalan N'ya'y luwalhatiin at sambahin na parati"
Narito po ang buong scan ng page para sa mga nag aalinlangan:
Panloloko #3- Confraternity Bible
Noong August 5, 2006 may naganap na debate sa pagitan ng INC at Catholic Church kung saan pinanindigan ng representative ng CFD na si Mr. Talibong na may mababasa sa bibliya na "Holy Catholic Apostolic Roman Church". Ngunit wala namang bibliya sa buong mundo ang may ganoong salin kung saan ang pangalang iyon ay mababasa sa Mateo 16:18.
Yun pala, pinalitan nila ang pahina ng Confraternity Bible, yung "MY CHURCH" ginawa nilang "HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH". Yan ang pinaka worst na maaaring gawin ng isang debater, mismong talata ba naman sa bibliya binago.
Panloloko #4- Roma 16:16 New Pilipino Version
Ayon sa ipinapakalat ng mga Catholic defenders mali daw ang inilabas na talata ni Ka Joe Ventilation doon sa debate sa Cebu City. Ang nakalagay kasi sa screen ay "Lahat ng iglesia ni Cristo" samantalang ang sabi nila DAPAT DAW "Lahat NG MGA iglesia ni Cristo". Tinanggal daw ang "MGA" sa talata.
Narito po ang litratong kanilang ikinakalat:
Kita naman sa itaas na bahagi ng screen na NPV o NEW PILIPINO VERSION ang ginamit at nasusulat naman talaga doon ang phrase na "LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO" na walang "MGA".
Patunay?
Sa pagtatanong tanong ko ay nakakuha ako ng kopya, galing sa isang kapatid:
Ayan po maliwanag na maliwanag, HINDI MALI ANG GINAGAMIT NG IGLESIA NI CRISTO at hindi nito iniiba ang talata. Sabi kasi nila sa english bibles daw CHURCHES OF CHRIST ang pagkakasalin sa Romans 16:16 kaya daw hindi dapat mawawala ang salitang "MGA" sa talatang iyon.
Buking na buking tuloy. Eto pa para masaya sila, sarili kong bibliya "Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong edisyon pastoral" na isang CATHOLIC EDITION:
Sa mismong salin ng bibliya nila, wala din ang salitang "MGA".
Eto pa, baka nakukulangan, sa bibliyang "Ang buhay na salita":
Yan tuloy, halatang halata ang mga Catholic defenders, sino ang tunay na manloloko?
Panloloko #5- Pasugo March 1956, p.25
Ito ang madalas na ikowt ni Catholicdefender2000 sa kaniyang blog:
PANSININ: Ang mga ito ang Ministrong inaralan at inatasang magpahayag ng pagkatatag ng Iglesia Katolika Apostolika Romana:
Si Emiliano Magtuto--PASUGO Nob. 1956, p. 18: -- 44 B.C.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Peb. 1959, p. 1: -- 400 A.D.
Si Benjamin Santiago -- PASUGO Ago. 1962, p. 3: -- 1870 A.D.
Si Teofilo C. Ramos -- PASUGO Mar. 1956, p. 25: -- 1870 A.D.
Si Joaquin Balmores -- PASUGO Peb. 1952, p. 9: -- 400 A.D.
Halatang sinipi niya ito sa isang anti-INC na libro na may pamagat na "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"
Isa lamang ang Pasugo March 1956, p.25 sa napakadaming pasugo issues kung saan ginawan nila na kwento na diumanoy may ganitong nakasulat, etc...
Kung meron nga lang ako ng mga pasugong binabanggit sa aklat ay ii-scan ko ito para malaman ng lahat na pawang kasinungalingan lang ang nakasulat sa libro na iyon na madalas ikowt ng mga Catholic defenders.
Eto po ang orihinal na kopya, kahit kayo na mismo ang magbasa at maghanap kung meron ngang mababasa na sinabi ni Ka Teofilo Ramos na natatag ang Iglesia Katolika noong 1870 AD:
Meron ba?
WALA.....
Pati nga may akda hindi naman si Ka Teofilo Ramos kundi si Ka Lauro Dolorito!
Ilan lang yan sa napakadaming panloloko ng mga Catholic Defenders, at patuloy akong maghahanap ng mga ibinibintang nila sa INC na diumanoy binago daw ang nakasulat at mga nakalagay sa pasugo kung saan BINAGO nila ang nakasaad.
Panloloko #6 - Ticket ng inagurasyon sa Philippine Arena
Ikinalat ng mga CFD ang larawan ng isang edited photo ng ticket kung saan sa halip na ang nakalagay sa pricing ng ticket ay "Complimentary not for sale" ay ginawa nila itong "P1000 non refundable". Mapapansin po ninyo sa larawan sa itaas na IISANG larawan lamang po ito at halatang tinamper lang nila ang orihinal na nakasulat dito.
Katotohanan: Wala pong bayad ang ticket sa inagurasyon ng Philippine Arena!
Panloloko #7 - "Catesismo" ni Padre Luis de Amezquita
Ayon sa ikinakalat na maling source ng mga CFD, wala daw ang pangungusap na "Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar, magwika ka ganito: “Sinasamba kita," sa kabuuan ng libro ng Catesismo na sinulat ni Padre Amezquite.
At ang ginamit nilang libro?
Ayon sa knowthetruth.ph, eto daw po: "“Catecismo: na pinagpalamnan ng mga pangadyi at maikling kasaysayan na dapat pag-aralan nang taong cristiano.” Ito
po ay inilimbag noong 1933 ng Libreria Y Papeleria de P. Sayo vda. De
Soriano, sa Rosario No. 225, Binondo y Azcarraga, No. 552, Tondo,
Manila, I.F."
Eh ang tanong, ano bang libro ang ginagamit ng INC?
Eto po: "Catesismo na kinapapalamnan ng mga dasal at maikling kasaysayan na dapat pag aralan ng taong Kristiyano" tinagalog ng Padre Predicador Fr. Luis de Amezquita
Ang tanong, totoo bang nandaya ang mga ministro ng INC kung saan dinagdagan daw nila ng pangungusap at idinugtong sa isa pang pangungusap sa libro?
Tignan nga natin kung may mababasa tayo sa libro:
Ayan po kitang kita meron naman pala! (Pansinin ang mga may salungguhit)
Panloloko #8 – “The fourth Gospel”
Ayon sa isang blog ng mga CFD:
Mapapanuod
po natin sa videong ito na si Ramil Parba, isang ministro sa Iglesia ni
Cristo 1914 ay gumamit ng isang reperensiya para lang tutulan ang isa
sa mga talatang ginagamit ng mga naniniwalang ang Panginoong Jesu-Cristo
ay Diyos, ang Juan 1:1.
https://www.youtube.com/watch?v=CEDXTOCN8go
Napanuod po
natin na sinipi ni Ramil Parba ang librong, “The Fourth Gospel: Its
Significance & Environment at nasa pahina 99 daw…
Ang tanong meron ba talagang nakasulat na ganyan sa pahina 99 ng nasabing libro?
Ito ngayon ang libro…
Tignan po natin sa pahina 99 kung totoo nga ang sinasabi ni Ramil Parba…
Malinaw po na wala sa pahina 99!
So, alam nyo na kung ano ang ibig sabihin nyan.
Ang tanong, tama naman ba ang ginamit nilang SOURCE
upang hanapin ang pangungusap na kinokowt ng INC?
Narito po ang ORIHINAL na libro na ginagamit ng INC:
Muli, kitang kita po natin na MERON at hindi mga kathang
isip lamang ang mga reperensyang ginagamit ng mga ministro sa Iglesia.
MUNTING PAALALA:
Huwag na huwag tayong maniniwala sa mga ganitong uri ng mga taong ito sapagkat silay mga sinungaling dahil yun ang gawain ng kanilang Ama:
"Ang diyablo ang inyong Ama! At ang kagustuhan niya ang ibig ninyong gawin. Noon pa man ay mamamatay-tao na siya. Hindi siya pumanig sa katotohanan kailanman, sapagkat walang puwang sa kanya ang katotohanan. Likas sa kanya ang magsinungaling, sapagkat siya'y talagang sinungaling, at siya ang ama ng kasinungalingan". Juan 8:44
references:
http://odelcrosspuregospel.blogspot.com/2014/02/pinekeng-tula-ni-kapatid-na-daniel.html
http://pristinesearch.blogspot.com/2012/12/answering-catholic-defenders-part-1.html
http://batangtupa.blogspot.com/2013/07/sinu-ang-tunay-na-manloloko.html
markey juan