"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 24, 2013

Sino o ano ba ang Diyos sa Juan 1:1, si Kristo ba o ang Salita?

Hindi ba kayo nagtataka sa verse na laging ginagamit ng mga trinitarians para patunayang Diyos si Kristo? At alam nyo bang mismong mga bible scholars at bible translators ang hanggang ngayoy nag-aaway away sa hindi mapagkasunduang salin ng John 1:1 kung dapat bang ito ay "the Word was God" o "the Word was a god" kung kayat ang iba ay may ibang pagkakasalin din tulad ng "the Word was divine" at iba pa?

Hindi ko na pahahabain ang post kong ito, kayo na lang po mismo ang mag-isip kung ito bang verse na ito ay pinapatunayang Diyos si Kristo...

Ibalik natin ang tanong, Sino o ano ba ang "diyos" na kasama ng "Diyos (Almighty God, the Father)" na nasa John 1:1? Si Kristo ba o ang Salita?


"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God." NIV
"In [the] beginning the Word was, and the Word was with God, and the Word was a god." NWT

Ang kinuhaan ko ng salin ng John 1:1 ay isang trinitarian at isang non-trinitarian para patas, at sa dalawang salin na ito malinaw na malinaw kung sino o ano ang binabanggit na "diyos o Diyos".

Maaaring sabihin ng ilan, "si Kristo yang WORD na yan! eto oh, Rev. 19:13, basa..."


 "He is dressed in a robe dipped in blood, and his name is the Word of God." NIV

 "He wore a robe dipped in blood, and his title was the Word of God." NLT

"Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay "Salita ng Diyos."" BMB

Maliwanag ang nakasulat, kung si Kristo nga ang tinutukoy dito, ang sabi, ang tawag sa kaniya o ang pangalan niya o ang titulo niya ay "SALITA NG DIYOS". Malayo sa nakasaad sa John 1:1 kung saan sinasabi nilang "Ang Salita" ay si Kristo. Magkaiba rin ang "Salita ng Diyos" sa "Ang Salita ay Diyos".

Kung ganyan ang paliwanag nila, halatang halata naman na pansarili lang nilang interprestasyon yon. Ano ba talaga si Kristo, SALITA NG DIYOS o ANG SALITA?

Isa pang tanong, sino o ano ba ang naging laman o naging tao, si Kristo ba o ang Salita?

"The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth." NIV

"So the Word became human and made his home among us. He was full of unfailing love and faithfulness. And we have seen his glory, the glory of the Father's one and only Son." NLV

Kayo na po ang bahalang humusga at sumagot...

Paalala lang, sa bibliya po tayo maniwala at hindi sa mga pansariling interpretasyon ng kung sino. Maliwanag na maliwanag ang nakasulat, wag nating dadagdagan NI babawasan.

Baka sakaling makatulog sa inyong pagsusuri: http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2012/12/si-kristo-ba-ay-tao-lang.html


16 comments:

  1. 3 Through [him] all things were made; without [him] nothing was made that has been made

    --Tanong: Sino po ba yung [him] na tinutokoy sa John 1:3?

    •the Word?
    •the God?
    •the Word of God?
    or •Christ?

    paki sagot lang po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Kristo po ang tinutukoy dyan.

      kaya nga ayon sa I Cor. 8:6:

      "But we know that there is only one God, the Father, who created everything, and we live for him. And there is only one Lord, Jesus Christ, through whom God made everything and through whom we have been given life."

      At sa I Col. 1:16:

      for through him God created everything in the heavenly realms and on earth. He made the things we can see and the things we can't see--such as thrones, kingdoms, rulers, and authorities in the unseen world. Everything was created through him and for him.

      Ibig sabihin, ginawa ang lahatsa pamamagitan ni Kristo AT PARA KAY KRISTO, kung wala si Kristo sa isip ng DIyos noong simula bago pa lalangin ang mundo ay wala sanang nagawa ang Diyos.

      SA john 1:1, maliwanag ang sabi, THE WORD WAS GOD. ang salita ang D/diyos at hindi si Kristo. sa john 1:3 naman, Si Kristo ang sinasabing sa pamamagitan niya ginawa ang lahat ng bagay at sa I Col. 1:16, ginawa ang lahat ng bagy PARA SA KANIYA.

      Kaya kung iimagin natin, hindi dapat natin isipin na nung simula ay katuwang niya si Kristo o CO CREATOR na para bagang kailangan pa niya ang isa pang "Diyos" para lang magawa ang lahat ng bagay, alam mo naman at alam naman natin na ang Diyos, ang Ama ang PINAKAMAKAPANGYARIHAN sa lahat, at tanong niya, SINO ANG KASAMA KO NG GAWIN KO ANG MUNDO?:

      "This is what the LORD says--your Redeemer and Creator: "I am the LORD, who made all things. I alone stretched out the heavens. Who was with me when I made the earth?" Isaiah 44:24

      meron ba?

      "O LORD of Heaven's Armies, God of Israel, you are enthroned between the mighty cherubim! You alone are God of all the kingdoms of the earth. You alone created the heavens and the earth." Isa. 37:16

      WALA naman pala. Ang DIyos lang pala, mag-isa ang gumawa ng mundo at ng langit. Kaya maling mali na ipakahulugan dyan sa John 1:3 na para bang kailangan pa na may katuwang ang Diyos o kasama nung lalangin ang mundo. salamat po




      Delete
    2. ...Tama jeje. Nandito rin pala noon si Lay Apologist, nagsusuri din.

      Delete
  2. "This is what the LORD says--your Redeemer and Creator: "I am the LORD, who made all things. I alone stretched out the heavens. Who was with me when I made the earth?" Isaiah 44:24

    YAHWEH ALONE IS THE CREATOR - THIS IS A TRUE STATEMENT
    BUT WHERE IS THE WORD "FATHER" IN THE VERSE?

    "O LORD of Heaven's Armies, God of Israel, you are enthroned between the mighty cherubim! You alone are God of all the kingdoms of the earth. You alone created the heavens and the earth." Isa. 37:16

    YAHWEH ALONE IS GOD AND CREATOR - THIS IS A TRUE STATEMENT
    BUT WHERE IS THE WORD "FATHER" IN THE VERSE?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Here is the word "FATHER":

      "Do we not all have one father? Has not one God created us? Why do we deal treacherously each against his brother so as to profane the covenant of our fathers? Malachi 2:10

      “But now, O LORD, You are our Father, We are the clay, and You our potter; And all of us are the work of Your hand.” Isa. 64:8


      The ONLY TRUE GOD IS THE FATHER. God does not need to say that he is the "Father", because the one who should do that are the people and not him.

      Delete
  3. Hindi "ano" kungdi "sino" ang Verbo sa Juan 1:1.

    Isang Individual ang Verbo sa Juan 1:1.

    Ang ebidensiya ay "grammatical". Ang Verbo sa Griyego ay "logos" pero sa ebanghelyo ni Juan di lamang logos ang sinulat niya kungdi ito ay may kasamang "determiner" o "definite article" na "ho" ( sa Ingles ay "the"). Kaya ang salin sa mga ibang wika ay ganito "Ang Verbo" , "Ang Salita", "The Word", ( Sa Griyego "ho logos).Samakatuwid, ginamit na "title"or "appelation" ang salitang logos na nangangahulugang ang "logos" ay ang "head noun" sa noun phrase na "ho logos".

    Mababasa natin sa Juan 1:1 na ganito rin ang gamit ng ton theon ( Ang Diyos) ng ikalawang clause sa talata at ito ay contextually tumutukoy sa Ama.

    SUMMARY:

    Ang Diyos

    Ang Verbo

    dalawang title/ appelations ng dalawang individual.

    Sino ang Diyos? Ang Ama ayon sa Juan 1:14 at 18.

    Sino ang Verbo? Ang only-offpring ng Ama na Diyos sa likas katulad niya ayon sa Juan 1:14 at 18.

    Oo. hindi si "Cristo" ang Verbo ng Juan 1:1 pero ang Verbo ay ang "Anak" ayon sa kontexksto ng ebanghelyo ni Juan.

    "The Word in John 1:1 is the pre-existent Son. The Word who came into existence in a human body ( Greek ho logos egeneto sarx), he is called "Christ".

    Samakatuwid, ang Verbo/Anak na nagkawatang tao ay tinawag na "Cristo".

    "Christ is the Word/ Son in flesh. Before he came on earth in Mary's womb, he is already called " monogenes" ( Englsih: only ofspring)of the Father.Hence, this means that before the Word became flesh he is already the Son who is of same nature with the Father"

    "Ang Ama ay hindi ang Anak. Ang Anak ay iba sa Ama. Ang Nagsugo ay iba sa sinugo. Ang Ama ang nagsugo sa kanayang Anak. Pareho sila ng likas dahil sila ay mag Ama."

    How could INC explain this out?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige, dahil mabait ako, sundan natin ay iyong argumento.

      Ang sabi mo, SINO at hindi ANO ang LOGOS sa John 1:1 kasi may DEFINITE ARTICLE na "THE" at yung "THE WORD" na iyon, sabi mo ay ang "ANAK".

      eh di ibig sabihin din, na yung "THE WORD/LOGOS" dito sa talatang ito ay ang ANAK din ang tinutukoy:


      Luke 1:2
      "Even as they delivered them unto us, which from the beginning were eyewitnesses, and ministers of the word" (KJV)


      may definite article yan ah, THE WORD. Ang anak pala ang tinutukoy diyan...

      Sa tagalog bible, ganito ang sabi:

      "Ang kanilang isinulat ay ayon sa itinuro sa amin ng mga tao na buhat pa sa pasimula ay nakasaksi nito at nangaral ng Magandang Balita." BMBB


      ANAK ANG TINUKOY???

      Sabi mo:

      "Oo. hindi si "Cristo" ang Verbo ng Juan 1:1 pero ang Verbo ay ang "Anak" ayon sa kontexksto ng ebanghelyo ni Juan."


      Hindi si KRISTO ANG VERBO, KUNDI ANG ANAK?

      Ibig sabihin, IBA si KRISTO SA ANAK? Saang talata mababasa yan??

      Ang gusto mo ring palitawin, eh ANG ANAK, ang likas niya ay DIYOS LANG, si KRISTO naman, DIYOS AT TAO... Nung bumaba kasi ang ANAK naging Kristo, ibig sabihin, nadagdagan ang likas niyang kalagayan...

      Ang galing naman ng Diyos niyo, paiba iba. Saka nakakasurpresa talaga, may pananampalatayang ISLAM ka pala. Sa kanila kasi hindi sila naniniwala na si KRISTO ay ANAK NG DIYOS.

      At yun ang pinapalabas mo ngayon. Sabi mo kasi, IBA SI KRISTO SA ANAK.


      SABI MO:

      "Ang Ama ay hindi ang Anak. Ang Anak ay iba sa Ama. Ang Nagsugo ay iba sa sinugo. Ang Ama ang nagsugo sa kanayang Anak. Pareho sila ng likas dahil sila ay mag Ama."

      Yan ang argument nyong ang baboy sa baboy ay BABOY.
      Ang kalabaw sa kalabaw, ang anak ay KALABAW.
      Ang aso sa aso ay ASO ang anak.
      Ang TAO SA TAO ay TAO ang anak.

      Tapos ang sabi niyo, PAREHO SILA NG LIKAS dahil sila ay MAG-AMA.

      Kung ganiyan ang ating argumento, SINO ANG ASAWA NG DIYOS???
      Para naman complete at accurate ang argumento 1x1=1
      Diyos sa DIYOS, ang kalalabasan ng anak ay DIYOS.

      Tanong: Sino ang ASAWA NG DIYOS? Pag sinabi bang silay MAG AMA literal na offspring? Eh pano yan di ba ang AMA NATING LAHAT AY ANG DIYOS? Eh di mga Diyos din pala tayo SINCE NANGGALING TAYO SA DIYOS. Ginawa tayo na "KALARAWAN" niya.SIYA ANG GUMAWA SA ATIN.

      Ibig sabin, mga DIYOS DIN TAYO. Pati ANGHEL. Pati mga HAYOP, lahat ng ginawa niya ay mga DIYOS kasi SIYA ANG GUMAWA.

      Delete
    2. Lumalabas po hindi parin nya naunwaan ang panginoong dios ama kasi kung may dios na nagsugo at ang anak na sinugo ay dios din eh magiging dalawa na ang dios ito pa magkakaroon ngayon ng dios na kumikilala sa dios, kailangan sundin natin ang nasusulat sapagkat yan ang salita ng panginoong dios at hindi sa pangkahulagan lamang ng ating sarili upang di tayo mahulog sa maling pananampalataya

      Delete
    3. Sa Juan 1:12 Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.

      Dito magkakaproblima yong nagsabing pag anak ng dios ay dios din maraming sumasampalataya at tumanggap ng karapatang maging anak ng dios so ang mga anak ng dios ay mga dios narin pala

      Delete
  4. alam na nating lahat ng iisa lamang ang manlalalang o manlilikha walang iba kundi ang dios lamang, ngayon kung sasabihin natin na ang salita ay dios hindi ibigsabihin ang salita ay yon narin ang manlilikha kundi ang salita ay nagmula sa panginoong dios at ang salita ay naging tao, dito kaya sapagkat ito ang kaganapan ng salita ng dios kung susundan natin ang pangyayari salitang naging tao at hindi po dahil naging dios po itong o naging manlilikha sapagkat may pinagmulan po galing po sa salita na sinalita ng dios na makapangyarihan sa lahat , pag aralan po nating mabuti upang huwag tayong mahulog sa maling pananampalataya naging tao na eh ginawa nyo paring dios

    ReplyDelete
  5. Ganire kasi yan,

    - ang salita mo ay imahe ng iyong isipan (and the Word was God)
    - ang salita mo ay kumakatawan sa iyong kalooban (and the Word was with God)
    - mailalabas mo ang iyong kalooban sa pamamagitan ng pananalita (In the beginning was the Word)
    - kung ano man ang nilabas mo sa pananalita ay mananatili pa din sa iyong kalooban (He was in the beginning with God)

    ngunit:

    - ang iyong salita at ang iyong nasasaisip ay dalawang magkaibang bagay (And the Word became flesh and dwelt among us...No one has seen God at any time. The only begotten Son, who is in the bosom of the Father, He has declared Him.)

    Si Jesus ay Salita ng Diyos. Siya ay imahe ng Diyos. Siya lamang ang nakakaalam ng kalooban ng Diyos. At dahil siya ay Salita ng Diyos, siya ay nananatiling nasa kalooban ng Diyos. Ngunit ang Salita ng Diyos at ang Diyos ay dalawang magkaibang bagay.

    Naguguluhan na ba kayo? Dapat lang... kaya nga ang Trinity ay nananatiling isang misteryo at theorya lamang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly . Hahaha ganyan nga yun 😂😂

      Delete
  6. john 1:2

    KASAMA NA "SIYA" NG DIOS SA PASIMULA PA

    "HE WAS IN THE BEGGINING" with God.

    sino ba ung HE o SIYA na kasama ng Dios sa pasimula pa ?

    PS alam ko na salita ang isasagot mo pero HE kasi nakasulat kaya SINO yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  7. Saan mababasa sa juan 1:3 na "kung wala sya sa isip ng Dios wala sanang malilikha" ?

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.