"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

February 24, 2013

Nalalapit na naman ang eleksyon

Eto na naman ang eleksyon sa Pilipinas, at kapag usapin sa eleksyon at relihiyon, imposibleng hindi mababanggit ang pangalan ng Iglesia ni Cristo dyan. At imposible ring hindi babatikusin ng paulit-ulit-ulit-ulit ng mga hindi myembro ang kaisahan sa pagboto na ginagawa simula pa noong 1st Philippine election, panahon ng pagkakalulok ni Former Pres. Manuel Quezon na sinuportahan din ng INC.

Hindi ko lubos maisip kung bakit sa hinaba haba ng panahon, imagine noong 1935 ay nagkaroon na ng kaisahan sa pagboto ang INC, ibig sabihin 78 years na itong ginagawa paulit ulit tuwing eleksyon pero ang mga reaksyon at opinyon ng MEDIA at mga hindi myembro ay paulit ulit ulit lang din kahit pagod na pagod na pagod na ang mga myembro sa kakasagot sa magkakaparehas na tanong na ito, ilang beses na rin itong nasagot sa PASUGO MAGAZINE ng Iglesia ni Cristo.


1. Wala naman sa bibliya yang bloc voting nyo, gawa gawa nyo lang ng mga ministro nyo yan!
2. Bakit nakikisawsaw sa pulitika ang Iglesia ni Cristo, hindi na ginalang ang separation of church and state!
3. Mga uto uto naman kayong mga myembro, hindi kayo binigyan ng kalayaan ng lider nyo sa pagboto!
4. May bayad at kapalit naman yang pagsuporta nyo sa mga pulitiko!
5. Sinasabi nyo milyun milyon kayo pero marami sa mga sinuportahan nyo hindi naman nanalo sa eleksyon!

Meron ba akong nakalimutan?^^

Maraming makakabasa nito at magtataas ng kilay at magsasabing "eh totoo naman yan eh!"

Opo. Naging totoo nga dahil yun ang naikintal sa isip nyo ng MEDIA, ng mga kakilala nyo at mga magulang nyo tungkol sa kaisahan ng pagboto ng Iglesia ni Cristo. Ang lahat nilang opinyon at reaksyon ay nakaapekto at nakaimpluwensya sa paghatol o pagjujudge nyo sa bloc voting na ito ng Iglesia habang tumatanda kayo. Pero maniwala man kayo o hindi, lahat po ito ay PAWANG KASINUNGALINGAN at kahit kailan, sa 78 years nang ginagawa ito ay walang makakapagpatunay sa mga AKUSASYONG ito. Itoy pawang mga kathang isip na naisalin habang lumilipas ang panahon, at syempre sa tulong ng MEDIA, lalong nilang pinapapangit at pinapasama ang imahe ng Iglesia ni Cristo sa madla.

Maaaring itanong ng ilan, bakit mo naman sinasabing pawang kasinungalingan ang opinyon ng media tungkol sa bloc voting nyo? Di bat silay nagbabalita lamang?

May punto kayo, pero naisip nyo ba kung papaano gumawa ang reporters tungkol sa SHOWBIZ at reporters tungkol sa POLITICS? Magka pareho lang eh!^^

Kumbaga pag gagawa ka ng article, dapat yung title mo catchy, at yung content mo may maanghang na pasabog para hindi mabobored ang magbabasa ng artikulo mo. Ganyan na ganyan ang ginagawa ng reporters, hindi lang basta tama ang impormasyon binabalita nila, SOBRA pa, dinadagdagan nila at binibigyan nila ng konting kulay ang mga usapin para lalong mapag-usapan.

Nagets nyo ba ang punto ko?^^

Nito lang February 28, 2012, ang Iglesia ni Cristo ay nagsagawa ng MALAKIHANG PAMAMAHAYAG sa Quirino Grandstand at sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas bilang panimula sa tema sa taong yon, ito ay ang "Puspusang pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos" bilang paghahanda sa 100th anniversary sa July 2014. 

Eto namang makakati ang dilang mga taga-Media kasama na ang kanilang out of the world imagination ay ikinonekta ang PAMAMAHAYAG kay Corona. Nag-isip din ako, akala ko ba puro katotohanan ang ibinabalita ng mga taga-MEDIA? Hindi ba sila nagreresearch kung ano ang pamamahayag? O puro opinyon lang talaga ang nilalahad nila at hindi na sila gumagawa ng mas malalim na research?

Nakakatawa kasi ang mga reaksyon nila, sabi daw show of force, kesyo para ipakita kay Pres. Aquino ang milyon milyong myembro ng INC, na kesyo para balaan daw ang mga senator judges na mag ingat sa paghatol kay Corona, kesyo bakit hindi daw sumali ang El Shaddai sa religious rally/political rally/prayer rally, kesyo bakit daw maraming pulitiko ang inimbitahan...

Parang eto oh, isang ignoranteng nagmamayabang wala naman palang alam:

I congratulate columnist Conrado de Quiros for another incisive commentary, “Voice of God.” (Inquirer, 3/1/12)
I share his misgivings over the real intent of the so-called prayer rally held by the Iglesia ni Cristo (INC) last Feb. 28 at the Luneta. If it was a prayer rally, why was Supreme Court spokesman Midas Marquez present? Is Marquez a member of the INC? Or was he ordered by Chief Justice Renato Corona himself to be highly visible in this “religious” gathering to convey to one and all that the INC supports Corona all the way? So much for the non-political character of the rally.
I know for a fact that our Constitution strictly provides for the separation of Church and State. My understanding of this is that religious sects or denominations should keep off secular and state affairs, and the state should keep off religious affairs.
—JOHN CUBE, johncube@hotmail.ph 
source: inquirer.net

Hindi ko alam kung bakit kailangang magmagaling ng mga taong wala namang kaalam alam sa isyu, hindi lang po siya ang ganyan kundi napakarami pang iba, nagkalat sila noong kasagsagan ng isyung yan sa mga forums at comment section ng mga balita tungkol doon.

Baka hanggang ngayon ay wala pa ring alam ang iba kung ano bang meron sa PAMAMAHAYAG (EVANGELICAL MISSION), ito po ay isang aktibidad sa Iglesia ni Cristo kung saan nag aanyaya ng mga di kapananampalataya upang makapakinig at makapagsuri sa mga aral ng Iglesia ni Cristo.


ANONG NANGYARI PAGKATAPOS ANG PAMAMAHAYAG NG IGLESIA NI CRISTO?

PAHIYA ang mga taga-MEDIA, mga inggiterot inggetera at ang mga nagmamagaling na nanghusga muna bago alamin ang katotohanan. Para silang naposses ng dyablo dahil sa mga kasinungalingang nilahad nila sa publiko lalo nat pinapasama lagi nila ang imahe ng INC sa mga tao.

Tanong, bakit ko nabanggit ito?

Ayon kasi sa mga nabasa ko sa mga forums ay may gaganapin na namang malaking pamamahayag ang Iglesia sa April 2013, hindi pa naman daw ito sigurado o kung ano pa man pero saka sakaling itoy totoo, alam na naman natin ang mangyayari niyan... Ikokonek na naman panigurado yan sa nalalapit na ELEKSYON!

Oh ngayon alam nyo na ah, February pa lang tignan natin ang magiging balita na naman at ang mga maiitim na balak na naman ng mga di mapigilang mainggit sa INC...

 

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.