"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

October 28, 2012

Ang Iglesia ni Cristo at freedom of speech

 
Marami ang nagsasabi ngayon at ginagawa pang atake ng Iglesia ni Mr. Soriano, ang MCGI at ng mga Katoliko ang isyu tungkol sa pagsampa ng kaso ng INC sa libro ni Mr. Tipon na "The Power and the Glory: The Cult of Manalo" na masasabi kong expected na ang resulta na mabigo ang kaso dahil nga makapangyarihan ngang talaga ang "freedom of speech/expression"

Tanong: Wala bang FREEDOM at RIGHTS ang INC na magsampa ng kaso at iexpress ang saloobin nito tungkol sa libro ni Mr. Tipon?

Hindi ba makatarungan  kung sabihin man ng lawyer ng INC ang mga katagang ito:

"The publication of the criminal manuscript will trigger social unrest," he said. "Millions of people may come out in the streets and this may lead to violence." The book contains allegations based on hearsay and insinuations against the INC that could trigger protest among millions of church members nationwide,"
source: philstar.com

Kung ang libro ay naglalaman ng masasabi nating kasinungalingan, exaggeration at bias, hindi ba katanggap tanggap kung sabihin man ng INC na ang libro ay "blasphemous"  at kung ito ay pinaniniwalaang pagsira sa imahe ng INC at pati na rin ni Ka Felix? Isa ba itong pagkitil sa FREEDOM OF SPEECH?

Kung gayon, bakit binigyan ng X RATING dati ng MTRCB ang programang "Ang Iglesia ni Cristo" noong nag aair ito sa Abs Cbn at iba pang local tv stations? Hindi bat pagkitil ito hindi lang ng freedom of speech kundi pati ng exercise of religious freedom etc.?

Sinasabing dahil daw inaatake ng mga panelist nito ang ibang religion tulad ng  Catholic Church at mga Protestante, pero kung manonood ka naman kahit 1 episode ng tv program na ito, hanggang ngayon ganon pa rin naman ang set up at takbo ng programa, hindi naman nito totally inaatake yun bang personal ang mga Protestante at mga Katoliko kundi dinidiscuss lang ang magkakaibang paniniwala at kinukumpara sa paniniwala ng Iglesia ni Cristo sa pamamagitan HINDI NG OPINYON, kundi ng bibliya.

Kung ikukumpara nga natin ang ginagawa ni Mr. Soriano sa mga programa niya di hamak naman na mas matindi ang mga pinagsasasabi niya at talaga namang napaka offensive lalo na at pinepersonal niya ang marami, tanong, binigyan ba ang mga programa niya ng X RATING?

Bukod pa ito sa mga pagmumura niya o pagsasabi ng mga di akmang pananalita lalot naturingan pa itong RELIGIOUS PROGRAM at pinagmamalaki pang nakahakot ng ibat ibang awards.

Tanong: Iglesia ni Cristo lamang ba ang may sitwasyon na nangyari ang ganito?

E ano ba ang ginawa ng MCGI ni Mr. Soriano sa programa ng dati nyang kanang kamay na si Mr. Willy Santiago sa programa niyang "Biblical Issues: Suriin natin" na dating napapanood sa IBC 13? Di bat sinampahan ng kaso sa MTRCB, hindi pa nakuntento at sinampahan pa siya at ng kapatid niyang si Mr. Warlee Santiago ng libel sa korte?  Hindi ba ito pagkitil sa freedom of speech?

(Sayang at nawala na ang website ng "Biblical issues" nabasa ko dati ang tungkol doon sayang at hindi ko naipost agad.)

 E ano naman kaya ang ginawa ng Vatican tungkol sa pelikulang "The Da Vinci Code"? Hindi ba ito pagkitil sa freedom of speech?

Marami na ang libro na ANTI-INC ngunit hindi naman sinampahan ng kaso, nagkataon lang na siguroy malala ang mga nakasaad sa libro ni Mr. Tipon, title pa nga lang ay offensive na para sa aming mga miyembro pati na sa Iglesia, paano pa kaya ang nilalaman nito?

Sinasabi na "takot" DAW ang INC na mabunyag ang katotohanan kaya ayaw ipapublish ang libro, alin naman kayang KATOTOHANAN iyon? Ilang libro na ang naipublish, bukod ba sa mga exaggerated na nilalaman ng mga ito, meron pa bang iba pang nakalap na impormasyon na KAILANGAN malaman ng mga tao?

Obvious naman ang sagot. I believe 90% ng nilalaman non na mga "katotohanan" kuno na kailangan malaman ng marami ay nakalagay na rin sa ibang libro at nabasa na sa mga pahayagan at pati sa internet. At ngayon, available ito sa mga bookstores sa Baguio, ano pa bang nirereklamo ng mga di mapigilang mainggit sa INC?

May masabi lang?

Para may pang atake?


Isa lang ang masasabi ko, ang bababaw nila!


5 comments:

  1. na-miss ko ang blog niyo ka.readme..salamat at binuksan niyo ule.kmusta po ang ang mga mababait na nag-complaint sa inyo na mga ADD..?tindi po nila noh?? :)

    ilan na nman kaya ang gusto nilang ipasara na blog/fb account?

    masaya kaya sila sa kanilang ginagawa?
    tsk!tsk!tsk!
    nahahabag aq sa mga kaluluwa nila...

    Sana hindi pa huli ang lahat...matuto silang hanapin ang katotohanan... :)

    ReplyDelete
  2. akala ko nga din, wala na itong blog ni ka readme, nanlumo talga ako nun nung hind ako makapasok...mabuti nlng naaus ulit... thanks kapatid..god bless

    ReplyDelete
  3. Im happy to be here in your blog again bro.. how's the accusations? how's our faith? goin' strong? I thought your blog was deleted..hopefully, not at all :) Let's continue spreading the truth, the True words of GOD..

    hope to read more articles from you and ideas from your blog as well :)

    good day and God Bless us :)

    ReplyDelete
  4. http://www.youtube.com/watch?v=HWadPVr2by0&feature=relmfu

    http://www.youtube.com/watch?v=UiIKiBcayP4&NR=1&feature=endscreen


    para po sa lahat ng kaanib ng Iglesia ni cristo ang ORIGINAL COMPOSITION KO PO AY inaalay ko sa bawat may tungkulin at sa PAMAMAHALA

    ReplyDelete
  5. Si Ross Tipon ay nasa Amerika na ngayon,nagtatago dahil sa kahihiyan.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.