"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

October 14, 2012

2000 kapatid sa New Bilibid Prison, bad news o good news?


May kumalat na balita noong nakaraang taon lang na naglalaman ng ganito:

"NAHAHARAP sa kasong kriminal sa tanggapan ng Office of the Ombudsman ang nagbitiw na Director ng Bureau of Correction na si Ernesto Diokno at dalawa pang opisyal na sina Supt. Richard Swarchok at Fr. Robert Ulager.

Ito ay matapos na sampahan sila ng nasa 2, 000 miyembro ng Iglesia ni Kristo na nakakulong sa new bilibid prison.

Batay sa Sworn Affidavit ng mga inc prisoners, nilabag ni Diokno at kasamahan ang Republic Act (RA) 3019 o ang Anti-Graft Corrupt Practices Act na nang 'di sila pinayagang makapagsagawa ng worship service sa loob ng NBP kung saan inalis umano nito ang kanilang karapatan na makapagsagawa ng service ang kanilang ministro.

Una nang pinagbawalan ang mga ito noong mga petsang Mayo 1, 5, 7 at 8 nitong taon na makapagsagawa sana ng scheduled service sa mga kasamahan."
source: rmnnews.com

Meron daw 2,000 miyembro ng Iglesia ni Cristo ang nagsampa ng kaso, na nasa NBP sa muntinlupa. Tapos, biglang may nagblog na 16% daw pala ng NBP ay mga KRIMINAL na Iglesia ni Cristo, eto po ang post.

Napapaisip tuloy ang marami, kahit mga kapatid, at kahit ako. Ibig sabihin ba nito ay maraming masasamang INC members ang nahuli na gumagawa ng masama?

Kaya humingi ako ng tulong sa mga kapatid, nagtanong ako sa kanila sa FANPAGE ng blog na ito at nalaman ko ngang may lokal pala ang Iglesia ni Cristo sa New Bilibid Prison.

Nalaman ko rin na madalas daw nangunguna ang lokal ng NBP sa gawaing pagbubunga, o lokal na maraming napapabautismuhan sa distrito at 100% daw lagi ang attendance sa mga pagsamba.

Lahat daw ng may tungkulin don, pwera ministro at manggagawa ay mga inmates.

Pero para sa ikaklaro ng statistics kung saan sinabi ng blogger ay ganito:

 • There are 32,000 inmates in NBP in Muntinlupa: 2,000 of them are INC members. This means that 16% of convicted criminals in Bilibid prison are Iglesia Ni Cristo members.

• There are 1,000 jails across the Philippines, more than 60,000 inmates. We can only guess how many Iglesia Ni Cristo criminal members are inside and outside the prison jail.

Muka pong mali ang ibinigay nyang mga numero. Ayon kasi sa research ko, 8,700 lamang ang totoong capacity ng NBP, ngunit as of 2004, meron na itong 16,747 inmates. (source: nscb.gov.ph)

At ang latest nga, sabi ni Drilon meron na daw itong 17,719 inmates at may kabuuan namang 36, 295 ang inmates sa buong Pilipinas. (source: gmanetwork.com)

Kaya masasabi kong 11%  ng inmates sa NBP ay mga Iglesia ni Cristo.

BAD NEWS ba ito o GOOD NEWS?

Syempre GOOD NEWS!

Kasi nga, patuloy na nadadagdag ang bilang at tunay ngang marami pa ang naliliwanagan sa mga aral ng Iglesia ni Cristo!^^





3 comments:

  1. Saka, dapat maliwanagan ang mga tao na hindi lahat ng mga INC sa NBP ay INC na before nakulong at naconvict. Hindi rin lahat ng naconvict ay criminal talaga. Ang daming nakulong na hindi kriminal at napakaraming kriminal pero nasa labas ng kulungan.

    ReplyDelete
  2. DATI PO AKONG MANGAAWIT KADA 3 BUWAN KADA DISTRITO NAG PAPADALA PO NG MANGAAWIT JAN SA BILIBID PRISON SA MAUNTIN LUPA...HALOS LAHAT PO JAN ''CONVERTS PO SA IGLESIA DAHIL MATAGAL NA SILANG NAKAKULONG JAN BAGO PO SILA NAGING IGLESIA NI CRISTO

    ReplyDelete
  3. Karamihan ng mga presong INC ay mga dating Catholic at mga nagsisisi sa kanilang ginawa and the Father accepts their apologies and assured them of their redemption....Pero kailangan nilang pagbayaran sa batas ang kasalanan nila.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.