Madalas nating marinig sa programa ni Mr. Eliseo Soriano ang pangangaral niya tungkol sa tunay na Iglesiang DAPAT DAW ANIBAN, ang Iglesia DAW na NASA BIBLIYA, na ang OPISYAL NA PANGALAN ay "IGLESIA NG DIYOS".
Pag ganyan ang topic, bigla bigla niyang ipapahanap sa kaniyang mga assistant sa tulong ni "kompyuuuteer" ang phrase na iyon sa bibliya. Sasabihin ni Mr. Soriano: "Meron bang Iglesia ng Diyos sa bibliya?" sagot ni assistant: "Eto po, isearch natin, meron po. marami." Tapos biglang pupunta sa ibang relihiyon, sasabihin niya: "Meron bang Jehovas witnesses sa bibliya?" "Meron bang Church of Jesus Christ of Latter Day Saints?" at iba pa...
At syempre ang isasagot ni assistant ay: "naku wala po brother, ang sabi po ni kompyuuteer ay phrase not found/results not found"
Nagtataka lamang ako kung bakit napakalakas ng loob ni Mr. Soriano na ipahanap kay kompyuuteer ang mga katagang "IGLESIA NG DIYOS/CHURCH OF GOD" sa bibliya at ipangaral na ito lamang, wala ng iba, ang tunay na Iglesia na dapat aniban. At dahil ang Diyos DAW ang nagtayo ng Iglesia, ang opisyal DAW na pangalan ng tunay na Iglesia ay "IGLESIA NG DIYOS".
Tinatanong ko sa sarili ko, "hindi ba guilty ang mga myembro ni Mr. Soriano na wala sila sa tunay na Iglesia?"
Bakit ko ito naitanong?
Simple lang.
Uulitin ko, ang OPISYAL daw na pangalan ng TUNAY na Iglesia ay walang iba kundi "IGLESIA NG DIYOS"
Samantalang ang kinaaanibang relihiyon ni Mr. Soriano at ng kaniyang mga masugid na tagasunod ay "MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL".
Tanong: Meron bang "MEMBERS CHURCH OF GOD INTERNATIONAL" sa bibliya?
IPAHANAP KAY KOMPYUUTEER!
Gamit ang madalas gamitin na bible version ni Mr. Soriano--> ang King James Version hanapin natin, eto ang sabi:
Sa iba naman tayo mag search gamit ang ibat ibang bible version and translations, sinerch ko ang "members church of god international" at eto resulta:
Naku, ano ang ibig sabihin nito?
Na WALA PALA TALAGA SA BIBLIYA ang ipinangangaral na Iglesia ni Mr. Soriano?
Eh ano ba talaga ang TUNAY NA PANGALAN o DAPAT IPANGALAN sa IGLESIANG ITINATAG NOONG UNANG SIGLO?
Eto ba?
Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus (English Translation: Church of God in Christ Jesus)
O baka eto?
Ang mga Kaanib sa Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan sa Bansang Pilipinas, Incorporated (English Translation: The Members of The Church of God in Christ Jesus, Pillar and Ground of the Truth, Philippines, Incorporated)
hindi ata, baka eto?
Bayan ng Katotohanan Incorporated (English Translation: City of Truth Incorporated)
ah, baka eto?
Iglesia ni YHWH at ni YHWSA HMSYH, Inc. (English Translation: Church of YHWH and of YHWSA HMSYH, Inc.)
Oh eto talaga?
Members Church of God International
Ano ba talaga?
Naguguluhan na ako.
Bakit naging pabago bago ang PANGALAN NG IGLESIA NI MR. SORIANO? Ibig sabihin kaya nitoy paiba iba rin ang pangalan ng Iglesiang itinatag noong unang siglo?
Kung miski isa sa mga inimbentong mga pangalan na Iglesia ni Mr. Soriano ay hindi man lang tumugma sa Iglesiang ipininangangaral niya at sinasabing DAPAT DAW ANIBAN dahil ito daw ay ang OPISYAL na pangalan ng TUNAY NA IGLESIA--> IGLESIA NG DIYOS, nasa KATOTOHANAN nga ba talaga sila? Nasa TUNAY na Iglesia kaya ang mga kaanib ng MCGI o Iglesia ni Mr. Soriano?
Hetong mga tauhan ni Ka Eli,wala ngang maipagmamalaking templong matino,mali pa ang mga doktrina.....
ReplyDeleteKkatwa yangyang pangalan ng Iglesia. . may isa Akong ADD n ndiskusyon ..mababasa daw sa Biblia ang pangalang Members of Church of God International. . pero nung nagpost siya tatlong talata at bawat isa ay nsa ibat ibang chapter. . yung name ng Iglesia nila ay mga salitang pinagtagpi tagpi mkabuo lng ng pangalan. . smktuwid inimbento n lng pra mgmukhang nsa biblia. . pero hlatang imbento lng. . cnabi ko n wala bng mbabasa n mgkksama sila s isang tlata. . imbes n sagutin ako hinmon ako n kung my mbabasa daw b akong Iglesia ni Cristo s biblia pwera daw lamsa. . talo n daw sya. . nung pinkitaan ko sya ng ibang salin. . ang naging sagot nya ala daw un s dating biblia. . ang sabi ko biblia nmn ang NNS bible kaso d n sya tumugon. . kinbukasan ngreply sya kaso paninira na . tsk tsk. Kpg nd n mkasagot . . naninira n lng
ReplyDeleteUgali na talaga nila yan palibhasa tinuruan sila mapoot sa INC kaya nga ang pagmumura ay ok sa kanila para diyan na lang sila makabawi sa pagmumura.. 3:)
Delete