SAGOT SA MGA ARGUMENTO NG MGA SABADISTA SA KANILANG PAGKATALO SA DEBATENG GINANAP SA BANSUD, MINDORO ORIENTAL AT SA IPINALABAS NA VIDEO NA DIUMANO’Y “FINAL RESULT” NG DEBATE
Sa unang tindigan pa lang ay nakita na ng mga dumalo kung
aling Iglesia ang tunay na may dala ng katotohanan o Salita ng Diyos. Ang
representative ng INC na si Kapatid na RAMIL PARBA ay ginamit ang Biblia sa
pagpapatunay na ang IGLESIA NI CRISTO (INC) ang ililigtas ni Cristo sa araw ng
Paghuhukom. Sa panig naman ni Ginoong JAIME FAJARITO ng Seventh-Day Adventist
Church (SDA), ang kapansin-pansin ay ang hindi niya pagbuklat ng Biblia sa
kaniyang pagsasalita kundi ginamit ang kaniyang sariling opinion upang
pabulaanan ang mga katotohanang inilantad ni Kapatid na Ramil Parba.
PAGKATAPOS ng pagtalakay ng unang paksa ay lumapit sa grupo
ng IGLESIA NI CRISTO ang Honorable Mayor ng Bansud na si Mr. RONALDO MORADA. Hinihiling
niya na palitan ang mga nagde-debate dahil ang analysis niya sa unang tindigan
ay “TALONG-TALO” ang mga Sabadista at “NO MATCH” ang kanilang tagapagsalita na
si G. Fajarito. Sinabi namin sa kanila na kausapin nila si G. Fajarito kung
papayag siya na palitan na siya dahil hindi na niya kaya na tumayo sa panig ng
Sabadista.