Eto post niya:
Here is what the Iglesia Ni Cristo®'s position on Jesus' pre-existence."Many believe that Christ is God who pre-existed before being born on Earth. However, such a belief is based on erroneous interpretations of the Holy Bible." -INCMedia.orgTherefore, IglesiaNiCristoREADME, the only INC™ Defender in the blogsphere is UNBIBLICAL according to the management of the Iglesia Ni Cristo®, Incorporated.Thank you for clarifying.
Thank you for clarifying daw eh ang labo naman ng intindi niya sa sinabi ko.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit labo labo din ang mga artikulo neto lagi ni Catholicdefender2000 :)
Para lang malinaw, wala po akong sinasabing naniniwala ako na si Kristo at ang espiritu santo ang kasama sa pasimula ng Diyos. Si Kristo ay walang pre existence. Nag eexist si Kristo nang pasimula hindi bilang Diyos, kundi nag eexist siya sa ISIP ng Diyos, kaya nga siya yun kinatuparan ng hula kung saan ang "SALITA" ay naging LAMAN (Juan 1:14)...
Nagbigay lang kasi si Jeffrey Trinidad (na aking ka-diskusyon noong mga pagkakataon na yon) ng mga talata sa bibliya na ang nais niyang palabasin doon eh SI KRISTO AT ANG ESPIRITU SANTO AY NANDOON NA SA SIMULA KASAMA NG DIYOS. Kaya ko sinabi iyon bilang komento ko. Hindi ko paniniwala yon kundi yun ang gustong palabasin ni Jeffrey Trinidad.
Samantalang ang tanong ng aking artikulo ay "Sino ang kausap ng Diyos sa GEN. 1:26". Ang dapat kasi niyang ginawa eh magbigay ng talata sa bibliya kung saan nagsasabing si KRISTO AT ANG ESPIRITU SANTO ang KAUSAP niya mismo nang sinabi niyang "LALANGIN NATIN" sa nasabing talata.
Yan ang di gets ng CFDng nagmamagaling.
Makikibasa na lang ng comment, mamaliin pa ang ibig sabihin.
Anu bu yun.
hashtag #epicfail
Eto naging pag uusap namin ni Jeffrey Trinidad kayo na po humusga:
Eto naging pag uusap namin ni Jeffrey Trinidad kayo na po humusga:
Jeffrey Trinidad
Sino ang kausap ng Diyos sa Genesis 1:26?
Sagot:
Kausap ng Ama ang Anak at Espiritu Santo at sinabi niyang:
"Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis"
Bakit ko nasabing ang Anak at Espiritu Santo ang kausap ng Ama?
Sagot:
Gen 1:1 Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.
Gen 1:2 At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig.
Gen 1:3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
SA UMPISA PA LAMANG NG GENESIS AY KASAMA NA NG AMA ANG KANIYANG SALITA (NA SIYANG ANAK) AT KANIYANG ESPIRITU (NA SIYANG ESPIRITU SANTO).
ANO PA ANG ISANG EBIDENSYA NA KASAMA NA NG AMA ANG ANAK AT ESPIRITU SANTO SA PAGLIKHA?
Psa 33:6 Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.
ANG AMA SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG SALITA (NA SIYANG ANAK) AT SA PAMAMAGITAN NG HINGA NG KANIYANG BIBIG (NA SIYANG ESPIRITU SANTO) AY NAYARI ANG MGA LANGIT AT ANG LAHAT NG NATATANAW ROON.
ANG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY IISANG DIYOS LAMANG NA LUMIKHA.
BUHAT SA AMA ANG LAHAT NG BAGAY
AT SA PAMAMAGITAN NG ANAK AT ESPIRITU SANTO ANG LAHAT NG BAGAY.
Rom 11:32 Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat.
Rom 11:33 Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios! oh di matingkalang mga hatol niya, at hindi malirip na kaniyang mga daan!
Rom 11:34 Sapagka't sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni?
Rom 11:35 O sino ang nagbigay na una sa kaniya, at siya'y babayarang muli?
Rom 11:36 Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
BUHAT SA DIYOS AT SA PAMAMAGITAN NG DIYOS ANG LAHAT NG BAGAY.
BUHAT SA DIYOS (AMA)
AT SA PAMAMAGITAN NG DIYOS (ANAK AT ESPIRITU SANTO)
________________________________________________________
Readme
Salamat po sa pagshashare ng inyong personal interpretation ng bibliya. Ngunit mali po ang ginagawa nyo dahil labag yon sa bibliya. lahat ng nabanggit nyo eh hindi naman mga patunay na si Kristo at ang Espiritu santong mga Diyos nyo ang kasama ng tunay na Diyos, Ang Ama ang kausap niya sa Gen. 1:26, kundi pagpapatunay na si Kristo at ang Espiritu Santo eh nandoon na sa simula kasama ng Diyos.
May espiritu talaga ang Diyos pero ang Espiritu Santo eh hindi Diyos. Wala tayong mababasa sa bibliya na kasama ng ESPIRITU SANTONG DIYOS ang DIYOS at ang ESPIRITU SANTO ay DIYOS DIN. Wala rin tayong mababasa sa bibliya na si Kristo ay kasama na ng Diyos nung ginagawa niya ang mundo at mga tao. Wala rin tayong mababasa sa bibliya na binanggit na ang KASAMA ng DIYOS sa "NATIN" sa Gen 1:26 ay tumutukoy sa ESPIRITU SANTO at kay KRISTO. WALA!
Ang kasama ng Diyos noong simula ay ang "ANG SALITA" (juan 1:1) at hindi lang basta basta "SALITA" at lalo namang hindi "ANG SALITA NG DIYOS". Si Kristo ay hindi mismo ang "THE WORD/THE LOGOS/ANG SALITA" dahil kung siya nga mismo yon sana eh sinabi na lang sa juan 1:14 na ANG NAGKATAWANG TAO eh SI KRISTO, pero hindi, ang sabi, ANG SALITA ay NAGING LAMAN. magkaiba yun.
Mali rin ang iyong sinabi na:
"ANG AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY IISANG DIYOS LAMANG NA LUMIKHA."
Ang iyong TRINITY ay hindi "IISANG DIYOS" kundi "ISANG DIYOS". Hindi ito ONLY ONE GOD kundi ONE GOD. Ireview nyo ang paniniwala nyo sa Trinity para okay tayo.