"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

January 23, 2014

Abe Arganiosa, huling huli nagbabasa ng blog na ito!

Nakakatawa lang kung paano nilalait ni Mr. Abe Arganiosa na kulelat DAW ang blog na ito, pero ito palang KULELAT DAW na blog eh palihim niyang binibisita. hahaha

Pero bago pa niya maloko ang ilan, para sa kaalaman niya, (at alam ko namang alam niya kaso mas pinipili niyang magsinungaling) ang blog na ito ay laging nas TOP 10, ang kulelat ay yung mga blog ng kapwa niya mga CFD namely:

In Defense of the Church
Monks Hobbit
Catholic biblical Answers
The Catholic Position on the RH Bill
Catholic Apologetics: Defending the Catholic truth
Catholic by choice
Catholic Faith Apologetics (CFD/BA Dipolog chapter)

at marami pang iba...

Pano ko nga ba nasabi na nagbabasa ng blog ko si Abe Arganiosa?

Simple lang, SINASAGOT NYA ANG ILAN SA MGA ARTICLES KO, at directly niyang kinukuha dito. Hindi tulad dati na kunwari may commentator na kinoment yung laman ng article ko saka nya sasagutin (kala naman nila hindi ko alam style nila). Yun nga lang, hindi lahat eh sinasagot ng dating CFD head ng Pilipinas, kung alin lang ang gusto niyang sagutin (yung satingin niyang kaya niya) eh yun lang ang tinotopic niya. Ayos din ano po. hahaha

Halinat tunghayan kung sino nga ba talaga ang saming dalawa ang lalabas na mangmang...


Sa kaniyang article na "REFUTING README SA PALUSOT NIYA SA COLOSAS 2:9 PARA PAMALIAN NA DIOS SI CRISTO DOON" eto po ang kaniyang post (red) at ang sagot ko (black):

Counter attacking his arguments sa palusot niya sa Colosas 2:9.
// Kabanalan pala ang tinutukoy doon. At opo, alam naman nating lahat at hindi naman namin idenedeny na may pagka Diyos talaga si Kristo in the sense na siya lang ang taong WALANG NAGAWANG KASALANAN: //

HAHAHAHA! Siya lang daw ang taong walang nagawang kasalanan.

kagaguhan ang aral na naituro ni Manalo. WALANG TAO NA HINDI NAGKAKASALA EH.

1 Hari 8:46 Kung sila’y magkasala laban sa iyo, (sapagka’t walang tao na di nagkakasala,) at ikaw ay magalit sa kanila, at ibigay mo sila sa kaaway, na anopa’t sila’y dalhing bihag sa lupain ng kaaway sa malayo o sa malapit;

ANG 1 CHARACTER SA BIBLE NA HINDI NAGKAKASALA EH ANG DIYOS:

Deuteronomy 32:4 Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka’t lahat niyang daan ay kahatulan: Isang Dios na tapat at walang kasamaan, Matuwid at banal siya.

Kung si Cristo ay hindi nagkakasala gaya ng sa DIOS. nagpapatunay ito na siya ay DIOS.

Ang sabi ni Kristo maliwanag na maliwanag, siyay TAO:

Ngunit ngayon, hangad nyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos" Juan 8:40

Marami na rin akong naibigay na talata na si Kristo ay kinilala bilang TAO ng bibliya, kung kayat hindi siya DIYOS dahil ang NAG IISANG TUNAY NA DIYOS ay walang iba kundi ang AMA.

Si Kristo na TAO, ayon sa bibliya at alam naman ng karamihan, ay HINDI NAGKASALA:

"Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng pagkatawag sa inyo ng Diyos, sapagkat nang si Cristo ay magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng isang halimbawang dapat tularan. Hindi siya gumawa ng anumang kasalanan, o nagsinungaling kailanman." I Pedro 2:21-22

Kaya naman ang ating Panginoong Hesukristo LAMANG ang natatanging TAO na HINDI NAGKASALA. Siya lamang ang nakasunod sa STANDARD ng Diyos sa paggawa sa tao, ginawa kasi tayo ng DIYOS na matuwid at banal. Siya kumbaga ang MODELO nating lahat na mga tao, at ang kaniyang mga lakad ang dapat nating lakaran. Bakit naman DIYOS ang ating magiging modelo samantalang tayo ay mga TAO, kaya maigi na ang maging MODELO ay katulad din natin na TAO.

Ang babaw naman ng argumento ni Arganiosa na porke hindi nagkasala si Kristo tulad ng Diyos eh DIYOS NA RIN. At nagtataka ako, bakit kaya parang tinututulan ni Arganiosa na hindi nagkasala si Kristo? May mali ba sa sinabi ko? o tinututulan niya na TAO si Kristo?

Naku, mukang nagtuturo na naman ng heresy itong pari na ito ah...

Bakit ko nasabi?

Ang mga katoliko kasi ay naniniwala na si KRISTO ay may DUAL NATURE, siya ay TAO at DIYOS. Hindi yon pwede paghiwalayin. Hindi siya pwedeng maging TAO period o kaya DIYOS period, dahil magiging INCOMPLETE ang turo nila.

Sa pagsasabi niya ng "kagaguhan ang aral na naituro ni Manalo. WALANG TAO NA HINDI NAGKAKASALA EH."

Ibig bang sabihin hindi niya nirerecognize ang PAGKATAO ni KRISTO kundi ang pagka DIYOS niya LAMANG? NAKU HERETIC TALAGA ANG PARING ITO.

Speaking of heresy, alam nyo ba na ang paring ito ay nagtuturo na NAMATAY DAW ANG DIVINE NATURE NI KRISTO NANG IPAKO SIYA SA KRUS? Ilang beses ko na siya tinanong para makumpirma kung totoo nga, pero sa PAG IWAS niya halatang halata na TOTOO NGA.

Tsk. Tsk. HERESY. Kung nasa panahon tayo ng INQUISITION matagal ng tinorture yan o kaya naman ay IPINAPATAY NG SIMBAHAN!

Bakit tayo maniniwala na tao lang si Cristo eh Siya nga ang:

1) Arm of the LORD (Juan 12:36-38)

2) Power and Wisdom of God (1 Corinto 1:24)

3) Siya ang gumagawa ng mga gawa ng Ama na hindi magagawa ng tao (Juan 5:17)

4) Siya ang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios (Ama) sa Hebreo 1:3

5) Sa pamamagitan ni Jesu Cristo ay ginawa ang sanglibutan (Hebreo 1:2) Kaya sabi sa Gawa 3:15 na Siya ay Lumikha ng Buhay.

Kaya si Cristo ay nagpapatunay na meron siyang kalagayan at characteristics ng tunay na DIOS bago bumaba sa langit (Juan 6:38) at nakitulad sa mga tao (Filipos 2:7)

Kung tao talaga sa umpisa eh bakit makikitulad sa mga tao? ABER!

Sino ba nagsabi sa kaniya na maniwala sila na "TAO LANG" si KRISTO? hahaha

Wag niyong paniwalaan na siyay TAO LANG, MALI YON. Dahil si KRISTO ay TAO at hindi TAO LANG. As usual, nagbigay siya ng mga verses na meron silang maling interpretation...

Kaya puntahan nalang natin ang tanong ng heretic na pari:

"Kung tao talaga sa umpisa eh bakit makikitulad sa mga tao? ABER!"

Di niya alam ang sagot? Sa ilang dekada niyang pagpapari DI NIYA ALAM? Ano ba yan, wala palang matututunan sa pagpapari eh...

Ikowt nga natin yung pinagmamayabang niyang verse na Filipos 2:7 kung saan sinabing si Kristo ay nakitulad sa mga tao:

"Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:"
"rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness." NIV

Ano bang ibig sabihin ng verse na ito? Ibig bang sabihin siyay DIYOS na NAKITULAD SA MGA TAO? 

Ayon sa Gills Exposition of the entire bible commentary:

"and was made in the likeness of men; not of the first Adam, for though, as he, he was without sin, knew none, nor did any; yet he was rather like to sinful men, and was sent in the likeness of sinful flesh, and was traduced and treated as a sinner,.."

Si Kristo kasi ay WALANG NAGAWANG KASALANAN, kaya nga ayon na rin sa commentary, HE WAS WITHOUT SIN, KNEW NONE, NOR DID ANY. He was MADE IN THE LIKENESS OF MEN o yung sinasabing ginawang KATULAD NG TAO ay dahil he WAS SENT IN THE LIKENESS OF SINFUL FLESH and TREATED AS A SINNER.

Ang paliwanag na ito ay suportado ng bibliya:

"Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito. Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos." 2 Corinto 5:19,21

Ang "TAO" AY MAKASALANAN, ngunit si Kristo ay tumupad sa utos ng Diyos kayat SIYAY HINDI NAGKASALA. Siyay ginawa na KATULAD NG MGA TAO dahil bagamat siyay BANAL siyay ginawa o itinuring na MAKASALANAN tulad ng ordinaryong mga tao. NAKITULAD SIYA SA MGA ITO, NAKISAMA SIYA, hindi siya nagmataas o nagmayabang na porke siya ay ANAK NG DIYOS, ginawa siyang Panginoon, tagapamagitan, tagapagligtas, at ipinailalim din ng Diyos sa kaniyang paa ang lahat ng bagay, eh PINILI PA RIN NIYANG MAGING MAPAGPAKUMBABA.
// Hindi porke may pagka Diyos, ang ibig sabihin agad noon eh DIYOS NA. Kung sa bagay diyan naman mahilig ang ilan, na porke may nabasa konting ganito maniniwala agad, papakahuluganan agad ng gusto niyang ipakahulugan, tulad ng John 10:30, porke nakalagay lang “I and the Father are one” pinakahuluganan agad na si Kristo at ang Ama ay IISANG DIYOS. Hindi man lang binabasa ang ibang pang nakasaad sa parehong chapter na ang tinutukoy doon ay yung UNITY nila hindi dahil sa parehas silang Diyos, o kaya naman ay IISANG DIYOS sila. //

Naintindihan nga ng mga Hudyo ang ibig sabihin ng Juan 10:30 kaya basahin niyo sa Juan 10:33 ay sinabihan siya ng mga Hudyo na nagpapakunwaring DIOS si Cristo.

Tama dahil sa unity kaya united ang Ama at Anak sa Juan 10:30.

kaya ang pagiging ISA ng DIOS ay UNITED ONE.

kaya ang salitang ONE sa “The Lord our God is ONE Lord” sa Deuteronomy 6:4 ay ECHAD meaning UNITED ONE.

na mababasa mo din sa Genesis 2:24 na “Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.”

natural ang kaunited ng asawa ng lalaki eh kauri niya ng likas na kalagayan.

same din na ang KAUNITED ng DIOS eh kauri niya ng likas na kalagayan.

Madalas ay hindi naiintindihan ng mga hudyo si Kristo, kaya nga sa Juan 10:33 ay sinabihan siya na NAGPAPANGGAP NA DIYOS. Ito naman ang isinagot ni Kristo:

"Tumugon si Jesus, Hindi ba nasusulat sa inyong Kautusan, Sinabi ko, mga diyos kayo? Mga diyos ang tawag ng Kautusan sa mga pinagkatiwalaan ng salita ng Diyos, at hindi maaaring ipawalang-bisa ang sinasabi ng kasulatan. Ako'y pinili at isinugo ng Ama; paano ninyo ngayon masasabing nilalapastangan ko ang Diyos dahil sa sinabi kong ako ang Anak ng Diyos?" Juan 10:34-36

Nagtaka pa si Kristo, bat daw siya sinabihan na nilalapastangan niya ang Diyos dahil lang sinabi nyang SIYA ANG ANAK NG DIYOS. Ngayon, lokohin mo sarili mo Arganiosa na NAIINTINDIHAN lagi ng mga hudyo ang pinagsasasabi ni Kristo.

Ang talatang Juan 10:30 ay nagsasabi na AKO AT ANG AMA AY IISA, hindi sinabing AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS o AKO AT ANG AMA AY UNITED ONE GOD. Nililikot lang talaga ni Arganiosa ang bibliya. Ang binabanggit na UNITY ay eto, sa libro ni Juan parin, Juan 17:21-22
"Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa."

Literal na UNITY ang binabanggit dito at hindi yung sinasabing ONE GOD dahil kung ganon, DIYOS DIN PALA TAYO pag nagkataon dahil sabi sa talata, "maging isa nawa sila sa atin" ano yon, maging "Diyos" din tayo na tulad nila??? Ano ba yaaaan...

I. Ano ba ang dahilan kaya nananahan ang pagka DIOS ni Cristo sa kahayagan ayon sa laman?

Dahil si Cristo sabi sa 1 Juan 4:2 came IN (meaning INSIDE) the flesh noon siya ay dumating dito sa lupa.

Ito ang Greek word ng pagka DIOS sa Colosas 2:9.

http://biblehub.com/greek/2320.htm

Definition: deity, Godhead.

Ano meaning ng deity?
Synonyms for deity

http://thesaurus.com/browse/deity
noun god, worshiped being

Worshipped being. pinasasamba talaga si Cristo ayon sa Bibliya kasi may nature of being God siya. (Filipos 2:6) bago nakitulad sa mga tao (Filipos 2:7) at nang siya ay bumaba sa langit (Juan 6:38)
II. Ano ang tunay na dahilan kaya may mababasa tayo sa 2 Pedro 1:4 na “that by these ye might be partakers of the divine nature,”
Filipos 3:21 Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa, upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.

Ang katawan ni Cristo na may kaluwalhatian ay umiral noong siya ay nabuhay na magmuli sa mga patay. kapag ang 1 Cristiano ay binuhay na magmuli ay ganong katawan ang mamanahin ng maliligtas na Cristiano.

Ito yung katawan na lumulusot mga pader ng bahay.

Hindi ko na siguro kailangan pang ipaliwanag itong muli dahil naipaliwanag na ito sa isa kong article.


Magkokowt na lang ako ng isang source para magpaliwanag sa kabuuan:


1. The word “Deity” or “Godhead” is a translation of the Greek word theotes. In A Greek English Lexicon, by Liddell and Scott, the classic lexicon of the ancient Greek language, it is translated as “divinity, divine nature.” In making their case, Liddell and Scott cite Greek authors Plutarch and Lucian, and also reference Heliodorus and Oribasius using the phrase dia theoteta = “for religious reasons.” The Greek word occurs only once in the Bible, so to try to build a case for it meaning “God” or “Godhead” (which is an unclear term in itself) is very suspect indeed. Standard rules for interpreting Scripture would dictate that the way Paul used theotes in Colossians would be the same way the Colossians were used to hearing it in their culture. There is no reason to believe that Paul wrote to the Colossians expecting them to “redefine” the vocabulary they were using. Christ was filled with holy spirit “without measure,” and God gave him authority on earth to heal, cast out demons, forgive sins, etc. Thus, it makes perfect sense that Scripture would say that Christ had the fullness of the “divine nature” dwelling in him. In fact, the same thing is said about every Christian (2 Pet. 1:4).
2. The word “fullness” demonstrates that the verse is speaking of something that one could also have just a part of. It makes no sense to talk about the “fullness” of something that is indivisible. God is indivisible. We never read about “the fullness of God the Father” because, by definition, God is always full of His own nature. Therefore, the verse is not talking about Christ being God, but about God in some way providing Christ with “fullness.” What this verse is saying is made clear earlier in Colossians: “God was pleased to have all his fullness dwell in him” (Col. 1:19). That is true. John 3:34 adds clarification: “For the one whom God has sent speaks the words of God, for God gives the spirit without limit.”
3. The fact that Christ has “all the fullness” of God does not make him God. Ephesians 3:19 says that Christians should be filled with “all the fullness of God,” and no one believes that would make each Christian God.
4. If Christ were God, it would make no sense to say that the fullness of God dwelt in him, because, being God, he would always have the fullness of God. The fact that Christ could have the fullness of God dwell in him actually shows that he was not God. 2 Peter 1:4 says that by way of God’s great and precious promises we “may participate in the divine nature.” Having a “divine nature” does not make us God, and it did not make Christ God. The note on 2 Peter 1:4 in the NIV Study Bible is almost correct when, referring to the divine nature, it states: “We are indwelt by God through His Holy Spirit” (we would say “holy spirit, referring to God’s gift). Likewise Christ, who was filled with holy spirit without limits, had the fullness of “Deity” dwelling in him.
5. The context is a key to the proper interpretation of the verse. The Colossians had lost their focus on Christ (see Col. 1:15-20). Colossians 2:8 shows that the people were in danger of turning to “hollow and deceptive philosophy” rather than being focused on Christ. What could philosophy and traditions offer that Christ could not? The next verse is a reminder that there is no better place to turn for answers and for truth than to Christ, in whom all the fullness of God dwells. There is nothing in the context here that would warrant believing that Paul is writing about the Trinity. He is simply saying that if you want to find God, look to Christ. Christ himself had said he was “the Way” and “the Truth,” and that “no man comes to the Father except through me.”
source: biblicalunitarian.com

Ang binabanggit na PAGKA DIYOS o DIVINE NATURE sa II Pedro 1:4 ay HOLINESS.


Ayon sa Jamieson-Fausset-Brown Bible Commentary: 

"the divine nature—not God's essence, but His holiness, including His "glory" and "virtue," 2Pe 1:3; the opposite to "corruption through lust." Sanctification is the imparting to us of God Himself by the Holy Spirit in the soul."

Kaya nga sa naunang isinulat ni Apostol Pedro ganito ang sinasabi:


"Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa, sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal." I Pedro 1:16

Tungkol kasi sa mga katangian ng kabanalan ang pinag uusapan sa II Pedro 1:4 kaya nasabing "makibahagi tayo sa kaniyang likas bilang Diyos" ipagpatuloy natin ang pagbasa:

"Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman;  sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Diyos sa inyong pagiging maka-Diyos, ang pagmamalasakit sa kapatid; at sa inyong pagmamalasakit, ang pag-ibig.  Ang mga katangiang iyan ang kailangan ninyong taglayin at pagyamanin, upang ang inyong pagkakilala sa Panginoong Jesu-Cristo ay huwag mawalan ng kabuluhan at kapakinabangan." II Pedro 1:5-9

YAN ANG BINABANGGIT NA PAGKA DIYOS SA TALATA. Kaya naman ang Colosas 2:9 ay hindi isang EBIDENSYA sa pagiging DIYOS NI KRISTO dahil kung ganoon, dahil lang sinabing may PAGKA DIYOS si Kristo kaya siyay DIYOS, lalabas na magiging DIYOS DIN TAYO dahil pwede tayong magkaroon ng DIVINE NATURE ayon sa II Pedro 1:4.


Kaya lumalabas na KULANG NA KULANG pa ang PINAG ARALAN ni Abe Arganiosa dahil hindi niya madepensahan ng maigi ang kanilang doktrina. MALI MALI na nga, kulang kulang pa. Kaya sanay wala ng mauto ang paring ito, maging bukas lang ang ating isip at maging mapanuri dahil nakasalalay sa ating pananampalataya ang ating KALIGTASAN.

January 21, 2014

Masama ba ang paninigarilyo sa Iglesia ni Cristo?

Hindi lang masama ang paninigarilyo sa Iglesia ni Cristo kundi masama sa kalusugan ng lahat ng tao lalo na kung itoy naging adiksyon na. 

Sasabihin ng ilan, eh kung masama pala, bat di nyo pinagbabawal sa mga miyembro nyo paninigarilyo? Lagi nga namin nakikita mga myembro nyo naninigarilyo bago at pagkatapos sumamba nasa harap pa ng kapilya nyo! Idadagdag pa ng ilan, bakit tinotolerate sa inyo ang paninigarilyo at hindi niyo ba alam na bawal sa bibliya ang paninigarilyo?

Totoong hindi IPINAGBABAWAL o walang prohibition sa mga kaanib na manigarilyo, ngunit hindi ibig sabihin non eh TINOTOLERATE at IPINOPROMOTE ng INC ang paninigarilyo. Wala kaming official doctrine na DIRETSAHANG NAGBABAWAL dito, ngunit kahit ganoon pa man, pinaiiwasan ito sa amin lalo na sa mga maytungkulin sa Iglesia. 

Ang mga "IPINAGBABAWAL" kasi sa INC na kapag nilabag ng isang kaanib ay kaniyang ikatitiwalag, kaya naman PINAIIWAS lang ito sa amin at hindi yung pag nahuling nagsindi ng sigarilyo eh ititiwalag na agad. 

Ganoon na ba katinding kasalanan ang paninigarilyo na pupwede ng ikatiwalag? 
Yan ang tanong na dapat nating pag isipang mabuti.


Totoo bang may pagbabawal sa bibliya ukol sa paninigarilyo?

WALA. Kahit basahin nyo ang buong bibliya at magtanong pa sa mga bible scholars, wala tayong mababasang "bawal ang paninigarilyo" sa bibliya. Pero ang mga miyembro ng ilang relihiyon ay may ipinapakitang mga bible verse kung saan DIUMANO ay ipinagbabawal ang paninigarilyo.


"Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos." Gal. 5:19-21

Ayon kay wikipedia: "Vice is a practice, behavior, or habit generally considered immoral, depraved, or degrading in the associated society" Sabi nila, ang paninigarilyo daw ay KALAYAWAN, ngunit nagiging kalayawan lang naman ang isang bagay pag ito ay naging isang HABIT, o paulit ulit na ginagawa lalo na, kung itoy naging isang ADIKSYON. Ang salitang kalayawan ay malawak, at hindi ito basta yung nasa isip natin na paglalasing, pagsusugal, etc...

"Mga minamahal, sapagkat ipinangako sa atin ang mga bagay na ito, alisin natin sa ating sarili ang lahat ng nakapagpaparumi sa ating katawan at sa ating espiritu. Sikapin nating mamuhay nang may ganap na kabanalan at paggalang sa Diyos." II Cor. 7:1

Sabi nila, nakakapagparumi daw ng katawan ang sigarilyo. Ang pagkakaintindi nila sa talata ay LITERAL samantalang ang binabanggit na KARUMIHAN sa talatang ito ay ang mga masasamang gawa (Efeso 5:3-5).

"Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo at ipinagkaloob ng Diyos sa inyo? Hindi na ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili niya kayo sa isang halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos." I Cor. 6:19-20

Ang mga naninigarilyo daw ay nilalabag ang kautusang ito sa bibliya dahil hindi daw nila pinangangalagaan ang kanilang katawan. Kung ganyan ang ating argumento, lahat pala ng taong MAY SAKIT sa buong mundo tulad ng may cancer, diabetis, highblood, hepatitis, etc... ay LUMALABAG din sa kautusang ito dahil "hindi nila inalagaan ang kanilang katawan".

Marami pang inilalabas na mga talata sa bibliya ang mga myembro ng relihiyong nagbabawal ng paninigarilyo, pero ang katotohanan ay hindi mababago, WALANG TUWIRANG NAGBABAWAL SA BIBLIYA NG PANINIGARILYO.

Pero kahit sabihing walang NAGBABAWAL sa bibliya o sa IGLESIA, hindi ibig sabihin na dapat na tayo manigarilyo o pwede ng malulong dito. Lahat ng SOBRA ay nakakasama kaya kung alam mong ang isang bagay ay hindi makakabuti para saiyo, hindi na kailangan pang magkaroon ng PAGBABAWAL sa mga ito, tulad ng:

Bawal malulong sa computer games
Bawal malulong sa video games
Bawal malulong sa pagkain
Bawal malulong sa sex

etc...


Umiwas sa PANINIGARILYO!

Kaya hindi lang ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang dapat UMIWAS sa paninigarilyo kundi TAYONG LAHAT dahil itoy nakasasama sa kalusugan ng NANINIGARILYO at ng mga nakakalanghap ng usok mula dito. Hindi ko STAND na ipagtanggol ang paninigarilyo, ang STAND ko ay hindi porke walang PAGBABAWAL sa Iglesia ay PWEDE na at tinotolerate ang gawaing ito.

Ang BAWAL sa INC ay ang paninigarilyo sa loob ng kapilya at hindi ang paninigarilyo mismo.
 
Kaya kung may makikita kayo na mga INC na naninigarilyo sa harap pa ng kapilya, wala silang nalalabag na aral sa INC, ngunit kalusugan nila ang nakataya doon.

Ingatan natin ang ating sarili, at ANG ATING KALUSUGAN, hindi lamang sa pag iwas sa paninigarilyo kundi sa pag iwas sa mga bagay na alam nating di makabubuti satin lalo na, sa mga masasamang gawain.

January 15, 2014

Si Kristo ay isinilang na tao, namatay na tao, binuhay na mag-uli na tao, umakyat sa langit na tao at babalik sa mundo na tao

Hindi matanggap ng mga napaniwalang si Kristo ay Diyos ang paniniwala ng Iglesia ni Cristo na si Kristo ay talaga namang tao. 

Kailanmay hindi siya NAGING TAO o NAGING DIYOS.

Ang pagiging tao ni Kristo ay hindi nabago, siyay tao nang isilang, tao nang namatay, tao nang binuhay na mag-uli, tao nang umakyat sa langit, at tao pa rin nang babalik dito sa mundo.

Ang dapat sisihin ng lahat ng Kristiyano kung bakit naging Diyos si Kristo ay ang pagtatalo-talo ng mga dumalo sa Konsilyo ng Nicaea noong 325 AD, kaya naman nabago ang paniniwala natin kay Kristo samantalang taliwas ito sa nilalaman ng banal na kasulatan.

Mulit muli, hindi kami naniniwala na si Kristo ay TAO LANG, kundi naniniwala kami na ang likas na kalagayan ni Kristo ay TAO. Pag sinabi kasing TAO LANG, ang tinutukoy dun eh ordinaryong tao lang tulad natin, pero si Kristo ay hindi basta basta ordinaryong tao, dahil siyay nakagawa ng mga himala at siya lamang ang TAONG hindi nakagawa ng kasalanan. Ginawa din siya ng Diyos na TAGAPAGLIGTAS,  PANGINOON at TAGAPAMAGITAN.

Sige nga, sinong genius na tao ang makakapagturo ng taong ginawa ring Panginoon, tagapamagitan at tagapaglitas ng Diyos? Sinong tao ang WALANG NAGAWANG KASALANAN? At kaya ang mga ginawang himala ni Kristo? Meron ba? WALA! 

Kaya nga si Kristo ay hindi basta TAO LANG, pero hindi ibig sabihin non, DIYOS NA SIYA AGAD.

Sasabihin naman ng mga trinitarians, eh naniniwala din naman kaming si Kristo ay TAO, anong pinaglalaban mo readme?

Ang pinaglalaban ko ay ang mali nyong doktrina na si Kristo ay may DUAL NATURE, tao na Diyos pa. Mali ang mga trinitarians na nagsasabing si Kristo ay Diyos period o kaya naman ay si Kristo ay tao period. Taliwas yon sa aral niyo na si Kristo ay 100% MAN and 100% GOD, hindi pwedeng paghiwalayin yon ayon sa doktrina nyo.

Pag sinasabi naming si KRISTO AY TAO, nangangahulugan yon na HINDI SIYA DIYOS, dahil NAG IISA lang ang tunay na Diyos at ito ay walang iba kundi ang AMA.

Puntahan na natin ang sinasabi sa bibliya...


Si Kristo ba ay Diyos na nanggaling sa langit?

Ayon kay Apostol Pablo:

"Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit. Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit. Kung paanong tayo'y naging katulad ng taong nagmula sa lupa, matutulad din tayo sa taong nanggaling sa langit." I Cor. 15:47-49

Ang anak pala ng Diyos na kaniyang ipinangako at isinugo niya sa lupa ay ISANG TAO. Ayon na rin mismo sa isa sa apostol ni Kristo, ang unang ADAN ay mula sa lupa at ang pangalawang ADAN (Kristo) ay mula sa langit, itong nanggaling sa langit pala na ito ay isang TAO.


Bago pa ipinanganak si Kristo, siyay TAO:


"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18

Yung nasa tiyan pala ni Maria ay TAO kaya siyay NAGDALANG TAO. Pero nung nanood ako sa isang misa sa tv sa channel 2 nung new years eve, sabi nung pari NAGDALANG DIYOS daw si Maria, napaka unbiblical nung tinuturo.


Nabuhay siyang TAO

Meron bang nakasulat sa bibliya na si Kristo ay kinilala bilang TAO at hindi naman bilang DIYOS?

Ayon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:
 
"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52
"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46 
"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16
"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29
"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17
"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21
"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49
"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49
"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6
"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15
"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18
"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47
"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39
"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3
"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16


Ayon kay Pilato:



"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29
Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4
"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14

Ayon sa mga alagad ni Kristo:


"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27

Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:



"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4
"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15
 
Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:


 "Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71 
 Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72 
"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74

Napakaraming talata pala sa bibliya ang makakapagpatunay na si Kristo pala ay kinilala ng mga tao, ng kaniyang mga alagad at ng mga apostol na TAO at hindi DIYOS.


Namatay siyang TAO

Patotoo ni Apostol Pedro:

"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18
 
Ang pagkamatay niya ang isa sa mga ebidenysa na TAO talaga siya, dahil ang Diyos ay hindi namamatay. Hindi lang yon, tumawag din siya sa kaniyang DIYOS nung bago siya mamatay, ang tunay na DIYOS hindi na kailangan pang tumawag sa isang Diyos kung gusto niyang umiwas sa kamatayan.


Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43
Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46

Pwede bang magkaroon ang isang Diyos ng kaniyang sariling DIYOS? Kumbaga sa Presidente, siya na nga yung pinaka PUNO o PINAKAMATAAS eh meron pa palang mas may TATAAS sa kaniya, pwede ba yun?


Eto pa ang sabi sa bibliya:


"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24

Wala talagang makakatutol na si Kristo ay namatay na TAO. 




Siyay binuhay na mag-uli na TAO


"Agad silang tumayo at nagbalik sa Jerusalem. Naratnan nilang nagkakatipon doon ang labing-isa at ang ibang kasamahan nila. Sinabi ng mga ito sa dalawa, "Totoo nga palang muling nabuhay ang Panginoon! Nagpakita siya kay Simon!" At isinalaysay naman ng dalawa ang nangyari sa daan at kung paano nila nakilala si Jesus nang paghati-hatiin nito ang tinapay.

Habang pinag-uusapan nila ito, tumayo si Jesus sa kalagitnaan nila na nagsasabi, "Sumainyo ang kapayapaan!" Natigilan sila at natakot sapagkat ang akala nila'y multo ang kaharap nila. Kaya't sinabi ni Jesus, "Bakit kayo natitigilan? Bakit kayo nag-aalinlangan? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ako nga ito. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." Lukas 24: 33-39

Natigilan at natakot ang kaniyang mga alagad akala nilay nakakita sila ng MULTO o ESPIRITO, pero sabi ni Kristo, bat kayo natiitigilan at nag aalinlangan, eh siya naman daw yon hawakan pa nila ang kaniyang KAMAY at PAA, ang multo naman daw kasi eh WALANG LAMAN AT BUTO samantalang siya eh MERON. Ibig sabihin TAO pa rin si Kristo nung binuhay siyang mag-uli ng Diyos, hindi tulad sa sinasabi ng ilan na nung binuhay siya eh naging DIYOS na siya.

Pero maaaring itanong ng ilan tulad ko, ang tanong na natanong ko rin, yun bang KATAWAN ni Kristo bago pa siya mamatay ay SAME din sa KATAWAN niya nung siyay NABUHAY NA MAG-ULI?

Ito ang sinasabi ng bibliya:


"Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay;  pangit at mahina nang ilibing, maganda't malakas kapag muling nabuhay; inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit" I Cor. 15: 42-44

Meron palang katawang panlupa at katawang PANLANGIT. Sa muling pagkabuhay pala ay magkakaroon tayo ng katawang PANLANGIT.

"Isang hiwaga ang sinasabi ko sa inyo, hindi lahat tayo'y mamamatay ngunit lahat tayo'y babaguhin, sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling pag-ihip ng trumpeta. Sapagkat sa pagtunog ng trumpeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na muling mamamatay. Babaguhin tayong lahat. Ang ating katawang nabubulok ay mapapalitan ng hindi nabubulok, at ang katawang namamatay ay mapapalitan ng katawang hindi namamatay." I Cor. 15: 51-53

Ang ating katawan na nabubulok at namamatay ay babaguhin at papalitan ng katawang HINDI NABUBULOK AT HINDI NAMAMATAY.


Eh ano bang klaseng katawan yun?

"Sa kabilang dako, ang langit ang tunay nating bayan. Mula roo'y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Jesu-Cristo, ang ating Tagapagligtas. Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay." Fil. 3:20-21

MALUWALHATING KATAWAN pala ang ipapalit sa ating katawang PANLUPA gaya ng KATAWAN ni KRISTO. Kaya nung si Kristo ay nabuhay na mag-uli, yung katawan niya ay hindi na yung dati niyang katawan bago siya mamatay, kundi yun yung katawang binago na ng Diyos.

Kaya NAKALUSOT sa pinto yung katawan ni Kristo:


"Makalipas ang isang linggo, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad at kasama nila si Tomas. Nakasara ang mga pinto, ngunit nakapasok si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sinabi niya, Sumainyo ang kapayapaan!" Juan 20:26

Yan ang dahilan kung bakit napa- "MY LORD AND MY GOD" si Apostol Tomas.

Eto ang patotoo ni Apostol Pablo:


"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21

Dumating pala talaga ang muling pagkabuhay sa pamamagitan hindi ng isang Diyos, kundi ng isang TAO, at itong TAO na ito ay walang iba kundi si KRISTO.



Umakyat sa langit at babalik sa mundong ito, TAO PA RIN


"Sila'y nakatitig sa langit habang siya'y iniaakyat sa langit. Walang anu-ano'y dalawang lalaking nakaputi ang lumitaw sa tabi nila. Sabi nila, "Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya." Gawa 1:10-11

Malinaw na malinaw, ito palang si Kristo ay UMAKYAT SA LANGIT at MAGBABALIK gaya ng nakita nilang pag-akyat niya. Ibig sabihin, WALANG PAGBABAGO sa kaniya simula ng siyay isilang, namatay, binuhay na mag-uli, umakyat sa langit at sa kaniyang pagbabalik sa mundo, TAO PA RIN SIYA.

Eto ang sinasabi ng bibliya sa atin:


"Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas. Huwag kayong patangay sa mga sari-sari at kakaibang katuruan..." Heb. 13:8-9

Hindi magbabago si KRISTO KAILANMAN, siyay tao at hindi mababago ang kaniyang pagiging TAO. Huwag daw tayong papatangay sa mga SARI SARI at KAKAIBANG KATURUAN.

Isa sa kakaibang katuruan ay ang pagka Diyos ni Kristo na inimbento noong Council of Nicaea 325 AD at nagkaroon naman siya ng DUAL NATURE noong Council of Chalcedon 451 AD. Itong mga KAKAIBANG KATURUAN na ito ay ipinagpauna na ng bibliya:

"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas.  Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo." II Cor. 11:3

Ibang iba talaga ang IPINANGARAL NG MGA APOSTOL TUNGKOL KAY KRISTO sa ipinapangaral ng mga bulaang propeta ngayon. Ang kanilang pagkilala kay Kristo ay walang basehan sa bibliya, mismo ang pagkilala nila sa DIYOS ay wala ding basehan sa bibliya.


Pero teka, ngayon bang nasa langit na siya naging DIYOS NA SIYA?

Malay mo... Pero tanungin natin ang bibliya, ito ang nasusulat:

“Datapuwa’t siya, palibhasa’y puspos ng Espiritu Santo ay tumitig na maigi sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus na nakatindig sa kanan ng Dios, At nagsabi, Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao ay nakatindig sa kanan ng Dios.” Gawa 7:55-56

Si Kristo pala ay nakatindig sa KANAN NG DIYOS, at hindi naman nabanggit na naging DIYOS si Kristo ngayong siyay nasa langit, kundi siyay TAO PA RIN:


“Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.” Awit 80:17

Tunay nga at wala ng makatututol na si KRISTO AY TAO at HINDI DIYOS o NAGING DIYOS. 

Tunay din nga na ang katuruan sa Iglesia ni Cristo ay TOTOO at itong lahat ay nakabase sa BIBLIYA at hindi sa TRADISYON o anumang KONSILYO.

Manalig tayo sa katotohanang ito at kilalanin natin ang NAG IISANG TUNAY NA DIYOS, ANG AMA.

Masama ba ang maging "bakla" o "tomboy" sa Iglesia ni Cristo?

Marahil ay maitanong ng ilan, hindi ba masama ang "bakla o tomboy" sa Iglesia ni Cristo? Hindi bat isa rin kayo sa mga relihiyon na kumokondena sa homosexuality? Hindi ba kayo nagiging mapanghusga niyan sa kapwa niyo? Wala bang karapatan ang mga "bakla at tomboy" na maligtas?

Andaming tanong ano?

Alam kong sensitive ang issue na ito pero pipilitin kong talakayan sa ikalilinaw ng mga bagay bagay. Pero bago iyan, kailangan muna nating malaman kung ano ba ang homosexuality.

Sa totoo lang, mahirap unawain ang seksualidad ng isang tao, ginawa kasi tayo ng Diyos na unique sa bawat isa, may ibat iba tayong mga katangian at pag uugali. Kung merong homosexuality sa animal kingdom, huwag na tayong magtataka kung bakit meron din sa tao.

Ang homosexuality ayon sa dictionary ay "sexual attraction to (or sexual relations with) persons of the same sex". Ibig sabihin, pag sinabing bakla, attracted ka o nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki LAMANG at ang tomboy naman ay attracted sa kapwa mo babae LAMANG. 

(Kung ikaw naman ay attracted o nagkakagusto sa parehong kasarian, bisexual naman ang tawag non sayo.)

Ang isang tao ay hindi dapat hinuhusgahan base sa kilos, pananamit o pananalita, walang kinalaman yon sa ating tunay na kasarian. Kapag ang isang lalaki ay may mga katangiang katulad sa babae kagaya ng pagiging malamya kumilos, ibig sabihin siya ay feminine at hindi BAKLA AGAD. Pag ang babae naman ay may mga katangiang katulad sa lalaki tulad ng pagiging boyish, siya ay masculine.

Kung ikaw ay hindi sigurado sa iyong kasarian, mas magandang huwag mo nalang ipilit na lagyan ng "LABEL" ang iyong sarili kung ikaw man ay lalaki, babae, bakla o tomboy. Ang seksualidad ng tao ay masyadong malawak at hindi kayang ma-define ng kahit sinong tao o kahit ng dictionary pa.

Hindi ako naniniwala sa ibang nagsasabing IPINANGANAK na silang homosexual. Kalokohan yon, 2 kasarian lamang ang ginawa ng Diyos. Ang pagiging bakla, tomboy, o anupamang kasarian ay maaaring bunga lamang ng environment na kinalakihan niya, o pagkalito sa kaniyang kasarian kung saan sa dulo nito ay napagdesisyunan niya kung ano talag siya. Ito ang tinatawag na sexual identity.


Ano bang sinasabi ng bibliya tungkol sa homosexuality?

Noong unang panahon meron ng mga "bakla at tomboy" pero hindi ito yung iniisip natin na ito yung mga lalaki at babaeng cross-dressers. Ang tinutukoy sa bibliya na "homosexuality" ay yung pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae. 

Eto ang sabi ng bibliya ukol dito:

"Ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin." Lev. 20:13

""Do not practice homosexuality, having sex with another man as with a woman. It is a detestable sin." Lev. 18:22 

KARUMAL DUMAL na gawain pala ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, itoy isang kasalanan.

Paparusahan ba ang mga nakikipagtalik sa kapwa babae o kapwa lalaki?

"Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng babae sa lalaki, at sa halip ay sa kapwa babae sila nakikipag-ugnayan. Ganoon din ang mga lalaki; ayaw na nilang makipagtalik sa mga babae, at sa kanilang kapwa lalaki sila nahuhumaling. Ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay, kaya't sila'y paparusahan ng nararapat sa kanilang masasamang gawa." Roma 1:26-27

Talaga naman palang KASUKLAM-SUKLAM ang gawaing iyon kaya sila ay PAPARUSAHAN na nararapat sa kanilang masamang gawa.

May bahagi ba sa kaharian ng Diyos ang mga gumagawa ng kasalanang ito?

"Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos." I Cor. 6:9-10

Dapat nating tandaan na hindi lang ang gumagawa ng homosexual acts ang walang bahagi sa kaharian ng Diyos, kundi pati ang mga gumagawa ng masama.




Masama ba ang maging "bakla" o "tomboy" sa Iglesia ni Cristo?

Sagot: Kung yung pagiging attracted sa same sex ang pag uusapan, maaaring walang masama doon at hindi yun kasalanan. Wala naman kasing gustong magkaroon ng gusto sa kapwa niya lalaki o babae tulad ng walang gustong ma-usig at ma-discriminate tayo ng iba. Kung madali lang baguhin ang ating nararamdaman, wala na sanang mga homosexual sa mundo. 

Kung pag uusapan ay ang "mahalay na pagnanasa" sa kapwa lalaki o kapwa babae, tulad ng mahalay na pagnanasa sa babae o sa lalake-- itoy masama at isang kasalanan.

Kung homosexual acts naman-- ito ay karumal dumal sa paningin ng Diyos at ang sinumang gumagawa nito mapa-straight man o homosexual ay lumalabag sa aral ng Diyos . (Sa panahon kasing ito, marami na ring straight ang gumagawa ng homosexual acts)

Kung pakikipagrelasyon o pagpapakasal sa kapwa babae o lalaki-- kasalanan din ito lalot tulad din ng "homosexual acts".

Magkaganun man, lagi nating tatandaan na hindi naman imposible na mabago pa ang ating nararamdaman kung hihingi tayo ng tulong sa ating Panginoong Diyos. Sa katunayan, marahil ay nakapanood na tayo sa TV o sa youtube tungkol sa mga taong "nagbago" dahil sa kanilang pagsampalataya sa magagawa ng Diyos--dating bakla o tomboy na nagpakalalaki o nagpakababae.


Pwede bang maging "bakla" o "tomboy" na nakakasunod pa rin sa utos ng Diyos?

Maaari. Hindi kasalanan ng isang tao ang ma attract sa kapwa niya lalot hindi naman niya ginusto iyon. Pero muli, pinakamaigi pa rin na lumapit at humingi ng tulong sa Diyos upang maituwid ang ating nararamdaman at hindi na natin ito problemahin pa. Sumampalataya tayo ng buo sa magagawa ng Diyos dahil walang imposible sa kaniya. 

Importante ring hindi tayo nag iisip ng kahalayan sa ating kapwa ano pa man ang ating kasarian, pakikipagrelasyon/pagpapakasal sa kapwa babae/lalaki at lalong lalo na na ang paggawa ng "homosexual acts" o yung makamundong gawain ng isang bakla o tomboy. 


Hindi ba isang kalokohan na isa kang homosexual pero hindi ka gumagawa ng homosexual acts?

Yan ang maaaring sabihin ng ilan, halimbawa, "eh bakla nga ako diba, ano bang dapat iexpect sa isang bakla?" Sinasabi nila na panloloko sa sarili yon dahil pinipigilan mo ang sarili mo na gawin ang natural sayo.

MALI ANG GANOONG PAG-IISIP!

Kung ikaw ay taong mabilis magalit, hindi mo kasalanan yon, nagiging kasalanan lang pag ginawa mo ang inaasahang ginagawa ng mga magagalitin na tao tulad ng pagbibitaw ng masasakit na salita. 

Ang tao ay isinilang sa mundong ito ng may pagnanasa sa masasama. Pero kahit meron tayong pagnanasa gawin ang mga iyon, meron tayong choice na hindi iyon gawin.

Kung meron tayong choice na gumawa ng masama, meron din naman tayong choice na gumawa ng mabuti.

Nasa saiyo na yon kung anong pipiliin mong daan, daan sa makamundong bagay o daan patungo sa Diyos. 

Ang homosexual acts ba ay ang pinakamalaking kasalanan kumpara sa iba?

Hindi. isa rin itong kasalanan, pero hindi ito mas matimbang kumpara sa iba pa. Isa lamang ito sa maaaring maging kasalanan ng tao (anuman ang kaniyang sexual identity) at lahat ng klase ng kasalanan ay ikinagagalit ng Diyos.

Hindi dapat isipin ng isang tao na kesyo walang mali sa pagiging bakla o tomboy na gumagawa ng homosexual acts at nakikipagrelasyon sa kapwa babae/lalaki bastat walang naapakang ibang tao. Mali ang ganoong pag iisip, sapagkat ang tungkulin natin bilang mga nilalang ng Diyos ay sundin ang KALOOBAN NIYA, hindi ang pansarili nating kalooban. Marahil ay may sarili tayong pamantayan ng kung ano ang tama at mali. Ngunit ang dapat nating tandaan na ang pinakatama ay ang pagsunod sa mga utos ng Diyos-- ito man ay kasang ayon sa ating kagustuhan o hindi.


Ang pakikipag relasyon ba at pagpapakasal sa kapwa babae o lalaki ay pinahihintulutan ng Diyos?


"Gayunman, sa paningin ng Panginoon ay kailangan ng babae ang lalaki at kailangan din naman ng lalaki ang babae." I Cor. 11:11

Kung ang homosexual acts nga ay KASUKLAM SUKLAM na sa Diyos, paano pa kaya ang pakikipagrelasyon, lalo na, ang pagpapakasal sa kapwa babae at kapwa lalaki? 

Babae at lalaki lamang ang ginawa ng Diyos, at may purpose ang Diyos kung bakit ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae. Kaya nga sa paningin ng Diyos ay kailangan nila ang isat isa at hindi sa kapwa nila babae o kapwa nila lalaki dapat mapunta ang isat isa.


Ang pagdadamit babae ng isang lalaki at ang pagdadamit lalaki ng isang babae ba ay kasalanan?

Eto ang sabi ng bibliya:


"Ang mga babae ay huwag magsusuot ng kasuotang panlalaki o ang mga lalaki ng kasuotang pambabae. Sinumang gumawa nito ay kasuklam-suklam kay Yahweh na inyong Diyos." Deut. 22:5

Ang mga natural na nagdadamit ng kasuotang hindi akma sa kanilang kasarian ay ang kasuklam-suklam sa Diyos, ngunit kung nagdamit babae o lalaki dahil hinihingi ng pagkakataon ay hindi naman masama.


Kahihiyan ba sa lalaki ang may mahabang buhok?


"Hindi ba't kalikasan na rin ang nagtuturo sa inyo na kahiya-hiya sa isang lalaki ang magpahaba ng buhok, ngunit karangalan naman ito ng babae? Sapagkat ibinigay sa kanya ang buhok bilang pantakip sa kanyang ulo." I Cor. 11:14-15

Kahihiyan sa lalaki ang magpahaba ng buhok na mala Arnel Pineda o Freddy Aguilar. Kaya natural na sa babae ang mahaba ang buhok at maikli naman ang sa lalaki.

Eto ang mga katuruan ng Diyos na nasa bibliya na dapat nating sundin.

Hindi excuse ang pagiging bakla o tomboy para makagawa ng kasalanan, lahat ng tao hanggat maaari hindi dapat gumawa ng anumang masama at ng mga bagay na ayaw ng Diyos, kaya naman kailangan nating magsakripisyo kahit ang nakataya pa ay ang ating kaligayahan kung ang kapalit naman nitoy ang ating inaasam na KALIGTASAN.

Huwag sana nating ibigin ang salinbutan o mga bagay sa sanlibutan at mga masasamang pagnanasa ng laman dahil ang lahat ng itoy walang kabuluhan sa paningin ng Diyos. Sa halip, sundin nating lahat ang kalooban niya:

"Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Ang umiibig sa sanlibutan ay hindi umiibig sa Ama. Ang lahat ng nasa sanlibutan, ang masasamang nasa ng laman, ang nasa ng mga mata, at ang pagmamalaki sa mundong ito ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa sanlibutan. Mawawala ang sanlibutan at ang lahat ng kinahuhumalingan nito, ngunit ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman." I Juan 2:16-17

Maaaring may mga "bakla" at "tomboy" sa Iglesia ni Cristo, lahat naman ng relihiyon merong ganoong klaseng miyembro. Kaya nga kung may nasumpungan man na ganitong kapatid ay pinapayuhan silang magpakalalaki o magpakababae-- hindi para i discriminate sila, kundi para hindi sila makagawa pa ng kasalanan na KASUKLAM SUKLAM sa Diyos. 

Hindi natin dapat silang ginagawang katatawanan o kinukutya, dahil tao lang din sila na dapat irespeto.

Hindi natin dapat silang hatulan na kesyo hindi sila maliligtas, Diyos lamang ang may karapatang humatol. At hindi rin natin dapat husgahan ang isang tao na isa silang bakla o tomboy dahil lamang sa kaniyang kilos, pananamit o pananalita.