Ang Kabayan ko Kapatid ko na ginanap sa Quiapo, Manila ang pang 20th na KKKK na isinagawa mula noong April 2013. Tulad ng inaasahan ko 3 days before the event, nagpasabog na naman ng katalinuhan ang mga Catholic defenders lalo na ang kanilang pari na si Mr. Pulpol (Abe Arganiosa). At tulad ng isa ko pang inaasahan, KINONEKTA na naman ng MEDIA ang INC event na ito sa PULITIKA. Hindi rin pinalampas ng mga inggit sa INC ang pagkakataong ito para magpakalat ng mga kasinungalingan sa ibat ibang website, blog at social networking site.
Yung mga tao namang hindi nabiyayaan ng pag kaunawa hayun todo reklamo sa nangyaring event. Perwisyo daw dahil sobrang traffic ang dinulot nito sa kanila, nakansela daw ang klase sayang daw yung tuition nila (wow 1 araw na event sayang agad ang tuition), nakansela din ang mga pasok ng mga empleyado sa gobyerno, sinara din daw ang mga kalye para lang sa event na ito at kung ano ano pa...
Ni-request ba ito ng Iglesia ni Cristo?
Sabi nila, kinansela daw ang pasok at sinara ang mga kalye para sa event. Totoo yon. Pero yung isisisi ito sa Iglesia, MAG ISIP NAMAN KAYO KUNG MERONG ISIP, pag wala wag ng pilitin.
Hindi yan nirequest ng INC at pwede ba, huwag niyong sabihin na kesyo ginawa ito ng local government para sumipsip sa INC para sa susunod na eleksyon eh suportahan sila ng Iglesia. Sadyang hindi lang talaga sila mga TANGA (tanga-may utak hindi naman ginagamit) na hindi pa sila NADADALA sa mga karanasan nila sa mga INC events at assemblies kung saan DAANG LIBO o MILYON ang dumadagsa.
Kung hindi nila kinansela ang pasok sa eskwelahan at sa gobyerno, isara ang ilang mga kalye at magkaroon ng re-routing, HINDI BA MAS MALAKING KAGULUGAN AT PROBLEMA ANG KAKAHARAPIN NILA? Heto ngat nagkansela na ng mga pasok pero marami pa rin ang mga nagrereklamong naapektuhan sa sobrang traffic.
Ang TIGAS NAMAN KASI NG MGA ULO NIYO, ilang araw bago ang INC event inanounce na yan pero hindi man lang kayo nag isip na mangyayari ang sinapit nyo. Mag 100years na ang Iglesia, at ilang beses na nagkaroon ng malalaking INC events sa Metro Manila HANGGANG NGAYON DI PA RIN KAYO NADADALA? Wala bang common sense?
Bakit Lunes?
Mga di talaga marunong mag isip. Yan ang pilit nilang pinagduduldulan, pwede naman daw weekends o sunday sana ginawa para di nakaabala sa traffic. Tanong, wala bang pagsamba ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo pag Sabado at Linggo? Imagine gabi pa lang ng Linggo tumulak na papuntang Maynila ang karamihan, kung linggo ginawa ibig sabihin sabado ng gabi sila pupunta ng Maynila? Ano to wala ng pagsamba para sa KKKK? Alam naman nila kung gaano kahalaga ang pagsamba saming mga Iglesia ni Cristo.
At sana naisip nila na pag tuesday naman, holiday yon para sa mga Muslim. Pangit naman kung wednesday gagawin, ano yon sat and sun walang pasok, lunes may pasok, tuesday at wednesday wala na namang pasok? Di ba mas okay na nga yung lunes para dire diretsong walang pasok! Ano ba yan!
Saka wala na bang iba pang event na KKKK bukod sa Quiapo? Hindi ba nila alam na may naka line up pang iba pang lugar na pagsasagawaan nito?
Ibat ibang suhestiyon mula sa mga taong hindi nabiyayaan ng pagkaunawa
Sa pagbabasa ko ng mga komento mula sa ibat ibang websites at blogs, ibat iba ang mga reaksyon ng mga tao. Marami din silang mga suggestion na halatang hindi pinag iisipan.
Andyan yung bakit daw kasi sa Manila pa ginawa eh heavily populated daw ito tapos sa Quiapo pa isinagawa. Andyan din yung bakit daw doon pa ginanap, para daw sana hindi nagkaproblema eh sa bawat lokal na lang daw ginawa yung event. Sabi pa ng iba, kung gusto daw makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng dental at medical mission, bakit daw napakarami ng pinapupunta o pumupunta hindi naman naseserbisyuhan yung iba. Napakarami pa nilang kung ano-anong naiisip para sa INC event na ito.
Pero kung icoconsider natin ang kanilang mga suhestyon at opinyon, ang gusto ba nilang sabihin at ipagawa sa INC na kami ang MAG-AADJUST para sa kanila? Naka 19 KKKK events na sa buong bansa pero dapat iurong namin ang event sa Quiapo? Daang libo at milyon din ang pumunta sa mga KKKK event na yon pero heto kung MAKA REKLAMO SILA kala mo naman 1st time ginawa ito.
At gusto ata nila, kami na yung TUTULONG NG WALANG BAYAD, kami pa mag aadjust para sa kanilang PANSARILING KAGINHAWAHAN. NAKAKAHIYA NAMAN!
1 araw lang naman yung event, hindi naman isang linggo, kaya nga humihingi ng paumahin sa traffic na naidulot ng event na iyon eh. Kailangan din bang mag sorry dahil gusto namin mabigyan ng tulong ang maraming mahihirap sa Quiapo?
Reklamo ng reklamo pag event ng Iglesia ni Cristo
Hindi nyo ba napansin ang mga tao, kapag event ng Iglesia kung maka reak, makapagbigay ng opinyon at maka reklamo ay TODO TODO. Yung iba ngang hindi naman napinsala ng traffic, kahit nasa bahay lang at nakikibalita kala mo eh hindi nabigyan ng sweldo kung maka ngawa. Kulang na lang mag rally sa Edsa dahil sa kanilang ka oeyan. Pero pag event ng Catholic Church tahimik lang kaming mga Iglesia ni Cristo, yung ibat ibang fiesta nila, kahit yung pa-rally rally nila kung saan saan wala silang maririnig samin na kesyo napaka perwisyo o kung ano pa man dahil may respeto naman kami sa kanila. Kapag event din ng ibang relihiyon hindi naman kami mga REKLAMADOR na kesyo napakaperwisyo o kung ano pa man.
Bakit pag sa Iglesia ni Cristo BASTOS sila? Anong meron? Pagpapatunay na hindi sila tunay na Kristiyano at pagpapatunay na hindi sila sa Diyos?
Pakitang Tao?
Yan pa ang isa sa mga paratang nila, ang ebidensya daw ay binobroadcast pa daw ang pagtulong, sabi daw sa bibliya ang pagtulong daw ay huwag pakitang tao lamang.
Porke ba binroadcast sa Net25 o INCTV pakitang tao agad? Hindi ba pwedeng para malaman lang ng mga tao ang mga aktibidad sa Iglesia kung saan kasama ito sa CHURCH NEWS na pinapalabas weekly?
Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari, dati pag walang mga ganitong aktibidad silang nababalitaan sasabihin nila kinukurakot lang ng mga ministro ang pera ng mga myembro o kaya naman, hindi daw tumutulong sa kapwa. Ngayon naman mas pinalaki at pinalawak ang pagtulong ng Iglesia, sasasabihin nila PAKITANG TAO LANG? ANO BA YAN!
Pag sinabi mong pakitang tao, bukod sa tumutulong lang para maipakita sa iba na tumutulong siya, eh hindi na nasusundan ang pagtulong na ito. Eh yung KKKK ay isang project ng INC at pang 20th na ang ginanap sa Quiapo, at gaganapin pa ito sa marami pang lugar sa bansa pati sa ibang bansa, bago sumapit ang sentenaryo ng Iglesia.
Ang tunay na mga pakitang tao pag tumutulong ay yung ginagawa ng mga politicians na tutulong kunwari pero anlalaki ng mga mukha nila sa mga posters sa event nila. Hindi naman nila pera yon pero yung mga mukha nila andoon kala mo sariling pera nila ginamit. Ang isa pang mga PAKITANG TAO, ay yung mga taong tumutulong sa kapwa pero kapag iba nag organisa ng pagtulong sa kapwa ay SINISIRAAN NILA ITO at ipapamukha ang mga GINAWA NILA sa pamamagitan ng PAGKUKUMPARA.
ILAG ILAG ANG MGA DEPENSOR KATOLIKO ^^
Tamaan sapul.
May koneksyon sa PULITIKA?
Nakakatawa talaga tong mga nasa media, lahat na lang ng INC event na ginagawa sa Metro Manila sinasabi nila POLITICALLY MOTIVATED daw. Ano ba yan. Bago pa ang KKKK sa Quiapo meron nang naganap na 19 KKKK sa buong bansa, pinakamalaking bilang ng dumalo sa 19 KKKK na yon eh sa Davao kung saan 2.5 million ang dumagsa, pero hindi man nga lang nila ito binalita sa TV at hindi rin kinonekta sa PULITIKA, pero pag ginaganap sa METRO MANILA mapa maliit na event o malaki, lagi nilang sinasabi may NAIS IPARATING kuno sa gobyerno. Pansin nyo?
Isipin nyo naman, NAPAHIYA NA NGA SILA sa GEM noong Feb. 2012 na ginagap sa Quirino Grand Stand at sa ibat ibang panig ng bansa. Ang report kasi nila SUPORTA DAW kay CORONA pero pahiya sila nung antay sila ng antay sa pag cocover ng pangyayaring iyon pero WALA SILANG NAKITA NA PAGSUPORTA kay Corona o anumang aktibidad na may koneksyon sa pagsuporta kay Corona.
Ngayon naman, ang MEDICAL at DENTAL MISSION plus RELIEF OPERATION plus EVANGELICAL MISSION kinonekta na naman sa PULITIKA. Ano naman kaya ang koneksyon ng pagbubunot ng ngipin, pamimigay ng gamot, at pangangaral ng salita ng Diyos sa PULITIKA? Meron ba? San banda?
Mga TAGA-MEDIA, AYUSIN NYO REPORT NIYO, SAKA KUNG MERON NA NAMAN KAYONG IKOKOWT NA RELIABLE INC INSIDER KUNO, GANDAHAN NYO NAMAN ANG KWENTO NYO. PURO KAYO HULA AT IMBENTO NG BALITA PAG INVOLVE ANG INC.
Eto pa, kapag nakakakita sila ng mga pulitiko sa mga INC event na tulad ng Pamamahayag at eto nga, Kabayan ko Kapatid ko, akala nila nakiki epal lang ang mga iyon at nagpaparamdam sa INC para suportahan sila sa mga susunod na eleksyon. Ang ibig nyo bang sabihin BAWAL SA MGA PULITIKO ANG MAG IGLESIA NI CRISTO?
Pag meron kasing pangangaral ng salita ng Diyos nag iimbita ang INC ng mga hindi pa kaanib, kahit mapa pulitiko man, artista, kilalang tao o mga opisyal ng ibang relihiyon. MASAMA BANG AKAYIN SILA NA MAKINIG NG DOKTRINA NG IGLESIA?
Kahit ano pa mang rason ang nag udyok sa kanila na tanggapin ang imbitasyon ng INC, kung meron man silang agenda na magpalakas para masuportahan ng INC o kung ano pa man, sila na may problema doon. At hindi porke dumadalo sila sa mga INC event, hindi yun kasiguraduhan na sila ang susuportahan ng Iglesia sa mga susunod na eleksyon dahil maraming proseso ang pagdadaan niyan, hindi yan basta basta na porke may ginawang kabutihan sila sa INC iboboto agad. Hindi ganun yun.
Para sa lahat:
Sa halip na MAGREKLAMO KAYO NG MAGREKLAMO, bakit hindi na lang kayo GUMAWA NG KABUTIHAN at TULUNGAN ANG INYONG KAPWA? Porke ba INC ang nag organisa ng event kailangan BASTUSAN? Kailan nyo pipigilan ang sarili na mainggit sa Iglesia ni Cristo at pipigilin ang sarili magsalita ng mga walang ka sense sense na mga bagay?
October 16, 2013
9 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
psencia n mga kapatid ko, pnatulan ko yung mga comments ng mga naiinggit s activity ntin n ito s yahoo news. kakainis kc minsan pra s knila wla daw mganda nagawa ang aktibidad n ito. Inggit at kasinungalingan kc namamayani s puso nla kya gnun mga comments. Pilit ikinakabit s tin ang pulitika smantalang cno b ang lagi nakikialam? hndi b sla Father nila.. Of course mgkakatraffic s dami ng dumalo. Milyon ang dumalo, natural mgkakaganun. Pano kung 1000 lng ang dumalo bka twanan lng nla tyo. Kya nga ang mga nsa MMDA, PNP atbp. nagredy n b4 ang activity n ito. Mging s news naibalita n, tpos sisisihin ang INC. Wnalang bahala tpos maninisi.
ReplyDeletemaski sa mga page group ang daming bitter sa INC pero dko sila inurungan dahil alam kong nsa tama tayo brad, more power sa blog mo :)
ReplyDeleteMonday nagkaroon ang INC ng KKKK, after that puro batikos at paninira ang tinanggap ng tunay na Iglesia sa mga social media, Tuesday iniba ng God ang topic sa social media....lindol sa Visayas, mahigit na 12 century old church and nagiba. ..so nawala paninira nila sa INC.
ReplyDeleteUnderstable ka naman, kapatid. Ipanalangin na lamang natin ang mga taong sa atin ay tumutuligsa, na nawa pagpalaing matawag sa tunay na Iglesia Ni Cristo.
ReplyDeleteIn my opinion, I believe that Kabayan ko, Kapatid ko program of INC is just a bait to gather a lot of people to preach the INC doctrine.
ReplyDeletethank you for your own "OPINION". If thats the case, then catholic charities, foundations, dental, medical missions etc are also considered as "baits" for their nonmember beneficiaries. Also, a lot of protestant churches as well as ADD of Mr. Soriano holds similar activities which, according to your OPINION, are just BAITS.
DeleteBut to be fair to you, in my opinion also, KKKK is an "instrument" so that nonmembers can hear the true gospel. Well, "bait" is your term, probably because your church does that and so are other protestant churches.
Sige...Kayo nga magbigay ng tulong ng walang kapalit.At ipagsigawan namin na trapik?
DeleteRiel Lopez,
ReplyDeleteWhen Christ was here on earth, most of the time in the midst of His preachings, He HEALED and FED people who followed Him everywhere. Do you consider it as His "bait" to attract people to listen to His words?
--Bee
The Catholic Church is only a church of thieves and maniacs of all forms.
DeleteDo not provoke them.
Mga buraot na mga pari yan....Nasaan na yung mga funds ng mga simbahan ninyo?