"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

January 2, 2013

Sinabi nga ba ni Kristong siya ay Diyos?

Sa ilang verses sa bible na nagsasalaysay tungkol sa gustong pagpatay o pagbato kay Kristo ng mga Hudyo, ang dahilan nga ba nitoy dahil kinlaim daw o sinabi daw ni Kristo na siya ay Diyos?

Eto po ang tinutukoy ko:

"For this reason the Jews tried all the harder to kill him; not only was he breaking the Sabbath, but he was even calling God his own Father, making himself equal with God." John 5:18 

“We are not stoning you for any good work,” they replied, “but for blasphemy, because you, a mere man, claim to be God.” John 10:33

Tanong, ito bang pagsasabi na ipinapantay daw o kiniklaim daw ni Kristo na siya ay Diyos ay sinong nagsabi? Si Kristo ba mismo ang nagsabi o ang mga Hudyo (na ayaw maniwala kay Kristo)?


John 5:18 "making himself equal with God"

Unahin na natin ang John 5:18, kung saan sinasabing PINAPANTAY DAW ni Kristo ang kaniyang sarili sa Diyos.

Tanong: May sinabi ba si Kristo sa buong pakikipag usap niya sa mga Hudyo, na PINAPANTAY NIYA ANG KANIYANG SARILI SA DIYOS?

Sagot: WALA. Dahil kaya daw gustong patayin ng mga Hudyo si Kristo ay dahil daw tinawag niya ang Diyos na kanyang AMA. Hindi naman sinabing kaya siya gustong patayin ay dahil PINAPANTAY NIYA ANG SARILI NIYA SA DYOS, kundi: "he was even calling God his own Father, making himself equal with God." 

Dahil tinawag niyang AMA ang Diyos, naintindihan nila ito bilang pagpapantay niya sa kaniyang sarili sa Diyos gayong siyay tao. Ikaw kaya, halimbawa sa kalye, may isang lalaking ang dumi dumi ng katawan parang pulubi at biglang nagsisigaw na "si Mayor ang tatay ko! si Mayor ang tatay ko!" 

Tanong, maniniwala kaba? Yung Mayor daw na mayaman ang kaniyang tatay pero kung titignan mo siya ay gusgusin parang pulubi halatang mahirap. Kung ikiklaim niyang tatay nya ang Mayor nila, di bat maiintindi natin yon na ipinapantay niya ang kaniyang sarili, na isang mahirap, sa kanilang Mayor na MAYAMAN?   

Pag kinlaim ba niya na siyay anak ng Mayor ibig sabihin MAYOR DIN SYA?

Eh si Kristo, pag sinabi ba niyang siyay anak ng Diyos, ibig sabihin DIYOS DIN SYA?

Balikan nga natin ang mga verses para mas maintindihan natin: 

"So, because Jesus was doing these things on the Sabbath, the Jewish leaders began to persecute him. 
In his defense Jesus said to them, “My Father is always at his work to this very day, and I too am working.” 
For this reason they tried all the more to kill him; not only was he breaking the Sabbath, but he was even calling God his own Father, making himself equal with God." John 5: 16-18

At ayun nga ang nangyari, dahil sinabi ni Kristo na ang Diyos ang kaniyang Ama, at yung mga ginagawa ng Diyos ay ginagawa din niya, naintindihan nila iyon bilang pagpapantay ng kaniyang sarili sa Diyos. Pero kahit kelan hindi PINANTAY NI KRISTO ANG KANIYANG SARILI SA DYOS: 

"Who, being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God:" Philippians 2:6

Oh teka, baka sabihin naman ng iba, o ayan oh kinowt mo pa yung ebidensya ng mga naniniwalang si Kristo ay Diyos! Hindi po, hindi ito isang katibayang si Kristo ay Diyos, dahil ang sabi maliwanag, "being in the form of God" hindi naman sinabing "being God himself"... magkaiba po kasi yun!^^

Nasa anyong Diyos si Kristo hindi dahil Diyos siya, kundi dahil siya ay banal at walang nagawang kasalanan katulad ng Diyos, di ba ngat SIYA LANG ANG TAONG HINDI NAKAGAWA NG KASALANAN?:

“To this you were called, because Christ suffered for you, leaving you an example, that you should follow in his steps."He committed no sin, and no deceit was found in his mouth." I pet. 2:21-22 

Paano naman kaya hindi mamahalin ng Diyos si Kristo eh sa lahat ng tao na kaniyang ginawa (kasama si Kristo) eh si Kristo lang ang nakasunod sa kaniyang mga utos at nanatiling banal?

Kung sasabihin ng iba na Diyos si Kristo dahil dito, eh di Dyos din pala si Adan at Diyos din tayong lahat dahil ginawa tayo ng Diyos na kaniyang kalarawan:

“Then God said, Let us make man in our image….” Gen. 1:26

Tanong, nung ginawa ba tayong kalarawan ng Diyos ibig sabihin ba nitoy ginawa niya tayong mga Diyos din? Hindi. Dahil sa pagiging MATUWID AT BANAL tayo naging kalarawan ng Diyos at hindi dahil tayoy ginawang mga Diyos din:

 “And that you be renewed in the spirit of your mind, and put on the new self, which in the likeness of God has been created in righteousness and holiness of the truth.”  Eph. 4:23-24

Yun ang binabanggit kung bakit KALARAWAN NATIN ANG DIYOS. Yung sinasabi namang NASA ANYONG DIYOS SI KRISTO, ang tinutukoy don ay ang pagiging BANAL ni Kristo, na kahit na siya ay matuwid at banal katulad ng Diyos, HINDI NYA PA RIN IPINANTAY ANG KANIYANG SARILI SA DIYOS, bakit? Dahil sabi ni Kristo:

 Ye have heard how I said unto you, I go away, and come again unto you. If ye loved me, ye would rejoice, because I said, I go unto the Father: for my Father is greater than I. John 14:28

"My Father, who has given them to me, is greater than all ; no one can snatch them out of my Father’s hand." John 10:29

Mas mataas pa rin ang Diyos kahit kaninuman, kahit pa sa kaniyang sarili.


John 10:33 "because you, a mere man, claim to be God"

Puntahan naman natin ang John 10:33 kung saan binabato daw siya ng mga Hudyo dahil kinlaim daw ni Kristo na siya ay Diyos. Tanong, sino ang nagsabi na KINLAIM daw ni Kristo na siya ay Diyos? Si Kristo mismo o ang mga Hudyo (na ayaw maniwala sa kaniya)?

Eto ang sabi sa John 10:33 ikowt ko lang uli:
“We are not stoning you for any good work,” they replied, “but for blasphemy, because you, a mere man, claim to be God.” John 10:33

Bagamat siya daw ay tao, kinlaim daw niyang siya ay Diyos, tanong, TOTOO BA ITO? Na KINLAIM DAW NI KRISTO NA SIYA AY DIYOS? 

Ipagpatuloy natin ang verse: 
"Jesus answered them, “Is it not written in your Law, ‘I have said you are “gods”’?  If he called them ‘gods,’ to whom the word of God came—and Scripture cannot be set aside—  John 10:34

para mas maintindihan natin, tignan natin ang ibang salin:
"Jesus answered, “It is written in your law that God said, ‘I said you are gods. This Scripture called those people godsthe people who received God’s message. And Scripture is always true." ETV

Yun naman pala, hindi lang talaga naintindihan ng mga Hudyo ang mga pinagsasasabi ni Kristo kaya akala nila eh KINIKLAIM ni Kristo na siya ay Diyos, tulad nito sa mas naunang verse:
  
"Jesus told the people this story, but they did not understand what it meant." John 10:6   

At kahit sa ibang chapter, pag kinakausap ni Kristo ang mga Hudyo ay hindi siya lagi maintindihan:

Once more Jesus said to them, “I am going away, and you will look for me, and you will die in your sin. Where I go, you cannot come.”

This made the Jews ask, “Will he kill himself? Is that why he says, ‘Where I go, you cannot come’?”
 

But he continued, “You are from below; I am from above. You are of this world; I am not of this world. I told you that you would die in your sins; if you do not believe that I am he, you will indeed die in your sins.”  

“Who are you?” they asked.

“Just what I have been telling you from the beginning,” Jesus replied. “I have much to say in judgment of you. But he who sent me is trustworthy, and what I have heard from him I tell the world.”
 

They did not understand that he was telling them about his Father.

John 8: 21-27 

Kaya hindi na nakapagtataka kung sasabihin ng mga Hudyo na KINLAIM daw ni Kristo na siya ay Diyos o kaya naman, pinapantay daw niya ang kaniyang sarili sa Diyos. Kung sa bagay, sinasabihan pa nga nila si Kristong sinasaniban ng demonyo pag nagkukwento sya tungkol sa kaniyang Ama:


The Jews who heard these words were again divided. Many of them said, “He is demon-possessed and raving mad. Why listen to him?” John 10:19-20

Balik tayo sa topic...

Sabi ni Kristo, tinawag palang "mga diyos" ang mga taong nakatanggap ng mga salita ng Diyos. Pero baka naman sabihin ng ilan na naniniwala sa maraming Diyos, oh, kinowt mo ang verse na nagsasabi "mga diyos" at ang Diyos mismo ang nagsabi, ibig sabihin hindi lang ang Ama ang Diyos, o kaya naman ay, hindi lang 1 ang Diyos, pero teka tignan nga natin muna ang verse sa Old Testament na kinowt ni Kristo:

"God presides in the great assembly; he renders judgment among the “gods”:
 “I said, ‘You are “gods”; you are all sons of the Most High.’" Psalm 82:1,6

Ang "mga diyos" kayang tinutukoy dito ay TUNAY NA MGA DIYOS? Yun bang katulad rin ng AMA na gumawa ng langit, lupa at lahat ng mga bagay sa mundo?

Hindi po. Ang tinutukoy dito ay yung mga "judges" na nilagay ng Diyos sa bayang Israel, kaya nga sa Exodus 21:6 ganito ang sabi:

“Then his master shall bring him to God [the judges as His agents]; he shall bring him to the door or doorpost and shall pierce his ear with an awl; and he shall serve him for life.”

Tao rin tong mga judges o "gods" na ito kaya nga sabi sa kasunod na verse sa Psalm 82:7 :

“But you will die like mere men; you will fall like every other ruler.”

At dapat nating malaman na kahit pa may mga "diyos" o mga "panginoon" sa lupa at langit, IISA PA RIN ANG DIYOS, ito ay ang AMA: 

"For even if there are so-called gods, whether in heaven or on earth (as indeed there are many "gods" and many "lords"), yet for us there is but one God, the Father, from whom all things came and for whom we live;..." I Cor. 8:5-6 


KINLAIM ba ni KRISTO NA SIYA AY DIYOS o KINLAIM NYANG SIYA ANG ANAK NG DIYOS?

Eto ang malinaw na malinaw na sagot galing sa bibliya, ituloy lang ulit natin ang pagbasa:


 "As for me, the Father chose me and sent me into the world. How, then, can you say that I blaspheme because I said that I am the Son of God?" John 10:36

Yun naman pala, nagtataka nga si Kristo, bakit daw nila sinasabing nilalapastangan nila ang Diyos dahil lang sinabi niyang SIYA ANG ANAK NG DIYOS?

Tanong, NAGKLAIM BA SI KRISTO NA DIYOS SIYA?

Hindi. From cover to cover ng bibliya wala tayong mababasang sinabi ni Kristong "Ako ang Diyos" o kaya naman ay "Ako ay Diyos", wala pong ganun. Ang pagkeklaim diumano ni Kristo ay ang PAGKAKAINTINDI lamang ng mga Hudyo sa kaniya. Eto nga, GUSTO SIYANG IPAPAKO SA KRUS NG MGA HUDYO. 

BAKIT?

Dahil ba PINAPANTAY NIYA o KINEKLAIM NYANG SIYA AY DIYOS?

Basahin natin sa bibliya:
"Once more Pilate came out and said to the Jews gathered there, “Look, I am bringing him out to you to let you know that I find no basis for a charge against him.” When Jesus came out wearing the crown of thorns and the purple robe, Pilate said to them, “Here is the man!

As soon as the chief priests and their officials saw him, they shouted, “Crucify! Crucify!”

But Pilate answered, “You take him and crucify him. As for me, I find no basis for a charge against him.”

The Jewish leaders insisted, “We have a law, and according to that law he must die, because he claimed to be the Son of God.” John 19:4-7

MALIWANG NA MALIWANAG, ang sabi: "according to that law he must die, because he claimed to be the Son of God.”" 

Ang TOTOONG RASON kung bakit gusto siyang ipapako sa Krus, pagbabatuhin, at patayin ng mga Hudyo ay hindi dahil kineklaim nya o pinapantay nya ang sarili niya sa Diyos, kundi dahil KINLAIM NYANG SIYA ANG ANAK NG DIYOS!

At bilang pangwakas, gusto ko lang mag iwan ng mga tanong: 

May pinagkaiba ba ang mga Hudyong bumato sa kaniya, gusto siyang patayin at ang mga nagpapako sa kaniya sa Krus dahil ang pagkakaintindi sa kaniya ay ipinantay nya at kinlaim daw nyang siya ay Diyos sa mga TAO NGAYON na SUMASAMPALATAYA AT NANINIWALANG DIYOS SIYA sa pareho ring kadahilanan? 

Ano ba ang KINLAIM ni Kristo? Siya daw ba ay "Son of God" o "God the Son"? 

Si Kristo ba ay naniniwala at kinikilala ang kaniyang sarili bilang Diyos o may kininilala rin siyang Diyos tulad natin bilang mga tao?

Kayo na pong bahalang sumagot^^


11 comments:

  1. Ang mga KUMIKILALA kay Cristo bilang Diyos sa panahon natin ay nagsasabi na siya nga daw ay Diyos din dahil Siya ay ANAK ng Diyos..

    PAREHONG-PAREHO SILA NG MGA HUDYO noong unang siglo!

    KUNG NABUHAY ANG MGA TAONG ITO SA PANAHON NI CRISTO, KASAMA SILA SA MGA MAGPAPAPAKO KAY CRISTO SA KRUS..

    DAHIL ba sa NAGPAKILALANG ANAK NG DIYOS AY DIYOS NA RIN SIYA?

    Ang anak ba ng pulis ay pulis din?
    Ang anak ba ng hari ay hari din?

    Ang MISYON ni Cristo ay IPAKILALA KUNG SINO ANG TUNAY NA DIYOS...

    NAGAWA BA NI CRISTO ANG MISYON NIYA?

    NANG IPAKILALA NIYA KUNG SINO ANG TUNAY NA DIYOS, SINO ANG ITINURO NIYA?

    JUAN 17:1,3
    1Ang mga bagay na ito ay sinalita ni JESUS; at sa PAGTINGALA ng KANYANG mga mata sa LANGIT, ay sinabi niya, AMA, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:

    3At ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN, na IKAW ay MAKILALA nila na IISANG DIYOS NA TUNAY, at siyang IYONG SINUGO, samakatuwid baga'y si JESUCRISTO.

    ANO PA BA ANG HAHANAPIN NINYO?

    NAPAKALIWANAG NG SINABI NI JESUS... ANG DIYOS...ANG AMA ANG IISANG DIYOS NA TUNAY!

    EH SI JESUCRISTO, ANO NAMAN SIYA?

    SIYA AY SINUGO NG AMA!

    PAREHO BA ANG NAGSUGO AT ANG SINUGO?

    JUAN 13:16
    KATOTOHANAN, KATOTOHANANG sinasabi ko sa inyo,

    ang ALIPIN ay HINDI DAKILA kaysa kaniyang PANGINOON;

    ni ANG SINUGO man ay DAKILA kaysa NAGSUGO sa kaniya.

    Dito ay makikita na HINDI TALAGA DIYOS si CRISTO KUNDI SIYA AY SINUGO NG DIYOS at
    HINDI DIYOS!

    ANG KIKILALA SA AMA NA IISANG TUNAY NA DIYOS ANG MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang mga KUMIKILALA kay Cristo bilang Diyos sa panahon natin ay nagsasabi na siya nga daw ay Diyos din dahil Siya ay ANAK ng Diyos..

      PAREHONG-PAREHO SILA NG MGA HUDYO noong unang siglo!

      KUNG NABUHAY ANG MGA TAONG ITO SA PANAHON NI CRISTO, KASAMA SILA SA MGA MAGPAPAPAKO KAY CRISTO SA KRUS..

      ibig sabihin tama ang mga naniniwalang Dios si Jesus. ang pinagkaiba lang ang mga judio noon ay hindi nila matangap ang katotohanan at ayaw nila paniwalaan ang Panginoon kaya nila pinako si Jesus.
      samantalang ang mga christians ngayon eh naniwala na sya nga ay Dios Anak at magkasama na sila ng Dios Ama sa simula pa lang. un ang pinagkaiba.

      7 After Jesus said this, he looked toward heaven and prayed:

      “Father, the hour has come. Glorify your Son, that your Son may glorify you. 2 For you granted him authority over all people that he might give eternal life to all those you have given him. 3 Now this is eternal life: that they know you, the only true God, and Jesus Christ, whom you have sent. 4 I have brought you glory on earth by finishing the work you gave me to do. 5 And now, Father, glorify me in your presence with the glory I had with you BEFORE THE WORLD BEGAN.

      kunpletuhin nyo ung verse na binibigay nyo para hindi po kayo napagbibintangan na namimili lang ng verses na umaayon lang sa doctrine nyo. salamat po.

      Delete
    2. Ningel,
      malugod ko pong pinapaalam sa inyo na sinagot at ipinaliwanag ko na ang verse na binabanggit nyo. sanay maliwanagan din po kayo. maraming salamat po.

      http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/02/ang-kaluwalhatiang-taglay-ko-sa-piling

      Delete
  2. Hi Ningel, saan sa talata mababasa na Dios si Cristo? wala namang nakalagay na Diyos si Cristo... ang mababasa ay ANG AMA ang ONLY TRUE GOD!
    Gusto mong palitawin na Diyos si Cristo dahil sa phrase na "before the world began"... kasing kahulugan ba yan na si Cristo ay Diyos? wala sa talata ng Biblia ang conclusion mo... kung may mababasa sa Biblia na ang mga Cristiano ay pinili rin sa pasimula pa lang, ibig bang sabihin ay may pre-existence na ang mga Cristiano?
    wala kang mababasa na si Cristo ay may pre-existence...
    alam mo ba na sa araw ng paghuhukom ay susuko si Cristo sa Diyos?
    bakit siya susuko sa Diyos?
    UPANG MATUPAD ANG PANUKALA NA ANG DIOS AY MAGING LALO SA LAHAT...KAYA'T PAG NAPASUKO NA ANG LAHAT SA ANAK, ANG ANAK NAMAN AY SUSUKO SA DIYOS!
    SA GAYON ANG AMA AY MAGIGING LALO SA LAHAT...

    MAY NABASA KA LANG KASI NA "BEFORE THE WORLD BEGAN" AY NAG CONCLUSION KA NA AGAD NA SI CRISTO AY DIOS...

    HINDI PA PO NAPATUNAYAN KAHIT KAILAN KUNG BIBLIA ANG PAG-UUSAPAN NA SI CRISTO AY DIYOS...
    TALAGANG ANG MGA BULAANG PROPETA AY MALI ANG ITUTURO...PINIPILIPIT NILA ANG TALAGA PARA PALITAWIN NA DIOS SI CRISTO..

    PATUNAYAN MO NGA NA ANG MGA UNANG CRISTIANO AY KINILALA NILANG DIYOS SI CRISTO... ANG TOTOO, KAHIT ANG MGA APOSTOL AY HINDI MAKAPANIWALA NA NABUHAY NA MAG-ULI NGA SI CRISTO KAYA'T NG MAKITA NILA SYA MULI AY NATAKOT PA SILA...

    ANG TUNAY NA DIYOS...ANG AMA... MULA SA PANAHON NI EVA AT ADAN HANGGANG SA ARAW NG PAGHUHUKOM AY ANG IISANG DIYOS NA TUNAY...

    ANG DIYOS BA NI ABRAHAM AY MAY 3 PERSONA?
    ANG DIYOS BA NI MOISES AT NG BAYANG ISRAEL AY MAY 3 PERSONA?

    WALA KANG MABABASA NA ANG DIYOS NILA AY MAY 3 PERSONA...

    AT KAHIT SA PANAHONG CRISTIANO ANG DIOS NA KINILALA NILA NOONG UNANG SIGLO AY ANG AMA LAMANG...

    AYON MISMO SA MGA APOSTOL..."SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIYOS LAMANG, ANG AMA NA LUMALANG NG LAHAT NG BAGAY.."

    HINDI NILA SINABI NA MAY ISANG DIOS LAMANG...ANG AMA, ANG ANAK, AT ANG ESPIRITU SANTO.... wala nun! wala nun! wala nun!

    kailangan lang po talaga nating magsuri...tanggapin ang nakasulat sa Biblia ... ang Abrahamic faith na syang dumaloy sa Israel at hanggang sa mga Cristiano - si Cristo ay binhi ni Abraham... ay MONOTHEISTIC faith...

    mabuti pa ang relihiyong Islam, sa isang banda ay ALAM NILA na IISA lang ang tunay na Diyos... samantalang ang mga nagpapakilalang DIUMANO ay CRISTIANO ay NAHAWA SA MGA PANINIWALA NG MGA PAGANO....maraming grupo ng mga pagano ang naniniwala na ang DIYOS ay "trinity"...

    PAGANONG DOKTRINA ANG TRINITY....

    ReplyDelete
  3. "For this reason the Jews tried all the harder to kill him; not only was he breaking the Sabbath, but he was even calling God his own Father, making himself equal with God." John 5:18

    saan mababasa: sa bible na makikita sa aklat ng john
    sino ang sumulat: siguro si john
    sino ang nagsasalita sa talata: si john dahil siya ang sumulat sa aklat

    ayon sa sumulat/nagkukuwento/witness na gustong patayin si Jesus dahil hindi lamang nilabag ang sabbath kundi tinawag pa niya na sariling Ama ang Dios. ayon sa nagkukuwento dahil sa pagtawag ni Jesus ng sariling Ama niya ang Dios ito ay nangangahulugan na pinapantay ni Jesus ang kayang sarili sa Dios o sa madaling salita siya si Yahweh.

    tanong: sino ang sumulat?
    sagot: si john na isang hudyo na naniniwala na iisa ang Dios. kaya siya ang nagsabi na pinapantay ni JEsus ang sarili niya sa Dios.

    tanong sa inyo: (siguro hindi ninyo paniniwalaan yung pulubi na nagsisisigaw na anak siya ni mayor totoo man o hindi ang kayang sinasabi maliban siguro kung kilala nyo yung pulubi na anak talaga ni mayor.)
    ngayon, paniniwalaan nyo ba ang sinabi ni john na "si Jesus ay pinapantay niya ang sarili sa Dios(Yahweh) dahil tinawag niya ang Dios na sariling Ama"?

    pwede sigurong lumahok yung mga may logical at matino na commenter.

    salamat.

    ReplyDelete
  4. "ayon sa nagkukuwento dahil sa pagtawag ni Jesus ng sariling Ama niya ang Dios ito ay nangangahulugan na pinapantay ni Jesus ang kayang sarili sa Dios o sa madaling salita siya si Yahweh."

    Ang sinabi lamang kasi po ni Hesus ay Ang Diyos ang kaniyang Ama. period. wala naman siyang kiniklaim (WALA TAYONG MABABASA SA BIBLIYA) na sinabi niyang "ako ang Diyos" o "ako ang Diyos", wala rin siya kinekliam na PINAPANTAY NIYA ANG SARILI NIYA SA DIYOS. Ang klaim niya (mababasa sa bibliya) ay "ako ang Anak ng DIyos".

    Kaya nga po siya nagtataka, sabi rin kasi ng mga hudyo sa kanya, bakit nga naman daw SINASABI nila na nilalapastangan niya ang Diyos dahil lang sinabi niyang SIYA AY ANAK NG DIYOS? wala naman po siyang sinasabi SIYA AY DIYOS eh.

    "As for me, the Father chose me and sent me into the world. How, then, can you say that I blaspheme because I said that I am the Son of God?" John 10:36

    At ayon na rin sa isang verse na madalas banggitin ng mga trinitarians:
    "Who, being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God:" Philippians 2:6

    sino ang nagsulat ng Philippians: APOSTOL pablo

    apostol po ang nagsulat. ngayon, sino po ang paniniwalaan ko, ang PAGKAKAINTERPRET nyo, o ang sinasabi ni apostol pablo?

    gusto syang patayin ng mga hudyo hindi dahil PINAPANTAY NIYA ANG SARILI SA DIYOS, o KINLEIM NYANG SIYA AY DIYOS kundi:

    The Jewish leaders insisted, “We have a law, and according to that law he must die, because he claimed to be the Son of God.” John 19:7

    sa pagbabasa at pag intindi po kasi sa bibliya, dapat ikonsider natin yung ibang verses sa bible, na hindi dapat NAGCOCONTRADICT ito sa isat isa. kung sasabihin nyong PINANTAY NGA NI KRISTO ANG SARILI NIYA SA DIYOS, samantalang wala naman tayong mababasa sa bibliya na sinabi mismo ni kristo na pinapantay niya ang sarili niya sa Diyos DAHIL LANG TINAWAG NIYA ANG DIYOS NA KANIYANG AMA, mag isip isip na tayo kung tama ba ang pagkakaintindi nyo...

    ReplyDelete
  5. continuation...

    sabi nyo si john ang sumulat?
    oh sige tignan natin sa ibang verses sa pareho pa ring libro, book of john:

    Jesus spoke these words, lifted up His eyes to heaven, and said: “Father, the hour has come. Glorify Your Son, that Your Son also may glorify You, John 17:1

    And this is eternal life, that they may know You, the only true God, and Jesus Christ whom You have sent. John 17:3

    But now you seek to kill Me, a Man who has told you the truth which I heard from God. Abraham did not do this. john 8:40

    Ipinakilala ni Kristo ang tunay na Diyos, ang AMA. at sinabi rin nyang syay TAO. Ang kineklaim nya, uulit ulitin ko po, ay sya daw ay ANAK NG DIYOS at hindi DIYOS MISMO. Tignan natin sa ibang verses sa book of john:

    “No one has seen God at any time. The only begotten Son, who is in the bosom of the Father, He has declared Him.” John 1:18

    And John bore witness, saying, “I saw the Spirit descending from heaven like a dove, and He remained upon Him. I did not know Him, but He who sent me to baptize with water said to me, ‘Upon whom you see the Spirit descending, and remaining on Him, this is He who baptizes with the Holy Spirit.’ 34 And I have seen and testified that this is the Son of God.” John 1:32-34

    balik tayo sa topic...

    Ano pa sabi ni Kristo sa parho paring pangyayari sa John 5?

    "Ang hinahangad ninyo'y ang papuri ng isa't isa at hindi ang papuri na nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayo maniniwala sa akin?" juan 5:44

    ayaw maniwala ng mga hudyo kasi na siya ay ANAK NG DIYOS, ang gusto daw nila ay papuri sa isat isa at HINDI ang papuri na nanggagaling sa IISANG DIYOS. oh ayan ah, IISA DAW ANG DIYOS SABI NI KRISTO. Kilala natin yon, kilala mo yon kung sino ang IISANG DIYOS na binabanggit niya. Hindi maaaring maging siya yon kasi nga ang claim niya ay ANAK NG DIYOS at hindi IISANG DIYOS.

    sa iyong tanong naman na:
    tanong sa inyo: (siguro hindi ninyo paniniwalaan yung pulubi na nagsisisigaw na anak siya ni mayor totoo man o hindi ang kayang sinasabi maliban siguro kung kilala nyo yung pulubi na anak talaga ni mayor.)
    ngayon, paniniwalaan nyo ba ang sinabi ni john na "si Jesus ay pinapantay niya ang sarili sa Dios(Yahweh) dahil tinawag niya ang Dios na sariling Ama"?


    MAS PANINIWALAAN KO SI KRISTO, dahil sya na rin mismo ang nagsabi at nagpakilala sa IISANG TUNAY NA DIYOS, sinulat ni JOhn sa John 17:3

    And this is eternal life, that they may know You, the only true God, and Jesus Christ whom You have sent. John 17:3

    maraming salamat din po.
    bago kayo magkomento uli, pakibasa ang rules. salamat naway maliwanagan ang inyong puso at sanay makapagbasa kayo ng bibliya ng open minded. mahirap din kasi magbasa ng bibliya na naniniwala ka na Diyos si kristo kasi lahat ng magiging pagkaintindi mo don ay Diyos nga si Kristo. maganda po ay maintindihan ang buong bibliya, ikumpara ang mga verses sa bible, at ikonsidera na DAPAT ay hindi nagcocontradict ang mensahe sa biblya.

    ReplyDelete
  6. "For this reason the Jews tried all the harder to kill him; not only was he breaking the Sabbath, but he was even calling God his own Father, making himself equal with God." John 5:18

    ang nagsasalaysay dito ay si John, pero sa pagke-kwento nya ay "point of view" ng mga Hudyo ang sinasabi niya sa talatang ito..
    dahil ang akala ng mga Hudyo ay nakikipantay si Cristo sa Diyos ng sabihin Niya na Siya ay Anak ng Diyos..

    NAGKAMALI ng PAGKAUNAWA ang mga HUDYO...
    Nang sabihin ni Cristo na Siya ay Anak ng Diyos, inisip ng mga Hudyo na nakikipantay Siya sa Diyos pero sa maraming pagtuturo ni Cristo, sinabi na Niya na ang Ama ay higit na dakila kaysa Kanya.

    At ayon mismo sa mga Apostol, pagdating ng paghuhukom, KAPAG ANG LAHAT NG BAGAY AY NAPASUKO NA SA PAANAN NI CRISTO, ANG ANAK NAMAN ANG PASUSUKUIN SA DIYOS...
    UPANG ANG DIYOS AY MAGING LAHAT SA LAHAT...

    saan dyan mababakas na iisa ang Ama at si Cristo?

    ang essence ng Biblia ay talagang ang AMA ANG LAHAT SA LAHAT..

    NAPAKALINAW PO ng doktrinang ito kung bubuksan lang ang puso at isip.

    May mga nagsasabi na wala naman daw sinabi si Cristo na HINDI SIYA DIYOS.
    Therefore, ang conclusion nila, Diyos din si Cristo.

    Tingnan natin ang logic nito...

    1) nang sabihin ni Cristo na Siya ay TAO NA NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN na NARINIG NIYA sa DIYOS:
    a) sino ang nakarinig? si CRISTO
    b) kanino narinig ni Cristo ang katotohanan? sa DIYOS

    2) nang sabihin ni Cristo na Siya ay TAO na NAGSASAYSAY NG KATOTOHANAN, HINDI NA KAILANGANG SABIHIN pa NIYA na Siya ay HINDI DIYOS.
    a) wala itong ipinagkaiba sa ganitong pahayag:
    > "AKO AY LALAKE"
    > HINDI NA KAILANGAN pang sabihin na "HINDI AKO BABAE"
    > ANG TOTOO, may pahayag pa ang DIYOS na "AKO'Y DIYOS AT HINDI TAO"
    > may pahayag din ang Diyos na Siya ay "HINDI ANAK NG TAO"
    > at may pahayag din ang Diyos na "...IKAW AY TAO AT HINDI DIYOS"

    Sana ay maunawaan po ninyo ang katotohanang ito..

    ReplyDelete
  7. nakakatawa ang mga blog ng rcc at inc. parang allergic sila sa mga post ko. hindi naman ako nambabastos o meron lang ayaw matanggap?

    kung katotohanan ang hawak nyo usap tayo ng maayos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po ako allergic sa inyong post. noong 2009 pa ako simula nag blog at napakaraming tao ko ng nakasalamuha sa blog na ito pati sa ibat ibang blogs/websites/forums/etc. at wag kayong magiisip na parang kayo lang ang nakaisip ng pang depensa sa pagka Diyos ni Kristo dahil nabasa ko na rin po yan sa ibat ibang mga tao.

      Hinigpitan ko po ang pag approve ng mga comment dahil may experience na ako dyan, may mga nambababoy, nambabastos at marami pang iba. Hindi ko na rin pinayagan ang debate sa blog na ito dahil never ending lang ang nangyayari, wala rin namang nagppatalo at na iiba lang ang topic hanggang sa magsabihan na ng masasamang salta at kung ano pa man.

      kaya ko nga po sinabi bago kayo ulit magcomment basahin nyo muna ang rules.

      If you want to ask:
      Write all of your questions in ONLY one comment per article.

      If you want to answer:
      Write all of your answers in ONLY one comment per comment with question/s.


      No debates.
      No arguments.
      No follow up questions.
      No follow up answers.

      __________________

      yan po ang nakalagay. ayokong labagin ang sarili kong rules para lang sa inyo. ako, magatagl ko ng gusto ang katotohanan at matagal na akong nagboblog para sa katotohanan. kung gusto nyong maresolba ang isyu nyo, tungkol dyan, pwede naman po kayong pumunta sa 5,600+ na mga lokal ng INC sa pilipinas, kahit saan dyan at may ministrong sasagot at pwedeng makipag debate sa inyo.

      sana naintindihan nyo ang punto ko.
      kung sasagutin ko kayo, malamang magrereply ulit kayo, at wala na itong katapusan dahil 100% sure ako malalayo tayo sa topic, at wala rin namang magpapatalo sa atin.

      salamat po^^

      Delete
  8. Ang sabi ni Ningel (Jan. 27, 2013):

    "ibig sabihin tama ang mga naniniwalang Dios si Jesus. ang pinagkaiba lang ang mga judio noon ay hindi nila matangap ang katotohanan at ayaw nila paniwalaan ang Panginoon kaya nila pinako si Jesus.
    samantalang ang mga christians ngayon eh naniwala na sya nga ay Dios Anak at magkasama na sila ng Dios Ama sa simula pa lang. un ang pinagkaiba."

    Ayon po sa pakahulugan ni Ningel at ganoon din ng iba pang mga naniniwalang Diyos si Cristo ay tama raw ang mga Hudyo na nagpapako kay Cristo sa kanilang interpretasyon na Diyos si Jesus nang sabihin ni Cristo na SIYA ay anak ng Diyos.

    SO, AMINADO SIYA NA KAPAREHO NGA SILA NG MGA HUDYO NA NAGPAPAKO KAY CRISTO SA KRUS NG PAKAHULUGAN SA SINABI NI CRISTO:

    SI CRISTO AY ANAK NG DIYOS KAYA "DIYOS ANAK" RAW SI CRISTO.

    Kaya lang ano po ang patotoo ni Jesus sa mga Hudyo na gumawa ng paraan para maipako Siya sa krus. Sinabi ba Niya na tama ang kanilang pakahulugan sa mga sinasabi Niya tungkol sa kung sino SIYA—Anak ng Diyos AMA, nagmula sa Diyos AMA, at sinugo ng Diyos AMA pero TAO ang likas na kalagayan NIYA?

    36Kung palayain nga kayo ng ANAK, kayo'y magiging tunay na laya. 37Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham; gayon ma'y PINAGSISIKAPAN NINYONG AKO'Y PATAYIN, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.

    40Datapuwa't ngayo'y PINAGSISIKAPAN NINYO AKONG PATAYIN, NA TAONG SA INYO'Y NAGSAYSAY NG KATOTOHANAN, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. 41Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang Ama kami, ang Dios.

    42Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ng inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y NAGMULA AT NANGGALING SA DIOS; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi SINUGO NIYA ako.(Juan 8:36-37, 40)

    Ganito po ang pagpapakilala ni Cristo sa mga Hudyo na gumawa ng paraan na maipako Siya sa krus:

    43Bakit HINDI NINYO NAPAGUUNAWA ANG AKING PANANALITA? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. 44KAYO'Y SA INYONG AMANG DIABLO, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

    NAKU! MALING-MALI PALA ANG PAKAHULUGAN NG MGA HUDYO NA KAAWAY NI CRISTO sa mga sinabi NIYA. Si Cristo ang may sabi (hindi tayong mga INC lang) na SA DIABLO PALA ANG GAYONG PAKAHULUGAN na “Diyos ANAK” si Cristo.

    Sana po ay kaawaan din sila ng Panginoong Jesus at ng Diyos AMA na maunawaan ang katotohanan sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan- IISA ANG TUNAY NA DIYOS-ANG AMA at SI CRISTO ay ANAK NG DIYOS AMA na SINUGO NIYA.


    1Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: 3At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. (Juan 17:1, 3)

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.