"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

January 2, 2013

Pang-aabuso ng MCGI sa copyright act


Kelan ko lang nabasa ang "terms of use" sa website ng Iglesia ni Mr. Soriano, icocopy paste ko na sana yung content dun about restrictions sa copyright para mabasa nyo pero naisip ko baka ireport na naman nila ko, yun na kasi ang latest style nila ngayon sa internet, ang magreport ng mga blogs, websites, facebook accounts and fanpages, youtube videos and accounts at iba pa. 

Hindi tulad dati na ang iingay nila masyado, kung ano anong kasamaang ginagawa nila sa internet sa mga kalaban nilang relihiyon lalo na sa Iglesia ni Cristo at patuloy pa rin naman nilang ginagawa ang masasamang gawain na iyon pero kung ikukumpara natin ngayon, mas kokonti na lang. 

Ipinapaalalahanan ko ang lahat, kahit hindi INC member, na mag ingat sa paggamit sa mga materials galing sa MCGI o kahit materials galing sa ADD members tulad ng links, photos, contents, videos, audios, at iba pa. Dahil kapag nakita nila halimbawa sa iyong blog/website/etc. ang photo ni Mr. Soriano na alam nilang sa kanila galing ay irereport ka nila ng DMCA complaint o Digital Millennium Copyright Act complaint, eto yung version ng Copyright Act sa internet.

Para mas malaman nyo ang tungkol dito, isearch nyo na lang ito sa google.

Para sa akin, wala namang masama kung IREPORT nila ang mga sa tingin nilang umaabuso sa kanilang "terms of use" pero yung magrereport sila ng mga videos o materials na HINDI NAMAN SA KANILA, ITOY ISANG PANG AABUSO!

Siguro alam niyo na ang tinutukoy ko, eto kasing mababait na ADD members ni Mr. Soriano ay nagrereport ng mga videos sa youtube na HINDI NAMAN SA KANILA, kaya yung mga youtube accounts ng mga kapatid ay nasususpend o nadedelete dahil sa mga FALSE COPYRIGHT COMPLAINTS NG MGA ITO.


Ito na ngayon ang kanilang latest na style para patahimikin ang lahat ng kumakalaban sa kanila, katulad ko, nireport nila ang 4 kong articles dito pero nilabanan ko sila, nag submit ako ng counter notification dahil mga PEKE ang kanilang mga complaints. Suspetsa ko rin sila ang may dahilan kung bakit nagsara dati ang blog ng pari na si Mr. Abe na "The Splendor of the Church", at sa mga videos sa youtube, obvious na SILA ANG MAY KAGAGAWAN dahil yung username ng nagreport ay sa mga ADD members.


Paano ang dapat gawin kung nireport ka ng false copyright infringement claim?

Isa lang ang masasabi ko, LABANAN MO! Dahil hindi lang sila ang may karapatan, kundi tayo rin!

Eto ang procedure para sa YOUTUBE

Kapag under sa google ang service na ginagamit mo tulad ng blogger, eto ang para sa GOOGLE

Kung sa Facebook naman, sorry po pero nireremove agad nila o dinedelete yung content at hindi na nila binibigyan ng pagkakataon ang mga nireport ng copyright infringement na makapag counter notification pa.

Para naman sa iba pa tulad ng multiply, isearch nyo na lang po sa google.

Paalala: Seryoso po ang usapang ito dahil batas ang pinag uusapan dito, bago kayo mag counter notification, pag aralan nyo munang mabuti ang tungkol sa DMCA policy ng kung anong service ang ginagamit niyo tulad ng youtube, at isearch nyo rin kung paano ba o ano bang dapat ilagay sa counter notification form.

Kapag naisend nyo na yung counter notification, may mag eemail sa inyo na nareceive na nila ang email nyo, mag aantay kayo ng mga 15 days dahil ito ang palugit nila para sa kung sino mang nagreport na magsampa ng kaso sa korte sa California, pag wala silang natanggap na email na nakapagsampa na ang nagreport sa korte, doon lang nila ibabalik yung naremoved na content sa inyong accounts.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.