Let's face the truth and the reality members and nonmembers...
Pahapyaw lang tong gagawin ko, hindi pa yung masyadong detalyado, di pa kasi ako makahanap ng time gawin, saka naghahanap pa ko ng konti pang mababasa sa Pasugo o sa internet tungkol dito.
Gusto ko lang klaruhin ang isyu tungkol sa moralidad ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, marami kasing mga misconceptions ang mga di kaanib kahit pa mismong mga kaanib tungkol dito (kahit ako rin dati, buti na lang mahilig akong magresearch^^).
ISYU: Pag ba INC member perpekto na ang lahat lahat sa kaniya? Yun bang hindi na pwede magkamali o magkasala? Yun bang perpekto ang buhay niya, na maayos ang sariling pamilya at iba pa? Yun bang walang problema sa ibat ibang bagay?
Realidad:
May ilang myembro na hindi sinusunod ang aral ng INC.
May ilang myembro na wasak ang sambahayan o hindi maayos ang relasyon sa magulang o sa anak o sa mga kamag anak.
May ilang mymebro na hindi pa rin maiwan ang mga nakasanayang gawain nung hindi pa sya myembro na labag sa aral ng INC.
May ilang myembro na nasa maling paraan ng pamumuhay.
May ilang myembro na hindi kagandahan ang mga pag uugali.
Higit sa lahat, walang myembro sa INC ang PERPEKTO.
_____________________________
INC MEMBER = PERFECT ?
Maaaring itanong ng ilan, eh bakit kasi madalas sabihin ng mga Iglesia ni Cristo na sila lang ang maliligtas? Na pag nag INC ka mababago ang buhay mo in a positive way?
Yan, MALI ang pagkakaintindi sa sinasabi namin. Sige, klaruhin natin isa isa ONCE AND FOR ALL.
Sa mga Di kaanib
Pag sinabi namin "Iglesia ni Cristo lang ang maliligtas" hindi namin kiniclaim na LAHAT NG INC MEMBER no exemption, kahit anong ugali, kahit minsan lang sumamba, kahit mali ang paraan ng hanapbuhay/pamumuhay, kahit mali ang mga gawain at iba pa, AY MALILIGTAS, current INC member man o INC dati.
MALI! Wala kaming doktrinang ganyan!
Pinaniniwalaan lang naman namin ang sinasabi sa bibliya na ililigtas ni Kristo ang Iglesia nya, masama ba yon? Sinabi ba nyang ililigtas nya ang lahat ng tao sa buong mundo anuman ang relihiyon at paniniwala? Magbasa lang po ng bibliya^^
Dun naman sa pangalawang tanong, na porke INC member, LAHAT, WALANG EXEMPTION, na pag nag INC ka magbabago agad ang buhay, na titigil na sa mga masasamang gawain dati, at susunod sa aral sa INC.
Wala naman kaming kiniklaim na LAHAT ng INC member ay ganoon nga nangyari sa buhay. Siyempre dipende yan dun sa tao at hindi dun sa relihiyon, aba kailan pa nag utos ang relihiyon na gumawa ka ng masama? Na wag kang magbagong buhay? Na wag mong susundin ang aral ng Dyos? WALANG GANUN! Kahit gaano pa kaayos ang doktrina sa INC, at pagkakaturo sa kanila ng mga aral, NASA SA KANILA YUN kung lalakaran ba nila yun o isasabuhay, at kung hindi nga nila magawa yun, merong tinatawag na "tiwalagan" kung saan kung hindi mo sinunod ang lahat ng aral na tinuro sayo bago ka pa man mabautismuhan at lumabag ka doon, ay ititiwalag ka base na rin sa utos na nasa bibliya.
Sa pag kaka analize ko ng nangyayari, sadyang mataas lang talaga ang expectation at tingin ng mga di kaanib sa INC members, kaya nga kung mapapansin nyo, pag sangkot ang isang INC member sa isang balita sa dyaryo o kung saan man, eh napakalaking BALITA na.
Nakakatuwa nga at talagang nilalagay yung relihiyon ng nakagawa ng masama, samantalang pag katoliko naman, WALANG NAKALAGAY. Hal. "Isang katoliko nirape ang anak" o kaya naman "Isang katoliko pinatay ang asawa".
Pero pag INC, wow, banderang bandera kasama pa nga tungkulin eh, tulad ng "Isang Dyakono, nirape ang anak" o kaya naman "Isang ministro, namaril". Ang galing ano, bukod sa relihiyon, kasama pa specifically yung tungkulin, pero pag protestante at katoliko, NAPAKADALANG kung makakita ko ng ganyang balita...!
Sa sobrang taas ng pagkakilala o expectation ng mga di kaanib sa INC, madalas nilang linya eh "Ano ba yan, Iglesia ka pa naman, ganito ganyan ginagawa mo" kahit kaunting maling kilos lang yan ang bukambibig, pero pag isang Mormons nakagawa ng kasalanan o kaya naman eh isang born again, sobrang dalang nating makarinig ng "eh mormons/born again ka pa naman, ganito ganyan ang ginagawa mo". Tapos biglang isisisi sa INC, sasabihin, "ah ganyan pala mga Iglesia, kaya ayokong umanib sa inyo eh ganyan ang ginagawa nyo!"...
Ano daw?
Pag isa ang nagkamali o nakagawa ng kasalanan AS A WHOLE na kung manghusga? Nadadamay pati ang Church at ang lahat ng miyembro?
Tignan nyo, kaya po sana, hinihiling ko lang na matigil na ang ganitong mga ugali at impresiyon ng mga di kaanib.
Sa mga INC members naman
Sana wag tayong panghinaan ng loob, o manlamig sa pananampalataya o matisod dahil lang sa mga kapwa kapatid sa INC... Na nakakagawa ng mali, o ng kasalanan, o mali ang paraan ng pamumuhay, o masama ang ugali. Lagi po sana nating tandaan na hindi naman porke INC member ay translation non ay PERPEKTO.
Walang perpektong tao, at wala pong perpektong INC member. Lahat ng tao sa mundo included na ang INC members ay nagkakasala, dahil lahat tayo ay tao, ang ating Panginoong Jesukristo lang naman ang nag iisang tao sa history ng mundo ang hindi nagkasala, hindi dahil sa Dyos sya, kundi sinunod nya ang utos ng Dyos kahit pa nung nakatakda syang mamamatay, tinanggap nya yon, para maging halimbawa sa lahat ng tao. Kumbaga sya ang standard, o modelo ng lahat ng tao na dapat tularan o gayahin...
Ngayon, paano kung meron kayong kakilala o nakita na isang INC member na mali ang ginagawa, o masama ang ugali, o mali ang paraan ng pamumuhay?
Dapat ba pinanghihinaan ng loob?
Dapat ba matisod dahil INC member siya pero masama ang ginagawa?
Dapat ba manlamig sa pananampalataya?
Kayo na rin mismo ang makakasagot niyan. Isipin nyo na lang, hindi naman siguro kayo nag IGLESIA NI CRISTO dahil dun sa myembrong gumagawa ng masama, maytungkulin man o hindi. Isipin nyo kung bakit kayo nag IGLESIA NI CRISTO. Alalahanin nyo kung ano ang sinulat nyo sa form nung natapos nyo ang doktrina nyo, sa tanong na: BAKIT KA NAG IGLESIA NI CRISTO?/DAHILAN KUNG BAKIT NAG IGLESIA NI CRISTO.
Ako naaaalala ko pa sinagot ko dun!^^
Tanungin nyo rin sa sarili nyo kung sino ba ang magliligtas sa inyo, si Jesus ba o yung INC member na gumagawa ng masama? Na panghihinaan ka ng loob dahil lang sa kaniya? Bakit, hawak nya ba ang kaligtasan mo? bakit, representative ba sya ng INC na porke nakagawa sya ng masama ay magrereflect sa INC ang lahat ng ginawa nya?
Bakit, yung mga ginawa ba nyang mali, KINUKUNSINTI ba o NILALABAG ang aral ng INC?
ano sa tingin nyo???
Pangkalahatan
Yan po ang realidad at katotohanan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sabi ko nga sa blog ko, ang objective ko ay NOT JUST TO DEFEND, BUT TO SHOW THE TRUTH INSIDE THE INC. Ang katotohanan po at realidad ay walang isang relihiyon sa BUONG MUNDO na ang mga myembro ay mga perpekto, na hindi nakakagawa ng kasalanan, at pagkakamali. Ang katotohanan at realidad ay hindi lahat ng INC member ay gumagawa ng mabuti at sumusunod sa aral ng INC, maytungkulin man o wala.
Dahil hindi naman LAHAT ng INC members ngayon ay nag INC ng bukal sa kanilang kalooban, may ilan na nag INC para sa pansariling interes, o napilitan lang. Yan po ang katotohanan.
Wala sa magulang mo, sa teacher mo, sa alagang aso nyo ang kaligtasan mo, kundi nasa mga kamay mo. Nasa kamay natin yon at wala sa iba, kaya gawin natin ang mabuti at puro pagsunod sa mga aral ng Dyos na laging pinapaalala satin ng mga ministro sa mga pagsamba.
PAALALA: (Member o nonmember) Kung makakakita ka ng INC member na gumagawa ng masama, o nasa maling paraan ng pamumuhay, isa lang ang dapat mong gawin, SAWAYIN MO!
Hindi na kailangan idamay pa ang Iglesia ni Cristo na wala namang kamalay malay at hindi naman iniuutos sa kaniya ang mga maling ginagawa niya. Hindi na kailangan ipamukha sa kaniya na may tungkulin man sya o wala, dahil sa mata ng Dyos pantay pantay tayo.
Kung hindi sya madaan sa saway, isumbong mo o ireport mo sa lokal na kinakatalaan niya para matagubilinan at mapayuhan (hindi naman tiwalag agad, warning muna^^). At kung patuloy pa rin siya sa gawaing iyon, ay saka lamang sya gagawan ng aksyon upang tuluyan ng matiwalag.
Muli, walang dahilan upang ISISI sa Iglesia ni Cristo ang masasamang gawa ng mga myembro nito dahil wala namang iniuutos at wala namang doktrina sa INC miski isa ang nagsasabing GUMAWA KA NG MASAMA, o kaya naman ay LABAGIN MO ANG ARAL SA INC, walang ganun.
Isa pa, wala ding dahilan upang matisod sa mga maling ginagawa ng ilang INC member, dahil hindi naman nila nirerepresenta ang INC, wala naman sa kanila ang kaligtasan mo lalong lalo na hindi ka naman nag INC dahil sa kanila.
Yun lang po at maraming salamat.
(Gamitin man ito ng mga di kaanib bilang pang atake sa INC, ito po ang katotohanan, konsensya na nila yon kung gagamitin nila ito sa mga kasamaan nila, diyan natin makikita kung sa Dyos talagang sila.)
TAMA to bro!!
ReplyDeletehahahaha
kasi pag nakita nila si Hudas, dinadamay nila si Cristo....
:) btw. sa Lokal namin yang Kapilya na yan.. Palayan City Nueva Ecija East
ReplyDeleteTotoo yan brod!
ReplyDeleteKung nagkasala man ang isang kaanib sa INC ay di dahil perpekto siya kundi minsan ay nadadala siya ng kanyang kahinaan. May mga kapatid kasi, including me, minsan o may pagkakataon di naiiwasang makagawa ng kasalanan pero pagkatapos nyang magawa iyon nagsisisi at naaalalang mali ang kaniyang ginawa.
Kagandahan lang sa ating mga INC member na kung nakagawa man ng kasalanan, ay may tagapamagitan tayo sa Panginoong Diyos, ang ating panginoong JesuCristo na wala sa ibang relihiyon. Kaya nga tayo may STA. CENA, na kapag nagsisisi sa kasalanan ay napatatawad ito kaya iyon ang katotohanan na kaya pa tayo nakakapanatili sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay dahil sa awa at habag ng ating Panginoong Diyos. Siya ay nagpapa hinuhod sa ating mga kasalanan. Ang ang BAIT po ng ating AMA...
Tama yung sinabi ni readme na sa ating mga kamay ang kaligtasan meaning... nasa atin ang pagpapasya kung anong direksyon ang tatahakin natin "maling pamumuhay O tamang pamumuhay?" nasa kamay na rin natin ang sagot dahil itinuro sa atin ng Diyos kung anong direksyon ang dapat nating piliin, ito ang "TAMANG PAMUMUHAY". Kapag nadapa, agad bumangon! kapag nagkamali, agad magbagong-buhay! ang lahat ng ito'y udyok ng pananampalataya at pag-ibig.
ReplyDeleteAng tunay na pagbabagong-buhay ay matatagpuan sa loob ng Iglesia ni Cristo dahil andito ang mga tunay na payo ng Diyos. Lahat ng nadatnan ng pangangaral ay dapat mapaanib sa Iglesia ni Cristo.
Naalala ko 'yung sinabi ng Kapatid na Felix Y. Manalo..... "Aanib KA hindi dahil sa kapisanan, aanib KA dahil sa salita ng Diyos."
Kaya tayong mga iglesia ni Cristo dapat ay huwag titingin sa katauhan ng mga ilang Kapatid na nakakalimot sa kabutihang asal tulad ng sinabi ni readme "walang perpekto sa atin", kundi bagkus ang tignan natin ay kung anong mga salita ng Diyos ang ipapayo natin sa mga ilang kapatid na nakakalimot. Hindi ba't yan lagi ang ginagawa sa atin ng pamamahala sa iglesia :-)
LAHAT NG TAO AY NAGKAKASALA...yan ang realidad!
ReplyDeleteang problema sa iba, pag INC member ang nakagawa ng masama ay idinadamay ang kabuuan pero pag may magandang nagagawa ang INC sa kabuuan ay pilit dini-discredit...
halimbawa, ang PHILIPPINE ARENA, magandang proyekto ito ng INC sa kabuuan...it will create tourism...jobs for many...at magandang imahe ito para sa Pilipinas.
ano reaction ng iba? aba..pilit naghahanap ng dahilan para HINDI ITO TAGURIAN na BIGGEST DOMED ARENA in the world.. kesyo ang singapore stadium daw ang magkakamit ng record na biggest dome in the world...
KUNG DI BA NAMAN BITTER sa DI LANG BITTER itong mga taong ito, SUKDULAN na ipag-MIX-UP nila ang definition ng ARENA at STADIUM ay gagawin nila HUWAG LANG MAGING BIGGEST DOMED ARENA ang PHILIPPINE ARENA para sa kanila...
YUN NGA LANG, NAHIHIBANG SILA dahil MISMONG ang CONSTRUCTION WORLD ang nagsasabi na ang PHILIPPINE ARENA ang magiging BIGGEST DOMED ARENA (hindi stadium ha) sa buong mundo pag natapos ito.
balik tayo sa isyu...sa INC ay may PAGTITIWALAG kung talagang ayaw magbago... sa katoliko ba ay may pagtitiwalag? LAHAT NG KATOLIKO NA NAKAGAWA NG HEINEOUS CRIME ay HINDI ITINIWALAG.. wala lang...ignore lang sila ng mga pare... siguro, nanghihinayang sa ibabayad sa misa, marami-rami din yan magpapamisang mga kriminal pag namatay sila..di ba?
in other words, ang INC ay sinisikap ng pamamahala na ma-disiplina at maturuan na sumunod sa mga utos ng Dios...
SIGE NGA, MAGBIGAY KAYO NG EBIDENSYA NA ANG ITINURO NG PAMAMAHALA AY GUMAWA NG MASAMA...WALA NUN!
MAS MARAMING INC MEMBERS ANG NAGSISIKAP NA MASUNOD ANG ARAL KESA DUN SA MGA LUMALABAG...YAN ANG TOTOO... PERO KAHIT ANONG PAGSISIKAP SYEMPRE MAGKAKASALA PA RIN, TAO PA RIN NMAN ANG MGA MYEMBRO EH...WALANG PERPEKTO!
PERO ANG PAMAMAHALA AY LAGING NAKABANTAY AT NAGTUTURO NG PAMUMUHAY NG MATUWID... WALA SA PAMAMAHALA ANG PROBLEMA KUNG MAY LUMALABAG KUNDI DUN SA MISMONG TAO NA LUMABAG...
SI EVA AT ADAN NGA, DIOS MISMO ANG NAGDOKTRINA O NAGBIGAY NG UTOS AY LUMABAG PA RIN, IBIG BANG SABIHIN SISISIHIN NYO NA ANG DIYOS DAHIL SA LUMABAG SI EVA AT ADAN...HINDI GANUN YUN... KUNG SINO ANG NAGKASALA SYA ANG MAY PROBLEMA AT MAY KASALANAN AT HINDI ANG NAGTURO SA KANILA NG TUNAY NA ARAL.
'yan ay katarungan.
ReplyDeletemay violent reaction sila pag sinasabing iglesia ni cristo lang maliligtas pero sabi sa cathechism nila(doktrina nila OFFICIAL): "Outside the Church there is no salvation"
ReplyDeletehttp://www.vatican.va/archive/ENG0015/_P29.HTM
super nakakarelate ako dian... ok na sana na pintasan ka eh pati religion mo idadamay lalo na yung tungkulin mo... Minsan gusto kong sumabog sa galit... pero dahil tunay tayong kristiano hindi ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nila:) tuloy-tuloy lang sa paglilingkod sa Ama :))
ReplyDeleteGodbless po Readme:))
walang perpekto pero pagsumikapan natin na hindi tayo madatnan ni Cristo na me mantsa pera sure kita kits tayo sa bayan banal walang maiiwan.
ReplyDeleteAng buhay po ng isang Iglesia ni Cristo ay hindi perpekto, isipin nyo na lang po ang buhay ni cristo at mga taga sunod nya noong andito pa sya sa lupa, simula pa lang ng ipinanganak si cristo, sa sabsaban LANG ang lugar kung san sya ipinanganak, hanggang sa lumaki sya at ipina ngaral ang salita ng dios, nakaranas sya ng pasakit mula sa mga hudyo.. Ganun din po ang buhay ng isang INC.. Hindi po perpekto, mas marami ang pagtitiis. Hindi ibig sabihin INC ka, ay perpekto na lahat lahat sa buhay nya. Mas mapapalapit sa tukso, dahil susubukin ang iyong pananampalataya... Sabi nga, ANG MAGTIIS HANGGANG WAKAS, SYANG MALILIGTAS.. at nasa huli, sa araw ng gantimpala ang sinasabing PERPEKTONG BUHAY..
ReplyDeleteDahil sa ang lahat ng tao ay nagkakasala kaya lalong kailangan ng tao ang tunay na Iglesia sa ating panahon. Kailangan matiyak natin na kabilang tayo sa tinubos ng dugo ni Cristo dahil sa naroon ang kapatawaran ng kasalanan.
ReplyDelete“Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,” (Efe. 1:7)
At,
IGLESIA NI CRISTO ANG TINUBOS NG DUGO NI CRISTO (GAWA 20:28)
KAYA KAILANGAN-KAILANGAN NG LAHAT NG TAO ANG IGLESIA NI CRISTO UPANG HUWAG TAYONG MAPAHAMAK BAGAMAN NAKAGAGAWA TAYO NG MGA KASALANAN.
Pero kailanman ay hindi itinuro sa atin na sapat na ang maging kaanib lang sa INC ay ligtas na o kaya ay kahit na gumawa ng gumawa ng masama ay ligtas pa rin.
Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2Hindi! Tayo'y patay na sa kasalanan kaya't hindi na tayo dapat mamuhay sa pagkakasala.” (Roma 6:1-2 MB)
Kaya nga lagi tayong tinuturuan, ginagabayan, at ipinagmamalasakit ng Pamamahala sa Iglesia upang tayo ay ganap na magbagong buhay at huwag ng pagharian ng kasalanan. Kung sa kabila ng pagsisikap natin na huwag ng magkasala ay nagkasala pa rin tayo ang turo sa atin ay,
“Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:” (1 Juan 2:1)
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” (1 Juan 1:9)
Kung sa kabila ng pagtuturo ng Pamamahala ay naging matigas ang ulo ng sinuman—pagkatapos ng maraming pagkakataon na ibinigay pero ayaw magbago bagkus ay ibinibisyo na ang kasalanan; Tayo ang mga buhay na saksi na tinutupad ng Pamamahala ang turo ng mga Apostol:
Ang mga nasa loob ng iglesya ang dapat ninyong hatulan, hindi ba? Ganito ang sabi ng Kasulatan, "ITIWALAG NINYO ANG MASAMANG KASAMAHAN NINYO." (I Cor. 5:13 MB; akin ang pagdiriin)
Ganyan ba ang ginagawa sa Iglesia Katolika na nag-aangkin na sila ang tunay na Iglesia? o NATATAKOT SILANG MAGTIWALAG sapagkat alam na alam nila na MARAMING-MARAMI (hindi ko sinasabing lahat sapagkat marami rin akong kaibigan at kakilala na mababait na mga Katoliko) sa kanila ang ginagawa ng bisyo ang kasalanan? Ang iba ay hayagan na nga na nilalabanan ang turo ng simbahan nila ay di pa rin nila maitiwalag. Nanghihinayang ba sila sa iaabuloy sa simbahan ng mga corrupt na miyembro nila lalo at mayayaman? Yan ba ang uri ng Iglesia na ihaharap nila sa pagbabalik ng Panginoong Jesus—NAPAKARUMI NA.
Kaya hanggan may panahon pa sundin sana nila ang panawagan at pag-ibig ng Diyos sa kanila:
“At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, MANGAGSILABAS KAYO SA KANIYA, bayan ko, UPANG HUWAG KAYONG MANGARAMAY SA KANIYANG MGA KASALANAN, AT HUWAG KAYONG MAGSITANGGAP NG KANIYANG MGA SALOT: 5Sapagka't ANG KANIYANG MGA KASALANAN AY UMABOT HANGGANG SA LANGIT at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.” (Apoc. 18:4-5, akin ang pagdiriin)
UMALIS NA KAYO SA IGLESIA KATOLIKA AT UMANIB SA IGLESIA NI CRISTO BAGO MAGING HULI ANG LAHAT SA INYO!
pag kc maputi yung damit madaling makita yung kahit katuldok na dumi...kaya kahit gaano kaputi yan yung dumi pa rin ang papansinin
ReplyDeletePero maaari tayong maging perpekto sa mata ng Diyos. Kailangan lang po nating sundin lahat ng Kanyang inuutos ng buong makakaya natin. Kaya po nariyan ang ating Pamamahala upang gabayan tayo at paalalahanan tayong huwag gumawa ng masama.. Thank you for this article brother. God bless all INC brethren!
ReplyDeletetanong ko lang po:
ReplyDeletemaliligtas po ba yung mga hindi/walang alam ang tungkol sa inc?(ex. yung mga katutubo)
Eto po ang sabi ng bibliya:
Delete12 Ang lahat ng nagkakasala na hindi saklaw ng Kautusan ni Moises ay paparusahan, ngunit hindi batay sa Kautusang iyon. Subalit ang lahat naman ng nagkakasala na saklaw ng Kautusan ay hahatulan batay sa Kautusan. 13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ng Diyos.
14 Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila. 15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan.
16 Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, mangyayari ito sa araw na ang mga lihim ng lahat ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Roma 2:12-16
HI SORRY PO MGA KAPATID AKALA KO PO KATOLIKO PO ANG GUMAGAWA
ReplyDeleteTama ka po kapatid
ReplyDelete