"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

September 9, 2012

Ano nang mangyayari sa Iglesia ni Eliseo Soriano kung mawawala siya?



Nainspired ako nagawin ang article na ito dahil sa nabasa kong interesting question sa internet.

Ngunit bago ko simulan, kaklaruhin ko lang po, una po sa lahat, hindi ko po binabalakan ng masama si Mr. Soriano, na nagbabanta ako.

Pangalawa, wala akong personal na galit kay Mr. Soriano, kung tatanungin nyo nga ako, may good impression pa rin ako sa kanya alam kong hindi naman ganun siya kasama, siguroy nagkataon lang na nagkaroon ng conflict ang ADD at ang Iglesia ni Cristo.

At ngayon nga, kahit nananahimik na ang INC ay patuloy pa rin ang atake ng ADD sa pagpapalabas ng "D XMAN" program nila na mapapansin natin na walang programa ang INC upang sagutin pa ang mga opinyon at kasinungalingan nila dahil alam naman nating naiintindihan ng INC ang sitwasyon, upang hindi na lalo lumala ang away relihiyon.

Ano pa? Ang mga ADD members ngayon ay ginagamit ang world wide web upang siraan ang INC, ang mga leaders nito at ang mga myembro, simula sa paggawa ng mga fake facebook accounts hanggang sa youtube, at marami pang iba.

Ang latest nga, nireport nitong mga ADD members na ito ang mga youtube accounts ng INC members na naglalaman lang naman ng mga videos ng programa ng INC, at alam nyo ba kung ano ang reklamo nila? COPYRIGHT INFRINGEMENT. Galing ano po.


Punta na tayo sa topic...


Muli, hindi ito pagbabanta, ngunit pag iisip kung ano nga ba ang mangyayari sa relihiyong tinatag ni Mr. Soriano na tinatawag na "Members Church of God International" kung siya ay mamamatay o mawawala bilang Presiding Minister nito?

Bakit ko naisip ang tanong na ito? Simple lang, ipapaliwanag ko...

Si Mr. Eliseo Soriano, ang founder ng samahang ito ang pinaka dahilan kung bakit lumalago ang bilang ng relihiyon nila. Siya kasi ay isang evangelist sa television sa sarili nyang programa na tinatawag na "Itanong Mo kay Soriano" na sabi nila, magtanong ka daw ng kahit ano tungkol sa bibliya at masasagot nya. Yun ang strength ng samahang ito, ang programa nya kung saan nagtatanong ang mga bisita galing sa ibat ibang relihiyon at sinasagot nya isa isa.

Isa pang strength ay ang pakikipagdebate ni Mr. Soriano sa ibang mga ministro o pastor ng ibang pananampalataya, isang ring dahilan kung bakit humaling na humaling ang mga myembro sa kanya at ang mga nagsusuri sa kanya.

Inshort, kung si Mr. Soriano pala ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang samahang tinayo nya na wala naman sa bibliya (search nyo ang pangalang "Members church of God international" sa lahat ng bibliya sa buong mundo sa lahat ng salin, bersyon at lenggwahe, WALA.^^) paano na kung mawawala siya???

Kung ang papalit sa kaniya ay ang kaniyang pamangkin na si Mr. Daniel Razon (Wow, religious dynasty!^^), na Vice Presiding Minister sa kasalukuyan, mamamaintain nya kaya ang mga myembro nila na hindi umalis sa kanilang samahan? Kung siya ang papalit sa kanyang tito sa programang "Itanong mo kay Soriano" na maaaring maging "Itanong mo kay Razon" kaya nya kayang sumagot sa mga itatanong sa kaniya patungkol sa Bibliya? Magaling ba talaga at marunong sa bibliya itong si Mr. Razon???

Ako, kung hindi nyo natatanong, may sarili akong prediction... Na ang simula ng pagkawasak ng samahang Members Church of God International ay ang pagkawala ni Mr. Soriano, at masasabi kong mukhang sure na sure itong mangyayari. Kaya sa mga ADD members, kung ako sa inyo mananalangin na ako na sana humaba ang buhay ng inyong lider, mga 150 years old, kung kaya nya, dahil alam kong ang strength lang naman ng samahan nyo ay si Mr. Soriano wala ng iba.

Ubusin nyo na ang panahon sa pagsasaya at pagpapakasigla dahil once nawala ang inyong lider, eh siguradong katapusan na ng inyong samahan...

Kung ang life span ng tao ay hanggang 80 years old, at kung tatagal si Mr. Soriano ng 80 years old bale sa 2027 magsisimula ang pagbagsak ng MCGI.


Mga dahilan kung bakit ako naniniwala na pag nawala si Mr. Soriano ay babagsak na rin ang itinayo nyang relihiyon...


Kung titignan nyo ang history, nagmula ang itinayong relihiyon ni Mr. Soriano sa relihiyong itinayo ni Teofilo Ora, na dating ministro na natiwalag sa Iglesia ni Cristo kasama ang 2 pang ministro. Sa relihiyon ni Mr. Teofilo Ora nagsimula ang mga relihiyong tayo ng tao, para sa pansariling interes, na parang Protestantism, nagkaroon ng schism.

Mula sa relihiyon ni Mr. Ora, 2 sa maraming humiwalay sa tayo niyang relihiyon, na nagtayo din ng kaniya kaniyang Iglesia ay si Mr. Nicholaz Perez kasama si Mr. Avelino Santiago at nagtatag ng sariling kanila na tinawag na "Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan" di naglaon humiwalay din si Mr. Santiago at nagtayo ng sarili nyang Iglesia.

Dito sa Iglesia ni Mr. Perez nabautismuhan si Mr. Eliseo Soriano. Ngunit anong nangyari at humiwalay din si Mr. Soriano at nagtatag ng sarili nyang Iglesia???

Nung NAMATAY SI MR. PEREZ, lahat ay inaasahan na si Mr. Soriano ang magiging successor, ngunit may isang babaeng nagngangalang Levita Gugulan ang inappoint ng Board of Directors ng Iglesia ni Mr. Perez bilang successor kapalit ni Mr. Perez. Naging Board of Director din si Mr. Soriano ngunit noong Feb. 1976 natiwalag sya kasama ang iba pa dahil sa rebellion at pagtuturo ng mga aral na labag sa doktrina ng Iglesia ni Mr. Perez.

At noong March 1997, yon na ang simula ng pagtatayo ni Mr. Eliseo Soriano ng sarili nyang Iglesia na gumamit ng ibat ibang pangalan, at ang pinakahuli nga, nito lamang Jan. 2004 ay naging Members Church of God International.


Anong point ko sa paglalahad ng kasaysayan ng Iglesia ni Mr. Soriano?

Napansin nyo ba na simula kay Mr. Ora ay maraming humiwalay na mga myembro o yung tinatawag na SCHISM, at nagtayo ng sari sarili nilang Iglesia? Ito ang isa na maaaring mangyari pag nawala si Mr. Soriano...

Isa pa, nung NAMATAY si Mr. Perez, anong nangyari? Di bat nagkagulo hanggang sa natiwalag at nagtayo ng sariling Iglesia nga itong si Mr. Soriano. Ito rin ay isa sa mga posibilidad, ngunit maaari nyong isipin na meron na namang Vice Presiding Minister ang MCGI, tanong: Kaya kaya ni Mr. Daniel Razon na mamaintain at magmanage ng isang relihiyon?

Ano ba ang nangyari nung UMALIS LANG si Mr. Soriano sa Pilipinas (Hindi pa namamatay) sa MCGI? Hindi bat nagkagulo rin, ito yung panahon na wala pang Vice President, at ano ang nangyari sa magaling na mangagawa nya na si Mr. Willy Santiago? Sabi ng ADD natiwalag, ang sabi naman ng kampo ni Mr. Santiago, humiwalay daw at ayun, nagtayo din ng sarili nyang Iglesia na tinatawag na "Members Church of God in Jesus Christ Worldwide".

Sabi nila dahil daw sa maling aral ni Mr. Soriano, pero alam ng marami na dahil ito sa naging pasya na sa halip na sya ang maging Vice Presiding Minister ay naging si Mr. Daniel Razon na pamangkin ni Soriano.

Ngayon, alin kaya sa dalawa ang mangyayari kung saka sakaling mamatay o mawala si Mr. Soriano sa tungkulin niya? Napakalaki ba ng tsyansang magsurvive ang MCGI o matutulad lang din ito sa nangyari sa iba pang mga Iglesiang pinagmulang ng Iglesia ni Mr. Soriano?


Lets wait and see...^^



3 comments:

  1. HEHEHE abangan nlang nten ang MANGYAYARI sa ANG DATING DAAN ni Soriano na NILALAKARAN NG MASAMANG TAO hehe JOB 22:15 Iyo bang pagpapatuluyan ANG DATING DAAN, na nilakaran ng mga masamang tao?

    brod pwede ba mag request nA magkaroon ng TAGALOG VERSION yung

    September 21, 2009 ISSUE na may Tittle na:

    John 10:34-35 God said, “you are gods”

    thanks...

    ReplyDelete
  2. Natawa ako dun sa mga comments ng "Way of the Rectum","The Old Path" at iba pang tawag sa ADD.
    Gumanti naman sila,Manaloloko,Mafia,Kulto Iglesia ni Manalo daw,Maysakit si Ka Eduardo,mamamatay na daw and Tagapamahala.Hindi daw totoong 2,500 lang active nila,10,000
    daw nabautismuhan nila.

    How pathetic.Totoo lang,wala pa sa kalingkingan ang 10,000 sa mahigit 100,000 nababautismuhan monthly.Yung Handog namin,walang account ang mga Manalo,sa INC account lang napupunta ang Handog namin.

    Si Ka Eduardo ay hindi nagtatago katulad ng lider ninyong nasa Brazil at takot sa Batas ng Pinas.ICHR pa ha?Tignan lang natin.

    Ang tamang ituro sa mga alipores ninyo,maging pantay,huwag magalit sa INC o sa iba pang religion.
    My goodness.

    ReplyDelete
  3. Sa palagay ko kung mawawala na si bro Eli baka ito na ung katapusan ng mundo, dahil nakikita na ang kasamaan ng mga ibat ibang sekta ng relihiyong pumapatay. Sabagay wala akong pinapanigan hahaha . Huwag naman mangyari ang katapusan ng mundo

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.