"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 10, 2013

Si Kristo ba ay Diyos dahil siya ang lumikha ng buhay ayon sa Gawa 3:15?

Sinasabi ng mga naniniwalang "Diyos si Kristo" na si Kristo ay CREATOR o MANLILIKHA, kasama daw niya ang Ama sa paggawa ng lahat ng bagay.

Pero ang sinasabi ng bibliya, ang DIYOS LAMANG, ang AMA, ang mag-isang lumikha ng lahat ng bagay- mundo, ng mga tao at iba pa:

"Do we not all have one father? Has not one God created us? Why do we deal treacherously each against his brother so as to profane the covenant of our fathers? Malachi 2:10  
  “Serve the LORD with gladness; Come before Him with joyful singing. Know that the LORD Himself is God; It is He who has made us, and not we ourselves; We are His people and the sheep of His pasture.” Ps. 100:2-3  
“Thus says the LORD who made you and formed you from the womb, who will help you, 'Do not fear, O Jacob My servant; and you Jeshurun whom I have chosen.” Isa. 44:2 
 “But now, O LORD, You are our Father, We are the clay, and You our potter; And all of us are the work of Your hand.Isa. 64:8  
“For thus says the LORD, who created the heavens (He is the God who formed the earth and made it, He established it and did not create it a waste place, but formed it to be inhabited),"I am the LORD, and there is none else.” Isa. 45:18
"You are the LORD, you alone. You have made heaven, the heaven of heavens, with all their host, the earth and all that is on it, the seas and all that is in them; and you preserve all of them; and the host of heaven worships you." Neh. 9:6

Tignan din sa Genesis 1:1-31

Sa pagpipilitan nila na si Kristo din daw naman ay Diyos din at manlilikha, ginagamit nila ang Gawa 3:15 upang patunayan ito. Ito ang nakasaad sa nasabing talata:


"At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito."

Tanong: Ang verse bang ito ay isang katunayan na siya ay Diyos na MANLILIKHA?


NAG-IISA LAMANG ANG DIYOS- ANG AMA at wala ng ibang DIYOS MALIBAN SA KANIYA

Ang sabi ng ating Panginoong HesuKristo:

"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka  niya. Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo" Juan 17:1-3

Ito naman ang sabi ng NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS:

I am the LORD, and there is no other; Besides Me there is no God I will gird you, though you have not known Me; That men may know from the rising to the setting of the sun That there is no one besides Me. I am the LORD, and there is no other,Isa. 45:5-6


“Do not tremble and do not be afraid; Have I not long since announced it to you and declared it? And you are My witnesses Is there any God besides Me, Or is there any other Rock? I know of none.'" Isa. 44:8  

It is I who have declared and saved and proclaimed, And there was no strange god among you; So you are My witnesses," declares the LORD, "And I am God.“ Isa. 43:12  

“Remember the former things long past, For I am God, and there is no other; I am God, and there is no one like Me,Isa. 46:9  

“You are My witnesses," declares the LORD," And My servant whom I have chosen, So that you may know and believe Me And understand that I am He Before Me there was no God formed, And there will be none after Me.Isa. 43:10 

“Declare and set forth your case; Indeed, let them consult together Who has announced this from of old? Who has long since declared it? Is it not I, the LORD? And there is no other God besides Me, A righteous God and a Savior; There is none except Me. Isa. 45:21

Si Kristo ba "ANG DIYOS"?

Hindi. Dahil iba si Kristo sa Diyos, halikat isa isahin natin ang nasa Gawa 3:15:

"At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay:" - si Kristo ang PINATAY

"na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay;" - Ang DIYOS ang bumuhay kay Kristo maguli sa mga patay

 mga saksi kami ng mga bagay na ito." - Saksi sila Apostol Pedro dito

Ang bumuhay kay Kristo ay ang DIYOS. Si Kristo ay MAY DIYOS. Kung si Kristo "ANG DIYOS" o siya ay DIYOS, bakit hindi niya binuhay ang sarili niya mag-isa? Di bat ayon sa inyo, si Kristo ay may dual nature, TAO at DIYOS? 

Kung DIYOS pa rin siya kahit siya ay nasa katawang tao, wala ba siyang kapangyarihang gawin iyon? 

Bakit wala siyang kapangyarihang buhayin ang sarili niya? Akala ko bay siya ay CREATOR, siya ay Diyos dahil siya ang LUMIKHA NG BUHAY???


Ano ba ang ibig sabihin ng "LUMIKHA NG BUHAY"?

Una nga pala, hindi namin tinututulan na si Kristo ang tinutukoy sa talata na "LUMIKHA NG BUHAY".

Sasabihin ng iba, eh di inamin mo na readme na si Kristo ay CREATOR.

Kung ganyan ang ating pagkaunawa, eh di paniwalaan na rin nating DIYOS ang lahat ng taong nakagawa ng mga himala, at nakapagpabuhay ng mga patay. Tutal, SILA pala ang GUMAWA NITO. Eh di ibigay natin ang credit sa kanila.

Pero hindi eh, kinasangkapan lang naman sila ng DIYOS, lahat ng kanilang mga nagawa ay GALING SA DIYOS. Kasama na ang mga nagawang himala ni Kristo. SI Hesus ay naging Kristo at Panginoon hindi sa ganang kaniyang sarili kundi ginawa siyang ganoon ng Diyos. Nasa bibliya yan.

Kung ganon pala, ano ba talaga ang ibig sabihin ng talata? Si Kristo ba ay MANLILIKHA?

Itanong natin mismo kay Kristo kung ano ang ibig sabihin nito:

"Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak." Juan 17:2

Binigyan pala ng KAPANGYARIHAN ng DIYOS si Kristo na bigyan ng BUHAY na walang hanggan ang lahat ng ibinigay niya sa kaniya.

Eto pa ang sabi niya:


"Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa" Mateo 28: 18

Pag ibinigay na ng Diyos kay Kristo ang kapangyarihan sa langit, lupa at sangkatauhan ibig sabihin magiging Diyos na rin siya tulad ng Diyos niya na kaniyang Ama?

"Ganito ang sinasabi ng kasulatan, "Ang lahat ng bagay ay lubusang ipinailalim ng Diyos sa kanyang kapangyarihan." Ngunit sa salitang "lahat ng bagay," maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo. At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat." I Cor. 15:27-28

Hindi pa rin pala, dahil mismong si Kristo ay papailalim din sa KAPANGYARIHAN NG DIYOS.

Bakit daw?

Sa gayon, lubusang maghahari ang DIYOS sa LAHAT.

Yun pala ang ibig sabihin ng nasa Gawa 3:15, hindi ito dahil siya ay MANLILIKHA kundi binigyan lamang siya ng Diyos ng otoridad o KAPANGYARIHAN para dito. Kaya nga sa ibang salin ng bibliya ay ganito ang banggit:

"Pinatay ninyo ang Pinagmumulan ng buhay, ngunit siya'y muling binuhay ng Diyos, at saksi kami sa pangyayaring iyon." BMBB, MBB
 
Holman Christian Standard Bible (©2009)
You killed the source of life, whom God raised from the dead; we are witnesses of this.


International Standard Version (©2012)
and you killed the source of life, whom God raised from the dead. We are witnesses to that. 


 GOD'S WORD® Translation (©1995)
and you killed the source of life. But God brought him back to life, and we are witnesses to that.

 Sino ang makikinabang sa buhay na na kay Kristo?


"Sapagkat kung paanong mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayundin naman, mabubuhay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Cristo." I Cor. 15:22

Tanong, ikaw bay may kaugnayan kay Kristo? Paano? Sangkap ka ba ng katawan na ang ulo ay si Kristo? Paano ka magkakaroon ng kaugnayan kay Kristo kung wala ka sa Iglesiang itinatag niya kung saan siya ang tagapagligtas nito?

12 comments:

  1. dagdagdan ko lang ang talata mo bro.read me para sa ikatitibay pa ng Topic mo,

    papaano maging diyos si cristo kung siya'y nakaupo sa kanan ng AMA?

    sapagkat noon pang panahon ng mga propeta eto ang sinabi nila sa panginoong Diyos....

    awit 80:17
    17Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili. ~ Ang biblia 1905

    ano pa ang katibayan na si cristo ay nakaupo sa kanan ng diyos?

    colosas 3:1
    1Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios.

    eto pa....

    Efeso 1:20
    20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan.

    Dahil Noon pa man wala pa ang mundo ay nasa isip na siya ng Diyos, Hindi yung Kasama niya na ang Diyos..

    1Pedro 1:20…“ ….Nasa isip na Siya ng Dios, bago pa lalangin ang daigidg......”

    ano ang pagkakilala ng mga propeta noon sa Diyos..

    heto sabi...
    Awit 90:2
    2Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.

    Ngayon ano ang ginawa ng Diyos kay Cristo Hesus bilang Sinisintang Anak niya?

    Gawa 2:36
    36Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus...

    sana mauunawaan ng mga readers ito....

    Hindi puwede maging diyos si cristo dahil nasa kaniya na ang titulong panginoon.

    ika nga sa talata ni ka read me pagdating ng paghuhukom, magkakaalaman na talaga kung sino ang nag-iisang tunay na Diyos...

    1Corinto 15:27-28
    27Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya. 28At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat. ~ Ang Biblia 1905 version.

    Nawa'y mabuksan ang isipan niyo dito kahit papaano at makapagpatuloy kayo sa pagsusuri, kung maari mas maganda kung pumunta po kayo sa malapit na lokal ng INC diyan sa lugar niyo....

    ReplyDelete
    Replies
    1. I have to make comments on your lengthy and marvelous explanations, pero Wala namang laman. Niisip ko tuloy ang
      Genesis 3:4"And the serpent said unto the woman, Ye shall not surely die:
      5For God doth know that in the day ye eat thereof, then your eyes shall be opened, and ye shall be as gods, knowing good and evil." DAHIL sa ginawa mong SINUNGALING Ang bibliya KATULAD NARIN KAYO SA MATANDANG AHAS NA LUMIKO SA KATUTUHANAN.
      1Pedro 1:20…“ ….Nasa isip na Siya ng Dios, bago pa lalangin ang daigidg......”
      SAMANTALANG
      Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.
      1 Pedro 1:20
      IBIG KONG SABIHIN LIKAS TALAGA KAYO SA KASINUNGALINGAN.
      PALIBHASA'Y KAYO NAMAN AY ISANG PAGANONG IGLESIA.

      Delete
  2. Gawa 3:15
    "At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito."

    SI JESU-CRISTO AY DIYOS AT TAO.
    SA KANIYANG PAGKA-TAO, SIYA AY PINATAY.
    SA KANIYANG PAGKA-DIYOS, SIYA ANG LUMIKHA NG BUHAY.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala tayong mababasa sa bibliya na:


      SI JESU-CRISTO AY DIYOS AT TAO.
      SA KANIYANG PAGKA-TAO, SIYA AY PINATAY.
      SA KANIYANG PAGKA-DIYOS, SIYA ANG LUMIKHA NG BUHAY.

      Delete
  3. Jeffrey Trinidad,

    Dapat po inunawa ninyo nang mabuti ang sinasabi sa Gawa 3:15 at hindi po kung anong gusto ninyong paniwalaan.

    Maliwanag na maliwanag na sinasabi sa nabanggit na talata na NAMATAY ang Kristo at ang DIYOS ang bumuhay sa Kanya at hindi ang sarili niya. The fact na namatay ang Kristo, hindi siya ang tunay na Diyos sapagkat ang tunay na Diyos ay hindi namamatay (1 Timothy 1:17)

    Ngayon may tanong po ako, ano po ang pagkaunawa ninyo sa sinabi sa talata na "Lumikha ng buhay"? Na nagpapatunay na Diyos ang Kristo?

    --Bee

    ReplyDelete
  4. BEE WEEZER,

    Gawa 3:15
    "At inyong pinatay (PAGKA-TAO NI JESUS) ang Lumikha ng buhay (PAGKA-DIYOS NI JESUS): na binuhay ng Dios (AMA) na maguli sa mga patay; mga saksi kami ng mga bagay na ito."
    SIYEMPRE ANG PAGKA-TAO NI JESUS ANG NAMATAY
    AT HINDI ANG KANIYANG PAGKA-DIYOS.

    JUAN 11:25 Magandang Balita Biblia
    Sinabi sa kaniya ni Jesus, "Ako ang nagbibigay-buhay at muling pagkabuhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay.

    ReplyDelete
  5. Jeffrey Trinidad,

    Hindi nio po nasagot ang tanong ko. Sarili nio pong haka-haka ang nabasa ko. Pakibanggit po kung saan sa Bibliya mababasa na namatay ang pagkatao ni Kristo at siya rin ang bumuhay sa sarili niya (bilang Diyos). Iyon po ang hinahanap ko kasi paulit-ulit nio pong sinasabi eto na wala naman sa Bibliya. At laging ang Ama at si Kristo lang ang ipinapasok mo sa TRINITY na yan, PAANO NAMAN PO ANG ESPIRITU SANTO? Parang lagi pong absent.

    Inulit nio lang po ang sinabi ko, si Kristo ang namatay at ang Diyos AMA ang bumuhay sa Kanya. Iyon po ang sinasabi sa Bibliya.

    Si Kristo po ang tagapagligtas na ibinigay ng Diyos sa sanlibutan upang magkaroon tayo ng buhay (John 3:16) kaya sinasabing Siya (si Kristo) ang nagbibigay-buhay. Paano nio po magagamit ito bilang "proof" na si Kristo nga ang tunay na Diyos when in fact lalo lang nito pinapatunayan na hindi si Kristo ang tunay na Diyos? Sapagkat may Diyos ba na isinisugo para magbigay-buhay? Pag ganun ang Diyos mo, HINDI NA SIYA DIYOS sapagkat HINDI NA SIYA ANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT.


    --Bee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala o nabulag bulagan ka lang? •John 10:17-18, “The reason the Father loves Me is that I LAY DOWN MY LIFE IN ORDER TO TAKE IT UP AGAIN. NO ONE TAKES IT FROM ME, BUT I LAY IT DOWN OF MY OWN ACCORD.” - John 10:17-18

      SAAN DITO NA ANG DIOS AMA ANG BUMUHAY?

      ANO ITONG TEMPLE NA KAYA NI HESUS BUBUHAYIN SA 3 ARAW?


      • Jesus answered them, “Destroy this temple, and I (JESUS DIVINE NATURE) will raise it again in three days.”


      They replied, “It has taken forty-six years to build this temple, and you are going to raise it in three days?”

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      After he (JESUS HUMAN NATURE) was raised from the dead, his disciples recalled what he had said.

      Then they believed the scripture and the words that Jesus had spoken. - John 2:19-22

      • Jesus said, “I am the resurrection and the life” (John 11:25). He did not say, “My Father is the resurrection.” He claimed to be the resurrection Himself; life resides with Jesus, and He has absolute authority over life and death (Revelation 1:18). Jesus is God. He could say He would raise up His body on the third day because He is part of the One Being of God.

      • Revelation 22:13, “I am the Alpha and the Omega, the First and the Last, the Beginning and the End.”

      Delete
  6. Bakit po hindi maintindihan ni sir Jeffrey ang napakaliwanag na katotohanan dito? Ang mga talata din mismo ng Biblia ang nagpapaliwanag eh ayaw nya paring sampalatayanan? Yung counter attack nya wala manlang support ng talata ng Biblia?

    ReplyDelete
    Replies
    1. • John 10:17-18, “The reason the Father loves Me is that I LAY DOWN MY LIFE IN ORDER TO TAKE IT UP AGAIN. NO ONE TAKES IT FROM ME, BUT I LAY IT DOWN OF MY OWN ACCORD.” - John 10:17-18

      SAAN DITO NA ANG DIOS AMA ANG BUMUHAY?

      ANO ITONG TEMPLE NA KAYA NI HESUS BUBUHAYIN SA 3 ARAW?
      https://iglesianicristoreadme.blogspot.com/logout?d=https://www.blogger.com/logout-redirect.g?blogID%3D1080748610586881805%26postID%3D7638298580454313268

      • Jesus answered them, “Destroy this temple, and I (JESUS DIVINE NATURE) will raise it again in three days.”


      They replied, “It has taken forty-six years to build this temple, and you are going to raise it in three days?”

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      BUT THE TEMPLE HE HAD SPOKEN OF WAS HIS BODY.

      After he (JESUS HUMAN NATURE) was raised from the dead, his disciples recalled what he had said.

      Then they believed the scripture and the words that Jesus had spoken. - John 2:19-22

      • Jesus said, “I am the resurrection and the life” (John 11:25). He did not say, “My Father is the resurrection.” He claimed to be the resurrection Himself; life resides with Jesus, and He has absolute authority over life and death (Revelation 1:18). Jesus is God. He could say He would raise up His body on the third day because He is part of the One Being of God.

      • Revelation 22:13, “I am the Alpha and the Omega, the First and the Last, the Beginning and the End.”

      Delete
    2. Basahin mo ang Juan 10:18 sa huling bahagi. Tinanggap ko ang utos na ito sa aking Ama" pag di kapa naniwala na si Cristo ay tao at hindi Dios maghintay kanalng sa kapahamakan.

      Delete
  7. Basahin mo na lang ang Apostles Creed

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.