Sobra na ang pambabastos ng mga taga Media at mga pulitiko sa INC. Opo. Bastos. Itong mga taong nagpasimula ng isyu na kaya magkaka GEM ang INC sa Quirino Grandstand eh para suportahan si Corona.
Sana mabasa ito ng mga taga Media, tanong ko sa inyo, ganyan na ba ang pagbalita nyo ngayon? Puro tsismis? Wala na ba talaga kayong magawang tama at masabing maganda tungkol sa INC??? Pasalamat nga kayo at matuwa dahil hindi kayo pinapatulan ng INC sa mga pinagbababalita ninyo, na kapag tungkol sa INC binabalita nyo eh puro "block voting" at "influential" ang lagi nyong binabanggit. Ang INC ba ay walang ginawa kundi bumoto? araw araw bumoboto? Yun lang ba ang tanging makakapagdescribe sa INC? Hindi ba pwedeng i describe sa pagkakaroon ng magagandang kapilya, o kaya i describe ang mga INC na disiplinado at kung ano pa man?
At ang mga sinungaling na mga pulitiko na ipinagkakalat at kinakaladkad ang pangalan parati ng INC sa usaping pulitika, wala na ba kayong magawang tama???
INC sa RH bill
INC sa impeachment ni Gloria Arroyo
INC sa impeachment ni Merceditas Guttierez
INC sa ruby rose case
INC sa isyu sa LTO
INC sa impeachment kay Corona
Lagi ninyong sinasabing nakikialam ang INC sa mga yan samantalang walang makakapagpakita ng ebidensya na may ginawa talagang "move" ang INC sa mga yan. Ano, para maibaling ang isyu sa INC? masyado nyo namang pinapasikat ang INC at effective kayo sa pagpapasama ng imahe ng INC sa mga tao. Congrats!
Nakakapagtaka naman dahil parang mga walang common sense ang mga tao. Bakit? Eh paano, tignan nyo, ano ba ang mapapala ng INC kung makikialam ito sa usaping pulitika?
Sa RH bill, ibibigay ba ni Noynoy ang lahat ng contraceptives sa Pilipinas sa mga INC members kapalit ng pagsuporta nito sa RH bill?
Sa Impeachment sana dati ni Gloria, kapag ba tinulungan ng INC si Gloriang di maimpeach, bibigyan ni Gloria ng milyon milyon ang INC para sa pagpapatayo ng kapilya?
Sa Impeachment sana dati ni Ombudsman Merceditas, porke ba INC ang abogado nya ibig sabihin ang INC ay sumusuporta sa kanya? E di kapag Katoliko ang abogado ni Gloria ibig sabihin eh sinusuportahan ng buong Roman Catholic Church sya?
Yung isyu sa LTO, porke ba ibinigay ang mga kontrata ng LTO sa business ng isang INC member ibig sabihin may porsyento ang INC dun? Sisikat ba ang INC dun?
Yung sa Ruby Rose case, na sinasabing suspect ang isang INC member, porke ba ang abogado ng suspect eh taga INC ibig sabihin may ginagawang mga hakbang ang INC para wag makulong ang suspect? Yayaman ba ang INC dun?
At huli, yung Impeachment trial kay Corona, porke ba ang legal defense eh nagkataong INC member ibig sabihin ang INC eh sumusuporta kay Corona? Bakit, ganun ba katindi ang religious affiliation? Bibigyan ba ni Corona ang INC ng mga pera galing sa dollar bank accounts nya para yumaman ang mga "Manalo"?
Ganun ba yun???
Pasensya na pala. Hindi ko na kasi mapigil ang nararamdaman ko dahil sa mga pangyayaring ito, dahil INC defender ako, apektado ko sa mga kasinungalingan ng mga yan lalo na at hindi man lang naririnig ang panig ng INC. First time tagalog post din nga pala ito dahil na rin isyu sa Pilipinas ito...
Eto ang latest na nakakapag pakulo ng dugo, ok lang sana kung katotohanan eh, kaso hindi, eto pakibasa na lang, isa sa napakaraming balitang kalat na kalat sa internet:
Malacañang on Saturday insisted there is no threat from a reported “pro-Corona” gathering of Iglesia ni Cristo in Manila on February 28.
Deputy presidential spokesperson Abigail Valte said there is no reason to worry about the scheduled INC gathering, which she said is an evangelical and Bible exposition.
“Ay hindi tayo nababahala sa isang Bible exposition at may pagpupulong silang sinasabi, evangelical and Bible exposition," she said on government-run dzRB radio.
But she refused to comment on questions on whether the Palace believes it is dangerous for Church groups to meddle with Palace affairs.
“We don’t know that, we cannot speculate,” she said.
Asked if the Palace has countermeasures for any pro-Corona rallies, she said, “Wala kaming ginagawang ganyang paggalaw (We have no such action).”
Earlier reports indicated the INC will hold a grand evangelical mission at the Quirino Grandstand, supposedly to urge President Benigno Aquino III and his administration to respect the “rule of law.”
The INC was dragged into the issue of Corona’s impeachment following alleged moves by the Palace for Serafin Cuevas, and INC member, to withdraw as one of Corona’s defense counsels
source: gmanews.com
Search nyo na lang sa internet yung ibang article tungkol dyan, KALAT NA KALAT NA RIN NAMAN DI BA?
Ang sinasabi ng mga halimaw na reporters at pulitiko, yung GEM daw ay:
- Pag suporta kay Corona
- Pagpapakita ng pwersa
- Pagsuporta kay former NBI Gatdula na nasibak sa pwesto
- Para daw sabihin sa administrasyon ni Noynoy na respituhin ang batas (tungkol sa Impeachment)
- "Prayer rally" daw
- "Political rally" daw
Di na rin siguro kelangan sagutin at mag explain nakakapagod ng sagutin ang mga walang ka sense sense na gawa gawang kwento. Isa lang napagtanto ko. Ang INC na mag 100years na pero patuloy pa ring nakakaranas ng mga pang uusig galing sa mga taga sanlibutan!
Ano ang koneksyon ng Pamamahayag ng salita ng dyos sa Impeachment trial ni Corona? Magpapadokrtina ba sya? O baka naman ang senator judges? Ano sa tingin nyo?
Eto ang katotohanan:
THE Iglesia Ni Cristo (INC) insisted Monday that there is nothing irregular with the holding of its grand evangelical mission Tuesday amid rumors of it being a show of pro-Chief Justice Renato Corona force.
INC spokesman Bienvenido Santiago said gatherings like the grand evangelical mission to be held at the Quirino Grandstand in Manila around 5 p.m. Tuesday has been taking place since the INC’s establishment in 1914.
“The Iglesia Ni Cristo has been holding such gatherings in various places on a regular basis since the time of its first Executive Minister, Brother Felix Y. Manalo, who established the INC’s first congregation in the Philippines in 1914,” he said.
“This religious activity is one of the means by which the Church propagates the teachings of God in the Bible that members of the Iglesia Ni Cristo believe to be essential for man’s salvation,” he added.
Santiago noted how similar grand evangelical missions have been conducted at the Quezon Memorial Circle in 1995 and at the Amoranto Stadium in 1996.
“In 2009, multi-district grand evangelical missions were held in 14 venues all over the country in celebration of the 95th anniversary of the Church,” he said.
This, he said, is aside from the other “bible expositions” they have conducted in the past “on a smaller scale” that are usually held in the houses of worship.
The INC official also stressed that the Quirino Grandstand is just one of the 19 venues tapped for the event as the grandstand will just be for those members from Metro Manila, as well as the province of Bulacan and the Calabarzon Region.
Aside from the Luneta venue, also identified areas are Isabela Sports Complex, Isabela; Jose V. Yap Sports and Recreational Complex, San Jose, Tarlac; Gloria Town Plaza, Oriental Mindoro; Pili Freedom Sports Complex, Pili, Camarines Sur; La Union National High School Sports Complex, San Fernando City, La Union; Paglaum Sports Complex, Bacolod City; Cebu City Fuente Osmeña; Tacloban City Convention Center; and Pagadian City Gym, Zamboanga del Sur.
Also named as venues are Limketkai Center, Cagayan de Oro City; Davao Agro-Football Stadium, Davao City; General Santos City Gym; La Paz Plaza, Iloilo; Butuan City Sports Complex; Odiongan Sports Complex, Odiongan, Romblon; Puerto Princesa Coliseum, Palawan; Coron Gym, Palawan; and Sta. Cruz Plaza, Sta. Cruz, Marinduque.
Santiago said they are confident that most, if not all, INC members from its 4,374 local congregations across the archipelago will attend and participate.
The bible exposition Tuesday will be the fourth biggest gathering of the INC and will be held as part of the group’s campaign for the intensive propagation of God’s words, said Santiago.
source: sunstar.com.ph
FACT: Hindi lang sa Quirino Grandstand nagkaroon ng GEM ang INC, kundi ito ay NATIONWIDE GEM, maraming ginanap sa ibat ibang panig ng Pilipinas.
Ang isinagawa ng INC kanina ay ang normal na Grand Evangelical Mission o Pamamahayag, ang kinaiba lang neto ay isa ito sa pinakamalalaking pagtitipon sa history ng INC at wala ni kapiranggot na halo tungkol sa usaping pulitikal kay Corona. At pwede ba sana ang mga di INC ay wag na wag ikukumpara ang INC sa ibang religious groups kung saan habang may pagtitipon sila eh nasa stage yung mga pulitiko at magsasalita o kaya naman may pagtitipon kaso hindi purong religious activity kundi may halong pamumulitika.
Walang ganyan sa history ng INC. Sa iba meron pero sa amin po wala kaya sana tantanan nyo na ang paninira sa INC. Yun lang.
FACTS: Wala sa history ng INC na mag GEM dahil sa pulitika, bago ang Feb.28 ipinagpanata ito ng mga maytungkulin sa INC ng isang linggo, ibig sabihin matagal na itong naiplano, sapagkat 2012 ngayon, taon ng PUSPUSANG PAGPAPALAGANAP ng EBANGHELYO ng INC para sa paghahanda sa CENTENNIAL CELEBRATION NG INC. Isa pa, hindi "RALLY" o "PRAYER RALLY" ang ginawa at ginagawa ng INC, GEM po ang tawag doon, hindi kami El shaddai o mga protestante...
______________________________
ADVANTAGES...
Aba akalain nyo, sa lahat ng ginawang paninira ng mga taga Media at Pulitiko sa INC eh may naging advantages din pala yun! hahaha
Dahil sa sinasabi nyong "Pamumulitika ng INC":
- First time nabroadcast sa lahat ng local tv stations (pwera yung channel ni Soriano) ang tungkol sa Pamamahayag ng INC. Take note, Headline po ito at tinutukan talaga ng lahat ng taga media. (Paano, nag aantay ang mga mokong kung may makikita silang move, kung may Pro-Corona o Anti- Corona movement na magaganap. Nakakatawa diba. hahaha)
- First time nalathala sa mga local newspapers ang aktibidad na ito ng INC na talagang tinutukan.
- Nagtrending ang Iglesia ni Cristo sa Twitter at Yahoo.
- At salamat at narinig ng buong bansa ang panig ng INC tungkol sa sinasabing may "bahid pulitika" ang ginawang malaking pagtitipon ng INC.
- Libreng advertisement sa tv, radyo at newspapers ang Pamamahayag, nacurious tuloy ang mga di INC, kaya ayun, napanganga ng makita ang dami nga tao sa Quirino Grandstand. hahaha
Makikita talaga natin na kasama ng INC ang Dyos, dahil sa kabila ng paninira nila sa INC, kapalit naman nitoy sunod sunod na tagumpay sa ibat ibang larangan! At sino ang lumabas na kahiya hiya ngayon? SILA DIN!
Mabuhay ang INC!
Teka, bago ko ito tapusin, masasaksihan natin ngayon ang usapan sa mga forums, blogs at websites, pakiusap ko lang sana hindi po kayo maniwala sa mga pinagsasasabi ng mga di kaanib lalo nat wala naman silang alam pati na rin sa mga balita sa internet na kesyo konektado ang GEM kay Corona, ito po ay napaka nonsense wala silang basehan at napahiya na sila dahil hindi naman talaga totoo ang mga espikulasyon nilang iyon.
Alam kong pinag uusapan nila ngayon ang gawa gawang kwento ng mga pulitiko at media tungkol sa isinagawang GEM ng INC, patuloy na dumadami ang bitter at mga naiinggit sa INC kaya po ganyan... Hindi namin kayo pinipilit na paniwalaan kami, ang gusto lang namin maging patas kayo sa inyong panghuhusga. Maraming salamat po.
I agree, INC announced this GEM last month, yet they directly connected it to the Trial of Corona last week. Parang yung mga journalist na nag cover dito ay more like gossip than journalism.
ReplyDeleteHindi naman siguro kaanib sa INC si Corona, bakit siya pag-aksayahan ng panahon ng mg kaanib na nag day-off lang ng isang araw para maka attend ng GEM?
ReplyDeleteMalinis kasi INC kaya gusto nilang dumihan sa pamamagitan ng paninira. Naghahanap sila ng maibubutas sa INC sukdulang mag balita sila ng Kasinungalingan.
ReplyDeleteJuan 15:19
ReplyDelete19 Kung kayo’y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo’y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila’y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo.
ok lang Pu yan, katunayan lang yan na tayo talaga ang bayan na diyos....
"Bakit magpapadoktrina ba siya?" Hahahaha, tawa ako nang tawa sa birong ito. Oo nga naman, ano bang pakialam ng Iglesia Ni Cristo sa mga iyan, ano bang mapapala natin diyan? Isang taga-Mendiola nga, nagbigay sa akin ng flyers tungkol sa rally sa nagtatatas na matrikula, pero wala akong pakialam. Ang punto ko ay, hindi tayo mahilig makisawsaw sa mga issue na iyan. Hangga't maari, ay umiwas tayo diyan, para hindi tayo mapunta sa karahasan ng sanlibutan. Tuwing pagsamba nga walang sinasabing issue na labas sa pagsamba natin, puro aral nang aral sa sa banal na kasulatan. Kaya sa mga patuloy diyan na dinadawit ang Iglesia Ni Cristo, mahiya naman kayo. Kamakailan lang, nakakita na naman ako na ginagamit daw natin ang control votes sa mga politiko, kaya medyo naasar ako kasi mga sinungaling sila. Saka sabi ng mama ko, tahimik lang daw talaga kapag halalan, hindi sinasabi ang iboboto.
ReplyDeleteMedia makes INC more famous than ever.In every 1 negative against us,we harvest 1000+ praises from other media practitioners,i will never reveal their names,delikado na.(except UNTV)
ReplyDeleteSila na kumbaga ang kumuha ng bato na ipupukpok sa mga ulo nila.