"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 18, 2015

Fallen Angels, nagtayo na ng sariling Iglesia!


Alam nyo ba ang ginawa ng Fallen Angels ngayon? Opo. Meron. Noong una lagi nilang sinasabi at magpahanggang ngayon na mahal pa rin nila ang Iglesia Ni Cristo. Meron pa nga nagsasabi na kahit tiwalag na sila ay nasa puso pa rin nila ang pagiging INC. Na ang layunin lamang nila ay malinis ang tunay na Iglesia Ni Cristo at ibalik sa dati nitong kalagayan na walang dungis.

Ngunit dahil sa kawalang pag asa siguro nila na magaganap ang kanilang mga plano, kaya ito, unti unti na nilang isinasagawa ang PLAN B. Ang PAGTATAYO NG SARILI NILANG IGLESIA. Malamang sa malamang i-dedeny nila ang PLAN B nila kahit obvious na obvious na. Bago kasi sila makapagtayo ng sariling Iglesia, tulad ng ginawa nila Teofilo Ora, mang aagaw at mang aagaw muna sila ng mga kapatid para sumama sa kanila. 

Kaya nga wala silang tigil sa paninira sa Pamamahala at binibigyan ng pag aalinlangan ang mga kapatid, andyan din ung nanghihingi sila ng simpatya at pinapakita nila na sila yung inaapi at mahihina. Sa ganung paraan, aakalain ng mga kapatid at pati na rin hindi kapatid na sila yung nagsasabi ng katotohanan.
 
Ginagamit pa nila ang pangalan ng Ka Erano Manalo sa kanilang kilusan. Dahil nga maraming nagmahal sa Ka Erano, kaya ginagamit nila ang kaniyang ala ala para kumampi sa kanila.

Tanong, ako bay nasisiraan muli ng bait dahil sa pagsasabi ko na NAGTAYO NA NGA SILA NG SARILI NILANG IGLESIA?

HINDI PO. Sa mga ipapakita ko sa inyo, kayo na rin po ang humusga kung ang aking hinala ba ay tama.

#1 Silay nagsasagawa na ng sarili nilang mga pagtitipon



Ang tawag nila sa kanilang mga pagtitipon na isinasagawa WEEKLY ay EGM (Ecclesiastical Group Meeting) o GEM (Global Evangelical Meeting) sa ibat ibang panig ng mundo. At alam nyo ba ang pagtitipon nila ay ipinag aanyaya na rin nila kahit sa hindi pa kapatid sa Iglesia?



#2 Ang pagtitipon nilang ito ay ginamitan nila ng talata sa bibliya na patungkol sa PAGSAMBA

Maniniwala na sana ako na yung mga pagtitipon nilang ito ay simpleng “meeting” lamang, syempre may kilusan sila sa pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia kaya sila may ganito. Pero yung gagamitan ito ng talata sa bibliya, at yung talatang ginamit nila ay patungkol sa PAGSAMBA SA DIYOS, ANO PA BANG GUSTONG IPAHIWATIG NUN? Hindi naman siguro tayo “tanga” para hindi maintindihan na ang ginagawa nila mismo ay mga PAGSAMBA at hindi lang basta “meeting”.


#3 Silay nagsasagawa na rin ng kanilang PAGHAHANDOG


Ang PAGHAHANDOG nilang ipinapanawagan ngayon ay hindi lang sa loob ng kanilang samahan kundi pinopost nila ito sa PUBLIKO para mangikil ng pera. Kaya naman pala dati pa ay sinisiraan na nila ang pananalapi ng Iglesia, at hinihikayat ang mga kapatid na huwag na maghandog at maglagak, ang gusto pala ay SA KANILA MAPUPUNTA ANG ATING MGA HANDOG.


#4 Huli sa pananalita ni Kelly Ong na sila Angel at Marc Manalo ang nagbibigay sa kanila ng mga tagubilin


Gets ng isang matalinong tao ang mensahe ng post ni Kelly Ong. Pinag iingat ang lahat ng mga defenders sa ipinapakalat DAW na mga tagubilin mula umano sa magkapatid na Manalo.

At ano pa ang dugtong nya? 

"MANGYARI PONG PAKI VERIFY MUNA SA AMIN BAGO NATIN PANIWALAAN".

Itong statement na ito ang NAGKUMPIRMA na ang NAGBIBIGAY NG TAGUBILIN at ang NANGUNGUNA SA MGA FALLEN ANGELS (Sapagkat sila itong nagbibigay ng tagubilin) ay WALANG IBA KUNDI SI ANGEL AT MARC MANALO!

Samakatuwid, tama lang pala ang sinasabi nila na ang UTAK NG PAGLABAN NA ITO SA PAMAMAHALA AY WALANG IBA KUNDI ANG KA PAMILYA MISMO NG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN -- Angel, Marc, Lottie at Gng. Tenny Manalo.


#5  May isang kapatid na nagkumpirma sa pagtatayo nila ng sariling Iglesia at may isang lokal na pala silang naitatag!

Nagulat ako isang araw ng may isang kapatid na matagal ko na rin namang kakilala sa fb ang nagmessage sakin na nagsasabi na may itinayo nang sariling Iglesia ang Fallen Angels. Ang sabi ko naman, oo medyo may alam ako tungkol dyan dahil updated ako sa mga posts nila, matagal ko na sana itong iboblog, hindi ko lang maasikaso dahil sa aking trabaho medyo naging busy kasi ako :)

Tapos sabi nya kumpirmado ngang may itinatag na silang Iglesia at nakabuo na rin sila ng isang LOKAL!

Napa-AMAZING tuloy  ako sa isip isip ko pero hindi na ako nagulat dahil yung mga ikinikilos nila matagal ko ng ineexpect yan. Inaantay ko lang kung kelan nila gagawin. Narito po ang pag uusap namin:



Ngayon mga kapatid, dahil sa mukhang walang kapag-a-pag-asa na magtatagumpay sila sa kanilang matagal ng plano, na kanilang sinimulan pagpanaw pa lamang ng Kapatid na Erano Manalo, eto na po, aminin man nila o hindi, ay talagang HUMIWALAY NA SILA SA TUNAY NA IGLESIA AT NAGTATAG NG SARILING KANILA.

Tulad ng matagal ko ng nasabi sa mga dati kong posts, ang pangyayaring ito ay parang NAULIT LANG (HISTORY REPEATS ITSELF). Dun sa ginawa nila Teofilo Ora na paglaban sa Pamamahala ni Ka Felix Manalo, na sa kalaunan ay nang agaw ng mga kapatid saka nagtayo ng sariling Iglesia. GANUN NA GANUN DIN PO ANG GINAGAWA NILA. Sinisiraan nila ang Iglesia upang makapang agaw ng mga kapatid at upang tuluyang makapagtayo ng sariling Iglesia.

Parang PROTESTANTISMO LANG DI PO BA?

Yung ginawa ni Martin Luther, gusto nyang LINISIN ang Iglesia Katolika, kaso di nya nagawa ang ending nagtayo ng sariling Iglesia ang mga naniniwala sa kaniya hanggang sa magkasanga-sanga. Parang ganun lang din ang ginagawa nila, upang LINISIN DAW ANG IGLESIA NI CRISTO, ngunit sa kalaunan ang ending ay magtatayo na lang din sila ng sarili nilang mga Iglesia.

MGA KAPATID, TAMA RIN NAMAN ANG SIGAW NG MGA FALLEN ANGELS, WAKE UP! GISING!

GUMISING TAYO SA KATOTOHANANG ANG GUSTO LAMANG NILA AY PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA UPANG SILA ANG MALUKLOK DITO. NGUNIT DAHIL MUKHANG IMPOSIBLE NA ITONG MANGYARI KAYA NAMAN ANG PLAN B NILA AY MAGTAYO NA LANG NG SARILI NILANG IGLESIA NA SILA ANG MAKAKAPAMAHALA DITO. AT PAASAHIN ANG KANILANG MGA NABULAG NA TAGASUNOD SA PAG AAKALA SA BANDANG HULI AY MAGIGING OKAY NA RIN ANG LAHAT. NA SAMA SAMA SILANG MAGBABALIK LOOB. NGUNIT MALALAMAN NILA NA SILAY NALINLANG LANG PALA.

ALAM NYO BA ANG PINAGKAIBA NG IGLESIANG ITO AT SA IGLESIANG ITINAYO NILA? DITO MAY KALIGTASAN, DOON NAMAN ANG KAPAHAMAKAN.

TANONG NG MGA TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO: SAAN NYO DADALHIN ANG MGA TAONG MANINIWALA SA INYO?
 

16 comments:

  1. Gagawa at gagawa talaga sila ng masisilungan hehehe....subalit gaano man ang pagsisiskap nila... wala na itong kaugnayan sa tunay na Iglesia... mananatiling hindi na sila kabilang sa ikatlong bahagi na binigyan ng karapatan magmana ng BUHAY na walang hanggan.

    ReplyDelete
  2. Good article! They dont want to admit it but thats what they have already done, building and starting another church.

    Just like to clarify something though, with Martin Luther, it was never his intention to start a new church. Actually it the Lutheran Church wasnt made by Luther himself but by his followers, after Martin Luthers death.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jared Ramos,

      Maraming salamat po sa correction. Inedit ko na po ang artikulo.

      Mukang wala ng atrasan ang PLAN B nila. Sa ngayon palang po ay nakikita na ng mga kapatid na sila mismo ay nagtatalo talo. Yung pagkagahaman sa kapangyarihan na nagdulot ng kasiraan sa Iglesia ng DAHIL SA KANILA, yan ang ibinunga. Sana maging masaya sila sa pinili nilang daan... kahit pa itoy daan sa kapahamakan...

      Delete
    2. iba naman yung kay Luther, siya yung part sa hula sa bible na bibigyan pa ng pagkakataon ang iglesia na makabalik sa orihinal na aral

      Delete
  3. NAKAKAAWA MGA TAONG YAN,.KINAIN NG INGGIT.
    YAN NA LANG ANG TANGING PARAAN PARA MAGING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN YUNG MAGKAPATID NA MATAAS ANG LIPAD!!

    ReplyDelete
  4. Bandang huli sila sila ang mag kakagatan, sa Pamamahala hindi na sila marunong pasakop at magpa kumbaba, eh di lalo na, sino ang pumili sa kanila, kanya kanyang position, ahhhh sana gumising na sila habang may araw, dahil pag inabutan sila ng walang hanggang dilim, ayun na aray.

    ReplyDelete
  5. At hindi malayo na gawin din nila ang mga ginagawang paninira ng mga ka ibayo natin sa pananampalataya partikular na ang dating daan ni soriano, na sa bawat assembly o pagtitpon nila, ay hindi nawawala ang mga paninira sa INC. Itatanyag nila ang kanilang sarili sa papamagitan ng pag sira sa atin at hindi sa pamamagitan ng aral....at kahalalan.

    ReplyDelete
  6. wala na silang choice kung ang gawin ang plano b nila, yan ang option ng mga tiwalag ang magtayo ng bago nilang samahan.

    balita ko sa CLASSMATE ktv bar madalas sila nagko conferrence hehehe

    ReplyDelete
  7. hindi rin magtatagal yan. mga sakim sa salapi...mananatili kami sa tunay na Iglesia Ni cristo..

    ReplyDelete
    Replies
    1. paano ka nakakasiguro kayo ang nasabi sa biblia mga kuya..do you have a proof..marami na nagsasabi na sila ang tunay na eglisya..eto tanong ko paano ba naligtas sila moises abraham at ibang propeta ng dios..dahil ba sa eglisya


      basa nga kayo sa mateo 24 4..Sumagot si Jesus sa kanila: Mag-ingat kayo, na hindi kayo mailigaw ng sinuman. 5 Ito ay sapagkat maraming darating sa aking pangalan. Sasabihin nila: Ako ang Mesiyas. At marami silang ililigaw. 6 Maririnig na ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan. Ngunit huwag kayong mabalisa sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari, ngunit hindi pa ito ang wakas. 7 Ito ay sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at babangon ang isang paghahari laban sa isang paghahari. Magkakaroon ng mga taggutom, at mga salot at mga lindol sa iba't ibang dako. 8 Ang lahat ng mga ito ay pasimula ng sakit na nararamdaman ng isang babaeng manganganak.
      9 Pagkatapos ay ibibigay nila kayo sa paghihirap at papatayin nila kayo. Kapopootan kayo ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. 10 Marami ang matitisod at magkakanulo sa isa't isa at mapopoot sa isa't isa. 11 Maraming lilitaw na mga bulaang propeta at ililigaw ang marami. 12 Dahil sa paglaganap ng hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig. 13 Ngunit siya na makapagtitiis hanggang wakas ay maliligtas. 14 Ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos ay ipapangaral muna sa buong daigdig upang maging patotoo sa lahat ng mga bansa. Pagkatapos ay darating na ang wakas.
      15 Makikita nga ninyo ang kasuklam-suklam na paninira na sinabi ni Daniel, ang propeta na nakatayo sa banal na dako. Siya na bumabasa, unawain niya. 16 Kapag mangyari ang mga bagay na ito, sila na nasa Judea ay tatakas sa mga bundok. 17 Siya na nasa bubungan ay huwag nang bababa upang kumuha ng anuman sa kaniyang bahay. 18 Siya na nasa bukid ay huwag nang babalik upang kumuha ng kaniyang mga damit. 19 Ngunit sa aba ng mga nagdadalang-tao at doon sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 20 Manalangin kayo na ang inyong pagtakas ay huwag mangyari sa taglamig o sa araw ng Sabat. 21 Ito ay sapagkat magkakaroon ng malaking kahirapan na hindi pa nangyayari mula pa ng simula ng sanlibutan hanggang sa ngayon. At wala ng mangyayaring katulad nito kailanman. 22 Malibang bawasan ang mga araw na iyon, walang taong maliligtas. Ngunit alang-alang sa mga hinirang, babawasan ang mga araw na iyon.
      23 Kung ang sinuman ay magsabi sa iyo: Narito, tingnan mo ang Mesiyas, o naroon, huwag mo siyang paniwalaan..bagay sa inyo to oh..24 Ito ay sapagkat may lilitaw na mga bulaang Mesiyas at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga dakilang tanda at mga kamangha-manghang gawa upang iligaw, kung maaari, kahit ang mga hinirang. 25 Narito, ipinagpauna ko na itong sabihin sa inyo.
      26 Kung sasabihin nga nila sa inyo: Narito, siya ay nasa ilang, huwag kayong pupunta. Kung sasabihin nila: Siya ay nasa silid, huwag ninyo itong paniwalaan. 27 Ito ay sapagkat kung papaanong ang kidlat ay nagmumula sa silangan at nakikita hanggang sa kanluran, gayundin ang pagdating ng Anak ng Tao. 28 Ito ay sapagkat kung nasaan ang bangkay, doon nagtitipon ang mga buwitre.

      Delete
  8. And taglay nlang ugali at nbblang s 7deadly sin. Envy and lust for money. When I was in high school s new era nki2ta ko n cla (Marc/angel). They both owns wrangler jeep black and red. Nkasuot ng signature clothes. Then I thought Anak cguro ng myamang pmilya. And then nlaman ko mga Anak pla ng k Erdy. Npaisip ako... San nanggaling ang budget pra s luho nla ?

    ReplyDelete
  9. Kya pla maraming mga kumakalat n mga balita tungkol s katiwalian diumano ng mga sanggunian katulad ng ka jun santos, tungkol s katiwalian daw s pgbili ng bigas n overprice, n sa kanya diumano ang unlad, ngtayo diumano ng mcdonalds at kung ano ano p.. malinaw n po ngayon s akin n paninira lamang lahat ng ito ng fallen angels pra ibagsak ang pamamahala at sila ang pumalit..

    ReplyDelete
  10. Kumpleto na ang gang nila. Si Fruto ay bakla,si Grace naman ay tomboy..lol

    ReplyDelete
  11. so nagtayo na pala sila ng sarile nilang Iglesia so DAPAT paalisin na sila sa property ng INC, eh bakit hagga ngayon nakikitira pa sila sa property ng INC .walang kalalagyan ang mga iyan....saan ba mababasa sa bible ang prophecy INC-EGM.

    ReplyDelete
  12. Well,God knows who tells the truth.

    At lumabas na ang tunay na kulay ng Ahas.

    Wag tayong pasisila sa Ahas.Hindi tayo pumasok sa iglesia dahil sa pangalang Manalo lang,kundi sa Salita ng Diyos na pinapakalat ng Iglesia ni Cristo.

    ReplyDelete
  13. INC-EGM is not really visible.

    Wala kasing kumagat sa pain nila.

    Iisa lamang ang Iglesia ni Cristo.At yun ay naniniwala sa Pamamahala at may pananalig sa Diyos at kay Cristo.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.