Naging patok ang mga kwentong ito ng lumabas ang isang artikulo sa rappler.com tungkol kay "Malaya De la Cruz", simula nito sari sari ng mga kwento ang ikinakalat ng mga kumakaaway sa Iglesia para palabasing maraming nag aalisan nang mga myembro o kaya naman ay gusto ng umalis ngunit di magawa sa kung ano mang kadahilanan.
Mga karaniwang nilalaman ng isang PEKENG TESTIMONIAL:
1. Magcclaim o magpapanggap na INC member.
2. Hindi ibibigay ang tunay na pangalan dahil natatakot daw sila o kung sa ano pang kadahilanan. Kung magbibigay naman ng pangalan (sobrang bihira mangyari) eh peke parin, pwedeng tunay na pangalan ng tao pero yung gumawa noon ay hindi talaga siya.
3. Magbabanggit ng ilang FACTS (pero common knowledge na) sa loob ng INC, maaaring sa doktrina, sa practice, o sa mga tungkulin sa Iglesia para convincing.
4. Magkukuwento na ng kung ano ano.
5. Sasabihin gusto na daw umalis pero natatakot lang o kaya naman eh umalis na daw ng tuluyan, o kaya naman eh natiwalag.
6. Hihikayatin ang mga myembro ng INC na umalis na o kaya naman ay mag isip isip na para di mapahamak ang kaluluwa o kaya naman eh gusto lang talagang manira.
7. Ang pinakaimportante sa lahat, obvious na obvious na PEKE ang isang TESTIMONIAL kung hindi mawawala ang mga MALING impormasyon na nakapaloob dito o may MALI sa mga sinasabi nya na walang ni isang INC member ang maniniwala.