Let's face the truth and the reality members and nonmembers...Pahapyaw lang tong gagawin ko, hindi pa yung masyadong detalyado, di pa kasi ako makahanap ng time gawin, saka naghahanap pa ko ng konti pang mababasa sa Pasugo o sa internet tungkol dito.
Gusto ko lang klaruhin ang isyu tungkol sa moralidad ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, marami kasing mga misconceptions ang mga di kaanib kahit pa mismong mga kaanib tungkol dito (kahit ako rin dati, buti na lang mahilig akong magresearch^^).
ISYU: Pag ba INC member perpekto na ang lahat lahat sa kaniya? Yun bang hindi na pwede magkamali o magkasala? Yun bang perpekto ang buhay niya, na maayos ang sariling pamilya at iba pa? Yun bang walang problema sa ibat ibang bagay?
Realidad: May ilang myembro na hindi sinusunod ang aral ng INC.
May ilang myembro na wasak ang sambahayan o hindi maayos ang relasyon sa magulang o sa anak o sa mga kamag anak.
May ilang mymebro na hindi pa rin maiwan ang mga nakasanayang gawain nung hindi pa sya myembro na labag sa aral ng INC.
May ilang myembro na nasa maling paraan ng pamumuhay.
May ilang myembro na hindi kagandahan ang mga pag uugali.
Higit sa lahat, walang myembro sa INC ang PERPEKTO.
_____________________________
INC MEMBER = PERFECT ?
Maaaring itanong ng ilan, eh bakit kasi madalas sabihin ng mga Iglesia ni Cristo na sila lang ang maliligtas? Na pag nag INC ka mababago ang buhay mo in a positive way?
Yan, MALI ang pagkakaintindi sa sinasabi namin. Sige, klaruhin natin isa isa ONCE AND FOR ALL.
Sa mga Di kaanibPag sinabi namin "Iglesia ni Cristo lang ang maliligtas" hindi namin kiniclaim na LAHAT NG INC MEMBER no exemption, kahit anong ugali, kahit minsan lang sumamba, kahit mali ang paraan ng hanapbuhay/pamumuhay, kahit mali ang mga gawain at iba pa, AY MALILIGTAS, current INC member man o INC dati.
MALI! Wala kaming doktrinang ganyan!
Pinaniniwalaan lang naman namin ang sinasabi sa bibliya na ililigtas ni Kristo ang Iglesia nya, masama ba yon? Sinabi ba nyang ililigtas nya ang lahat ng tao sa buong mundo anuman ang relihiyon at paniniwala? Magbasa lang po ng bibliya^^
Dun naman sa pangalawang tanong, na porke INC member, LAHAT, WALANG EXEMPTION, na pag nag INC ka magbabago agad ang buhay, na titigil na sa mga masasamang gawain dati, at susunod sa aral sa INC.
Wala naman kaming kiniklaim na LAHAT ng INC member ay ganoon nga nangyari sa buhay. Siyempre dipende yan dun sa tao at hindi dun sa relihiyon, aba kailan pa nag utos ang relihiyon na gumawa ka ng masama? Na wag kang magbagong buhay? Na wag mong susundin ang aral ng Dyos? WALANG GANUN! Kahit gaano pa kaayos ang doktrina sa INC, at pagkakaturo sa kanila ng mga aral, NASA SA KANILA YUN kung lalakaran ba nila yun o isasabuhay, at kung hindi nga nila magawa yun, merong tinatawag na "tiwalagan" kung saan kung hindi mo sinunod ang lahat ng aral na tinuro sayo bago ka pa man mabautismuhan at lumabag ka doon, ay ititiwalag ka base na rin sa utos na nasa bibliya.
Sa pag kaka analize ko ng nangyayari, sadyang mataas lang talaga ang expectation at tingin ng mga di kaanib sa INC members, kaya nga kung mapapansin nyo, pag sangkot ang isang INC member sa isang balita sa dyaryo o kung saan man, eh napakalaking BALITA na.
Nakakatuwa nga at talagang nilalagay yung relihiyon ng nakagawa ng masama, samantalang pag katoliko naman, WALANG NAKALAGAY. Hal. "Isang katoliko nirape ang anak" o kaya naman "Isang katoliko pinatay ang asawa".
Pero pag INC, wow, banderang bandera kasama pa nga tungkulin eh, tulad ng "Isang Dyakono, nirape ang anak" o kaya naman "Isang ministro, namaril". Ang galing ano, bukod sa relihiyon, kasama pa specifically yung tungkulin, pero pag protestante at katoliko, NAPAKADALANG kung makakita ko ng ganyang balita...!
Sa sobrang taas ng pagkakilala o expectation ng mga di kaanib sa INC, madalas nilang linya eh "Ano ba yan, Iglesia ka pa naman, ganito ganyan ginagawa mo" kahit kaunting maling kilos lang yan ang bukambibig, pero pag isang Mormons nakagawa ng kasalanan o kaya naman eh isang born again, sobrang dalang nating makarinig ng "eh mormons/born again ka pa naman, ganito ganyan ang ginagawa mo". Tapos biglang isisisi sa INC, sasabihin, "ah ganyan pala mga Iglesia, kaya ayokong umanib sa inyo eh ganyan ang ginagawa nyo!"...
Ano daw?
Pag isa ang nagkamali o nakagawa ng kasalanan AS A WHOLE na kung manghusga? Nadadamay pati ang Church at ang lahat ng miyembro?
Tignan nyo, kaya po sana, hinihiling ko lang na matigil na ang ganitong mga ugali at impresiyon ng mga di kaanib.
Sa mga INC members namanSana wag tayong panghinaan ng loob, o manlamig sa pananampalataya o matisod dahil lang sa mga kapwa kapatid sa INC... Na nakakagawa ng mali, o ng kasalanan, o mali ang paraan ng pamumuhay, o masama ang ugali. Lagi po sana nating tandaan na hindi naman porke INC member ay translation non ay PERPEKTO.
Walang perpektong tao, at wala pong perpektong INC member. Lahat ng tao sa mundo included na ang INC members ay nagkakasala, dahil lahat tayo ay tao, ang ating Panginoong Jesukristo lang naman ang nag iisang tao sa history ng mundo ang hindi nagkasala, hindi dahil sa Dyos sya, kundi sinunod nya ang utos ng Dyos kahit pa nung nakatakda syang mamamatay, tinanggap nya yon, para maging halimbawa sa lahat ng tao. Kumbaga sya ang standard, o modelo ng lahat ng tao na dapat tularan o gayahin...
Ngayon, paano kung meron kayong kakilala o nakita na isang INC member na mali ang ginagawa, o masama ang ugali, o mali ang paraan ng pamumuhay?
Dapat ba pinanghihinaan ng loob?
Dapat ba matisod dahil INC member siya pero masama ang ginagawa?
Dapat ba manlamig sa pananampalataya?
Kayo na rin mismo ang makakasagot niyan. Isipin nyo na lang, hindi naman siguro kayo nag IGLESIA NI CRISTO dahil dun sa myembrong gumagawa ng masama, maytungkulin man o hindi. Isipin nyo kung bakit kayo nag IGLESIA NI CRISTO. Alalahanin nyo kung ano ang sinulat nyo sa form nung natapos nyo ang doktrina nyo, sa tanong na: BAKIT KA NAG IGLESIA NI CRISTO?/DAHILAN KUNG BAKIT NAG IGLESIA NI CRISTO.
Ako naaaalala ko pa sinagot ko dun!^^
Tanungin nyo rin sa sarili nyo kung sino ba ang magliligtas sa inyo, si Jesus ba o yung INC member na gumagawa ng masama? Na panghihinaan ka ng loob dahil lang sa kaniya? Bakit, hawak nya ba ang kaligtasan mo? bakit, representative ba sya ng INC na porke nakagawa sya ng masama ay magrereflect sa INC ang lahat ng ginawa nya?
Bakit, yung mga ginawa ba nyang mali, KINUKUNSINTI ba o NILALABAG ang aral ng INC?
ano sa tingin nyo???
PangkalahatanYan po ang realidad at katotohanan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sabi ko nga sa blog ko, ang objective ko ay NOT JUST TO DEFEND, BUT TO SHOW THE TRUTH INSIDE THE INC. Ang katotohanan po at realidad ay walang isang relihiyon sa BUONG MUNDO na ang mga myembro ay mga perpekto, na hindi nakakagawa ng kasalanan, at pagkakamali. Ang katotohanan at realidad ay hindi lahat ng INC member ay gumagawa ng mabuti at sumusunod sa aral ng INC, maytungkulin man o wala.
Dahil hindi naman LAHAT ng INC members ngayon ay nag INC ng bukal sa kanilang kalooban, may ilan na nag INC para sa pansariling interes, o napilitan lang. Yan po ang katotohanan.
Wala sa magulang mo, sa teacher mo, sa alagang aso nyo ang kaligtasan mo, kundi nasa mga kamay mo. Nasa kamay natin yon at wala sa iba, kaya gawin natin ang mabuti at puro pagsunod sa mga aral ng Dyos na laging pinapaalala satin ng mga ministro sa mga pagsamba.
PAALALA: (Member o nonmember) Kung makakakita ka ng INC member na gumagawa ng masama, o nasa maling paraan ng pamumuhay, isa lang ang dapat mong gawin, SAWAYIN MO!
Hindi na kailangan idamay pa ang Iglesia ni Cristo na wala namang kamalay malay at hindi naman iniuutos sa kaniya ang mga maling ginagawa niya. Hindi na kailangan ipamukha sa kaniya na may tungkulin man sya o wala, dahil sa mata ng Dyos pantay pantay tayo.
Kung hindi sya madaan sa saway, isumbong mo o ireport mo sa lokal na kinakatalaan niya para matagubilinan at mapayuhan (hindi naman tiwalag agad, warning muna^^). At kung patuloy pa rin siya sa gawaing iyon, ay saka lamang sya gagawan ng aksyon upang tuluyan ng matiwalag.
Muli, walang dahilan upang ISISI sa Iglesia ni Cristo ang masasamang gawa ng mga myembro nito dahil wala namang iniuutos at wala namang doktrina sa INC miski isa ang nagsasabing GUMAWA KA NG MASAMA, o kaya naman ay LABAGIN MO ANG ARAL SA INC, walang ganun.
Isa pa, wala ding dahilan upang matisod sa mga maling ginagawa ng ilang INC member, dahil hindi naman nila nirerepresenta ang INC, wala naman sa kanila ang kaligtasan mo lalong lalo na hindi ka naman nag INC dahil sa kanila.
Yun lang po at maraming salamat.(Gamitin man ito ng mga di kaanib bilang pang atake sa INC, ito po ang katotohanan, konsensya na nila yon kung gagamitin nila ito sa mga kasamaan nila, diyan natin makikita kung sa Dyos talagang sila.)