Why would even care? What for?
Very simple question.
But the "fallen angels" will find it hard to answer. For sure.
Tulad ng sabi ko sa inyo dati, bago natin paniwalaan ang sinasabi ng isang tao, dapat muna nating malaman ang kanyang rason at motibo.
Kaya ganyan po ang pamagat ng post ko ngayon.
Sino ba ang dapat na may pakialam at dapat na makitaan ng pagmamalasakit sa Iglesia?
Yun bang mga opisyal na miyembro o yung mga itiniwalag na sa Iglesia?
Masasagot kaya ng kahit isang "fallen angel" ang mga katanungan na ito?
Talaga bang kung sino yung mga hindi na bahagi ng isang samahan, sila nga ba talaga ang DAPAT na magmalasakit?
Kung OO, paki explain in full detail kung paanong nangyaring ang isang estudyanteng na kick out sa school o isang empleyadong tinanggal sa trabaho ay sya pang may pakialam at may pagmamalasakit sa kanyang eskwelahan o sa kompanyang dati nyang pinapasukan?
Kung HINDI, isa lang ang ibig sabihin nyan. Kung magsasabi man na sila ay nagmamalasakit at may pakialam...
eto ay "PEKE, HUWAD o PAKUNWARI" lamang at isang malaking KASINUNGALINGAN.
Bakit? ITS BECAUSE OF THE FACT THAT ITS NONE OF THEIR BUSINESS TO DO SO!
Sapagkat silay tiwalag na, ibig sabihin hindi na sila kaanib, ibig sabihin, silay nasa labas na ng Iglesia, ibig sabihin sila ay SANLIBUTAN na.
Kung ang isang katoliko o protestante, magsasalita ng mga laban sa Iglesia at sasabihin na kaya lamang nila ito ginagawa ay para sa kabutihan natin, para malaman natin diumano ang katotohanan (na matagal na nilang ginagawa mula noon at magpahanggang ngayon) andyan pa na ang ibay gumagawa ng mga kwento at kasinungalingan.
Ang tanong, sila bay DAPAT NATING PANIWALAAN?
Ang kanila bang pagmamalasakit diumano sa atin ba ay totoo o PAKUNWARI lamang, upang tayoy umalis sa Iglesiang ating kinabibilangan at sumama sa kanila???
Ganun na ganun ang ginagawa ng "fallen angels" di po ba?
Bilang parte na ng mga sanlibutan, Sila ngayoy nag iimbento ng halatang mga kasinungalingan upang tayoy umalis sa Iglesia at sumama sa kanila...
Kung totoo ang pananampalataya mo sa Diyos, dapat ka bang magpatangay?
Kung hindi sila totoong may malasakit at may pakialam sa Iglesia, ano ang rason at motibo nila?
Napakadaling sagutin mga kapatid.
Ginagawa nila ito upang labanan ang pamamahala bilang ganti, at gusto nilang ipakita na mas makapangyarihan sila sa pamamahala.
Ang motibo ng ilan sa kanila ay upang makabalik sa Iglesia.
Siguro naman kilala nyo na sila Rovic Canono (sher lock) at Grace Hernandez (Benito affleck) diba? Sila ay matagal ng tiwalag sa Iglesia, panahon pa ng Ka Erano. Hindi sila makakabalik sapagkat silay hiwalay sa kanilang mga asawa at ngayon ay may kinakasamang iba. Kaya nga, why all of a sudden, nagkaroon sila ng pagmamalasakit sa Iglesia diumano sa pagiging isang defender at sumuporta kala G. Angel Manalo???
Si G. Angel at G. Marc, dati itinatanggi na gusto nila maluklok sa mataas na posisyon. Pero ngayon ang bukambibig ng fallen angels ay ang tunay daw na tagapamahala ng Iglesia ay si Marc o si Angel daw.
Dati kaya sila lumabas sa publiko dahil may nagbabanta daw sa buhay. Ngunit bakit napunta sa mga isyu ng korupsyon, at ngayon ay kung sino ang tunay na tagapamahalang pangkalahatan?
Hinostage daw sila dati pero ngayong pinapaalis sila sa lugar na kung saan sila daw ay hinohostage, bakit ayaw pa nilang umalis?
At bakit nila ipinagpipilitan na ang pag aaring yon ng Iglesia ay kanila?
Di lang sinungaling, gahaman sa kapangyarihan, inggit sa kapatid, lapastangan sa pamamahala at sa Diyos, kundi mangangamkam pa ng ari arian?
Nakakahiya naman kayo. At ikinakahiya kayo ng buong Iglesia!
Binibigyan kayo ng pakakataon magbalik loob ngunit paglaban at pambababoy sa Iglesia ang ginagawa nyo.
And just to be clear, kayo, mga "fallen angels" ay walang karapatan at walang matibay na rason upang magkaroon ng pakialam at magmalasakit sa Iglesia dahil sa simpleng kadahilanang...
HINDI NA KAYO KABILANG SA IGLESIA NI CRISTO!
Yan ang tandaan nyo.
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.