
Nang mabasa ko ang New Testament sa pangalawang pagkakataon (ngayon lang bakasyon^^) nagulat ako dahil hindi lang pala isa, lima o sampu ang mga talata sa bibliya ang nagsasabi at nagpapatunay na si Kristo ay kinilala bilang TAO at hindi Diyos ng kanyang mga alagad, mga apostol at mga tao noong 1st century, ganoon din sa pagkilala sa Ama bilang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.
Binasa ko ang New Testament at mas naintindihan dahil habang nagbabasa ako ay nagtatakedown notes ako, at totoo nga, WALA NGANG TALATA SA BIBLIYA NA SINABI NI KRISTONG SIYA AY DIYOS o kaya naman ay ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang isa sa mga Diyos sa Trinity. Hindi ko ito sinasabi dahil lang Iglesia ni Cristo ako kundi dahil binasa ko ang New Testament at talagang WALA.
Ang kinikilala at ipinapakilalang Diyos sa New Testament ayon sa nabasa ko ay yung parehong Diyos sa Old Testament.
Sabi nga sa bibliya:
"Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang siya'y inyong ipapako sa krus." Gawa 5:30
Kung ayaw nyong maniwala, at kung meron naman kayong bibliya, bakit hindi nyo basahin?
Ngunit ingat lang sa pagbabasa, una sa lahat ang magiging pagkaunawa natin ay dapat hindi nagkokontradict sa ibang mga talata sa bibliya, dapat ay unawain nating maigi ang sinasabi ng mga talata at kung may mga talata na hindi natin maintindihan, maaari namang magtanong o kaya naman ay magresearch, huwag na huwag lang pakakahulugan iyon ng sariling pagpapakahulugan.
Sabi ng ilan, isa daw blasphemy ang ginagawa ng Iglesia ni Cristo dahil kinikilala namin si Kristo na TAO at hindi DIYOS. Ngunit ang hindi nila alam, ang pinagbabatayan ng Iglesia ni Cristo ay ang BIBLIYA lamang at hindi kung ano anong tradisyon.
Sana ay pagtiyagaan nating basahin ang post kong ito kahit na mahaba haba, para malaman nating lahat ang katotohanan...
Kristo- TAO AYON SA BIBLIYA
Kaya tanungin na lang natin si New Testament kung noon bang 1st century ay kinikilala nga ba talaga si Kristo na DIYOS ba o TAO?
Ayon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:
"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24
"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52
"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46
"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16
"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29
"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17
"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21
"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49
"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49
"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6
"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15
"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18
"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47
"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39
"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3
"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16
Ayon kay Pilato:
"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29
Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5
Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4
"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14
Ayon sa mga alagad ni Kristo:
"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27
Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:
"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4
(Yung dumating na kasunod pala ni Juan ay TAO, hindi naman pala Diyos!)
"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15
(Kagandahang loob daw ng isang TAO, [at hindi Diyos] na si Jesukristo!)
"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21
(Sa pamamagitan pala ng isang TAO [hindi Diyos] dumating ang muling pagkabuhay!)
"Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit" I Cor. 15:47
(Ang nanggaling pala sa langit ay TAO AT HINDI DIYOS! Kahit na taga langit pala si Kristo eh TAO pa rin!)
Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:
"Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71
Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72
"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74
(Nung itinatatwa ni Apostol Pedro si Kristo, hindi naman pala Diyos ang pagkakakilala sa kaniya, at inulit pa niya iyon, sinabi niya "hindi ko nakikilala ang TAONG yan!")
"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18
(Pinatay pala siyang TAO, ibig sabihin mula nang siyay nabuhay hanggang namatay ay TAO ang kanyang likas na kalagayan!)
Ang babala ni Apostol Pablo sa mga tao tungkol kay Kristo:
"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo." II Cor. 11:3
Kaya sana ay mag isip isip na kayo kung ang paniniwala ba ninyo kay Kristo ay GALING SA MGA APOSTOL o hindi. Tinanggap daw kasi ninyo ang ESPIRITU AT ARAL na IBA SA ITINURO NILA.
Dahil ang itinuro at ang pagkilala nila, maliwanag- si Kristo ay TAO!
Ano ba ang ipinagbubuntis ni Maria na ina ni Jesus?
"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18
Naku, ayan po, saksi kayo, ang ipinagbubuntis pala ni Maria ay TAO, ang sabi siyay nagdadalang TAO, hindi naman nagdadalang DIYOS. Kaya paano magiging Diyos ang ipinagbubuntis ni Maria at paanong magiging "INA NG DIYOS" si Maria eh TAO pala ang kaniyang DINADALA?
Ang patotoo ni Kristo sa kaniyang SARILI:
"Ngunit ngayon, hangad nyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos" Juan 8:40Ang ating Panginoong JesuKristo mismo ang nagpatunay, siya ay TAONG NAGSASABI NG KATOTOHANAN! Kanino ba dapat tayo maniwala? Sa bibliya, mga apostol at kay Kristo o sa mga nag imbento ng doktrinang Trinity?
ANG TUNAY NA DIYOS: ANG AMA, AYON SA BIBLIYA
Eto naman ang mga katunayan na ang AMA ang TUNAY at NAG-IISANG DIYOS ayon kay New Testament.
Ngunit bago natin basahin ang mga talatang ito, dapat po natin malaman na ang Diyos ay ang Ama natin at ni Kristo, ang Ama natin at ni Kristo ay ang Diyos. Hindi po Ama si Kristo, at hindi rin po Diyos si Kristo. Ang Diyos ay ang Ama at ang Ama ang Diyos.
Naguluhan ba kayo?
Huwag, dahil masama. Pag naguluhan kayo hindi natin maiintindihan ang katotohanan. Sinabi ko ito dahil may mga talata na sinasabi na "Ang Diyos at Ama...." baka kasi unawain ito ng iba na ang "Diyos" na binabanggit eh si Kristo at yung "Ama" ay yung Diyos Ama. Kung iintindihin at bubuksan nating ang ating puso hindi tayo maliligaw at mamamali sa pagkakaintindi ng mga ito.
Basahin natin ang patotoo at turo ng mga APOSTOL...
Ayon kay Pablo na APOSTOL NI KRISTO:
Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama. Colosas 1:2
Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Colosas 1:3
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Filemon 1:3
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Efeso 1:3
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. Efeso 1:17
iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. Efeso 4:6
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Filipos 1:2
Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen. Filipos 4:20
Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo. I Cor. 1:3
subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo. I Cor. 8:6
Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. II Cor. 1:2
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. II Cor. 1:3
Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! II Cor. 11:31
Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Roma 1:7
Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. I Tess. 1:3
Patagin nawa ng Diyos na ating Ama, at ni Jesus na ating Panginoon ang aming daan tungo sa inyo. I Tess. 3:11
Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang. I Tess. 3:13
At patagin din nawa kayo ni Kristo Jesus na ating Panginoon at ng Diyos na ating Ama. Minahal niya tayo at sa kaniyang habag ay binigyan tayo ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa; II tess. 2:16
upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Roma 15:6
Ibinigay nga niya ang kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang sagipin tayo mula sa masasamang panahong ito ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama; Gal. 1:4
Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? Heb. 12:9
Ayon kay Pedro na APOSTOL NI KRISTO:
"Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buhay na pag-asa." I pedro 1:3
Ayon kay Santiago na APOSTOL NI KRISTO:
Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito. Santiago 1:27
Ayon pala sa mga APOSTOL ng ating Panginoong Jesukristo, ang DIYOS AY ANG AMA, hindi naman pala nila kinilala si Kristo bilang Diyos din, o kaya naman ay kinilala ang Diyos bilang Ama, anak at Espirito Santo. Yan po ang sabi ni New Testament.
Mga dapat pag-isipan
Ang sabi sa New Testament ay may Diyos si Kristo:
Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43
Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46
Kung si Kristo ay Diyos, at siya ay MAYROONG DIYOS, ang Ama, sino ang TUNAY AT NAG-IISANG DIYOS ng mga tunay na Kristiyano?
Ang Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat o si Kristong Diyos na may Diyos?
Kung ang sagot nyo naman ay ang Diyos na may tatlong persona, ang aking tanong, katanggap-tanggap ba na ang isa sa 3 persona ay may kinikilalang Diyos samantalang ayon sa aral ng trinity, sila ay co-equal o pantay pantay na mga Diyos?
katanggap-tanggap din ba na ang Espiritu Santo na walang kamalay-malay na ginawang Diyos ay walang nababanggit sa bibliya na isa siya sa 3 persona?
katanggap-tanggap ba na hindi man lang kinilala ng mga apostol at mga kristiyano noong unang siglo na ang Espiritu Santo ay Diyos din ayon sa BIBLIYA?
At pinag-uusapan na rin yang CO-EQUAL na yan, si Kristo ba ay KAPANTAY ng AMA na ating Diyos ayon sa bibliya?
Sinabi ko na sa inyo, Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin. Juan 14:28
Kung pareho sila Diyos na co-equal, di ba dapat lang na dakila silang pareho? Bakit mas dakila ang Ama kesa sa kaniyang anak na si Kristo?
"Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Marcos 13:32
Bakit hindi alam ng ANAK ang nalalaman ng AMA? CO-EQUAL NGA DIBA?
At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat. I Cor. 15:28
Bakit kailangang pumailalim si Kristo sa kapangyarihan ng Diyos (AMA) at bakit kelangan maghari ang Diyos (AMA) sa lahat eh CO-EQUAL sila?
"Hindi ako gumagawa dahil sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya't matuwid ang hatol ko. Hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin." Juan 5:30
Bakit kailangan pa ni Kristong Diyos na sundin ang kalooban ng Ama, eh Diyos din naman siya? Meron naman siyang sariling kalooban diba? Eh CO-EQUAL naman sila di ba?
Eto pa ang sabi ni Kristo:
Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! Lucas 18:19
Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Marcos 10:18
BAKIT TUMANGGI SI KRISTO NA TAWAGIN SIYANG MABUTI? eh DIYOS LANG DAW ANG MABUTI. Kung Diyos siya, di ba dapat tanggapin niyang siyay MABUTI?
"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo" Gawa 2:22
Ayon sa mga naniniwalang Diyos si Kristo, si kristo daw ay tao at Diyos, kung siya ay tao na Diyos pa, bakit hindi niya kayang gumawa ng mga himala, kababalaghan at mga palatandaan sa ganang kanyang sarili? Bakit kailangan pa itong gawin sa pamamagitan ng Diyos (Ama)?
Ang Diyos ayon kay Apostol Santiago ay hindi nagbabago:
Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Santiago 1:17
Si Kristo nagbago! Saksi sila Apostol Pedro, Apostol Santiago, Apostol Juan, Mateo, Lucas at Marcos:
Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. Marcos 9:2
Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Mateo 17:2
Habang siya'y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nagningning sa kaputian. Lucas 9: 29
Bakit nagbago ang anyo ni Kristo? Eh di ba nga hindi nagbabago ang Diyos?
Basahin at unawaing mabuti ang mga talata
Tulad ng sinabi ko sa itaas, may mga talata talaga sa bibliya na sa unang tingin o unang basa ay mahirap intindihin o kaya naman ay napagkakamalian natin ang pagpapakahulugan.
Ganun din naman ang nangyari sakin, pero binasa ko ulit ng binasa ang mga talata na sinulat ko pa, dahil alam kong kayo rin ay maaaring malito sa mga ito. Madalas ay nagkakamali tayo sa pag intindi kung sino ba ang tinutukoy sa mga talata...
Tulad ng nasa I Juan 5:20
Sa unang tingin ay maiintindihan natin ito na ang tinutukoy bilang "tunay na Diyos at buhay na walang hanggan" ay si Kristo. Pero kung iintindihin nating mabuti, hindi naman si Kristo ang binabanggit na "tunay na Diyos" dito kundi ang DIYOS MISMO (Ang Ama).
"At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan."
"At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan."
Dalawa po ang binabanggit dito, ang tunay na Diyos na may Anak at si Kristo. Ang tinutukoy na "SIYA ANG TUNAY NA DIYOS" eh hindi naman si Kristo, kundi ang TUNAY NA DIYOS na may Anak.
Baka naman sabihin niyo ako ang mali umintindi. Oh sige, itanong na lang natin kay Kristo ang sagot. Kung nandito lang ang ating Panginoong Jesukristo, tatanungin ko siya, Panginoon, sino po ba ang TUNAY NA DIYOS na tinutukoy sa I Juan 5:20, kayo po ba?
Pero dahil wala na siya, si New Testament na lang tatanungin ko, kagalang-galang na New Testament, ano bang nakasulat sayo tungkol dito?
"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Juan 17:1-3
Yun pala, ANG AMA pala ang TINUTUKOY NA TUNAY NA DIYOS. Hindi po ako mali ng pagkakaintindi, kundi yung iba diyan...^^
At malinaw na malinaw, hayagang IPINAKILALA ni KRISTO (na taong hindi nagkasala at hindi nagsinungaling kailanman [I Ped. 2:22]) na ang AMA ang IISA at TUNAY NA DIYOS.
Nanalangin siya, ang sabi niya: "Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos," Ang dapat pala nating makilala bilang IISA at TUNAY NA DIYOS ay walang iba kundi ang AMA.
Bukod dito, meron pa bang ibang talata na namamali ang ilan sa pag intindi?
Marami pa po, tulad nito:
"Bati ni Simeon Pedro, lingkod at apostol ni Jesukristo, sa mga binanal ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo na tumanggap ng ating mahalagang pananampalataya." 2 Ped. 1:1
"Hinihintay nga natin ang pinagpalang pag-asa: ang pagpapakita ng Luwalhati ng atin dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo." Tito 2:13
Kung ang babasahin ay ang mga talatang ito lamang, at hindi pa nababasa ang buong New Testament eh malamang sa malamang hindi natin maiintindihan ito. Sa unang tingin kasi maaaring maipakahuluganan ito na si Kristo ay Diyos at Tagapagligtas. Pero kung nabasa nyo lang talaga sana ang New Testament hindi tayo magkakamali sa pagkakaintindi dito.
"Bati ni Simeon Pedro, lingkod at apostol ni Jesukristo, sa mga binanal ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo na tumanggap ng ating mahalagang pananampalataya." 2 Ped. 1:1
"Hinihintay nga natin ang pinagpalang pag-asa: ang pagpapakita ng Luwalhati ng atin dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo." Tito 2:13
Magkaiba ang Diyos at si Kristo, ang "Diyos" na binabanggit na yan ay hindi tumutukoy kay Kristo kundi sa Ama. Kaya nga sa ibang talata sa bibliya ay ganito ang nakalagay:
Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo---Para sa iglesya sa Tesalonica, sa mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. II tess. 1:12
Eto naman, baka mapagkamalian ng iba na ang tinutukoy dito na "Diyos" eh si Kristo na nagpalayas masasamang espiritu at nagpagaling sa bata:
Nang papalapit na ang bata, pinangisay na naman ito ng demonyo at bumagsak sa lupa. Ngunit pinalayas ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata; pagkatapos ay ibinigay sa ama nito. At namangha ang mga tao sa nakita nilang kapangyarihan ng Diyos. Lucas 9:42-43
Muli, hindi naman kay Kristo galing ang paggawa ng mga himala, tanda, at kababalaghan, kundi sa DIYOS:
"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo" Gawa 2:22
Eto pa, napagkakamalian din ng iba na ang tinutukoy na "Diyos" dito naman sa talatang ito, na ang huwag susubukin ng Diyablo, eh si Kristo. Tanong, tama bang pagkaintindi yon?
Basahin natin:
Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka dahil nasusulat, 'Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,' at 'Sa kanilang mga kamay ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.'"
Subalit sinagot siya ni Jesus, "Nasusulat, 'Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!'" Lucas 4: 9-12
Sinabi nito sa kanya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,'Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.' "
Ngunit sumagot si Jesus, "Nasusulat din naman, 'Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.' "Mateo 4: 6-7
Dalawa po muli ang binabanggit sa talatang ito, si Jesus na anak ng Diyos at ang Diyos. Sinubukan ng Diyablo si Jesus na magpatihulog mula sa taluktok ng Templo para lang mapatunayan ni Kristo na siya ang ANAK NG DIYOS. Dahil ayon naman sa Diyablo, saka-sakali namang mahulog si Kristo eh uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na siya ay ingatan at sa pag-alalay nila kay Kristo ay hindi masasaktan ang paa niya.
Pero sinabi ni Kristo "Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos". Nung sinubukan kasi ng Diyablo si Kristo na magpatihulog eh sinusubukan niya rin ang Diyos, dahil ang Diyos ang magpapadala sa mga anghel para siya ay maingatan at hindi masaktan.
Gets ba?
Eto pa, last na:
"Lakasan nila ang kanilang loob at magbuklod sila sa pag-ibig para makamtan nila ang yaman ng lubos na pagkaunawa at maabot nila ang kaalaman ng mahiwagang balak ng Diyos, na si Kristo." Colossas 2:2
Baka naman kasi pati sa verse na ito ay magkamali pa ng pagkakaintindi. Hindi nito sinasabi na DIYOS SI KRISTO, kundi si Kristo ang MAHIWAGANG BALAK ng Diyos.
Tulad nga ng sinabi ko, BASAHIN at UNAWAIN lang nating mabuti ang mga talata sa bibliya para hindi mamali ang ating paniniwala at pananampalataya. Marami pang talata sa bibliya ang maaaring mamali ang ilan sa pagpapakahulugan kaya nga kung magbabasa tayo ay mag iingat tayo...
Si Kristo ay Tao. Ang Ama ang tunay at nag-iisang Diyos ng LAHAT.
Ayon kay Pablo na APOSTOL ni KRISTO:
"iisa ang Diyos, iisa rin ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao- si Kristo Jesus na tao." I Tim. 2:5
IISA lang nga talaga ang Diyos, at IISA ang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos, si KRISTO NA TAO!
"Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Juan 20:17
Ang AMA pala ni Kristo ay AMA din NATING LAHAT.
Ang DIYOS pala ni Kristo ay ang DIYOS din NATING LAHAT.
Ibig sabihin, IISA lang pala ang AMA at DIYOS natin at ni Kristo... ANG DIYOS na ating AMA.
Mahalaga na malaman natin ang KATOTOHANAN, dahil ito ang ating IKALILIGTAS. Hindi ko ginawa ang post na ito dahil trip ko lang o kaya naman ay wala akong magawa sa buhay, kundi gusto kong MALAMAN ng IBA ang KATOTOHANAN na galing sa bibliya.
Nasa sa inyo na po iyon kung tatanggapin ba ninyo ang KATOTOHANAN o magbubulag bulagan at kuntento na sa paniniwala ng relihiyon niya dahil sa dialogue na "... dito na ko nabuhay kaya dito na rin ako mamamatay".
Isipin natin ang purpose natin sa mundong ito, bakit ba tayo ginawa? Ano bang kaibahan natin sa iba pang mga nilalang sa mundo, sa mga hayop at mga halaman? Sapat na ba ang personal relationship ko sa Diyos? Sapat kaya ang pagiging mabuti at pananalangin ko sa Diyos? Meron nga ba talagang araw na gugunawin ang mundo at huhukuman tayo ng Diyos?
Sana mahanap nyo ang kasagutan sa mga tanong na yan para mabigyan nating halaga ang tungkol sa pangangailangang espiritwal. Sana rin ay mahanap natin ang katotohanan, wag tayong makakalimot manalangin sa Diyos.
(Ang ginamit ko bilang source sa mga talata sa bibliya sa itaas ay galing sa sarili kong bibliya, ang Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong Edisyong Pastoral at sa bible sa internet, ang Bagong Magandang Balita biblia. Lahat ng ito ay nasa New Testament. Ang Imprimatur ng bibliya ko ay ang Catholic's Bishop Conference of the Philippines, sila mismo nagpapatunay, TAO NGA TALAGA SI KRISTO at ANG NAG-IISA AT TUNAY NA DIYOS AY ANG AMA!)