"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label tao. Show all posts
Showing posts with label tao. Show all posts

May 5, 2013

Si Kristo ay Tao at ang Ama ang tunay na Diyos ayon sa bibliya

(Sa wakas at makakapagpost na naman ako, ang dami kong gustong ipost kaso wala kong pang internet, lalo na ngayon, bakasyon, walang pasok, alam na ^^)

Nang mabasa ko ang New Testament sa pangalawang pagkakataon (ngayon lang bakasyon^^) nagulat ako dahil hindi lang pala isa, lima o sampu ang mga talata sa bibliya ang nagsasabi at nagpapatunay na si Kristo ay kinilala bilang TAO at hindi Diyos ng kanyang mga alagad, mga apostol at mga tao noong 1st century, ganoon din sa pagkilala sa Ama bilang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Binasa ko ang New Testament at mas naintindihan dahil habang nagbabasa ako ay nagtatakedown notes ako, at totoo nga, WALA NGANG TALATA SA BIBLIYA NA SINABI NI KRISTONG SIYA AY DIYOS o kaya naman ay ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang isa sa mga Diyos sa Trinity. Hindi ko ito sinasabi dahil lang Iglesia ni Cristo ako kundi dahil binasa ko ang New Testament at talagang WALA. 

Ang kinikilala at ipinapakilalang Diyos sa New Testament ayon sa nabasa ko ay yung parehong Diyos sa Old Testament.

Sabi nga sa bibliya:

"Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Jesus na pinatay ninyo nang siya'y inyong ipapako sa krus." Gawa 5:30

Kung ayaw nyong maniwala, at kung meron naman kayong bibliya, bakit hindi nyo basahin?

Ngunit ingat lang sa pagbabasa, una sa lahat ang magiging pagkaunawa natin ay dapat hindi nagkokontradict sa ibang mga talata sa bibliya, dapat ay unawain nating maigi ang sinasabi ng mga talata at kung may mga talata na hindi natin maintindihan, maaari namang magtanong o kaya naman ay magresearch, huwag na huwag lang pakakahulugan iyon ng sariling pagpapakahulugan.

Sabi ng ilan, isa daw blasphemy ang ginagawa ng Iglesia ni Cristo dahil kinikilala namin si Kristo na TAO at hindi DIYOS. Ngunit ang hindi nila alam, ang pinagbabatayan ng Iglesia ni Cristo ay ang BIBLIYA lamang at hindi kung ano anong tradisyon.

Sana ay pagtiyagaan nating basahin ang post kong ito kahit na mahaba haba, para malaman nating lahat ang katotohanan...


Kristo- TAO AYON SA BIBLIYA

Kaya tanungin na lang natin si New Testament kung noon bang 1st century ay kinikilala nga ba talaga si Kristo na DIYOS ba o TAO?

Ayon sa ibat-ibang patotoo ng mga tao:

"Ngunit ang taong ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama." Gawa 2:24
"Dahil dito'y nagkaroon ng mainitang pagtatalu-talo ang mga Judio, Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upang makain natin?" Juan 6:52
"Sumagot ang mga bantay: "Kailanmay wala pang taong nangusap gaya ng pangungusap ng taong ito."" Juan 7:46 
"Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa." Juan 9:16
"Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!" Juan 9:29

"Si Pedro'y tinanong ng dalaga, Hindi ba't isa ka sa mga alagad ng taong iyan? Hindi, sagot ni Pedro." Juan 18:17

"Nagsimula noong mag isip isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: "Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di bat ang Diyos lamang?"" Lucas 5:21

"Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, "Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan." Lucas 7:49

"At nagsimulang mag isip ang mga nasa hapag: "At nangangahas ang taong ito na magpatawad ng mga kasalanan!"" Lucas 7:49

"Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung taga Galilea nga ang tao." Lucas 23:6

"At ni si Herodes, hayat ipinabalik niya siya sa akin. Maliwanag na walang magagawa ang taong ito para hatulan ng kamatayan." Lucas 23:15

"Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, "Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!"" Lucas 23: 18

"Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, "Tunay ngang matuwid ang taong ito!" Lucas 23:47

"Nakatayo sa harap ng krus ang opisyal ng mga kawal. Nang makita kung paano namatay si Jesus, sinabi niya, "Tunay ngang Anak ng Diyos ang taong ito!"" Marcos 15:39

"Nooy inisip ng ilang guro ng batas: "Iniinsulto ng taong ito ang Diyos."" Mateo 9:3

"Kaya ipinadala nila ang kanilang mga alagad kasama ng mga kampi kay Herodes. Sinabi nila kay Jesus: "Guro, nalalaman namin na tapat kang tao at tunay na nagtuturo ng Daan ng Diyos;..."" Mateo 22:16


Ayon kay Pilato:

"Kaya't si Pilato ay lumabas sa palasyo at tinanong sila, Ano ang paratang ninyo laban sa taong ito?" Juan 18:29

Kaya lumabas si Jesus, suot ang tinikang korona at ang kapang pulang pang hari. Sinabi sa kanila ni Pilato: "Hayan ang tao!" Juan 19:5

Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, "Wala akong makitang kasalanan sa taong ito." Lucas 23:4

"Sinabi niya sa kanila, "Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya." Lucas 23:14

Ayon sa mga alagad ni Kristo:
"Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Mateo 8:27

Ayon kay Pablo na APOSTOL ni Kristo:

"At sinabi ni Pablo: "Binyag ng pagsisisi lamang ang binyag ni Juan. Sinabihan din niya ang bayan na sumampalataya sa taong darating na kasunod niya at ito si Jesus."" Gawa 19:4
(Yung dumating na kasunod pala ni Juan ay TAO, hindi naman pala Diyos!)    
"Subalit magkaiba ang dalawang ito dahil ang libreng kaloob ng Diyos ay hindi katulad ng kasalanan ni Adan. Totoong maraming tao ang namatay dahil sa kasalanan ng isang tao. Ngunit ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas dakila, gayundin ang kanyang libreng kaloob sa maraming tao sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng isang tao, si Jesu-Cristo." Roma 5:15
(Kagandahang loob daw ng isang TAO, [at hindi Diyos] na si Jesukristo!)

"Ngunit ngayong si Cristo'y muling binuhay, ito'y katibayan na muling bubuhayin ang mga patay. Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayundin naman, dumating ang muling pagkabuhay sa pamamagitan din ng isang tao." I Cor. 15:20-21
(Sa pamamagitan pala ng isang TAO [hindi Diyos] dumating ang muling pagkabuhay!)

"Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa: ang ikalawang tao ay taga langit" I Cor. 15:47

(Ang nanggaling pala sa langit ay TAO AT HINDI DIYOS! Kahit na taga langit pala si Kristo eh TAO pa rin!)

Ayon naman kay Pedro na APOSTOL din ni Kristo:
 "Mamatay man ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan!" sagot ni Pedro." Marcos 14:71 
 Muling nagkaila si Pedro, "Isinusumpa ko, hindi ko kakilala ang taong iyon!" Mateo 26: 72 

"Sumagot si Pedro, "Mamatay man ako! Talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan." Pagkasabing-pagkasabi nito, tumilaok ang manok." Mateo 26:74

(Nung itinatatwa ni Apostol Pedro si Kristo, hindi naman pala Diyos ang pagkakakilala sa kaniya, at inulit pa niya iyon, sinabi niya "hindi ko nakikilala ang TAONG yan!")
"Alalahanin na sadyang namatay si Kristo dahil sa mga kasalanan: namatay ang matuwid alang alang sa di matuwid upang dahil kayo sa Diyos. Pinatay siyang tao..." I pedro 3:18

(Pinatay pala siyang TAO, ibig sabihin mula nang siyay nabuhay hanggang namatay ay TAO ang kanyang likas na kalagayan!)

Ang babala ni Apostol Pablo sa mga tao tungkol kay Kristo:

"Ngunit nag-aalala akong baka malason ang inyong isipan at mailayo kayo sa tapat at dalisay  na pananampalataya kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas.  Sapagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumarating at nangangaral ng ibang Jesus kaysa sa ipinangaral namin. Tinatanggap ninyo ang espiritu at aral na iba sa itinuro namin sa inyo." II Cor. 11:3

Kaya sana ay mag isip isip na kayo kung ang paniniwala ba ninyo kay Kristo ay GALING SA MGA APOSTOL o hindi. Tinanggap daw kasi ninyo ang ESPIRITU AT ARAL na IBA SA ITINURO NILA.

Dahil ang itinuro at ang pagkilala nila, maliwanag- si Kristo ay TAO!

 Ano ba ang ipinagbubuntis ni Maria na ina ni Jesus?


"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." Mateo 1:18

Naku, ayan po, saksi kayo, ang ipinagbubuntis pala ni Maria ay TAO, ang sabi siyay nagdadalang TAO, hindi naman nagdadalang DIYOS. Kaya paano magiging Diyos ang ipinagbubuntis ni Maria at paanong magiging "INA NG DIYOS" si Maria eh TAO pala ang kaniyang DINADALA?

Ang patotoo ni Kristo sa kaniyang SARILI:

"Ngunit ngayon, hangad nyo akong patayin, na taong nagsasabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos" Juan 8:40

Ang ating Panginoong JesuKristo mismo ang nagpatunay, siya ay TAONG NAGSASABI NG KATOTOHANAN! Kanino ba dapat tayo maniwala? Sa bibliya, mga apostol at kay Kristo o sa mga nag imbento ng doktrinang Trinity?


ANG TUNAY NA DIYOS: ANG AMA, AYON SA BIBLIYA
  
Eto naman ang mga katunayan na ang AMA ang TUNAY at NAG-IISANG DIYOS ayon kay New Testament. 

Ngunit bago natin basahin ang mga talatang ito, dapat po natin malaman na ang Diyos ay ang Ama natin at ni Kristo, ang Ama natin at ni Kristo ay ang Diyos. Hindi po Ama si Kristo, at hindi rin po Diyos si Kristo. Ang Diyos ay ang Ama at ang Ama ang Diyos.

Naguluhan ba kayo?

Huwag, dahil masama. Pag naguluhan kayo hindi natin maiintindihan ang katotohanan. Sinabi ko ito dahil may mga talata na sinasabi na "Ang Diyos at Ama...." baka kasi unawain ito ng iba na ang "Diyos" na binabanggit eh si Kristo at yung "Ama" ay yung Diyos Ama. Kung iintindihin at bubuksan nating ang ating puso hindi tayo maliligaw at mamamali sa pagkakaintindi ng mga ito. 

Basahin natin ang patotoo at turo ng mga APOSTOL...


Ayon kay Pablo na APOSTOL NI KRISTO:
Para sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama. Colosas 1:2

Tuwing ipapanalangin namin kayo, lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Colosas 1:3

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Filemon 1:3

 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Efeso 1:3

 Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. Efeso 1:17

iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat. Efeso 4:6

 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Filipos 1:2

Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen. Filipos 4:20

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo. I Cor. 1:3

subalit para sa atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo. I Cor. 8:6

Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. II Cor. 1:2

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. II Cor. 1:3

  Hindi ako nagsisinungaling. Iya'y alam ng Diyos at Ama ng Panginoong Jesus. Purihin siya magpakailanman! II Cor. 11:31

Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Roma 1:7

Binabanggit namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong mga gawaing bunga ng inyong pananampalataya, ang inyong mga pagpapagal dahil sa inyong pag-ibig, at ang inyong pagtitiis dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Cristo. I Tess. 1:3

Patagin nawa ng Diyos na ating Ama, at ni Jesus na ating Panginoon ang aming daan tungo sa inyo.  I Tess. 3:11

Palalakasin niya ang inyong loob upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus, kasama ang kanyang mga hinirang. I Tess. 3:13

At patagin din nawa kayo ni Kristo Jesus na ating Panginoon at ng Diyos na ating Ama. Minahal niya tayo at sa kaniyang habag ay binigyan tayo ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa; II tess. 2:16

upang sa gayon, nagkakaisa kayong magpupuri sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Roma 15:6

Ibinigay nga niya ang kaniyang sarili para sa ating mga kasalanan upang sagipin tayo mula sa masasamang panahong ito ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama; Gal. 1:4

Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? Heb. 12:9

Ayon kay Pedro na APOSTOL NI KRISTO:
"Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo mula sa libingan at ito ang nagbigay sa atin ng isang buhay na pag-asa." I pedro 1:3

Ayon kay Santiago na APOSTOL NI KRISTO:
Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito. Santiago 1:27

Ayon pala sa mga APOSTOL ng ating Panginoong Jesukristo, ang DIYOS AY ANG AMA, hindi naman pala nila kinilala si Kristo bilang Diyos din, o kaya naman ay kinilala ang Diyos bilang Ama, anak at Espirito Santo. Yan po ang sabi ni New Testament.


Mga dapat pag-isipan

Ang sabi sa New Testament ay may Diyos si Kristo:

Nang ikatlo na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eloi, Eloi, lema sabachthani?" na ang kahulugan ay, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Marcos 15:43

Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46

Kung si Kristo ay Diyos, at siya ay MAYROONG DIYOS, ang Ama, sino ang TUNAY AT NAG-IISANG DIYOS ng mga tunay na Kristiyano?

Ang Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat o si Kristong Diyos na may Diyos?

Kung ang sagot nyo naman ay ang Diyos na may tatlong persona, ang aking tanong, katanggap-tanggap ba na ang isa sa 3 persona ay may kinikilalang Diyos samantalang ayon sa aral ng trinity, sila ay co-equal o pantay pantay na mga Diyos? 

katanggap-tanggap din ba na ang Espiritu Santo na walang kamalay-malay na ginawang Diyos ay walang nababanggit sa bibliya na isa siya sa 3 persona? 

katanggap-tanggap ba na hindi man lang kinilala ng mga apostol at mga kristiyano noong unang siglo na ang Espiritu Santo ay Diyos din ayon sa BIBLIYA?

At pinag-uusapan na rin yang CO-EQUAL na yan, si Kristo ba ay KAPANTAY ng AMA na ating Diyos ayon sa bibliya?

Sinabi ko na sa inyo, Ako'y aalis, ngunit ako'y babalik. Kung iniibig ninyo ako, ikagagalak ninyo ang pagpunta ko sa Ama, sapagkat higit na dakila ang Ama kaysa sa akin. Juan 14:28

Kung pareho sila Diyos na co-equal, di ba dapat lang na dakila silang pareho? Bakit mas dakila ang Ama kesa sa kaniyang anak na si Kristo?

"Ngunit walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito. Marcos 13:32

Bakit hindi alam ng ANAK ang nalalaman ng AMA? CO-EQUAL NGA DIBA?

At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang papailalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa lahat. I Cor. 15:28

Bakit kailangang pumailalim si Kristo sa kapangyarihan ng Diyos (AMA) at bakit kelangan maghari ang Diyos (AMA) sa lahat eh CO-EQUAL sila?

"Hindi ako gumagawa dahil sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya't matuwid ang hatol ko. Hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin." Juan 5:30

Bakit kailangan pa ni Kristong Diyos na sundin ang kalooban ng Ama, eh Diyos din naman siya? Meron naman siyang sariling kalooban diba? Eh  CO-EQUAL naman sila di ba?
 
Eto pa ang sabi ni Kristo:
Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Ang Diyos lamang ang mabuti! Lucas 18:19

Sumagot si Jesus, "Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Marcos 10:18

BAKIT TUMANGGI SI KRISTO NA TAWAGIN SIYANG MABUTI? eh DIYOS LANG DAW ANG MABUTI. Kung Diyos siya, di ba dapat tanggapin niyang siyay MABUTI?

"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo" Gawa 2:22

Ayon sa mga naniniwalang Diyos si Kristo, si kristo daw ay tao at Diyos, kung siya ay tao na Diyos pa, bakit hindi niya kayang gumawa ng mga himala, kababalaghan at mga palatandaan sa ganang kanyang sarili? Bakit kailangan pa itong gawin sa pamamagitan ng Diyos (Ama)? 

Ang Diyos ayon kay Apostol Santiago ay hindi nagbabago:

 Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago. Santiago 1:17


Si Kristo nagbago! Saksi sila Apostol Pedro, Apostol Santiago, Apostol Juan, Mateo, Lucas at Marcos:
Pagkaraan ng anim na araw, umakyat si Jesus sa isang mataas na bundok. Wala siyang isinama roon maliban kina Pedro, Santiago at Juan. Habang sila'y naroroon, nakita ng tatlo na nagbago ang anyo ni Jesus. Marcos 9:2


Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Mateo 17:2

  Habang siya'y nananalangin, nagbago ang anyo ng kanyang mukha at ang kanyang kasuotan ay nagningning sa kaputian. Lucas 9: 29

Bakit nagbago ang anyo ni Kristo? Eh di ba nga hindi nagbabago ang Diyos?
 

Basahin at unawaing mabuti ang mga talata

Tulad ng sinabi ko sa itaas, may mga talata talaga sa bibliya na sa unang tingin o unang basa ay mahirap intindihin o kaya naman ay napagkakamalian natin ang pagpapakahulugan. 

Ganun din naman ang nangyari sakin, pero binasa ko ulit ng binasa ang mga talata na sinulat ko pa, dahil alam kong kayo rin ay maaaring malito sa mga ito. Madalas ay nagkakamali tayo sa pag intindi kung sino ba ang tinutukoy sa mga talata...

Tulad ng nasa I Juan 5:20

"At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan."


Sa unang tingin ay maiintindihan natin ito na ang tinutukoy bilang "tunay na Diyos at buhay na walang hanggan" ay si Kristo. Pero kung iintindihin nating mabuti, hindi naman si Kristo ang binabanggit na "tunay na Diyos" dito kundi ang DIYOS MISMO (Ang Ama).


"At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo'y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan."

Dalawa po ang binabanggit dito, ang tunay na Diyos na may Anak at si Kristo. Ang tinutukoy na "SIYA ANG TUNAY NA DIYOS" eh hindi naman si Kristo, kundi ang TUNAY NA DIYOS na may Anak.

Baka naman sabihin niyo ako ang mali umintindi. Oh sige, itanong na lang natin kay Kristo ang sagot. Kung nandito lang ang ating Panginoong Jesukristo, tatanungin ko siya, Panginoon, sino po ba ang TUNAY NA DIYOS na tinutukoy sa I Juan 5:20, kayo po ba? 

Pero dahil wala na siya, si New Testament na lang tatanungin ko, kagalang-galang na New Testament, ano bang nakasulat sayo tungkol dito?


"Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.  Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. Juan 17:1-3

Yun pala, ANG AMA pala ang TINUTUKOY  NA TUNAY NA DIYOS. Hindi po ako mali ng pagkakaintindi, kundi yung iba diyan...^^

At malinaw na malinaw, hayagang IPINAKILALA ni KRISTO (na taong hindi nagkasala at hindi nagsinungaling kailanman [I Ped. 2:22]) na ang AMA ang IISA at TUNAY NA DIYOS. 

Nanalangin siya, ang sabi niya: "Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos," Ang dapat pala nating makilala bilang IISA at TUNAY NA DIYOS ay walang iba kundi ang AMA.

Bukod dito, meron pa bang ibang talata na namamali ang ilan sa pag intindi?

Marami pa po, tulad nito:

 "Bati ni Simeon Pedro, lingkod at apostol ni Jesukristo, sa mga binanal ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo na tumanggap ng ating mahalagang pananampalataya." 2 Ped. 1:1

"Hinihintay nga natin ang pinagpalang pag-asa: ang pagpapakita ng Luwalhati ng atin dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo." Tito 2:13

Kung ang babasahin ay ang mga talatang ito lamang, at hindi pa nababasa ang buong New Testament eh malamang sa malamang hindi natin maiintindihan ito. Sa unang tingin kasi maaaring maipakahuluganan ito na si Kristo ay Diyos at Tagapagligtas. Pero kung nabasa nyo lang talaga sana ang New Testament hindi tayo magkakamali sa pagkakaintindi dito.



 "Bati ni Simeon Pedro, lingkod at apostol ni Jesukristo, sa mga binanal ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo na tumanggap ng ating mahalagang pananampalataya." 2 Ped. 1:1

"Hinihintay nga natin ang pinagpalang pag-asa: ang pagpapakita ng Luwalhati ng atin dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesukristo." Tito 2:13

Magkaiba ang Diyos at si Kristo, ang "Diyos" na binabanggit na yan ay hindi tumutukoy kay Kristo kundi sa Ama. Kaya nga sa ibang talata sa bibliya ay ganito ang nakalagay:


Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo---Para sa iglesya sa Tesalonica, sa mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. II tess. 1:12

Eto naman, baka mapagkamalian ng iba na ang tinutukoy dito na "Diyos" eh si Kristo na nagpalayas masasamang espiritu at nagpagaling sa bata:

Nang papalapit na ang bata, pinangisay na naman ito ng demonyo at bumagsak sa lupa. Ngunit pinalayas ni Jesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata; pagkatapos ay ibinigay sa ama nito. At namangha ang mga tao sa nakita nilang kapangyarihan ng Diyos. Lucas 9:42-43

Muli, hindi naman kay Kristo galing ang paggawa ng mga himala, tanda, at kababalaghan, kundi sa DIYOS:


"Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo" Gawa 2:22

Eto pa, napagkakamalian din ng iba na ang tinutukoy na "Diyos" dito naman sa talatang ito, na ang huwag susubukin ng Diyablo, eh si Kristo. Tanong, tama bang pagkaintindi yon?

Basahin natin:


Dinala siya ng diyablo sa taluktok ng Templo sa Jerusalem at sinabi sa kanya, "Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka dahil nasusulat, 'Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, sila'y uutusan upang ikaw ay ingatan,' at 'Sa kanilang mga kamay ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.'"

Subalit sinagot siya ni Jesus, "Nasusulat, 'Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos!'" Lucas 4: 9-12

Sinabi nito sa kanya, "Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka, sapagkat nasusulat,
'Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, at sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.' " 

Ngunit sumagot si Jesus, "Nasusulat din naman, 'Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos.' "Mateo 4: 6-7

Dalawa po muli ang binabanggit sa talatang ito, si Jesus na anak ng Diyos at ang Diyos. Sinubukan ng Diyablo si Jesus na magpatihulog mula sa taluktok ng Templo para lang mapatunayan ni Kristo na siya ang ANAK NG DIYOS. Dahil ayon naman sa Diyablo, saka-sakali namang mahulog si Kristo eh uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na siya ay ingatan at sa pag-alalay nila kay Kristo ay hindi masasaktan ang paa niya.

Pero sinabi ni Kristo "Huwag mong susubukin ang Panginoon mong Diyos". Nung sinubukan kasi ng Diyablo si Kristo na magpatihulog eh sinusubukan niya rin ang Diyos, dahil ang Diyos ang magpapadala sa mga anghel para siya ay maingatan at hindi masaktan.

Gets ba?

Eto pa, last na:

"Lakasan nila ang kanilang loob at magbuklod sila sa pag-ibig para makamtan nila ang yaman ng lubos na pagkaunawa at maabot nila ang kaalaman ng mahiwagang balak ng Diyos, na si Kristo." Colossas 2:2

Baka naman kasi pati sa verse na ito ay magkamali pa ng pagkakaintindi. Hindi nito sinasabi na DIYOS SI KRISTO, kundi si Kristo ang MAHIWAGANG BALAK ng Diyos. 

Tulad nga ng sinabi ko, BASAHIN at UNAWAIN lang nating mabuti ang mga talata sa bibliya para hindi mamali ang ating paniniwala at pananampalataya. Marami pang talata sa bibliya ang maaaring mamali ang ilan sa pagpapakahulugan kaya nga kung magbabasa tayo ay mag iingat tayo...


Si Kristo ay Tao. Ang Ama ang tunay at nag-iisang Diyos ng LAHAT.

Ayon kay Pablo na APOSTOL ni KRISTO:

"iisa ang Diyos, iisa rin ang tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao- si Kristo Jesus na tao." I Tim. 2:5

IISA lang nga talaga ang Diyos, at IISA ang tagapamagitan ng mga tao sa Diyos, si KRISTO NA TAO! 
"Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Juan 20:17

Ang AMA pala ni Kristo ay AMA din NATING LAHAT.

Ang DIYOS pala ni Kristo ay ang DIYOS din NATING LAHAT.

Ibig sabihin, IISA lang pala ang AMA at DIYOS natin at ni Kristo... ANG DIYOS na ating AMA.


Mahalaga na malaman natin ang KATOTOHANAN, dahil ito ang ating IKALILIGTAS. Hindi ko ginawa ang post na ito dahil trip ko lang o kaya naman ay wala akong magawa sa buhay, kundi gusto kong MALAMAN ng IBA ang KATOTOHANAN na galing sa bibliya.

Nasa sa inyo na po iyon kung tatanggapin ba ninyo ang KATOTOHANAN o magbubulag bulagan at kuntento na sa paniniwala ng relihiyon niya dahil sa dialogue na "... dito na ko nabuhay kaya dito na rin ako mamamatay". 

Isipin natin ang purpose natin sa mundong ito, bakit ba tayo ginawa? Ano bang kaibahan natin sa iba pang mga nilalang sa mundo, sa mga hayop at mga halaman? Sapat na ba ang personal relationship ko sa Diyos? Sapat kaya ang pagiging mabuti at pananalangin ko sa Diyos? Meron nga ba talagang araw na gugunawin ang mundo at huhukuman tayo ng Diyos?

Sana mahanap nyo ang kasagutan sa mga tanong na yan para mabigyan nating halaga ang tungkol sa pangangailangang espiritwal. Sana rin ay mahanap natin ang katotohanan, wag tayong makakalimot manalangin sa Diyos.





(Ang ginamit ko bilang source sa mga talata sa bibliya sa itaas ay galing sa sarili kong bibliya, ang Biblia ng Sambayanang Pilipino Katolikong Edisyong Pastoral at sa bible sa internet, ang Bagong Magandang Balita biblia. Lahat ng ito ay nasa New Testament. Ang Imprimatur ng bibliya ko ay ang Catholic's Bishop Conference of the Philippines, sila mismo nagpapatunay, TAO NGA TALAGA SI KRISTO at ANG NAG-IISA AT TUNAY NA DIYOS AY ANG AMA!) 

December 20, 2012

Si Kristo ba ay tao "lang"?

Bakit nga ba sa dinami rami ng Christian religions sa buong mundo, ang Iglesia ni Cristo ay isa sa iilan na naniniwala na si Kristo ay hindi Diyos?

Kasalanan bang kilalanin na si Kristo ay hindi Diyos dahil lang most Christian religions ay naniniwala na siya ay Diyos?

Naniniwala ba kami na si Kristo ay TAO LANG? Eh kung hindi kami naniniwala na si Kristo ay TAO LANG, eh bakit hindi na lang namin paniwalaan na siya ay Diyos?

Ganoon na lamang ba ang kagustuhan namin na maniwala na kaiba sa pinaniniwalaan ng marami, para MAIBA LANG?

Kapag ba sinabing EXTRAORDINARY ang isang tao, o may mga kakayahan siya na hindi nagagawa ng isang normal na tao DIYOS NA SIYA? DIYOS AGAD? Hindi ba pwedeng TAO PA RIN?

Etong mga tanong na ito ang mga tanong na paulit ulit na itinatanong ng iba sa aming mga Iglesia ni Cristo, at itong mga tanong na ito ay ang parehong mga tanong na hindi nawawala kahit nasagot na, dahil itong mga tanong na ito ay ang mga tanong pa rin ng mga tao noon pang 1914 hanggang ngayon. Ibig sabihin, mag 100 years na ang Iglesia ni Cristo ay paulit ulit lang ang mga tanong na nasagot na.

(Puro "tanong" eh no. hahaha)


Pero seriously, kami bang mga INC members naniniwala na si Kristo ay TAO LANG? Yun bang ordinaryong tao lang?

HINDI. Dahil kahit kelan hindi namin pinaniwalaan na si Kristo ay tao "LANG", ang pinaniniwalaan namin ay ang likas na kalagayan ni Kristo ay TAO, pero hindi basta basta TAO LANG. Pag sinabing hindi basta basta hindi nangangahulugan yon na DIYOS na siya, isa lang naman po ang point namin kung bakit si Kristo ay tao at ang ama ang tunay na DIYOS, upang ma maintain ang SINGULARITY NG DIYOS, dahil kahit saan sa bibliya from cover to cover IISA LANG ANG DIYOS.

Pag pinaniwalaan namin ni si Kristo ay Diyos din, DALAWA NA ANG MAGIGING DIYOS, at ang paniniwalang yon ay against na against sa bibliya dahil sinabi ng tunay na Diyos, ang AMA, siya lang ang dapat na kilalanin na Diyos wala ng iba:

“I am the LORD, and there is no other; Besides Me there is no God I will gird you, though you have not known Me; That men may know from the rising to the setting of the sun That there is no one besides Me. I am the LORD, and there is no other,” Isa. 45:5-6 

Kung tunay kang KRISTIYANO (follower of Christ), susundin mo si Kristo dahil siya mismo ang nagpakilala sa IISANG TUNAY NA DIYOS, ang AMA:

“This is eternal life, that they may know You, the only true God, and Jesus Christ whom You have sent.” john 17:3

Pinatotohanan pa ito mismo ng isa sa mga Apostol ni Kristo, si Apostol Pablo:

"yet there is for us only one God, the Father, who is the Creator of all things and for whom we live; and there is only one Lord, Jesus Christ, through whom all things were created and through whom we live." I Cor. 8:6-7

Si Apostol Pablo rin ang nagsabi na hindi siya nagsisinungaling, si Kristo daw ay TAO:

"There is one God and one mediator so that human beings can reach God. That way is through Christ Jesus, who is himself human. He gave himself as a payment to free all people. He is proof that came at the right time. That is why I was chosen to tell the Good News and to be an apostle. (I am telling the truth; I am not lying.) I was chosen to teach those who are not Jews to believe and to know the truth." I tim. 2:5-7

Ilan lang ito sa mga  katunayan sa bibliya na nagtuturo sa atin na NAG IISA LANG ANG DIYOS, pag sinabing IISA, hindi ito binubuo ng mga persona at kung ano pa man.

Si Kristo mismo ang may sabi na siya ay TAO:

"I am a man who has told you the truth which I heard from God, but you are trying to kill me. Abraham did nothing like that." John 8:40

Baka naman sabihin na naman ng ilan, "eh putol yang verses na binigay mo eh" at kung ano pa man, kahit hindi ko ibigay yang verse sa bible, kayo na po mismo ang magbasa ng BUONG BIBLIYA, tignan nyo rin po kung nagbago ang Diyos sa OLD TESTAMENT sa Diyos ng NEW TESTAMENT.

Idadagdag pa ng ilan, eh eto nga oh Diyos nga daw si Kristo, ang katunayan yung John 1:1, na nakasulat sa most english translations ng:

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God."

Tanong, paano nangyari na most bible versions at translations ay ganito ang pagkakasalin? 

"the Word was God/ ang Salita ay Diyos" daw. 

Dapat po natin malaman na noong unang panahon kahit bago palang maimbento ang Trinity noong 4th century ay pinagtatalunan at pinagdedebatihan na itong verse na ito ng marami, ibig sabihin yung mga tao simula noon hanggang ngayon ay ininterpret ang nakasaad sa John 1:1 as "the Word was God".

Tanong, ano bang relihiyon ang nagpasimulang gumawa ng ibat ibang versions at translations ng bibliya? 

Ano ba ang kanilang paniniwala na nakaapekto sa pagtatranslate sa original na manuscripts para sabihing ang salita ay Diyos? 

May kinalaman ba ang kanilang relihiyon o paniniwala sa pagkakatanslate ng bibliya tulad ng nangyari sa I John 5:7-8 kung saan sa ilang salin ng bibliya ay nagsasabi ng ganito:

"For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one."

Samantalang sa karamihan ng bibliya ay ganito ang nakasaad sa pareho ring verse:

"For there are three that testify:" 

Ang tawag doon ay Comma Johanneum/Johannine Comma at ayon sa catholic 
dictionary:

"The text in St. John which in the Vulgate reads: "There are three witnesses in heaven: the Father, the Word, and the Spirit, and these three are one; there are three witnesses on earth: the Spirit, the water, and the blood" (1 John 5:7-8). These words are not found in the early Greek manuscripts of the New Testament, nor in the best manuscripts of the Vulgate. They are probably a mystical interpretation that found its way as a gloss on the original text. Called the Johannine Comma, the text has more than once been the subject of the Church's interpretation. The Holy Office declared that scholars may further investigate the authenticity of the passage but accept the Church's judgment on their findings (June 2, 1927)."

Wala daw pala sa early greek manuscripts, yung mga translators na nagsalin ng ganoon ay interpretation nilang pansarili dahil nga naimpluwensyahan sila ng kanilang paniniwala sa Trinity.

Ngayon naman balik tayo sa John 1:1 pansinin po natin ang mga nakasulat, bilangin natin ang binabanggit nilang Diyos:

"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God."

Yung Salita daw ay Diyos at yung Salita daw na yun ay kasama ng Diyos din= 2 Diyos

Palitan nga natin baka di pa rin magets ng ilan, tutal yung WORD daw ay DIYOS din:

"In the beginning was the GOD, and the GOD was with God, and the GOD was God."

Ano daw? Ang Diyos ay kasama ng Diyos? e di ilan na ang Diyos nun? 

Nakakatuwa na may ilang matapang na bible translators ang hindi sumunod sa pagsasalin ng John 1:1 tulad ng pagsasalin ng karamihan na ang banggit ay "the Word was God" kundi:

1864 “and a god was the Word” (left hand column interlinear reading) The Emphatic Diaglott by Benjamin Wilson, New York and London.

1867 “In the beginning was the gospel preached through the Son. And the gospel was the word, and the word was with the Son, and the Son was with God, and the Son was of God - The Joseph Smith Translation of the Bible.

1935 “and the Word was divine” - The Bible—An American Translation, by John M. P. Smith and Edgar J. Goodspeed, Chicago.
1978 “and godlike sort was the Logos” - Das Evangelium nach Johannes, by Johannes Schneider, Berlin.
1984 "and the Word was a god” - New World Translation of the Holy Scriptures, a rendition by the New World Translation Committee, published by the Watch Tower Bible and Tract Society of New York, Inc. An interlinear translation of the New Testament was published in 1969 under the name The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures.

source: wikipedia

At sa 70 pang bible versions and translations.

Magkaiba po ang "the Word was God" at "the Word was a god", dahil yung "the Word was God", ang tinutukoy nun ay yung Diyos mismo, samantalang yung "the Word was a god", dinedescribe lang kung ano yung Word na yun.

Kahit nga sa merriam webster dictionary magkaiba ang definition ng God na big letter ( naka black) at god na small letter (naka red):

1
capitalized : the supreme or ultimate reality: as
a : the Being perfect in power, wisdom, and goodness who is worshipped as creator and ruler of the universe
b Christian Science : the incorporeal divine Principle ruling over all as eternal Spirit : infinite Mind
2
: a being or object believed to have more than natural attributes and powers and to require human worship; specifically : one controlling a particular aspect or part of reality
3
: a person or thing of supreme value
4
: a powerful ruler 

Isa pang dapat nating mapansin na ang tinutukoy na "was a god" o "was divine" ay yung Word o Salita, at hindi si Kristo mismo, dahil kung si Kristo mismo yan sana sinabi nalang na "In the beginning is Christ, and Christ was with God and Christ was God/ Christ was a god".

Pero teka, ano ba kasi itong "Word" na ito?

Sagot: Ang Word na ito o Salita ay tumutukoy sa PANGAKO ng Diyos:
  "which he promised beforehand through his prophets in the holy scriptures, concerning his son, who was born of a descendant of David according to the flesh" Rome 1:2-3

Itong Word na ito o salita ay ang FOREKNOWLEDGE o plano ng Diyos tungkol kay Kristo:

"foreknown, indeed, before the foundation of the world, he has been manifested in the last times for your sakes." I Pet. 1:20

Kaya mababasa natin sa John 1:14:
"The Word became human and lived among us. We saw his glory. It was the glory that the Father shares with his only Son, a glory full of kindness and truth."

Dito, yung Word o Salita naging si Kristo nang isilang siya dito sa mundo ni Maria na isa ring tao.

Kaya ang sinasabing "was a god" o "was divine" ulitin ko uli, ay yung Word at hindi si Kristo mismo, inilalarawan lang nito na ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan dahil ang Diyos ng lahat ay makapangyarihan:

"For no word from God shall be void of power." Luke 1:37

Kung si Kristo mismo ang sinasabing DIVINE o GOD, o sinasabing si Kristo mismo ang kasama ng Diyos noon pang una bago pa siya isilang sa mundo, hindi na siya kailangang i-FOREKNOWN.

Bakit?

Eh ano ba ang foreknowledge?

"Knowledge or awareness of something before its existence or occurrence; prescience."

Yun naman pala, ang FOREKNOWLEDGE pala ay knowledge of something BEFORE its EXISTENCE, kumbaga parang propesiya, hindi pa nanyayari pero sure na magaganap ito in the future. Nai-foreknown si Kristo para sa ating kapakanan, upang maging tagapaglitas at tagapamagitan sa Ama.


Bakit most Christian religions ay naniniwala na si Kristo ay Diyos? Umepal lang ba ang Iglesia ni Cristo na kilalanin siyang TAO para maiba lang?

Ang pagkilala kay Kristo bilang Diyos ay nabuo noong magkaroon ng kontrobersiya noong 3rd-4th century involving Arius. Si Arius ay galing sa Antiochene School kung saan naniniwala sila na si Kristo ay TAO samantalang ang mga naniniwala na si Kristo ay Diyos ayon sa maling pagkakainterpret ng John 1:1 ay galing sa Alexandrian School. At dahil kay Arius, bumuo ang Iglesia Katolika ng konsilyo, na tinawag na Council of Nicea at ang resulta ng lahat ng kanilang mga pinagdebatihan tungkol sa Diyos at kay Kristo, isinilang ang TRINITY DOCTRINE.
Dito sa konsilyo na ito pinagdebatihan ang ibat ibang paniniwala tungkol sa Diyos at kay Kristo (Note: mga obispo ng Iglesia Katolika ang nagtalo talo dito dahil nung mga panahon na yun wala pang Protestante) may naniniwalang si Kristo ay tao, may naniniwalang si Kristo at ang Diyos ay same substance, may naniniwalang si Kristo ay similar lang ang substance sa Diyos at marami pang iba.

Alam nyo bang inabot sila ng 100 YEARS+ para madefine ang doktrinang ito dahil nga sa mga pagtatalo talo noon?

Ang TRINITY DOCTRINE ang pagkilala sa isang Diyos na may tatlong persona. Itong tatlong persona na ito ay sinasabing co-equal, co-eternal at co-substantial. Ang Holy Spirit daw ay nagmumula kay Kristo at sa Diyos. Ang doktrinang ito tungkol sa Holy Spirit ang isa sa mga dahilan kung bakit humiwalay ang Eastern Churches sa Western Churches kaya nagkaroon ng Eastern Orthodox Church at Roman Catholic Church.

Sa ngayon kung mapapansin nyo magkaiba ang mga paniniwala at tradisyon ng Eastern Orthodox sa Catholic Church kahit noong una ay iisang church lang sila, itoy sa kadahilanang hindi sila nagkasundo sa mga aral, may ibat iba kasi silang interpretation ng bibliya.

Pagkatapos noon, eto naman nagkaroon naman ng tinatawag na PROTESTANTE, kilalang kilala natin kung sino itong friar sa Iglesia Katolika ang nagprotesta dahil gusto niyang magkaroon ng reporma sa mga doktrina at mga practices dito, itoy walang iba kundi sa Marthin Luther. 

Tanong: Iniba ba ng mga Protestante ang kanilang paniniwala sa TRINITY o inadopt lang din nila ang turo ng Catholic Church?

Di ba inadopt lang din naman nila? Pero may ilan ding Protestant churches at independent churches ang hindi naniwala at hindi nakigaya sa TRINITY DOCTRINE, kasama na nga ang Iglesia ni Cristo.

Eh ang paniniwalang si Kristo ay hindi Diyos?

Noong unang panahon may mga ibat ibang grupo ang naniniwala na si Kristo ay tao at hindi Diyos. Sa makabagong panahon, ang Iglesia ni Cristo, Jehovah's witnesses, Restoration Fellowship ni Mr. Anthony Buzzard at ang Unitarian movement ang mga alam kong hindi naniniwala na si Kristo ay Diyos.
 

Kapag ba EXTRAORDINARY ang nagagawa ng isang tao, DIYOS NA?

Iyan ang paniniwala ng marami, sasabihin nila, kaya nga nakakagawa ng mga himala si Kristo ay dahil DIYOS SIYA. Tanong ng ilan, kung kayo naniniwala kayo na si Kristo hindi basta basta TAO LANG, e bakit ayaw nyo na lang kilalanin siyang Diyos?

Dapat po nating malaman na hindi porke nakakagawa ang isang TAO ng mga bagay na hindi ginagawa o hindi kayang gawin ng ordinaryong tao o may kakayahan siya na wala sa pangkaraniwang tao ay DIYOS NA AGAD.

Si Kristo po ay ganoon din, oo, nakakagawa siya ng mga himala, at binigyan siya ng ibat ibang katangian na wala sa ordinaryong tao pero sa amin ay tao parin siya dahil iyon ang itinuturo sa bibliya at kung tatanggapin naming siya ay Diyos, magiging dalawa na ang Diyos at itong paniniwalang ito ay labag sa aral na nasa bibliya.


Alam nyo ba na may mga tao rin sa banal na kasulatan na napagkamalang DIYOS?

Isa sila Apostol Pablo at Bernabe sa mga taong napagkamalang Diyos, basahin natin ang pangyayaring ito:

"In Lystra there was a man who had something wrong with his feet. He had been born crippled and had never walked. He was sitting and listening to Paul speak. Paul looked straight at him and saw that the man believed God could heal him. So Paul shouted, “Stand up on your feet!” The man jumped up and began walking around.

When the people saw what Paul did, they shouted in their own Lycaonian language. They said, “The gods have come down to us in the form of humans!” The people began to call Barnabas “Zeus,” and they called Paul “Hermes,” because he was the main speaker. The temple of Zeus was near the city. The priest of this temple brought some bulls and flowers to the city gates. The priest and the people wanted to offer a sacrifice to Paul and Barnabas.
But when the apostles, Barnabas and Paul, understood what the people were doing, they tore their own clothes. Then they ran in among the people and shouted to them: “Men, why are you doing this? We are not gods. We are human just like you. We came to tell you the Good News. We are telling you to turn away from these worthless things. Turn to the true living God, the one who made the sky, the earth, the sea, and everything that is in them.
“In the past God let all the nations do what they wanted. But God was always there doing the good things that prove he is real. He gives you rain from heaven and good harvests at the right times. He gives you plenty of food and fills your hearts with joy.” Even after saying all this, Paul and Barnabas still could hardly stop the people from offering sacrifices to them.
Then some Jews came from Antioch and Iconium and persuaded the people to turn against Paul. So they threw stones at him and dragged him out of the town. They thought they had killed him. But when the followers of Jesus gathered around him, he got up and went back into the town. The next day he and Barnabas left and went to the city of Derbe." Acts 14:8-20

Dahil sa mga nagawa nilang mga himala, kinilala ng mga tao noon na silay Diyos na nag anyong tao. 

Eh ano ba ang paniniwala ng mga tao ngayon kay Kristo?

Di ba ganun din? Sabi ng mga Protestante at Katoliko, si Kristo daw ay DIYOS NA NAGKATAWANG TAO. 

Ano pa? 

Inalayan din si Apostol Pablo at Bernabe ng kwintas na bulaklak. 

Eh ano bang ginagawa ng mga Protestante at Katoliko sa mga imahe ni Kristo?

Di ba ganun din? Inaalayan ng mga bulaklak at kung ano-ano dahil kinikilala nila na siyay Diyos.

Anong nangyari pagkatapos?

Sinabi nilang dalawa “Men, why are you doing this? We are not gods. We are human just like you..."

Hindi sila pinakinggan ng mga tao, ganun din ang nangyari kay Kristo, sinabi niyang tao siya at di rin siya pinaniwalaan:

"I am a man who has told you the truth which I heard from God, but you are trying to kill me. Abraham did nothing like that." John 8:40

Ano pa?

Sabi nilang dalawa "... We are telling you to turn away from these worthless things. Turn to the true living God, the one who made the sky, the earth, the sea, and everything that is in them."

Pinapabalik nila ang mga tao sa TUNAY NA DIYOS, ang lumikha ng langit,lupa at lahat ng mga bagay, at ayon naman kay Kristo, sino daw ang nag IISANG TUNAY NA DIYOS?

"And eternal life means to know you, the only true God, and to know Jesus Christ, whom you sent." John 17:3

Eh kanino ba galing ang mga milagro na nagawa ni Apostol Pablo at ni Kristo? Ito bay sa kanilang mga sarili dahil silay mga Diyos?

"God used Paul to do some very special miracles. Some people took handkerchiefs and clothes that Paul had used and put them on the sick. When they did this, the sick were healed and evil spirits left them." Acts 19: 11-12

"People of Israel, listen to these words: Jesus from Nazareth was a very special man. God clearly showed this to you by the miracles, wonders, and signs he did through Jesus. You all know this, because it happened right here among you. Acts 2:22


Ngayon, isa ka ba sa katulad nilang naniwala na DIYOS ang isang TAO?

At kung naniniwala ka paring Diyos si Kristo dahil sa mga EXTRAORDINARY na mga bagay na kaniyang nagawa at dahil sa may mga katangian at kakayahan siyang wala sa ordinaryong tao, eh di tanggapin mo ding Diyos ang mga taong may mga kakayahan at katangian NA WALA o DI KAYANG GAWIN ng isang ordinaryong tao:





Who: Thomas Blackthorne
What: Heaviest weight lifted by tongue



Who: Supatra Sasuphan
What: Hairiest teenager




































 Who: Aaron Caissie
What: Most spoons balanced on the face



 Who: Melvin Boothe
What: Longest fingernails (male) - ever




































Who: Rolf Iven
What: Longest distance walking over hot plates




































Who: Sultan Kosen
What: World's Tallest Man
  
source: guinessworldrecords.com

At iba pang superhumans o mga tao na may unusual abilities o may kakaibang mga katangian na wala sa ORDINARYONG TAO.

Kung Diyos pala si Kristo, eh di Diyos din sila! Dami nyo namang Diyos!^^


Kung si Kristo ay TAO bakit niyo siya sinasamba? Di ba Diyos lang ang sinasamba?

Tama, kung pagaganahin natin ang ating common sense, ang TUNAY NA DIYOS, ang Ama LAMANG ang dapat sambahin. Ang kaso, kaya namin sinasamba si Kristo ay hindi dahil kinikilala namin na siya ay Diyos kundi dahil INIUTOS ITO NG AMA:

"Because of that obedience, God lifted him high and honored him far beyond anyone or anything, ever, so that all created beings in heaven and on earth—even those long ago dead and buried—will bow in worship before this Jesus Christ, and call out in praise that he is the Master of all, to the glorious honor of God the Father." Phil. 2:9-11 The message

Pinapasamba ng Diyos si Kristo para sa kaniyang kaluwalhatian.

Eto pa sabi sa bibliya:

"Instead, you must worship Christ as Lord of your life. And if someone asks about your Christian hope, always be ready to explain it." I Peter 3:15

Sasabihin ng ilan, eh sabi sa bibliya Diyos lang ang dapat sambahin eh, eh di kontra na ito sa doktrina nyo dahil sumasamba din kayo kay Kristo. Maraming ibinibigay na bible verses ang mga taong naniniwala na Diyos lang ang dapat sambahin tulad ng Deut. 6:13:

"Fear the Lord your God, serve him only and take your oaths in his name."

Itong mga binibigay nilang bible verses ay galing sa OLD TESTAMENT, malamang sa malamang hindi mababanggit dito si Kristo dahil ang kwento ng buhay niya ay nasa NEW TESTAMENT.

Dugtong nila, oh eto nasa NEW TESTAMENT, ang sabi sa halip na sambahin ang lumalang, ay ang nilalang ang sinamba, diba si Kristo ay nilalang ayon sa inyong paniniwala?

"They exchanged the truth about God for a lie, and worshiped and served created things rather than the Creator—who is forever praised. Amen." Romans 1:25

Hindi kami ang tinatamaan sa mga sinasabing ito ng bibliya, dahil hindi naman kami "NAGSISAMBA AT NANGAGLINGKOD SA NILALANG KAYSA LUMALANG" ang tinutukoy dito ay ang mga REBULTO AT IMAHEN. Balikan natin ang verse 22-23:

 "Although they claimed to be wise, they became fools and exchanged the glory of the immortal God for images made to look like a mortal human being and birds and animals and reptiles."

Sino kaya ang dapat tamaan sa verse na ito? ILAG ILAG DIN!^^

Sasabihin na naman nila, bakit naman daw iuutos ng Diyos na sambahin ang iba eh JEALOUS GOD daw siya:

"Do not worship any other god, for the LORD, whose name is Jealous, is a jealous God." Exodus 34:14

Hirit pa nila, di ba bawal ang Idolatry noon (pagsamba sa ibang Diyos o Dinodyos) bakit naman niya iuutos na sambahin si Kristo?

Sagot: Eh hindi naman namin kinikilala si Kristo bilang Diyos kaya walang dahilan para magselos ang Diyos sa kaniyang anak lalo nat SIYA ANG NAG UTOS na sambahin si Kristo.

Hindi rin namin DINODYOS si Kristo kaya hindi kami tinatamaan sa akusasyon ninyong "Idolatry" at pagsamba sa ibang Diyos.

Ang TINATAMAAN dapat sa verse na yan ay hindi kami kundi ang sumasamba kay Kristo bilang Diyos, sa Holy Spirit bilang Diyos din, at sa mga Santo nila na nasa retablo sa may altar dahil pinapantay nila ang Diyos nilang may tatlong persona sa mga ito at sa iba pang mga imahe at statwa na PINAPARANG DIYOS NILA.

Dudugtong pa nila, eh ano to, sabi ni Kristo sa verse nato sa Mateo na ang Diyos lang ang dapat sambahin:

"Jesus said to him, “Away from me, Satan! For it is written: ‘Worship the Lord your God, and serve him only.’" Matt. 4:10

Dapat nating maintindihan na kaya sinabi yon ni Kristo dahil nung mga panahon na yon ay sinusubok siya ni Satanas, sinabi niya iyon upang ipabatid kay Satanas na hindi siya, kundi ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat, at ang dapat sambahin. 

Eto at balikan natin ang mas naunang verses:

Again, the devil took him to a very high mountain and showed him all the kingdoms of the world and their splendor. “All this I will give you,” he said, “if you will bow down and worship me.” Matt. 4:8-9

Kung sasabihin ni Kristong "Worship the Lord your God and me, and serve us only" lilitaw na isa rin siyang DIYOS dahil SIYA mismo ang nag uutos kay Satanas na sambahin siya at ang Ama.

Kaya tama lang na sinabi niyang ang Diyos lamang ang sambahin at paglingkuran mo, dahil ang DIYOS LAMANG ang may karapatang mag utos na ipasamba ang kaniyang sarili at kung sino ang gusto nyang ipasamba sa mga tao.


Isang seryosong tanong: Hindi ba kayo nagtataka?

Para sa mga di nakakaalam, ang Judaism, Islam at Christianity ay may LINK sa isat isa. Ang tatlong ito ay ABRAHAMIC RELIGIONS, ibig sabihin, ang origin ng aral nila ay nagmula kay Abraham kaya kung mapapansin natin sa kanilang mga scriptures ay nandoon ang kwento tungkol kay Abraham. May magkakaparehas ding mga traditions and practices sa tatlong ito dahil nga pare-parehas silang nagmula sa MIDDLE EAST, ang Christianity sa Palestine, ang Judaism sa Palestine din at ang Islam ay sa Saudi Arabia.

Di ba ngat si Kristo ay isa ring HUDYO? Ano ba ang paniniwala ng mga hudyo tungkol sa Diyos?

Hindi ko na sasagutin yan dahil alam na nating lahat ang kasagutan. Ipapakita ko na lang ang comparison ng 3 relihiyon na ito tungkol sa paniniwala sa Diyos:

 Comparison of Religious Beliefs
Islam
Judaism
Christianity
type of theism
strict monotheism
strict monotheism
Trinitarian monotheism
ultimate reality
one God
one God
one God
names of God
Allah (Arabic for God)
Yahweh, Elohim
Yahweh, the Holy Trinity

source: religionfacts.com

Hindi ba kayo nagtataka? Parehas naman ng pinagmulan ng aral kung tutuusin ang 3 relihiyong ito, pero bakit kaya ang KRISTIYANISMO ay naiiba ng pinaniniwalaang Diyos?

Dagdag kaalaman, ang ABRAHAMIC RELIGIONS po ay monotheistic, ibig sabihin naniniwala sa IISANG Diyos. Pero bakit ang Diyos ng Kristyanismo ay TRINITARIAN? Isang Diyos may tatlong persona?

Si Kristo ay isa ring Hudyo na naniniwala na IISA lang ang Diyos at pinapatunayan nga ito sa bibliya, siya mismo ang nagsabi:

"Sabi ni Jesus, Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako nakakapunta sa Ama. Sa halip, pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos." Juan 20:17

At eto pa:

 Nang mag-aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, "Eli, Eli, lema sabachthani ?" na ang ibig sabihi'y "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Mateo 27:46

Kung si Kristo ay Diyos na may KINIKILALA RING SARILING DIYOS, ILAN ANG DIYOS NG MGA KATOLIKO AT PROTESTANTE?