"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label kabayan ko kapatid ko. Show all posts
Showing posts with label kabayan ko kapatid ko. Show all posts

October 17, 2013

Si "Mr. Pulpol" at ang Kabayan ko Kapatid ko sa Quiapo

Tulad ng inaasahan, siniraan na naman ni Mr. Pulpol (Abe Arganiosa) ang INC event na ginanap sa Quiapo. Lahat kasi ng INC event sinisiraan niya at ginagawan ng kasinungalingan dahil manghang mangha siya sa pagkakaisa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na hindi magawa gawa ng mga katoliko. 

Mangha din siya dahil kahit predominantly Catholic ang bansang ito, at kahit 2.3% lang ang populasyon ng Iglesia ni Cristo ayon sa surveys, eh nagagawa nitong tumulong sa pamamagitan ng dental at medical mission (na libu libo ang halaga ng serbisyo kung sa ospital ka pupunta) plus relief goods (na tantiyahin natin ang 1 bag ay nagkakahalaga ng P250) NA LIBRENG IPINAPAMIGAY NG WALANG ANUMANG KAPALIT.

Bukod dito, natatakot din si Mr. Pulpol dahil milyon ang mga dumadalo sa KKKK eh baka lalong mabawasan ang bilang ng mga Katoliko na nagpapasyang umanib sa Iglesia ni Cristo. May sinasagawa kasing evangelical mission na kasama sa programa ng KKKK. Biruin nyo, without any exaggeration, ang resulta ng KKKK events, lagpas 1 million na ang dinodoktrinahan ngayon sa mga lugar kung saan isinagawa ito. Dadami pa yan dahil hindi pa nalilibot ng INC ang kasuluksulukan ng Pilipinas.

Ngayon, puntahan natin ang kasinungalingan ng paring ito na tinaguriang NATIONAL ADVISER NG CFD. 

Eto ang isa sa kaniyang mga post na may pamagat na "Iglesia ni Manalo evangelical mission in Manila aalog alog pa rin kumpara sa catholic gatherings!" narito ang ilan sa kaniyang mga pahayag resulta ng matinding inggit (red):



TULAD NG INAASAHAN ANG EVANGELICAL MISSION NG IGLESIA NI MANALO SA METRO MANILA SA ARAW NA ITO [OCTOBER 14, 2013] AY MAGULO, CHAOTIC, MAY COMMOTION AT ESTAMPEDE PA AYON SA REPORTS NG PHILIPPINE DAILY INQUIRER AT NG ABS-CBN.

NAKAKATAWANG ISIPIN NA ANG KANILANG MEDICAL MISSION AY ISANG ARAW LANG. ANONG SILBI NON? ITO ANG TINURAN NG ISA KONG KAIBIGANG DOCTOR NA NA NAGTATRABAHO SA ST. LUKE’S HOSPITAL:
Jose Villa
Ang mga one day medical mission ay malaking kalokohan.
Ang paggamot ay una susuriin ang sintomas, tapos padadaanin sa mga laboratory testing. Depende sa results ng lab test, saka pa lamang maibibigay ang tamang gamot o ang operasyon.
Hindi isang araw yan.
Kaya ang sabi ng mga kaibigan kong doktor mismo sa St. Luke’s, na kung saan ay employer din ng asawa ko, kalokohan ang mga one day medical mission. Propaganda lang yan.


Umpisa pa lang nagpakita na si Mr. Pulpol ng KATALINUHAN. Kabayan ko Kapatid ko ang inilunsad sa Quiapo at hindi BASTA EVANGELICAL MISSION LANG. Nagkagulo lang doon sa pamimigay ng relief goods, dahil yung mga hindi naman talaga imbitado na mga taga Quiapo na mga katolikong mahihirap ay PINILIT MAKAKUHA dahil malamang na nabalitaan nila na may libreng ipinapamigay. Yung iba nakakuha na eh BUMABALIK pa para kumuha ulit kaya naging magulo ito. (Hindi namin minamasama ang mga pumila na mga hindi INC member, pero ang punto lang po dito, hindi ito kasalanan ng INC at hindi mga INC member ang may gawa ng gulong iyon sa pagkuha ng relief goods na ipinagpipilitan ngayon ng mga inggit sa INC). 

Sana Mr. Pulpol kung yung iniinvest na BILYONG PISONG pera nyo sa mga kompanya ay pinambibili nyo at itinutulong dito sa mga KAPWA NYO KATOLIKO na talaga namang nangangailangan, HINDI NA NILA KAILANGAN PANG PUMILA SA RELIEF GOODS na galing pa sa INC. Tandaan din, na hindi mga INC members ang mga pumila doon dahil MAINLY FOR NON INC MEMBERS ang pinapamigay na relief goods, pero pwede rin naman silang pumila kung gusto nila. 

At ang pahayag ng JOSE VILLA na yon ang isang KALOKOHAN dahil hindi lang ang INC ang gumagawa ng one day medical at dental mission sa isang lugar. Ibig bang sabihin yung ginagawa ng ibang relihiyon, mga TV networks at ibat ibang private groups na ONE DAY MISSION ay isang KALOKOHAN DIN?


MAGING ANG ABS-CBN REPORTER NA SI DORIS BIGORNIA AY HINDI MAIKAKAILA ANG PAGKADISMAYA. MEDICAL MISSION DAW E DI DAPAT MGA MAYSAKIT ANG PUPUNTA DUON SUBALIT PINAPILA ANG MGA SANDAMAKMAK NA MGA TAO NA PAWANG MGA MALULUSOG AT DAHIL SA PAGOD, GUTOM AT INIT NG PANAHON AY MARAMI ANG HINIMATAY AT NAWALAN NG ULIRAT. HA HA HA… YUNG DATING MAGALING AY NAGKASAKIT SA HIRAP NG PILA. HA HA HA…


Pati ba naman reporter ay MAMALIIN mo para kumampi sayo Mr. Pulpol? grabe talaga itong pari na ito mga readers, napanood ko ang report ni Ms. Doris Bigornia, ang tanging pahayag niya na masasabi kong negative ay sinabi niya WALA DAW SISTEMA SA PAMIMIGAY NG RELIEF GOODS. Gusto kasi ni Ms. Doris eh bibigyan ang DAAN DAANG LIBONG pumila ng mga numbers para palatandaan o anuman. Okay lang sana kung small event lang ito, dahil sa mga LINGAP SA MAMAMAYAN ng INC meron talagang pinapamigay na tiket o numbers, dito lang sa mga event na MILYON ang dumadagsa hindi na ginagawa yung binibigyan ng tiket ang mga bibigyan.

Hindi INC ang nagpapapila sa mga tao dahil kung sino ang gustong pumila kahit ano pang sakit nyan eh pwede silang pumila hindi sila pipigilan ng INC. Yung mga sinasabi ni Mr. Pulpol na HINIMATAY, kahit pa MILYON ang dumagsa ay nabigyan AGAD AGAD ng first aid ng mga organizers mismo ng event. Kasi nga ORGANISADO ang mga event ng INC, may proseso at hindi MAGULO. Muli, sa distribution ng relief goods lang nagkagulo at first time ito, yung mga taga Quiapo kasi hindi papayag na hindi mabiyayan ng libreng goods. Pero okay lang naman yon dahil hindi naman MADAMOT ang INC pagdating dito.


ONCE AGAIN THEIR EVANGELICAL MISSION IS COMPOSED OF HAKOT CROWD FROM VARIOUS PLACES OF LUZON. KUNG NASAAN ANG EVANGELICAL MISSION NILA PARA SILANG PUTAKTI NA PUNTAHAN DUON AT MAY DALANG MAHIHIRAP NA GUSTONG MAKAKUHA NG BIGAS. ANG LABAS NGA NAMAN E MARAMI KUNO. HA HA HA PERO KAHAKOT-HAKOT LANG.

WELL, KAHIT NA MAY PAIN SILANG BIGAS AT SARDINAS HINDI PA RIN OVERWHELMING ANG KANILANG BILANG. AALOG ALOG PA RIN ANG MGA KALSADA EXCEPT SA TRAFFIC. HA HA HA… KITANG KITA SA CAMERA AND VIDEOS NA HINDI PA RIN NILA MAPANTAYAN ANG BILANG NG MILYON MILYONG CATOLICO SA BAWAT PROSISYON NG POONG NAZARENO SA QUIAPO NA SINASALIHAN NG MAHIGIT 9 MILLION DEVOTEES:


Hindi HAKOT ang tawag sa mga pumupunta sa INC events na mga miyembro kundi PAGKAKAISA. WALA KASING PAGKAKAISA SA MGA KATOLIKO kaya ang tawag nila doon eh HAKOT. At dahil hindi matino ang pag-iisip ng paring ito na si Mr. Pulpol, lagi nyang kinukumpara ang bilang ng mga dumadalo sa mga INC events sa Catholic events. Dahil wala siyang alam, ipinapaalam ko sa kaniya na ang PUMUNTA LAMANG sa event na yon ay mga distrito ng Metro Manila at ilang distrito sa mga kalapit na probinsya. Yung 9 million devotees niya KULANG NA KULANG YON, 70+ million kaya ang bilang ng mga katoliko sa Pilipinas, wala pang 15% ang dumalo, ANO BA YAN.


WALANG DAYA YAN KASI TALAGA NAMANG PUNONG PUNO ANG LUNETA AT ANG MGA KALSADA AY UMAAPAW SA TAO. HINDI AALOG ALOG. AT MGA KATOLIKO IYAN HINDI MGA GALING SA IBAT IBANG RELIHIYON NA NAGHAHANAP LANG NG SARDINAS AT BIGAS. HA HA HA… ACTUALLY YUNG MGA PUMILA DUON AY HINDI LAHAT MANOLISTA. HA HA HA… MARAMING BIGAS LANG ANG HABOL. HA HA HA…
NUNG WORLD YOUTH DAY 1995 SA LUNETA AY 5 MILLION ANG DUMALO AT HINDI AALOG ALOG ANG BUONG PARK DI TULAD NG INC RALLY NA KITANG KITA KUNG GANO KA KONTE. WALA PANG ISANG MILYON ANG DUMALO. HA HA HA… KAYA PARA DUMAMI AT KUNWARI AY MILYON SILA E MAY PAIN NGAYONG BIGAS AT DE LATA. HA HA HA…

Dapat lang mapuno niyo ang LUNETA, imagine 70+ million kayo sa Pilipinas pero still ang dumalo lang nung World Youth Day ay 5 million (International celebration) at ang dumalo sa Feast ng Black Nazarene 2013 ay 9 million lang! Anong ipinapahiwatig neto sa tingin nyo?

Tinutuligsa pa ni Mr. pulpol ang mga kapwa niya katoliko na pawang mahihirap na pumila sa relief goods ng INC. GRABE NAMAN YAN. Sa halip na sila ang magbigay tulong, heto at dinidiscriminate pa niya ang mga ito. Buti na lang pala talaga at pumunta ang KKKK sa Quiapo para kahit papaano ay makatulong sa mga walang wala na AYAW BIGYAN ni Mr. Abe Arganiosa.


MULI, KUNG NAKIKINIG LANG SA ATIN ITONG MGA PASTOR NG IGLESIA NI MANALO HINDI SANA NILA AABUTIN ANG KAHIHIYANG ITO KUNG SAAN MAS MARAMING TAO ANG NAABALA, NA TRAFFIC AT NA ESTRANDED DI PA KASAMA ANG NAPERWISYO SA TRABAHO AT SA PAGPASOK SA ESKWELAHAN. DAPAT AY ANG MGA BIGAS ANG INIHATID NILA SA MGA KAPILYA PARA BIGYAN ANG KADA MIEMBRO. THEN ANG BAWAT MIEMBRO ANG MAGHATID NG BIGAS SA MGA KAPITBAHAY NILA. KASO KUNG ANG GOAL NILA AY SHOW OFF O PAKITANG TAO E SIEMPRE HINDI NILA GAGAWIN IYAN. ANOTHER FRIEND BEAUTIFULLY SUMMARIZED MY PARTING WORDS FOR THE INC:

Andrew Esguerra Eens
THE CATHOLIC CHURCH ALSO HAS ITS MEDICAL MISSIONS…BUT WE DON’T DO IT ANNUALLY, WE DO IT IN A DAILY BASIS. 
FOR SOME CATHOLIC NUNS AND PRIESTS, TAKING CARE OF THE SICK IS NOT MERELY A MISSION……IT’S A VOCATION.
THE ROMAN CATHOLIC CHURCH, HELPING THE SICK SECRETLY SINCE (AND EVEN BEFORE) 1914.

YAN ANG TUNAY NA PAKITANG TAO. Ipagmamayabang nila ang PAGTULONG NILA SA KAPWA at sisiraan ang ibang organisasyon na nag organisa ng PAGTULONG. Ganyan na ganyan pala talaga ang mga Catholic Charities, kala mo tumutulong ng bukal sa kalooban nila pero heto at ISUSUMBAT NILA ITO SAYO PAGTAPOS KANG TULUNGAN. Ikukumpara pa sa iba para masabing sila ang mas maraming natulungan. 

AYOS YAN! DIYAN KAYO MAGALING EH!




_______________________________________________


Kabayan ko Kapatid ko in Quiapo, Manila FACTS:

1. Estimated 3.6 million ang dumalo ayon sa mga pulis at hindi sa INC.
2. GENERALLY PEACEFUL ang event.
3. Wala daw natanggap na report ang PNP na small crimes.
4. Organisado ang event, sa distribution of goods lang nagkaroon ng kaunting gulo.
5. Coordinated daw ang event kahit hiwa hiwalay ang areas at kahit marami ang dumalo.
6. Mismong mga organizers ang event ang tumulong sa kalinisan pagkatapos ng event.
7. Walang bahind pulitika ang KKKK.
8. Hindi nirequest ng INC ang pagkansela ng mga pasok, pagpapasara ng mga kalsada at pagpapadedeploy ng mga pulis at iba pa para sa kaayusan ng event.
9. Mismong mga organizers ang tumulong sa mga hinimatay para mabigyan ng first aid.
10. Marami ang natulungan ng KKKK kumpara sa sinasabing naperwisyo ng event.








October 16, 2013

Trending now: Kabayan ko Kapatid ko sa Quiapo

Ang Kabayan ko Kapatid ko na ginanap sa Quiapo, Manila ang pang 20th na KKKK na isinagawa mula noong April 2013. Tulad ng inaasahan ko 3 days before the event, nagpasabog na naman ng katalinuhan ang mga Catholic defenders lalo na ang kanilang pari na si Mr. Pulpol (Abe Arganiosa). At tulad ng isa ko pang inaasahan, KINONEKTA na naman ng MEDIA ang INC event na ito sa PULITIKA. Hindi rin pinalampas ng mga inggit sa INC ang pagkakataong ito para magpakalat ng mga kasinungalingan sa ibat ibang website, blog at social networking site.

Yung mga tao namang hindi nabiyayaan ng pag kaunawa hayun todo reklamo sa nangyaring event. Perwisyo daw dahil sobrang traffic ang dinulot nito sa kanila, nakansela daw ang klase sayang daw yung tuition nila (wow 1 araw na event sayang agad ang tuition), nakansela din ang mga pasok ng mga empleyado sa gobyerno, sinara din daw ang mga kalye para lang sa event na ito at kung ano ano pa...

Ni-request ba ito ng Iglesia ni Cristo?

Sabi nila, kinansela daw ang pasok at sinara ang mga kalye para sa event. Totoo yon. Pero yung isisisi ito sa Iglesia, MAG ISIP NAMAN KAYO KUNG MERONG ISIP, pag wala wag ng pilitin. 

Hindi yan nirequest ng INC at pwede ba, huwag niyong sabihin na kesyo ginawa ito ng local government para sumipsip sa INC para sa susunod na eleksyon eh suportahan sila ng Iglesia. Sadyang hindi lang talaga sila mga TANGA (tanga-may utak hindi naman ginagamit) na hindi pa sila NADADALA sa mga karanasan nila sa mga INC events at assemblies kung saan DAANG LIBO o MILYON ang dumadagsa. 

Kung hindi nila kinansela ang pasok sa eskwelahan at sa gobyerno, isara ang ilang mga kalye at magkaroon ng re-routing, HINDI BA MAS MALAKING KAGULUGAN AT PROBLEMA ANG KAKAHARAPIN  NILA? Heto ngat nagkansela na ng mga pasok pero marami pa rin ang mga nagrereklamong naapektuhan sa sobrang traffic.

Ang TIGAS NAMAN KASI NG MGA ULO NIYO, ilang araw bago ang INC event inanounce na yan pero hindi man lang kayo nag isip na mangyayari ang sinapit nyo. Mag 100years na ang Iglesia, at ilang beses na nagkaroon ng malalaking INC events sa Metro Manila HANGGANG NGAYON DI PA RIN KAYO NADADALA? Wala bang common sense?


Bakit Lunes?

Mga di talaga marunong mag isip. Yan ang pilit nilang pinagduduldulan, pwede naman daw weekends o sunday sana ginawa para di nakaabala sa traffic. Tanong, wala bang pagsamba ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo pag Sabado at Linggo? Imagine gabi pa lang ng Linggo tumulak na papuntang Maynila ang karamihan, kung linggo ginawa ibig sabihin sabado ng gabi sila pupunta ng Maynila? Ano to wala ng pagsamba para sa KKKK? Alam naman nila kung gaano kahalaga ang pagsamba saming mga Iglesia ni Cristo.

At sana naisip nila na pag tuesday naman, holiday yon para sa mga Muslim. Pangit naman kung wednesday gagawin, ano yon sat and sun walang pasok, lunes may pasok, tuesday at wednesday wala na namang pasok? Di ba mas okay na nga yung lunes para dire diretsong walang pasok! Ano ba yan!

Saka wala na bang iba pang event na KKKK bukod sa Quiapo? Hindi ba nila alam na may naka line up pang iba pang lugar na pagsasagawaan nito?


Ibat ibang suhestiyon mula sa mga taong hindi nabiyayaan ng pagkaunawa

Sa pagbabasa ko ng mga komento mula sa ibat ibang websites at blogs, ibat iba ang mga reaksyon ng mga tao. Marami din silang mga suggestion na halatang hindi pinag iisipan.

Andyan yung bakit daw kasi sa Manila pa ginawa eh heavily populated daw ito tapos sa Quiapo pa isinagawa. Andyan din yung bakit daw doon pa ginanap, para daw sana hindi nagkaproblema eh sa bawat lokal na lang daw ginawa yung event. Sabi pa ng iba, kung gusto daw makatulong sa mga tao sa pamamagitan ng dental at medical mission, bakit daw napakarami ng pinapupunta o pumupunta hindi naman naseserbisyuhan yung iba. Napakarami pa nilang kung ano-anong naiisip para sa INC event na ito.

Pero kung icoconsider natin ang kanilang mga suhestyon at opinyon, ang gusto ba nilang sabihin at ipagawa sa INC na kami ang MAG-AADJUST para sa kanila? Naka 19 KKKK events na sa buong bansa pero dapat iurong namin ang event sa Quiapo? Daang libo at milyon din ang pumunta sa mga KKKK event na yon pero heto kung MAKA REKLAMO SILA kala mo naman 1st time ginawa ito.

At gusto ata nila, kami na yung TUTULONG NG WALANG BAYAD, kami pa mag aadjust para sa kanilang PANSARILING KAGINHAWAHAN. NAKAKAHIYA NAMAN!

1 araw lang naman yung event, hindi naman isang linggo, kaya nga humihingi ng paumahin sa traffic na naidulot ng event na iyon eh. Kailangan din bang mag sorry dahil gusto namin mabigyan ng tulong ang maraming mahihirap sa Quiapo?


Reklamo ng reklamo pag event ng Iglesia ni Cristo

Hindi nyo ba napansin ang mga tao, kapag event ng Iglesia kung maka reak, makapagbigay ng opinyon at maka reklamo ay TODO TODO. Yung iba ngang hindi naman napinsala ng traffic, kahit nasa bahay lang at nakikibalita kala mo eh hindi nabigyan ng sweldo kung maka ngawa. Kulang na lang mag rally sa Edsa dahil sa kanilang ka oeyan. Pero pag event ng Catholic Church tahimik lang kaming mga Iglesia ni Cristo, yung ibat ibang fiesta nila, kahit yung pa-rally rally nila kung saan saan wala silang maririnig samin na kesyo napaka perwisyo o kung ano pa man dahil may respeto naman kami sa kanila. Kapag event din ng ibang relihiyon hindi naman kami mga REKLAMADOR na kesyo napakaperwisyo o kung ano pa man. 

Bakit pag sa Iglesia ni Cristo BASTOS sila? Anong meron? Pagpapatunay na hindi sila tunay na Kristiyano at pagpapatunay na hindi sila sa Diyos?


Pakitang Tao?

Yan pa ang isa sa mga paratang nila, ang ebidensya daw ay binobroadcast pa daw ang pagtulong, sabi daw sa bibliya ang pagtulong daw ay huwag pakitang tao lamang.

Porke ba binroadcast sa Net25 o INCTV pakitang tao agad? Hindi ba pwedeng para malaman lang ng mga tao ang mga aktibidad sa Iglesia kung saan kasama ito sa CHURCH NEWS na pinapalabas weekly?

Hindi ko alam kung ano ba talagang gusto nilang mangyari, dati pag walang mga ganitong aktibidad silang nababalitaan sasabihin nila kinukurakot lang ng mga ministro ang pera ng mga myembro o kaya naman, hindi daw tumutulong sa kapwa. Ngayon naman mas pinalaki at pinalawak ang pagtulong ng Iglesia, sasasabihin nila PAKITANG TAO LANG? ANO BA YAN!

Pag sinabi mong pakitang tao, bukod sa tumutulong lang para maipakita sa iba na tumutulong siya, eh hindi na nasusundan ang pagtulong na ito. Eh yung KKKK ay isang project ng INC at pang 20th na ang ginanap sa Quiapo, at gaganapin pa ito sa marami pang lugar sa bansa pati sa ibang bansa, bago sumapit ang sentenaryo ng Iglesia.

Ang tunay na mga pakitang tao pag tumutulong ay yung ginagawa ng mga politicians na tutulong kunwari pero anlalaki ng mga mukha nila sa mga posters sa event nila. Hindi naman nila pera yon pero yung mga mukha nila andoon kala mo sariling pera nila ginamit. Ang isa pang mga PAKITANG TAO, ay yung mga taong tumutulong sa kapwa pero kapag iba nag organisa ng pagtulong sa kapwa ay SINISIRAAN NILA ITO at ipapamukha ang mga GINAWA NILA sa pamamagitan ng PAGKUKUMPARA.

ILAG ILAG ANG MGA DEPENSOR KATOLIKO ^^ 

Tamaan sapul.


May koneksyon sa PULITIKA?

Nakakatawa talaga tong mga nasa media, lahat na lang ng INC event na ginagawa sa Metro Manila sinasabi nila POLITICALLY MOTIVATED daw. Ano ba yan. Bago pa ang KKKK sa Quiapo meron nang naganap na 19 KKKK sa buong bansa, pinakamalaking bilang ng dumalo sa 19 KKKK na yon eh sa Davao kung saan 2.5 million ang dumagsa, pero hindi man nga lang nila ito binalita sa TV at hindi rin kinonekta sa PULITIKA, pero pag ginaganap sa METRO MANILA mapa maliit na event o malaki, lagi nilang sinasabi may NAIS IPARATING kuno sa gobyerno. Pansin nyo?

Isipin nyo naman, NAPAHIYA NA NGA SILA sa GEM noong Feb. 2012 na ginagap sa Quirino Grand Stand at sa ibat ibang panig ng bansa. Ang report kasi nila SUPORTA DAW kay CORONA pero pahiya sila nung antay sila ng antay sa pag cocover ng pangyayaring iyon pero WALA SILANG NAKITA NA PAGSUPORTA kay Corona o anumang aktibidad na may koneksyon sa pagsuporta kay Corona.

Ngayon naman, ang MEDICAL at DENTAL MISSION plus RELIEF OPERATION plus EVANGELICAL MISSION kinonekta na naman sa PULITIKA. Ano naman kaya ang koneksyon ng pagbubunot ng ngipin, pamimigay ng gamot, at pangangaral ng salita ng Diyos sa PULITIKA? Meron ba? San banda?

Mga TAGA-MEDIA, AYUSIN NYO REPORT NIYO, SAKA KUNG MERON NA NAMAN KAYONG IKOKOWT NA RELIABLE INC INSIDER KUNO, GANDAHAN NYO NAMAN ANG KWENTO NYO. PURO KAYO HULA AT IMBENTO NG BALITA PAG INVOLVE ANG INC.

Eto pa, kapag nakakakita sila ng mga pulitiko sa mga INC event na tulad ng Pamamahayag at eto nga, Kabayan ko Kapatid ko, akala nila nakiki epal lang ang mga iyon at nagpaparamdam sa INC para suportahan sila sa mga susunod na eleksyon. Ang ibig nyo bang sabihin BAWAL SA MGA PULITIKO ANG MAG IGLESIA NI CRISTO? 

Pag meron kasing pangangaral ng salita ng Diyos nag iimbita ang INC ng mga hindi pa kaanib, kahit mapa pulitiko man, artista, kilalang tao o mga opisyal ng ibang relihiyon. MASAMA BANG AKAYIN SILA NA MAKINIG NG DOKTRINA NG IGLESIA?

Kahit ano pa mang rason ang nag udyok sa kanila na tanggapin ang imbitasyon ng INC, kung meron man silang agenda na magpalakas para masuportahan ng INC o kung ano pa man, sila na may problema doon. At hindi porke dumadalo sila sa mga INC event, hindi yun kasiguraduhan na sila ang susuportahan ng Iglesia sa mga susunod na eleksyon dahil maraming proseso ang pagdadaan niyan, hindi yan basta basta na porke may ginawang kabutihan sila sa INC iboboto agad. Hindi ganun yun.




Para sa lahat:

Sa halip na MAGREKLAMO KAYO NG MAGREKLAMO, bakit hindi na lang kayo GUMAWA NG KABUTIHAN at TULUNGAN ANG INYONG KAPWA? Porke ba INC ang nag organisa ng event kailangan BASTUSAN? Kailan nyo pipigilan ang sarili na mainggit sa Iglesia ni Cristo at pipigilin ang sarili magsalita ng mga walang ka sense sense na mga bagay?


September 25, 2013

Kabayan ko, Kapatid ko (updated)



Kabayan Ko, Kapatid Ko (My Countrymen, My Brethren) is a reinvigorated initiative of the present Church Administration to carry out the Church’s two-fold mission of edifying its flock and evangelizing the world. Laying emphasis on the importance of genuine brotherly love in fulfilling the Lord’s work of salvation, it advocates finding commonalities and harnessing them to create opportunities for true spiritual renewal and upliftment.

A salient part of the Kabayan Ko, Kapatid Ko project is conducting humanitarian outreach services, such as relief and health-care missions, through which the members of the Church are able to express love and compassion to their fellowmen by extending help especially in time of need. True love, after all, is best shown in action: “My children, our love should not be just words and talk; it must be true love, which shows itself in action … This is how we know what love is: Christ gave his life for us. We too, then, ought to give our lives for others! If we are rich and see others in need, yet close our hearts against them, how can we claim that we love God?” (I John 3:18, 16-17, TEV).

Helping others has always been a priority of the Iglesia Ni Cristo. Not to be excluded, then, in the Countdown to the Centennial is the Kabayan Ko, Kapatid Ko outreach mission, wherein free medical and dental services will be offered and free medicines and other goodwill items will be distributed to all those in need. 

source: kabayankokapatidko.org  

Kabayan ko, Kapatid ko is a project of the Iglesia ni Cristo (Lingap sa Mamamayan + Grand Evangelical Mission) that offers free medical and dental check up, free medicines, goods and shares the message of salvation. The first KKKK was held last April 2013. Here are the list of Kabayan ko Kapatid ko activities:

2013


April 13  Binondo, Manila -18,500
April 30  Quezon City - 25,000
May 11   Caloocan City - 35,000
May 14   Pampanga - 600,000
May 24   Marikina - 500,000
May 28   Pasay City - 150,000
July 2     Tondo, Manila - 24,000
July 11    Agusan del Sur - 6,000
July 6     Marikina - 500,000
July 26   Cebu City - 600,000
June 28 Tarlac - 1 million
Aug. 3    General Trias, Cavite - 1.1 million
Aug. 10  Sta. Rosa, Laguna - 1.5 million
Aug. 16  Albay - 1.65 million
Aug. 30  Batangas - 1.4 million 

Sep. 14  Bulacan - 2.1 million
Sep. 21  Davao - 2.5 million
Sep. 27  Quezon - 1.1 million
Oct. 5    La Union - 1.4 million
Oct. 8 Paranaque City - 15,000
Oct. 19 California - 21,395 
Oct. 14 Manila - (between 1-3.5 million)
Oct. 26 Pangasinan - 700,000
Oct. 27 Rome, Italy -(thousands)
Dec. 2 Valenzuela City -
Dec. 7 Oxnard, California - 200 guests
Dec. 8 Malaysia -
Dec. 9 Caloocan City - 45,000
Dec. 14 Quezon City - 50,000 
Dec. 14 Seattle, Washington - 7,000

2014

Jan. 11 Mandaluyong -18,000
 


references: inquirer1, inquirer2, inquirer3
, philstar1, philstar2, sfpost.com,
businessmirror1, businessmirror2, kabayankokapatidko.org

The achievement of this newest project of the church not only helps our kababayans through their health needs but also help them in their spiritual needs. KKKK became the instrument so that millions of people can know the true teachings of God. And because of this, with no exaggeration, a million people decided to join the church. I will not tell you the exact figures because you may say we are exaggerating.

For updates and photos, you can visit the official fan page.

Official facebook fanpage: KabayankoKapatidko 

Si "Mr. Pulpol" asar na asar sa inggit

Nakakatawa talaga ang post ni Mr. Pulpol sa kaniyang website, asar na asar siya sa inggit dahil napakadaming tao ang pumunta at natulungan ng Iglesia ni Cristo sa Bulacan. 

Nagsagawa kasi ang Iglesia ni Cristo sa Bulacan ng Kabayan ko, Kapatid ko kung saan tinatayang 2 milyong katao ang dumalo.

Halina't saksihan natin ang panggagalaiti ni Mr. Pulpol (red) at ang aking sagot sa isa na namang pagkakataon na pagpapasiklab ng kaniyang katalinuhan:

Una sa lahat ang ginawa ng mga Manolista sa San Jose del Monte City ng Bulacan ay isang karumal dumal na PAGLAPASTANGAN SA KATAHIMIKAN AT MAAYOS NA PAMUMUHAY NG LUNGSOD.

Una rin sa lahat, ang ginawa ng mga IGLESIA NI CRISTO (Hindi manolista, pulpol nga talaga^^) sa San Jose Del Monte City ay isang napakalaking TULONG sa ating mga kababayan na mga taga Bulacan na nagbigay sa kanila ng LIBRENG health at dental check up, LIBRENG goods, lalo na, ang pinaka-importanteng TULONG sa kanila ay para sa kanilang ESPIRITWAL na pangangailangan.


Ala-sais pa lamang ng umaga ng Sept. 14, 2013 ay inihambalang na nila ang kanilang mga BAYARANG MGA BUS, JEEPS AT MGA VANS sa mga kalsada, kalye at nga lansangan ng San Jose del Monte partikular na ang Sapang Palay. Ang epekto nito ay katakot takot na TRAFFIC at pagkaka-buhol buhol ng mga sasakyan na nagdulot ng buong araw na halos pagtigil ng daloy ng mga sasakyang privado at publico na walang kinalaman sa gawain ng mga Manolista.

Napakalaking perwisyo ang ginawa nila. Imagine, mula Star Mall ng Kaypian Road hanggang barangay Minuyan umaabot sa 3-4 na oras ang tinatagal bago makalusot ang mga sasakyan. Kaya naman ang mga pampasaherong Bus at Jeeps ay minabuting tumigil sa pasada na kinalugi ng maraming drivers at ng kanilang mga pamilya na pawang mahihirap. Nagdusa din ang mga pasahero dahil marami ang minabuting maglakad ng mga 3 o 4 na kilometro sa ulanan para lang makauwi. Halos alas dose na nang madaling araw ng maging normal ang daloy ng trafico. BWISIT AT PERWISYO TALAGA.

Organized talaga ang Iglesia ni Cristo lalo na sa mga event nito, maaga ang preparation, pinagpapanata pa ito ng mga maytungkulin, at may sistema talaga. May sarili ring security team ang Iglesia na kung tawagin ay SCAN, sila ang nangangasiwa sa seguridad at kaayusan. Sa lahat naman ng INC event, laging may mga reklamador na mga tao na kesyo napaka traffic, bakit ganun, bakit ganiyan. Yan ang mga taong walang asenso sa buhay at merong psychological needs.

Bakit kamo?

Wala kasing utak ang mga yon, o baka naman meron nga, hindi naman ginagamit, kung magrereklamo ka at alam mo namang may event na milyon milyon ang lumalahok, obvious naman yon, hindi na kailangan pang ipaliwanag isa-isa, kaya nga tayo nag aaral at binigyan ng utak ng Diyos para gamitin. Hindi matatawag na PERWISYO ang kabayan ko kapatid ko dahil MILYUN MILYON ang natulungan nito.

Ang PERWISYO sa BAYAN ay ang mga KATOLIKONG PULITIKO NA CORRUPT, bilyon bilyon ang kinukuha sa kaban ng BAYAN, isama na rin diyan ang mother of all scams - Ang KATOLIKONG SI JANET NAPOLES! YAN ANG BWISIT AT MGA PERWISYO!
 
Sana naman ay ginamit ng mga organizers ang kanilang mga kukute kung meron man sila nito kasi parang wala silang maayos na pagpaplano ng nasabing gawain. Gusto lang pala nilang mamigay ng 5 kilong bigas at dental service daw e bakit kinakailangan pa nilang hakutin ang mga tao mula sa ibat-ibang lugar? SILA AY KAHAKOT-HAKOT. PARANG PWERSA NG KBL NI MARCOS NUNG MARTIAL LAW NA PARA DUMAMI AY HINAHAKOT ANG MGA TAO BY BUS AND JEEPS MULA SA IBAT IBANG LUGAR. Hindi ba sila nahihiya diyan? Para silang politico kung mamigay ng bigas. 

At sana naman ay GINAGAMIT NG MGA REKLAMADOR ANG KANILANG KUKOTE na ang event ay para sa KAPAKINABANGAN NG KARAMIHAN at hindi sa KAGINHAWAHAN ng IILAN SA TRAFFIC. Hindi ang pakay ng Kabayan ko Kapatid ko ay MAMIGAY LAMANG NG BIGAS, dahil kung ganoon nga lang din, hindi na kailangan pang mag organize ng ganoong event dahil ang gagawin na lang ng Iglesia ay magbabahay bahay para mamigay ng BIGAS. 

Sa tingin ko, hindi nabigyan ng 5 kilong bigas si Mr. Pulpol kaya napakasama ng kaniyang loob. Kung hindi ko pa alam, yun talaga yung point niya simula pa lang ng pagdada niya. hahaha


Hindi totoong galing lang sa Bulacan ang mga taong hinakot nila. May mga na-interview kaming galing pa ng Laguna, Batangas, Pampanga, Isabela, Taguig, Quezon City, Paranaque at iba pa. Ha ha ha… Talagang para lamang mag-anyong marami e lahat ng panghahakot ay ginawa na. Subalit walang pusong inihambalang ang mga sasakyang arkilado nila sa mga lansangan. KUNG NAG-ISIP SILA NG MATINO E DI SANA MAS MINABUTI NILANG ANG MGA BIGAS ANG DAHIL SA MGA CAPILYA NILA AT DUON PAPUNTAHIN ANG MGA TAO PARA TAHIMIK, ORGANIZADO AT HINDI PERWISYO SA TAONG BAYAN. Subalit obvious na ang pangunahing intention bukod sa pamimigay ay SHOWING OFF. Kahit na ang mga plastic nila ng pinamigay na bigas ay parang pang politicong may tatak ng Iglesia ni Cristo. Naku, obvious naman. Garapalan naman iyan. Kailangan pa bang parang asong painan ng bigas ang mga tao para lang dagsain ang pagtitipon ng mga Manolista? Ha ha ha… kahabag-habag. In English: PATHETIC. 

Grabe talaga to si Mr. Pulpol, napaka PATHETIC. Biruin nyo, at talagang NAG INTERVIEW PA TALAGA SILA ng mga DUMALO DAW sa INC EVENT. Nag effort, pumunta pa doon para lang maki tsimis? BRAVO. IKAW NA.

At sino naman ang MANINIWALA sa KAPRANINGAN ng paring ito? Mr. Pulpol, para sa kaalaman mo, isinasagawa ang Kabayan ko Kapatid ko by District. Ang mga distritong involve sa KKKK sa Bulacan ay ang mga distrito ng Bulacan North at Bulacan South. Wala talagang "KUKOTE" (term galing kay Mr. Pupol) itong paring ito, imagine, sa BULACAN ang event tapos sabi nya galing daw ang iba sa BATANGAS, at LAGUNA, as far as ISABELA. Alam ba niya kung gaano kalayo ang mga binanggit niyang lugar sa BULACAN?

Bigyan nyo nga yan ng MAPA!

Sa mga INC event, nag aarkila talaga ang pamamahala ng mga sasakyan para may masakyan ang mga kapatid o mga dadalo doon, at ang binayad ay galing parin sa handog ng mga miyembro. Hindi kasi kami pinapabayaan ng pamamahala, hindi tulad ng iba dyan, kinukurakot ang donasyon ng mga miyembro para magkapera, iniinvest pa sa mga negosyo ng ibat ibang kumpanya sa Pilipinas!

Ka plastikan daw ang pamimigay ng bigas, sus, eh di MAS MALAKING KA PLASTIKAN PALA ANG MGA CATHOLIC CHARITIES AT MGA CATHOLIC HOSPITAL NYO SA BUONG MUNDO! At ang plastik daw ay may tatak ng Iglesia ni Cristo, sus, eh di plastik din ang ibat ibang foundations tulad ng GMA at ABSCBN dahil may tatak nila ang plastik kahit galing lamang yon sa kanilang mga SPONSOR!

Samantalang ang ipinapamigay ng Iglesia ay galing handog ng mga miyembro nito. Napaka plastik talaga ng mga Catholic charities, biruin niyo, ang pinapamudmod nila eh hindi naman galing sa church nila kundi sa mga SPONSOR DIN, at nanghihingi pa ng mga donasyon kahit sa hindi nila kapananampalataya! Hiya-hiya din pag may taym. 


Ikalawa, hindi man lamang nila tinuruan ang mga tao nila na maging malinis. Aba binalasubas ang mga kalsada at pinagtapunan nila ng kanilang mga basura at mga binulukan ng lintek. Ginawang basurahan ang napaka linis na mga Baranggay ng Sapang Palay. Merong iba duon na lang sa tabi tabi imiihi at dumudumi at merong iba na nambubunot ng mga magagandang halaman sa mga gilid ng kabahayan. Tapos nung nagreklamo ang mga residente ang claim nila e hindi naman daw lahat yon ay Catolico. Ha ha ha… Kaawa-awa. 

Naku, GALIT NA GALIT SI MR. PULPOL SA MGA KATOLIKO.

Bakit?

Eh paano ba naman, siguroy nasa 70-80% ng nagpunta doon eh mga hindi INC, karamihan ay KATOLIKO na ayon kay Mr. Pulpol "binalasubas ang mga kalsada at pinagtapunan nila ng kanilang mga basura at mga binulukan ng lintek. Ginawang basurahan ang napaka linis na mga Baranggay ng Sapang Palay. Merong iba duon na lang sa tabi tabi imiihi at dumudumi at merong iba na nambubunot ng mga magagandang halaman sa mga gilid ng kabahayan."

Ito ang katunayan na gawain nila iyon at hindi ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, noong 2012 Nazarene procession:

Trash, not bombs, was "terror" threat faced by street sweepers
For those who cleaned up after the Black Nazarene feast in Manila on Tuesday, the only “terror” they faced came not from bomb-carrying radicals but from tons of garbage left behind by a record eight million devotees.
 
“They’re hopeless,” said a tired Samuel Dueñas of the Manila Department of Public Services (DPS) who is in charge of the cleanup, referring to the participants who litter the streets of Quiapo year after year. 
“They don’t even want to change the procession route. Nothing will ever change,” he said, stressing how devotees have become set in their ways. 
Although augmented by manpower from the Metro Manila Development Agency and National Parks Development Committee, the Manila DPS’ 300 street sweepers and six garbage trucks found it difficult to cope with the workload after Monday’s procession from the Quirino Grandstand to the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, which took 22 hours to wind up. Street sweepers assigned to Plaza Miranda, who were expecting the more than six-kilometer procession to end at 2 a.m. on Tuesday, ended up having to wait until after 6 a.m. to do their work. 
As of noontime on Tuesday, the sweepers, working in shifts, were still hard at work. While the DPS has yet to tally the total trash volume from the almost daylong procession, Dueñas noted that it was worse than last year, and that all six DPS garbage trucks were full. 
Environmental group EcoWaste Coalition, which helped in the cleanup, said it was “appalled” by the littering despite repeated appeals for the devotees to clean up. Coalition president Roy Alvarez called it a “massive violation of the antilittering provisions of Republic Act 9003, the Ecological Solid Waste Management Act, and relevant city and barangay ordinances.” 
“It is totally unacceptable to ‘suspend’ the enforcement of the antilittering law in the name of devotion. In fact, littering does not in any way exalt the Black Nazarene whom many Filipinos implore to grant fervent prayers for good health and other blessings,” said Tin Vergara, Zero Waste campaigner. 
EcoWaste, however, found hope in those who helped in the immediate cleanup at Quirino Grandstand, including church workers and student volunteers. 
source: inquirer.net

Ano ngayon, NGA NGA.

Paglilinaw: Hindi po kami galit sa mga katolikong nagpunta sa event na iyon dahil napakalaking kagalakan po na paunlakan ang mga paanyaya naming mga Iglesia ni Cristo. Yun nga lang po, ginawang issue ng isang Paring Katoliko ito at isinisisi sa Iglesia ni Cristo. Sanay maunawaan ninyo.


Ikatlo, kalat ang usap-usapan ng mga taga San Jose na kaya tumaas ang presyo ng bigas sa buong Pilipinas ay dahil sa patagong pamamakyaw ng Iglesia ni Manalo para sa kanilang Show Off distribution activities. Ang tawag nila sa activity nila ay EVANGELICAL MISSION subalit ang lumalabas ito ay SHOW OFF DISTRIBUTION DE KONSUMISYON. 

Imbes na magmalaki at magmagaling dapat humingi ng tawad sa buong bayan ang mga Manolistang Pulpol sa perwisyong dulot nila at aming dalangin na sana tumalas ang kanilang isip para makapagbigay ng SHOW OFF DISTRIBUTION NADA KONSUMISYON. Hindi sapat ang intention na mamigay ng bigas kung pahihirapan naman ang buong bayan. KUNG TUTULONG DAPAT PAGAAN HINDI PABIGAT.

Paano naman nila malalaman ang usap usapan sa San Jose unless TAGA DOON SILA? At kung taga doon nga itong mga to, pakiramdam ko sila may pakana noon, yon kasi ang gawain nila, ang SIRAAN LAHAT NG INC EVENT. Kung mapapansin nyo, lahat ng event ng INC lalo na yung malalaking pagtitipon ay sinisiraan ng mga Katolikong pari, apologists at mga myembro. Sumasabog sa inggit ang kanilang nararamdaman dahil nasasaksihan nila na NADADAIG SILA ng Iglesia ni Cristo. Kaya sa lahat, sa mga maintindihing mga kapatid, intindihin na lang po natin sila. Di lang talaga nila matiis gumawa ng masama dahil yun ang gawain ng kailang AMA:

"Kayo ay sa inyong ama, ang diyablo. Ang mga masasamang hangarin ng inyong ama ang nais ninyong gawin. Siya ay mamamatay-tao buhat pa nang pasimula. Siya ay hindi nananatili sa katotohanan sapagkat walang katotohanan sa kaniya. Kapag siya ay nagsasalita ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa ganang kaniya. Siya ay sinungaling at ama ng kasinungalingan." Juan 8:44

DAPAT HUMINGI MULI NG TAWAD ANG IGLESIA KATOLIKA sa LAHAT NG TAONG INABUSO NITO. Mula sa mga nirape ng pari, sa mga korup na catholic officials at mga miyembro nito, sa mga pinatay nila noong Inquisition, sa mga pwersahan nilang pinakomberte sa Iglesia Katolika at sa iba pa nilang karumal dumal na mga gawain.


Ginawa na dati iyan sa Luneta. Wala pa silang one million, aalog alog sila sa Luneta subalit grabe ang traffic kasi hinambalang ang mga bus nila sa mga kalsada. Ang hina sa planning. Then, gusto pala nila ng one or two million people e bakit sa napakaliit na lugar ginanap? Dapat sa Luneta para kahit magpagulong gulong sila e kasya. Ayaw ilagay sa Luneta kasi makikita ng lahat na konte lang sila. Actually, imposibleng umabot sila sa bilang na isang milyon diyan sa Gil Puyat Golf Course. Mahina lang ang 20,000 diyan ang inabot ng KAHAKOT HAKOT PARA SHOW OFF DISTRIBUTION DE KONSUMISYON. 


Ang aming payo ay WAG HALUAN NG HALUSINASYON ANG DISTRIBUTION. WAG MANGARAP NG ONE MILLION OR TWO MILLION KUNO ANG BILANG KUNG HINDI NAMAN. DAHIL OBVIOUS NAMAN NA KONTING KONTI. DAHIL SA MGA NAKAHAMBALANG NA BUS ANG TRAFFIC AT HINDI DAHIL SA DAMI NG BILANG NG TAO NA KONTIL LANG. 

Wala pang isinasagawang KKKK sa LUNETA Mr. Pulpol, baka ang sinasabi mo ay ang GEM sa LUNETA na dinaluhan lamang ng ilang mga distrito at halos lahat ng mga dumalo ay DI KAANIB. Anong mahina sa planning, planado nga ang ginawa doon, kaya nga maraming venues sa buong bansa isinagawa ang GEM at hindi sa LUNETA lamang dahil malaking kaguluhan talaga sa Maynila ang mangyayari noon, imagine, buong INC members sa buong Pilipinas  kasama ang kanilang akay pupunta sa LUNETA.

Wala talagang KUKOTE eto si Mr. Pulpol, dapat daw sa LUNETA ginawa, eh yung sa Bulacan nga 2 million ang dumalo, at noong GEM naman sa LUNETA sabi ng pulis 600,000 ang dumalo. 600,000 nga lang paralisado na ang buong Maynila, paano pa kung 2 million, baka naman abutin ng Bulacan ang pila ng mga sasakyan nyan. haha

Ang aking PAYO MR. PULPOL, wag nyong HALUAN NG HALUSINASYON ang paggawa nyo ng article, INTERVIEW? Sino ininterview nyo, mga asot pusang pagala gala sa Kabayan ko Kapatid ko sa Bulacan? hahaha Inggit na naman, hindi namin kailangan palakihin ang figures, hindi kami tulad nyo noong nagrally kayo sa EDSA tungkol sa rh bill noong Aug. 4, 2012 na sabi ng media 10,000 or below lang pero ginawa nyong issue, pinipilit nyo na 60,000 ang bilang ng dumalo ayos ah. hahaha


Yun lang.

Sa dami niyang sinabi, meron pa siyang nalalaman na YUN LANG. hahaha komedyante talaga itong si Mr. Pulpol. Hayaan mo, kung mababasa mo to Mr. Pulpol, ang advice ko, makipila ka rin sa Kabayan ko Kapatid ko, magsama ka para hindi lang 5 kilong bigas ang makuha mo. Alam ko naman yun lang talaga ang hinanakit mo eh. hehehe


Saka isa pa, kung maiingit ka lang din, wag naman OBVIOUS, wag mong ipapahalata kasi nakakatawa na nakakaawa ka lang. Biruin mo, sa halip na magpasalamat dahil nabigyan ng tulong ang mga kapwa niya katoliko, hetot sinisiraan at ginagawan pa ng kwento galing sa lolo niya.

Asar na asar sa inggit si Mr. Pulpol dahil itong kinukutya kutya niyang Iglesia na ayon sa kanila ay napakonti ng miyembro ay nakakatulong sa  MILYUN MILYUN NATING MGA KABABAYAN. Samantalang ang Catholic Church, na BILYON ANG MIYEMBRO, hindi man lang makagawa ng tulad nito.

Makigaya nga ako.

YUN LAAAAANG.