"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

April 28, 2014

Negosyo ba ng Iglesia ni Cristo ang "Ciudad de Victoria"?

Sa totoo lang sobrang nakakasawa na sumagot ng paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit sa isyung kesyo negosyo daw ng mga "Manalo" ang Iglesia ni Cristo, o kaya naman negosyo daw ng Iglesia ni Cristo ang mga paaralan nito, hospital at ang pinakahuli nga ay ang itinatayong mga imprastraktura sa Ciudad de Victoria sa Bulacan.

Bakit kaya hindi sila nagsasawa sa paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit na akusasyon nilang yon? Mga lolot lola nila, yun na atake sa INC pati ba naman yung mga sumunod na henerasyon ganun pa rin? Bakit pag yung Iglesia nila di nila tinitignan kung may mga negosyo ba ito o wala? Pero sa INC kung makapagsabi sila na kesyo NEGOSYO daw eh ganun ganun nalang?

Kung itong mga taong ito ay nag aral sa college, malamang di nila aatakihin ang INC ng ganoon. Dahil kung management ang course nila nandun ang subject na may kaugnayan sa salitang "BUSINESS".

At pag may BUSINESS, may trade na nagaganap na maaaring may services o goods na may PROFIT. Halos lahat ng business ay ginawa FOR PROFIT. 

Ang Philippine Arena, Philippine Stadium, Philippine Sports Center, EGM Medical Center at iba pang itatayo sa Ciudad de Victoria ay hindi ginawa FOR PROFIT.

Isa na to oh, ebidensya:

"The Philippine Arena owners have given the contractors to wind up the project by 2014, in time for the centennial celebration in July of the Iglesia ni Cristo, which commands tremendous followers not only here but also with members from around the world.
“The Arena,” stressed my source, “is being built not to make a profit. In fact, it is not even commercialized nor aimed at making money.” 
source: inquirer.net

Kahit nga ang New Era University ay non profit educational institution eh.

Hindi ginawa ang mga ito para maging NEGOSYO, oo maaaring kumikita ito pero hindi para TUMUBO. Ang mga kinikita ng mga paaralan, hospital at eto ngang ginagawang arena at sports complex ay mapupunta sa sweldo ng mga empleyado doon at sa maintenance ng mga gusali. Hindi ito isinasama sa HANDOG ng mga miyembro ng INC na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusaling sambahan.

Kung kumikita ang New Era General Hospital ang perang yon ay para doon lang, ganun din sa iba pa.

Kaya ginawa ang Arena ay para may magamit ang INC para sa mga malalaking pagtitipon nito, at kaya ginawa ang sports complex ay para sa UNITY GAMES na isinasagawa sa loob ng Iglesia.

Kung ang layunin lang ng mga ito ay para KUMITA at maging NEGOSYO ng INC, sana noon pa, dating dati pa eh marami ng naipatayong mga "business establishments" dahil marami namang pera, sana pala ay dito nalang ito ginasta at hindi sa milyon milyong halaga ng mga kapilya namin.

Kaso hindi eh, kung may ipinapatayong mga imprastraktura, itoy para magamit at mapakinabangan ng Iglesia ni Cristo. 

Ngayon, kung meron mang mga itatayong hotel, restaurants o mga commercial establishments sa loob ng Ciudad de Victoria, ito ay dahil kailangan ito ng mga taong pupunta doon, kailangan ito ng mga bibisita. Kung natatandaan nyo, dahil hindi madamot ang INC, ipapagamit ito sa iba. 

Kung kayat itoy magiging TOURIST DESTINATION na, kaya ang usapin dito ay hindi na RELIHIYON kundi TOURISM.

Kapag may TOURIST, kasabay niyan ang salitang BUSINESS. At ang mga BUSINESS na itatayo doon tulad ng mga nabanggit ay hindi na sa Iglesia ni Cristo kundi sa private sector na.   

Masakit man sa pandinig pero mga hindi edukado lamang po na mga tao ang magsasabi na ginawang NEGOSYO ng INC ang Ciudad de Victoria porke may mga "business establishments" doon, dapat silang mag aral ng TOURISM o kaya ay HRM para magets nila kung para saan ang mga yon.. 

Imaginin nalang kung ang Araneta Coliseum ay nakatayo sa isang probinsya at kabukiran, walang mga kainan o anuman, kung natapos na ang event sa venue anong gagawin nila, NGA NGA lang? 

Ipapa-alala ko lang, WORLD CLASS po ang ARENA, meron ding SPORTS COMPLEX, may mga isasagawa ditong local at international events, kelangan ng makakainan, accommodation at iba pa. NEEDS yon ng tao, at hindi yon nilagay don para maging "negosyo" ng INC. 

Hindi rin IGLESIA NI CRISTO ang nagmamay ari nito kundi ang LEGAL OWNER ay ang NEW ERA UNIVERSITY. Hindi kasi dapat madamay ang relihiyon sa pagpapatakbo nito dahil malayong usapin ito.

Ang PHILIPPINE ARENA ay hindi lang po para sa INC, makikinabang dito ang local government, local community at lalo na ang buong bansa. Wag sana tayong maging ALIMANGO, usong uso pa man din satin yang mga pinoy. Porke INC ang may proyekto nito babastusin at pag iisipan agad ng masama?

Pero pag Jesus is Lord, o kaya El Shaddai o kaya Catholic Church ang may gawa okay lang? Bakit ganon? Anong meron? Asar sa tagumpay ng INC?


Mulit muli, hindi po namin ipinagmamayabang itong mga bagay na ito, PROUD lang kami. Sasabihin ko ulit, HINDI GINAWA ang mga pasilidad na ito para sa layuning TUMUBO o MAGING NEGOSYO. Pero kung ipipilit nyo wala na kaming magagawa diyan.

At kahit naman ata sabihin kong hindi ito negosyo, hindi pa rin naman sila matitinag sa pagpapakalat ng kasinungalingan. Dito po natin makikita na silay hindi tunay na mga sa Diyos, dahil hindi gawain ng mga tunay na Kristyano ang mangloko ng kapwa at magpakalat ng kasinungalingan.
 

April 27, 2014

Ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo


Dito sa post  na ito ay ilalahad ko ang summary ng ang mga aral at paniniwala sa Iglesia ni Cristo. Kung gusto nyong maipaliwanag sa inyo ang mga ito, maaari po kayong pumunta sa pinaka malapit na lokal at ang mga katanungan nyo ay sasagutin ng aming mga ministro at manggagawa.


Bakit pa kailangan pumunta sa lokal at sa ministro, bakit hindi na lang dito?

Dahil sila po ang may karapatan at may tungkulin na mangaral at hindi po kaming mga miyembro. Kami po ay nagbabahagi lang ng kaalaman.

Narito po:

1. Ang basehan ng mga aral ng INC ay ang BIBLIYA. Dito nakasulat ang mga salita ng Diyos. Hindi kami sumusunod sa mga kredo.

2. Naniniwala kami sa iisang Diyos, ang Ama. Hindi kami naniniwala sa Trinity.

3. Naniniwala kaming hindi Diyos si Kristo. Siya ay TAO, ngunit hindi ordinaryong tao na katulad natin. Siya ay Panginoon, tagapaglitas, tagapamagitan, anak ng Diyos, at ang nagtayo ng Iglesia.  Sinasamba namin siya ayon sa utos ng Diyos.

4. Naniniwala kaming ang pag anib sa tunay na Iglesia ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami naniniwala na sapat na ang pananampalataya lamang upang maligtas.

5. Naniniwala kaming ang bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ay kailangan sa pagtamo ng kaligtasan. Hindi kami nagsasagawa ng bautismo sa sanggol.

6. Naniniwala kaming nagtayo si Kristo ng IISANG IGLESIA lamang. Hindi kami naniniwala na ang lahat ng Iglesiang nakatatag ngayon sa mundo ay tunay at mga kay Kristo.

 7. Naniniwala kami na ang Iglesiang itinayo ni Kristo noong unang siglo ay ang Iglesia ni Cristo. Iyon ang pangalan ng kanyang Iglesia at ang ililigtas niya pagdating ng araw ng paghuhukom, sapagkat ito ay ang kanyang katawan. Lahat ng tao ay kailangan umanib sa Iglesia upang maligtas.

8. Naniniwala kami na ang Iglesia na natatag noong unang siglo ay natalikod. Ito ang kilala ng marami ngayon sa pangalang Iglesia Katolika Apostolika Romana.

9. Naniniwala kaming si Kapatid na Felix Manalo ay sugo ng Diyos sa mga huling araw. Siya ang instrumento sa pagtatayong muli ng Iglesiang natalikod. Hindi namin siya kinikilala bilang FOUNDER ng Iglesia.

10. Naniniwala kami na ang katuparan ng hula sa bibliya kung saan at kailan lilitaw muli ang Iglesia ni Cristo ay sa Pilipinas (na nasa malayong silangan),noong July 27, 1914 (simula ng unang Digmaang Pandaigdig).

11. Naniniwala kami na hindi sapat na miyembro ka lamang ng Iglesia para maligtas. Kailangan ang pagbabagong buhay at pagsunod sa utos ng Diyos hanggang kamatayan.




12. Naniniwala kami na ang araw ng paghuhukom ay magaganap sa ikalawang pagparito ni Kristo. Naniniwala kami sa pagkabuhay na mag uli.

13. Naniniwala kami sa ikalawang kamatayan, ito ay sa dagat-dagatang apoy.

14. Naniniwala kami na ang pagdalo sa mga pagsamba at ang pag-aabuloy ay aming obligasyon.

15. Hindi kami nagsasagawa ng 10% tithing. Naghahandog kami ayon sa dikta ng aming puso.

16. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang pag-iibigang magkakapatid. Tinatrato namin ang isat-isa sa loob ng Iglesia na pantay-pantay. 

17. Naniniwala kami na aral ng Diyos ang PAGKAKAISA at hindi dapat magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng Iglesia. Kami ay bumoboto rin bilang ISA tuwing eleksyon.

18. Naniniwala kami sa separation of Church and State. Ang bawat miyembro ay inaasahang susunod sa mga alituntunin at batas ng gobyerno.

19. Isinasagawa namin ang disiplina at kaayusan.

20. Naniniwala kami na labag sa utos ng Diyos ang pagkain ng dugo, live-in, pakikipagrelasyon sa di kapananampalataya, pag aasawa sa di kapananampalataya,  pakikipagrelasyon sa kapwa babae/lalake, same sex marriage, divorce, annulment, legal separation, pakikiapid, pre-marital sex, pagkalulong sa alak, sugal at droga.

21. Hindi kami naniniwala sa mga santo ng Iglesia Katolika. Wala kaming mga rebulto o imahen ng mga santo sa aming bahay at kapilya. Hindi rin kami naniniwala sa mga milagrong diumanoy nagagawa nito.

22. Hindi kami naniniwala na si Maria ay ang ina ng Diyos. Hindi namin siya tagapamagitan sa Ama.


23. Hindi kami naniniwala sa purgatoryo at hindi namin ipinanalangin ang mga patay.

24. Naniniwala kaming hindi dapat kine-cremate ang patay.

25. Hindi kami naniniwala sa mga multo, feng shui, magic, at pamahiin.

26. Hindi kami nagdidiwang ng Pasko, Halloween, Araw ng mga patay, Valentines Day, Mahal na araw, at mga fiesta na para sa mga santo o patron. Hindi rin kami sumasali sa Flores de Mayo/Santacruzan/Sagala at nakikikain sa fiesta na alay para sa mga patron.

27. Hindi totoo na kami ay pinagbabawalan ng mga ministro na magbasa ng bibliya. Hindi kami nagsasagawa ng private interpretation ng bibliya.

28. Naniniwala kami na ang mga ministro ay ang mga may karapatan na mangaral ng salita ng Diyos. Kaming mga miyembro ay hindi nangangaral.

29. Isa sa mga tungkulin namin ay ang pag-aakay o pagmimisyon. 

30. Lahat ng miyembro ay inaasahang marunong manalangin. Hindi kami gumagamit ng rosaryo at hindi kami nananalangin ng inuulit-ulit. Hindi rin kami nagsisign of the cross.

31. Naniniwala kami na marapat lamang na sumunod at magpasakop sa pamamahala at mga maytungkulin sa Iglesia.

32. Ang Iglesia ni Cristo ay sumusuporta sa family planning at paggamit ng contraceptives ngunit hindi ang aborsyon.


Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay:

1. Hindi sumasali sa mga unyon, fraternity at sorority. 

2. Hindi nakikisama sa pagsasayaw sa bar, J.S prom at cotillion.

3. Umiiwas na dumalo sa Christmas Party, pagsamba sa ibang relihiyon, at iba pang pagkakatipon na hindi naaayon sa aral ng Iglesia ni Cristo.

4. Hindi nakikigaya sa mga gawaing pang sanlibutan.

5. Nagbabagong buhay at sumusunod sa mga aral sa loob ng Iglesia.

6. Masigla sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad sa Iglesia.

7. Hindi nagmumura at hindi nagsasabi ng di magagandang salita. 

8. Isinasagawa ang kaayusan sa sarili sa pagdalo ng pagsamba.
- Hindi nagpapalagay ng tattoo sa katawan.
- Hindi nagpapakulay ng buhok na kaiba sa orihinal nitong kulay.
- Hindi nagsusuot ng shades at sumbrero  
- Hindi nagsusuot ng rubber shoes, maong, shorts, tsinelas, tshirt, etc.  

Sa lalaki:
- Polo/long sleeves/Amerikana, Slacks, black shoes etc.
- Hindi mahaba ang buhok, at maayos
- Hindi nagsusuot ng earrings


Sa babae:
- Blouse/Paldang hanggang tuhod etc.
- Hindi nagsusuot ng maiikling palda, sleeveless, backless, tube etc.

Ang importante: Nasa kaayusan ang itsura at angkop ang pananamit sa panahon ng pagsamba.

April 8, 2014

Masaganang pagbubunga

Ang proyektong "Masaganang pagbubunga" ay inilunsad ng tagapamahalang pangkalahatan para sa puspusang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos. Ito ay para sa taong 2014-2016 at lahat ng myembro may tungkulin man o wala ay inaasahang makikiisa sa proyektong ito. Kaya para sa lahat ng di pa kaanib ng Iglesia ni Cristo, huwag na po tayong magtataka kung mas lalong dumalas ang mga isinasagawang PAMAMAHAYAG ng Iglesia sa buong mundo lalo nat nalalapit na ang SENTENARYO sa Hulyo 27.


Sa pamamagitan ng KABAYAN KO KAPATID KO ay nadagdagan ng doble ang mga umaanib at nababautismuhan sa Iglesia ni Cristo. Naging tulay kasi ang programang ito upang makilala at marinig ng mas maraming tao ang mga aral ng Iglesia.

Kamakailan lang ay matagumpay na naisagawa sa Commonwealth sa Quezon City ang malaking pamamahayag na dinaluhan ng mga nasa Distrito ng Central at Quezon City kung saan higit 150,000 na katao ang dumalo at karamihan ay hindi pa miyembro ng INC.



Matagumpay din ang isinagawang kauna unahang pamamahayag sa PHILIPPINE ARENA sa Bulacan.



Para sa mga di pa kaanib ng Iglesia, bigyan nyo po sana ng chance na mapakinggan ang aming aral, hindi naman ito sapilitan, sapat na yung makapakinig kayo at kayo na bahala. Diyos naman ang tatawag sa mga magbabalik loob sa kaniya.

Para sa mga myembro, wag po sana tayong magsawa na mag akay, nalalapit na ang araw ng Panginoon, ITANYAG ANG PAGLILIGTAS! :)

Philippine Arena and Philippine Sports Complex April 2014 UPDATE

PHILIPPINE ARENA





















PHILIPPINE SPORTS COMPLEX













Credits to the original owners of these photos ^^
Photos posted here are with permission to the owners.